Lucas' POV May mga bulungan sa paligid, naririnig ko ang dalawang magkaibang boses na nag uusap sa hindi kalayuan sa akin. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at ang una kong nakita ay ang kisameng hindi pamilyar sa akin. "Ah." Sinubukan kong gumalaw kaya lang talagang masakit. Mas masakit kaysa noong pinipilit kong gumapang para makaalis sa lugar na 'yon. Ramdam ko na ang bawat sakit sa katawan ko ngayon, bawat kirot at hapdi. "You shouldn't be moving already, hindi pa magaling ang katawan mo." Isang pares ng mga kulay abong mata ang nakatingin sa akin at aking pinagmamasdan. "How are you feeling?" Bago sa tainga ko ang boses niya, maganda at malambot pakinggan. Hindi nakakasawa. "A-ayos lang a-ako." May lumapit pang isa pero bata, magkahawig sila. Siguro ay magkapatid. Sila ba ang may ari nung mga yabag na narinig ko? Nasaan ako? "K-kayo po ba ang nagligtas sa akin?" Mabilis na tumango ang bata sa tanong ko. "I'm Lisencio Amoux th
Lucas' POV Mabilis lang lumipas ang isang linggo at ngayong oras na 'to ay sabay kaming tatlong kumakain sa isang lamesa. Katabi ko si Lucio habang si master Lisencio namam ay nasa dulo at gitna ng lamesa. "Here, try this. It's my favorite." Tumango ako at kinain 'yon. Simula nang maigalaw ko ang aking katawan ay pinapaliwanag na sa akin ni Lucio ang bagay tungkol sa self defense na sinasabi niya. Tahimik naman akong nakikinig sa mga kinukwento niya. Kita ko rin sa mga mata niya ang sabik dahil siguro wala siyang ibang makasama sa paglalaro. Ngayong araw na ito ay balak naming mag ikot sa buong bahay, si Lucio ang nagmungkahi na gawin namin ito kaya umoo ako. Wala namang masama at simula kanina pagtapak ko sa parteng ito lahat ng makakasalubong namin ay nakangiti sa akin at binabati rin ako ng may galang. Nailang pa nga ako nung una kaya hanggang sa makarating kami sa silid kainan ay nakayuko ako. Pinunasan ko ang bibig ko kagaya ng itinuro sa ak
Lucas' POV Limang buwan, limang buwan na ang nakalipas simula nang dumating ako sa manor ng mga Amoux. Marami akong natutuhan sa panahong lumipas dahil kay Lucio, sa loob ng tatlong buwan, tinuruan ako ni Lucio magbasa at magsulat. Mabilis ko lang natutunan ang lahat ng tinuro niya sa akin, ang sabi nya sa akin ay may taglay raw akong talino na ngayon lang niya nakita. At sa dalawang buwan naman hanggang ngayon ay tinuturuan niya ako ng self defense, sobrang hirap at mabigat para sa akin pero lahat ay nagbubunga. Hindi ko pa siya nasasabayan pero sabi niya ay nag iimprove daw ako. Hindi ko nga din akalain na ganito siya kagaling, naikwento niya sa akin na ang ama niya ay isang warrior kaya nagkaroon siya ng interes sa mga ganitong bagay. Ang pinakanagustuhan ko sa lahat ng pinaliwanag niya sa akin ay ang paghawak ng kutsilyo. At habang nagtatagal kami sa pagiinsayo ay mas lalo kong nalalaman na magaling ako sa paghawak sa mga matutulis na bagay.
