Ang tanging mahalaga nalang ngayon ay dapat ko na 'yong kalimutan. At umaktong parang walang nangyari, para sa ikatatahimik ko at ni Reigan the weirdo.
Oo nga pala, nasa'n na kaya si Steven? Bigla ko siyang namiss...Bakit 'di nalang kasi siya? Naku naman!1 month later. . .Nagising ako nang pakiramdam ko ay parang may umiikot na kung ano sa sikmura ko. Agad akong napadilat at napatakbo sa CR saka napasuka. Nakahawak ako sa tiyan ko habang sumusuka ng parang tubig lang.Nang maramdamang tapos na ay naghilamos at nagmumog na ako. Nanghihina akong napabalik sa kama at napaupo.
Bakit naman ako nagsuka?Sa pagkakaalam ko ay sushi lang naman ang kinain ko kahapon. Tanging sushi lang, dahil one meal a day na kasi ako kasi parang tumataba na ako.
Hindi pupwedeng mangyar"No, I'm not pregnant." Pangungumbinsi ko sa sarili ko. Mabilis na 'kong umalis sa lugar na 'yon kanina at kasalukuyan ako ngayong nasa isang coffee shop naman. Ayoko pa kasing pumasok, sobrang aga pa. Saglit akong napatingin sa tiyan ko at biglang napailing. No, hindi nga ako buntis. At hindi rin ako pwedeng mabuntis, bw*sit naman kasi ang Reigan na 'yon.Bakit hindi ko manlang natanong kung gumamit siya ng proteksyon bago namin ginawa 'yon? Hay, ang sakit sa ulo!Hindi talaga ako pwedeng mabuntis, swear. Sirang sira na nga 'ko, pihadong madudurog na 'ko kapag totoo ngang buntis ako. For f*ck's sake, I'm just 19 years old, and I am too young for this! I never planned this, at kailanman ay hindi sumagi sa isip ko na maging ganito. And this is also why
"Okay ka lang ba? Namumutla ka," Kalmado niyang sabi. Bahagya naman akong napaatras, nanginginig ang mga kamay ko na inalis ang kamay niya sa mukha ko at nilagpasan siya. Bakit mayroong parte sa 'kin na takot na malaman niyang buntis ako? Ay t*ngina-s-siya nga pala ang ama! Pero hindi, ayoko, hindi niya pwedeng malaman. Ayoko sa kaniya, no. Never!"Uy, Miss Amor—" Tumakbo na 'ko paakyat. Ba't ba nasa Business Administration building siya? 'Di ba Engineering siya? Malalaki ang hakbang ko papunta sa room nina Alicia. Walang habas akong pumasok do'n dahilan para mapatingin sa 'kin ang lahat ng mga estudyante. Buti nalang at walang professor. "Nasaan sina Dianne at Rosenda?!" Tanong ko sa kanila. I was pertaining to the two st*pid girls na alipores ni Alicia. Hindi ko mapigilang kabahan, hindi naman ako slow, alam ko ang gagawin nila sa pictur
I decided to go home. Nagpasundo nalang ako sa driver ko near 7 eleven na malapit sa school. Nang makauwi ay nagdire-diretso na lang ako kwarto. I can't help myself but to cry. Sanay na 'ko sa mga panghuhusga nila pero, sumosobra na. This is too much for me, tao rin naman ako. Marunong din akong masaktan. And I can't stop myself from blaming him and this child inside my womb. Sila ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon. Kung alam ko lang na mangyayari 'yong gabing 'yon, sana ay hindi nalang ako tumuloy. Sana ay hindi nalang ako nagpadala sa kaniya. Sana ay pwede ko pang maibalik ang oras. Sana ay mas naging maingat nalang ako sa sarili ko, o mas piniling h'wag nalang pumunta. Hinayaan kong lumuha ako nang lumuha. Okay lang, wala namang makakakita sa 'kin dito sa kwarto.
