Share

13

[Blake In The House]

"B-Bakit ka nandito?" nauutal natanong ni Blake.

Napakuyom pa ang kamao nito habang nakatingin sa ama. Makikita mo ang galit sa mata nito na tila ba isang tigre na handang sakmalin ang kalaban.

"Hindi ka ba masaya na makita ako?" nakangising tanong ng dating Alpha. "Surprise."

Parang wala lang sa kaniya ang masamang tingin ng anak. Para bang sanay na sanay na ito.

"Sa tingin mo?" pabalang na sagot ni Blake dahilan para samaan ko ito ng tingin.

Aba, kung naging kapatid ko lang talaga 'to ay baka nasapok ko na siya. Walang galang.

"May gusto lang akong sabihin kaya ako nagpunta rito kay Felix. At hindi ko alam na makikita rin kita rito," dagdag pa nito.

Umupo ito sa sofa. Samantalang si Blake naman ay nakatingin lang sa kaniyang k

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status