Lucas' POV Ngayong araw na ito ay ang padiriwang para sa kaarawan ni Lucio, dadalo ang asawa ni Lisencio, nakilala ko na siya at masasabi kong malapit kami sa isa't isa. Mabait siya at masiyahin. Maganda at malambot sa tainga ang boses, talagang bagay sila ni Lisencio. Marami din ang dadalo mamaya kaya lahat ng katulong ay abala sa pag aayos ng buong bahay. May mga naglalagay ng dekorasyon at mga nagluluto ng mga pagkain sa kusina, gusto ko sanang tumulong kahit na sa paglilinis lang kaya lang ay hindi pumayag ang mga katulong lalo na si Lucio. Kaya narito lang ako sa kwarto, naghihintay sa mga katulong na mag aayos sa akin mamaya, 'yon ang bilin ni Lucio kanina. Habang siya naman ay nasa kwarto niya at inaayusan. Kinakabahan tuloy ako, ito ang unang pagkakataon na makikihalobilo ako sa napakaraming werewolf pero ang sabi naman ni Lisencio ay may ibang nilalang ding dadalo tulad ng matalik niyang kaibigan na isang bampira. Nagulat nga ako dahil i
Lucas' POV Alam ko din namang wala akong magiging laban sa kanila kung pisikal na lakas ang pag-uusapan at mabilis rin ang bawat kilos nila pero nagsanay ako para rito, para protektahan ang sarili ko. Hindi ko hahayaang may masaktan! Inihanda ko ang kutsilyo ko at saka ako pumosisyon nang ayos. Kita ko ang pag-ngiti nila nang nakakaloko, siguro ay minamaliit nila ako sa kanilang isipan, tignan natin kung makangiti pa kayo pagkatapos ko kayong pulbosin! Kumukulo ang dugo ko sa kayabangang ipinapakita nila sa akin. Kita ko ang pagtayo ni Nerio mula sa lapag. Pumunta siya sa harap ko, hinaharang ang mga tingin nilang tatlo. "Kaya kong protektahan ang sarili ko, hindi mo kailanganga lumingon sa akin. Magpokus ka na lang sa harap mo." Hindi siya sumagot o kahit na tumingin pero tumabi siya at sumugod sa tatlong nasa harap namin. Ang isa naman sa tatlo ay lumapit sa akin, mabilis ngunit sinanay ako ni Lucio sa kanilang kilos at galaw. Agad kong naiwasan
Lucas' POV Pagpasok namin sa loob ay balak ko na sanang bitawan ang kamay niya ngunit napakahigpit naman ng kapit niya sa kamay ko. Hahayaan ko na sana siyang daluhan ang mga bisita niya pero ayaw niya atang humiwalay sa akin kaya hinayaan ko na lang siyang hawakan ang kamay ko. Nakakahiya man ay hindi ko na lang pinansin ang mga tingin nila sa akin. Ni hindi din ako tumitingin sa mga kausap ni Lucio at bawat isa sa kanila ay nagbibigay ng regalo sa kaniya. May mga katulong din na nakasunod sa kaniya na naghahawak ng mga ito. "I didn't know that you own a human, is she—he your pet? I almost mistook him as a woman." Humigpit ang kapit ni Lucio sa aking kamay. Kita ko kung paanong sumama ang ekspresyon sa mukha ni Lucio. Mukhang hindi maganda ang susunod na mangyayari. Kailangan kong hawakan nang mahigpit si Lucio o susugurin niya ang lalaki sa aking harapan. "Excuse me, pero sa ating dalawa mas mukha kang pet. May leash at collar ako sa kwarto ko, gusto m
Lucas' POV Napalunok ako dahil ang puso ko ay ayaw kumalma, napakabilis ng tibok at parang gustong kumawala sa dibdib ko. Ang kamay niya ay nakahawak pa rin sa braso ko at narito pa rin siya sa aking likuran. Anong gagawin ko? "I really missed you." Napapikit ako nang bigla niya akong yakapin. Ang kiliting matagal ko ring hindi naramdaman. Bumabalik sa akin ang lahat. Pero......hindi magawang maging masaya ng puso ko. Ayaw ko, ayaw kong magpadalang muli sa kaniya. Nangako akong hindi ko ibibigay sa kaniya ang puso ko. "Sino ka?" Alam kong nagulat siya pero mas nagulat ako nang sabihin ko iyon. Napapikit ako dahil sa kaba. Hindi ko sinasadyang sabihin ang mga salitang 'yon. Hindi ganitong simula ng usapan ang gusto kong mangyari! Lucas! Ano bang ginagawa mo? Alisin mo ang mga hindi naman importanteng pangyayari sa utak mo at umayos ka! " What do you mean?" Rinig ko ang pagkalito sa boses niya pero hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin.
Lucas' POV Hindi ako nakatulog...hindi ako makatulog. Buong magdamag akong gising at mulat na mulat. Ayaw ng mata kong bumigay kahit na anong gawin ko. Nagbilang na ako ng tupa sa isip ko at umikot ikot sa kama para lang pagudin ang sarili pero wala pa ring epekto sa akin. Kasalanan ito ni Fenrill! Bakit pa kase siya pumunta dito? Nananahinik ako tapos biglang susulpot na parang kabute. May payakap yakap pa! Hindi ko tuloy maalis sa isip ko ang ginaw— ha! Walang nangyari kahapon! Umiling ako nang sunod-sunod at huminga nang malalim ng ilang beses. Bumangon ako at dumiretso sa banyo. Kailangan kong alisin sa sistema ko ang werewolf na iyon! Hindi siya maganda sa puso ko. Binuksan ko ang gripo at naghilamos ako tapos ay tumingin sa salamin. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakanganga. Bakit? Bakit ganiyan ang itsura ko?! Hindi naman mainit kaya bakit namumula ang mga pisngi ko? Pati ang tainga at leeg ko! Anong nangyayari?! Hindi, hindi ito pwede. Hin