Pipilitin kong umahon, kahit na wala akong kahit ano. Nangangako ako sa sarili ko na makakaahon akong muli sa pagkalugmok ko. Sandali ko pang hinaplos ng hinlalaki ko ang pendant ng kwintas at papasok na sana sa Pawnshop nang biglang may tumakbo sa 'king isang lalaki at marahas na hinablot ang kwintas. Tumalsik ako sa pader at napadamba ako ro'n. Naramdaman ko ang biglaang pagkirot ng puson ko nang tumama ang likod ko sa pader at pagkahilo ko, bago ko pa maipikit ang mga mata ko ay narinig ko pa ang pagsisigawan ng mga taong naroon sa paligid sa gulat at ang lalaking tumatakbo palayo habang tangay ang kwintas ko. MARAHAN kong naidilat ang mga mata ko nang maramdaman ang maiinit na kung anong humahaplos sa tiyan ko. Bumungad sa 'kin ang pulos kulay puting lugar. Nasaan ako? Hindi ako makagalaw ngunit nagagawa ko nang igala ang paningin ko, nang makita ko ang dextrose sa tabi ko
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang totoo. Lumipas na ang maghapon, sa totoo lang ay ligong ligo na 'ko, pero hindi ako nagrereklamo dahil kapag sinabi niyang ikukuha niya 'ko ng damit sa mansion, malalaman niyang wala na talaga akong uuwian. Kasi naman, eh... A-Ayokong sumama sa kaniya, a-ayokong umuwi sa bahay niya. Atsaka... Ah-basta! "Kain ka na oh, sorry ngayon lang. Nagpaalam pa kasi ako sa foreman namin," Napalingon ako sa pumasok sa private room ko dito sa hospital, kung nagtatanong kayo kung sino ang nagbayad kaya ako nakapunta dito. Siyempre-hindi siya, kung hindi si Damon. Pero nagpaalam na ito kanina pa na aalis na dahil marami rin daw siyang ginagawa. Naka-long sleeves siya na kulay puti, parang nagliliwanag tuloy ang damit niya. Moreno kasi siya. At kupas na maong shorts na abot hanggang tuhod niya. Ibinaba niya ang supot ng pagkain mu
"P-Pasensya na, n-naka-stock na kasi 'yan sa barra-bahay ko, s-sorry..." Paumanhin niya. "Pwede bang h'wag ka nang mautal? Para kang bata, hindi naman ako nangangain, 'no." Sabi ko. Muli kaming nagkatitigan. Napalunok naman siya at napaiwas ng tingin. Anong meron sa mga sinasabi ko-p*cha, ang grin minded naman ng isang 'to. Ni-hindi nga sumagi sa isip ko ang iniisip niya kaya siya napatigil. "I mean, hindi naman kita aanuhin-ah, basta. H'wag ka nalang mautal, okay?" Muntik pa 'kong mapagulo sa buhok. "A-Ah, o-okay-ibig kong sabihin... Okay," Pag-ayos niya. Tumango ako at nagpanggap na nagbabasa nalang. Shit, mas mabo-bored pa ata ako nito. "KANINA pa tayo paikot-ikot, h-hindi ba tayo naliligaw?" Tanong ni Reigan. Napatigil naman ako, sh*t. Paano na 'to? Kanina pa kaming alas-siete nakalabas
"Saan tayo pupunta?" Mahina kong tanong. Hindi na 'ko kumontra sa sinabi niya na sa kaniya na muna talaga ako tutuloy. Hay, ano pa ba ang karapatan kong mag-inarte? Walang gustong umako sa 'kin maliban sa kaniya. At kung mag-iinarte pa 'ko, mas pangit ang babagsakan ko, baka mamaya ay magpalaboy-laboy nalang ako sa kalsada, at hindi lang snatch ang maranasan ko. "Bibili muna tayo ng mga damit mo, atsaka ng mga nireseta ni doc na gamot at gatas mo," Aniya. Hawak niya 'ko sa wrist ko, ako naman tuloy ang parang bata ngayon. "Sige..." Sagot ko nalang. Pumasok kami sa isang Dry Market. Alam n'yo 'yon? Ako kasi hindi, I mean, nakakakita naman ako nito before. Pero ngayon lang ako nakapasok. Sa magkabilang kalsada ay may mga stall ng mga damit, tupperwears, footwears pero hindi pang-susyal, basta accurate lang. Tapos maraming tao, hindi salamin ang m
Mula sa mataas na building ay lumabas ang isang matandang may malaking tiyan at lumapit sa 'min. Naka-helmet pa siya na pang-worker at nakangiti kaming sinalubong. "Oh, siya na ba 'yon? Aba ang ganda naman pala, matinik ka talaga kung pumili, anak!" Ngiting sabi nito. Bahagya akong nahiya, tipikal na sa 'kin ang mapuri na maganda ako, pero ngayon ay bigla akong nahiya. Geez. "Opo, 'tay. Siya na po," Ngiting sagot ni Reigan. Wow, so kinukwento niya pala ako rito, ha? "Astig ka talagang bata ka! Oh, siya, ihatid mo na siya sa barracks niyo, at baka paglolokohin pa kayo ng mga tarantado'ng 'to, hija, h'wag ka matatakot sa mga trabahador, ha? Mabait ang mga 'yan, sadyang maloko lang." Ngiting sabi ng matanda. Tumango lang ako at matipid na ngumiti. Hindi ko pinansin ang mga sigaw ng mga trabahador sa taas at mga nagsasabing 'hi miss, ganda mo naman'. May iba pa na kinikindat