LOGINSi Alexandra Lewis ay lumaking spoiled, mayaman, at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto niya. Ngunit may isang taong hindi kailanman nagpasakop sa kanya, si Rhenan Castillo, ang anak ng kanilang labandera na matalino, masipag, at puno ng pangarap. Habang tumatagal, unti-unting nahulog ang loob ni Alexandra kay Rhenan. Ngunit hindi niya matanggap na may mahal itong iba, si Maui. Dahil sa matinding selos at obsession, gumawa siya ng kasalanang sumira sa buhay ng binata. Pinaratangan niya ito ng panggagahasa upang mapilitang pakasalan siya. Ngunit mas pinili ni Rhenan ang makulong kaysa mapunta sa kanya. Pagkalipas ng maraming taon, bumaliktad ang mundo nila. Bumagsak ang pamilya Lewis habang si Rhenan naman ay naging makapangyarihan at kinatatakutang Mafia boss na kilala bilang “El Diablo.” Upang mailigtas ang natitirang ari-arian ng kanilang pamilya, napilitang maging personal slave ni Alexandra si Rhenan. Sa loob ng mansyon nito, araw-araw niyang mararanasan ang malamig na paghihiganti ng lalaking minsan niyang sinira. Sa bawat utos at bawat gabing magkasama sila, unti-unting bumabalik ang damdaming pilit nilang tinatakasan. Ngunit habang mas lalo siyang nahuhulog kay Rhenan, mas lalo rin niyang nararamdaman na si Maui pa rin ang tunay nitong mahal. At nang mabuntis siya ng lalaki, nagsimula ang pinakamahirap niyang desisyon—manatili sa piling ng lalaking hindi siya kayang mahalin, o tumakas kasama ang batang bunga ng isang pag-ibig na nagsimula sa galit at paghihiganti.
View MoreRhenan POV
“Sir, nasa labas po si Alexandra Lewis.” Bahagya akong napangisi habang dahan-dahang nilingon ang malaking bintana ng opisina ko. Sa labas ng mansyon, kitang-kita ko ang babaeng minsang sumira ng buhay ko. Basang-basa siya sa malakas na ulan. Nanginginig. Walang payong. Walang yabang. At sa unang pagkakataon… wala ring kapangyarihan. Tahimik kong pinagmasdan si Alexandra habang nakatayo sa harap ng napakalaking gate ng mansion ko rito sa San Diego. Ang mansion ng taong dati niyang inapakan. Ngayon… Ako na ang kinatatakutan nilang lahat. El Diablo. “Papasukin niyo siya,” malamig kong utos. “Y-Yes, Sir.” Ilang minuto lang ay bumukas ang pinto ng opisina ko. Dahan-dahang pumasok si Alexandra. Nanlalambot ang mga tuhod niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti. Nasaan na ang dating prinsesang mahilig mang-api? “R-Rhenan…” nanginginig niyang tawag. Umupo ako sa swivel chair ko at malamig siyang tinitigan mula ulo hanggang paa. “Anong kailangan mo?” Bigla siyang lumapit at halos lumuhod sa harap ko. “Maawa ka… tulungan mo ang Papa ko. Kunin mo na lahat huwag lang ang lupa namin,” umiiyak niyang sabi. “Kapag nawala pa ‘yon… wala na kaming matitirhan.” Tahimik akong nakatingin sa kanya. Ito ba ang babaeng walang awang nagpabagsak sa akin noon? Ito ba ang babaeng ngumiti habang dinadala ako ng mga pulis? Ngayon siya naman ang nagmamakaawa. “Kahit ano gagawin ko…” mahinang dagdag niya. Napahilig ako sa upuan ko habang pinapaikot ang baso ng whiskey. “Anything?” “O-Oo…” Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa kanya hanggang sa halos isang dangkal na lang ang pagitan namin. “Fine,” malamig kong sabi. “Tutulungan ko kayo. Pero may kondisyon.” Agad siyang napatingin sa akin. “Ano?” “You will be my slave.” Nanlaki ang mga mata niya. “W-What?” “Habang gusto kita… susunod ka sa lahat ng iuutos ko.” Yumuko ako para magtapat ang mga mata namin. “At kapag nagsawa ako… saka kita pakakawalan.” “Rhenan…” umiiyak niyang sambit. Biglang nagdilim ang mukha ko. “Bakit?” sigaw ko. “Ayaw mo? Lumayas ka rito! Hayaan mong mapatapon ang pamilya mo sa San Diego!” Napaiyak siya lalo. “Huwag…” nanginginig niyang sabi. “Please… gagawin ko lahat. Huwag mo lang kunin sa amin ang lupa…” Ngumisi ako. “Good girl.” Tumalikod ako at bumalik sa kinauupuan ko. “Ngayon,” malamig kong utos, “lumuhod ka.” Dahan-dahan siyang