Share

Jokes

"Lagi ka talagang aabusuhin dahil sobrang bait mo," sabi ni mama sa akin habang kumakain kami ng hapunan. "Hindi pwedeng ikaw nalang lahat, Jill. Magtira ka naman para sa sarili mo."

Nadiin ko ang pagtusok ng kutsara sa karne ng isda dahil sa irita ko. Nakatalikod si mama sa akin dahil nasa upuan ako, habang siya at ang dalawang kapatid ko naman ay nasa lamesa.

"Oo, mama. Oo," sagot ko nang matigil siya.

Mukhang nahalata niyang ayaw kong pinapangaralan ako ngayon dahil sa pagod kaya natahimik din siya. Hindi sa padabog ako kumain ulit, pero nagpatuloy ako nang nakasimangot. Ramdam ko pa ang tingin ng kapatid kong babae sa akin, pero hindi ko na siya tiningnan pa.

Umalis ako sa boarding house dahil gusto kong matahimik ang buhay ko. Tapos paparangalan pa ako rito? Ano, dahil lang sa tumigil ako sa pagtatrabaho at wala na akong naibibigay na pera, gaganituhin na nila ako?

Huminga ako nang malalim matapos kong isubo ang panghuling kanin at tumayo rin para ilagay ang nagamit na kubye
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status