I Married The Beggar Everyone Laughed At

I Married The Beggar Everyone Laughed At

last updateLast Updated : 2026-10-21
By:  BelleNocturneUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
8Chapters
17views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Five years after disappearing to build a life of her own, Wendy Ching finally returned to fulfill the promise she had made to the man she had loved for years. But on what was supposed to be the happiest day of her life, her wedding turned into the greatest humiliation she had ever faced. Instead of marrying her, her fiancé publicly introduced another woman as the one he truly loved. Mocked by the guests, betrayed by the man she trusted. Abandoned by the very family that should have protected her. Yet Wendy refused to cry. Instead, she made a promise that stunned everyone. "I'll marry the man who's willing to marry me... right here, right now." The entire venue burst into laughter. Until a ragged man holding half a piece of bread slowly raised his hand. "I'll marry you." Without hesitation, Wendy married the beggar everyone despised. What no one knew... The man they laughed at was actually Gavin P. Chavez—one of the most powerful billionaires in the world, hiding behind a filthy disguise. Gavin thought his hidden identity was the biggest secret in their marriage. But what if... The woman he married was hiding an even darker secret? A secret powerful enough to destroy every person who had ever betrayed her. When the truth finally comes out... who will be the one begging for mercy?

View More

Chapter 1

Prologue :

Sunod-sunod na bumukas ang mga ilaw sa pribadong runway habang unti-unting bumabagal ang pagtakbo ng isang puting private jet.

Sa labas pa lamang ng paliparan, mahigpit na ang seguridad.

Nakahilera ang mga military personnel, presidential security, at convoy ng mga itim na SUV. Ilang metro pa lang ang pagitan ng media ay agad na silang pinipigilan ng mga awtoridad. Halos hindi magkamayaw ang mga reporter habang nagtataas ng mga camera.

"She's here!"

"Open the cameras!"

"She's finally back!"

Sunod-sunod ang pag-flash ng mga ilaw.

Maraming gustong makakuha ng unang litrato ng babaeng ilang taon ding naging laman ng international business magazines ngunit ni minsan ay hindi nagbigay ng eksklusibong panayam.

Dahan-dahang bumukas ang p***o ng private jet.

Unang bumaba ang dalawang lalaking nakasuot ng itim na suit. Sinundan sila ng apat pang bodyguards na mabilis na pumuwesto sa magkabilang gilid ng hagdan.

Tumigil ang buong paligid. Maging ang ingay ng mga reporter ay tila nabawasan.

At saka siya lumitaw, nakasuot ng simpleng puting summer dress na sumasabay sa ihip ng hangin.

Black high-heeled shoes.

Isang eleganteng puting Valentino beach hat.

Malalaking sunglasses na halos natatakpan ang kalahati ng kanyang mukha.

Hindi niya kailangang magsuot ng mamahaling alahas upang magmukhang makapangyarihan.

Ang presensya pa lamang niya ay sapat nang magpatahimik sa paligid.

Maingat siyang bumaba ng hagdan, kalmado

Walang pagmamadali, walang bakas ng kayabangan.

Ngunit bawat hakbang niya ay may kasamang kakaibang awtoridad, paglapag niya sa runway, sabay-sabay na yumuko ang mga taong naghihintay.

Mga opisyal.

Mga negosyante.

Mga kinatawan ng iba't ibang ahensya.

At maging ang ilang matataas na opisyal ng pamahalaan.

"Welcome back, Ms. Haraya."

"Congratulations on your remarkable achievements."

"We're honored to welcome you home."

Isa-isa silang nakipagkamay.

Bilang pagkilala sa mga pandaigdigang tagumpay na naidulot niya sa larangan ng negosyo, teknolohiya, at pamumuhunan, personal na ipinadala ng pamahalaan ang mga kinatawan nito upang salubungin siya.

Patuloy ang walang tigil na pag-flash ng mga camera.

"Ma'am Haraya!"

"Ma'am! Is it true you're planning to invest locally?"

"Can you give us a statement?"

"Are you staying for good?"

"What's your next project?"

Sunod-sunod ang tanong.

Ngunit ni isang beses ay hindi siya huminto. Hindi rin siya lumingon. Tahimik lamang siyang nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi dahil sa pagmamataas.

Kundi dahil matagal na niyang natutunan na hindi lahat ng tanong ay kailangang sagutin.

Huminto siya nang lumapit ang isang babaeng nasa kalagitnaan ng twenties, nakasuot ng cream-colored corporate suit at may hawak na tablet.

"Welcome home, Ma'am."

Bahagya siyang ngumiti.

"Sarah."

Halos lumiwanag ang mukha ng babae.

"It's good to see you again."

Kasunod nito ay lumapit ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng itim na suit.

"Everything is secured, Ma'am."

Tumango siya. "Good work."

Mabilis na binuksan ng bodyguard ang p***o ng pinakaharap na SUV. Bago siya tuluyang sumakay, bahagya siyang lumingon sa malawak na kalangitan.

Limang taon.

Limang taon siyang nawala.

Limang taon niyang piniling manahimik.

Limang taon niyang itinago ang bawat sugat, bawat luha, at bawat pangarap na minsang ipinagkait sa kanya.

Ngayon, bumalik siya. Hindi para ipagmayabang ang lahat ng narating niya. Hindi para ipakita kung gaano na siya kayaman.

At lalong hindi para maghiganti nang basta-basta, may dahilan ang bawat hakbang niya, may plano ang bawat pagbabalik.

Tahimik na umandar ang convoy.

Isa-isang bumukas ang mga daan habang mabilis na binabaybay ng mga sasakyan ang malalawak na kalsada.

Makalipas ang ilang sandali, huminto ang convoy sa harap ng isang malaking gate. Hindi ito ang marangyang gusaling inaasahan ng marami.

Ito ang bahay na minsang naging tahanan niya.

Ang bahay na iniwan niya limang taon na ang nakalipas.

Bumaba siya ng sasakyan. Ilang segundo niyang tinitigan ang pamilyar na lugar.

Maraming alaalang bumalik, maraming sakit.

Maraming tanong na naghihintay ng kasagutan.

Huminga siya nang marahan. Unti-unting umangat ang sulok ng kanyang labi.

"Home at last."

At sa pagkakataong ito,

Hindi na siya ang babaeng umalis nang walang laban, maninigil siya ng pautang.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

KimAthena
KimAthena
Recommended ...
2026-10-20 23:13:32
1
0
8 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status