lumuhod habang nanginginig ang buong katawan niya. “At tumahol ka.” Parang tumigil ang mundo. Namumula ang mukha niya sa kahihiyan habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha niya. Pero sumunod pa rin siya. “Aw… aw…” Malakas akong natawa habang nakatingin sa kanya. “Bagay na bagay sa’yo,” malamig kong sabi. Ngunit lingid sa kanya… Habang nakaluhod siya sa harap ko— Mas lalo kong nararamdaman ang galit… at ang delikadong damdaming pilit kong pinapatay para sa kanya. Alexandra POV Parang bawat tahol na lumalabas sa bibig ko ay unti-unting dumudurog sa natitira kong dignidad. Hindi ko akalaing darating ang araw na ako—si Alexandra Lewis—ang luluhod sa harap ng lalaking minsan kong inapi. Ngunit wala akong choice. Kapag hindi ko ginawa ito… mawawala sa amin ang lahat. Patuloy ang pagpatak ng luha ko habang nakayuko sa marmol na sahig ng opisina niya. Ramdam ko ang malamig na tingin ni Rhenan sa akin. Hindi… Hindi na siya si Rhenan. Isa na siyang halimaw. “Look at me.” Nanginginig akong napatingin sa kanya. Napahinto ako nang makita ko ang mga mata niyang walang emosyon. Ang dating mabait at masayahing binata noon ay wala na. Ako ang pumatay doon. “Alam mo ba kung ilang taon kong hinintay ‘to?” malamig niyang tanong. Hindi ako nakasagot. Dahan-dahan siyang yumuko sa harap ko at hinawakan ang baba ko. “Na makita kang nagmamakaawa.” Napapikit ako habang tuloy ang pag-agos ng luha ko. “Rhenan… please…” “Don’t call me that,” madiin niyang sabi. “Wala nang Rhenan.” Tumayo siya at tumalikod. “Simula ngayon dito ka titira.” Nanlaki ang mata ko. “A-Ano?” “Slave kita, remember?” malamig niyang sagot. “You obey me. You don’t question me.” “Pero ang Papa ko—” “Safe sila habang sumusunod ka.” Agad akong natahimik. Lumapit ang isa niyang tauhan at iniabot ang isang maliit na box sa akin. “Buksan mo.” Dahan-dahan kong binuksan iyon at halos mawalan ako ng hininga nang makita ko ang laman. Isang manipis at maiksing maid uniform. Namutla ako. “Rhenan…” halos pabulong kong sabi. Ngumisi siya habang nakatingin sa akin. “Bagay na bagay ‘yan sa isang katulad mo.” “Please… huwag naman ganyan…” Biglang tumigas ang mukha niya. “Noong nagsinungaling ka sa korte… nagmakaawa rin ako.” Natigilan ako. “Pero nakinig ka ba?” Tahimik akong napaluha. Hindi. Hindi ako nakinig noon. Lumapit siya sa akin hanggang halos magdikit ang mukha namin. “Kaya ngayon,” bulong niya, “oras mo naman para maranasan kung paano masira.” Pagkatapos noon ay tumalikod siya. “Magbihis ka. Ayokong naghihintay.” At habang papalayo siya… Doon ko naramdaman ang pinakamabigat na bagay. Hindi lang galit ang nasa puso ni Rhenan. Kundi sakit na ako mismo ang gumawa.Alexandra POV Pagdating namin sa bahay ay hindi ko na muna pinag-usapan kay Rhenan ang nangyari sa school. Hindi dahil gusto kong itago sa kanya. Gusto ko lang bigyan muna ng pagkakataon si Aaliyah na siya mismo ang magsabi sa Daddy niya. Alam kong hindi naman magagalit si Rhenan, pero kilala ko ang asawa ko. Kapag tungkol sa mga anak namin, minsan sobra siyang protective. Pagpasok namin sa bahay ay agad na tumakbo si Aaliyah papunta sa kanyang kuwarto. "Mommy!" "Hmm?" "May kailangan tayong bilhin." "Ano?" "Mga gamit para sa project ko." Napangiti ako. "Ah, oo nga." "Kailangan natin ng tela?" "Yes." "Thread?" "Yes." "Needle?" "Yes." Napabuntong-hininga siya. "Marami pala." Natawa ako. "Welcome to your new challenge." "Mommy!" Nagtawanan kami. "Okay." "Sasamahan kita mamili." Maya-maya ay dumating si Rhenan. Pagpasok pa lang niya ay agad niyang tinanggal ang coat at inilapag sa sofa. "Where are my girls?" "Nandito!" Sigaw ni Aaliyah. Tumakbo siya papunt
Alexandra POV Nagulat ako nang bigla akong makatanggap ng tawag mula sa school ni Aaliyah. "Ma'am Alexandra, maaari po ba kayong pumunta sa school? May kailangan lang po kaming pag-usapan tungkol kay Aaliyah." Agad akong kinabahan. "May nangyari po ba sa anak ko?" "Wala naman pong seryosong nangyari, Ma'am. Mas mabuti po sigurong mapag-usapan natin nang personal." Pagkababa ko ng tawag ay agad kong inayos ang mga gamit ko at pumunta sa school. Hindi ko maiwasang mag-isip habang nagmamaneho. Hindi naman pala sakit si Aaliyah. Wala rin namang problema sa mga grades niya. Kaya ano kaya ang nangyari? Pagdating ko sa school ay agad akong pumunta sa faculty room. Nakita ko roon ang teacher ni Aaliyah. "Good afternoon, Ma'am." "Good afternoon po." Umupo ako sa harap niya. "May problema po ba kay Aaliyah?" Huminga muna nang malalim ang teacher bago nagsalita. "Ma'am, may isang subject po kasi na hindi niya pinapasukan nitong mga nakaraang linggo." Napakunot-noo ako. "Anong
Rhenan POV Naiwan akong nakatingin sa hagdan. Napabuntong-hininga ako. "Alam ko, Champ." Mahina kong bulong. "Hindi mo pa kailangang sabihin." "Pero kapag dumating ang araw na magsabi ka..." "...handa akong makinig." Lumapit si Alexandra at marahang hinawakan ang balikat ko. "You're doing the right thing." Tumingin ako sa kanya. "Umaasa lang ako." "Na hindi pa malala." Tumango siya. "At kung sakaling malala na..." Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. "...hindi niya haharapin iyon mag-isa." Sa loob-loob ko, unti-unti kong isinantabi ang lahat ng bagay na minsan kong naging pagkakakilanlan. Ang pagiging makapangyarihan. Ang pangalan ko sa Seven Pillars. Ang reputasyon kong kinatatakutan ng marami. Sa sandaling iyon, hindi ako isang taong kinatatakutan ng organisasyon. Hindi ako isang negosyante. Hindi ako ang lalaking tinatawag nilang blacklist. Isa lang akong ama. At ang tanging gusto ko ay malaman kung ano ang nagpapabigat sa puso n
Rhenfield POV Kinabukasan, sinubukan kong umiwas kay Loisa. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko, pero pakiramdam ko kailangan kong panindigan ang desisyon ko. Ayokong lumalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya. Ayokong magkaroon siya ng problema dahil sa akin. At higit sa lahat, ayokong malaman ni Ryan na may gusto ako sa kaibigan niya. Pagpasok ko sa classroom ay agad kong nakita si Loisa. Nasa upuan siya at may binabasang libro. Nang magtama ang mga mata namin, ngumiti siya. Mabilis akong umiwas ng tingin. "Rhenfield." Narinig ko ang boses niya. Nagkunwari akong hindi narinig. "Rhenfield." Mas malapit na siya ngayon. Napabuntong-hininga ako bago tumingin sa kanya. "Good morning." "Good morning." May maliit siyang ngiti. "Galit ka ba sa akin?" "Hindi." "Then bakit hindi mo ako pinapansin?" "Wala lang." "Again?" Napatingin siya sa akin. "Palagi mong sinasabi 'yan." Hindi ako nakasagot. "May gusto akong sabihin." "Ano?"
Alexandra POV Dahan-dahan akong bumangon mula sa magulong kama, ninanamnam ang natitirang sakit at hapdi sa aking kaibuturan—isang pisikal na patunay na sa loob ng ilang sandali, naging akin si Rhenan. Hinugot ko ang kumot at ibinalot sa aking hubad na katawan, habang ang amoy ng aming pinagsaluha
Alexandra POV “Anong gusto mong gawin ko para makabawi ako sa’yo?” tanong ko. Bigla akong naawa sa kanya. May dahilan nga talaga kung bakit siya naging ganito sa akin. Gusto ko siyang paligayahin. At walang kaabog-abog, hinalikan niya ako. Marahas ang halik niya, pero kahit ganoon, hinalikan ko
Alexandra POV Nagising ako sa malakas na yugyog sa balikat ko. Napadilat agad ako at bumungad sa akin ang malamig na mukha ni Rhenan. Nanigas ako nang makita ko ang galit sa mga mata niya. Kagabi ay parang naging maayos naman siya kahit papaano… pero ngayong umaga, para na naman siyang ibang
Rhenan POV “Sir, nasa labas po si Alexandra Lewis.” Bahagya akong napangisi habang dahan-dahang nilingon ang malaking bintana ng opisina ko. Sa labas ng mansyon, kitang-kita ko ang babaeng minsang sumira ng buhay ko. Basang-basa siya sa malakas na ulan. Nanginginig. Walang payong. Walan












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore