Share

KABANATA 10

Kabanata

10

Weird

Did you experience something that makes you think that it is the end for you? That, that is your last day here on earth?

Because if you ask me? Then I'll answer, yes.

It is so traumatizing for me to experience that horrible thing. But the father in heaven gave me another chance to live again. And that is something that I want to thank.

And to that person who save me from that traumatizing scenario. I want to say thank you to him. I want to thank him personally but I don't have an idea who he is and what he looks like. 

That day I just suddenly woke up here in my bed, sleeping peacefully. And I asked my tiyang why I end up here. When I clearly remembered that I'm with someone.

I'm with the person who save me.

Ang sagot nya sa akin ay nakita nila akong nakahandusay sa sahig sa labas ng pintuan. Marami daw akong mga sugat kaya agad silang nagmadaling gamutin ako. Mukhang marami daw dugong nawala sa akin kaya naman hindi na sila nag atubili pang gamutin ako dahil baka daw hindi na ako maagapan. 

I still did not tell tiyang that I already knew what kind of creatures they are. Hindi ako nakatyempong sabihin sa kanya iyon pero alam ko naman na ngayon ay mukhang alam na niya. Alam na niya na alam ko kung anong klaseng mga nilalang ang nasa palibot namin. 

But I am wondering kung anong klaseng nilalang ang pinagsisilbihan namin ngayon. Could it be vampire? Or werewolve? Hindi ko kasi makita sa kaniya ang pagiging witch. It is either vampire or werewolve. 

Pagkatapos ng dalawang araw na walang pasok ay gumaling na din ang sugat ko. Nakakapagtaka dahil wala ng bakas ng kung anong sugat ang katawan ko. Ngunit dalawang araw palang naman ang nakalipas magmula ng gamutin ako. And from what they told me, mukhang malala ang natamo kong sugat dahil sa nangyari. Ngunit nakakapagtaka na dalawang araw lamang ang lumipas ay tuluyan na akong gumaling at tuluyan na talagang nag hilom ang mga sugat ko sa katawan. 

Maybe they did something? A spell perhaps?

I shrugged. Wala namang problema sa akin kung ginamitan nga nila ako ng spell. Using a spell is okay for me  as long as walang nasasaktang ibang tao. Nasa nature na talaga nilang gumamit ng spell kaya sino tayo para husgahan sila? Kung wala naman silang naapakan o napepwerwisyo ay ayos lang naman iyon. Ang masama lang naman ay ang gumamit ng  black magic. They used Black magic to harm other people. They learned it to use against innocent people. 

"Oh hija? Hindi ka pa papasok?"

Napalingon ako kay tiyang ng tanungin nya ako. Wala akong ganang pumasok dahil sa nangyari noong nakaraang linggo. Like what I've said, I was traumatized. Who would not? Kung ganoon ang ginawa nila sayo. May lakas ka pa bang pumasok?

Pinag aagawan nila ako. Iyong mga tingin nila ay tila mga uhaw na uhaw sa dugo. Ang nakakatawa pa ay wala man sa mga kaklase ko na lobo at witch ang tumulong sa akin. Nanonood lamang sila habang pinag aagawan ako na para bang isa akong masarap na pagkain. Kaya naman takot na takot na akong pumasok pa pagkatapos ng nangyari. Papaano nalang pag nakita nila ako? I know wala akong magiging kakampi kahit na mga lobo o witch man. 

Kung papasok ako edi kakagatin nila ako dahil alam nilang tao ako. Nakakapagtaka nga na wala pang bampira ang sumugod dito sa mansyon. Alam ko naman na matatalas ang pang amoy nila kaya bakit dalawang araw na ay wala pa ding sumugod. Hindi naman sa gusto ko iyong mangyari pero nakakapagtaka lang. 

Dahil ba malayo ang mansyon kaya hindi sila nakapunta? 

Gusto kong matawa dahil sa naisip. Kahit na malayo man iyon ay magagawa pa ring makapunta ng mga bampira dahil may kakaiba silang lakas at liksi. Kaya sino ang niloloko ko?

Napabuntong hininga ako ng naisip na magiging walang saysay ang pagligtas sa akin ng taong yun pag pumasok pa ako at magpapakagat sa mga bampira. And I don't want that to happen. I don't want to  risk my life again. 

I know that we can't avoid death because death is inevitable. But I just want to be careful with my actions. I don't want to be reckless again. Mas mabuti ng mamatay ako dito sa loob ng mansyon kaysa naman ang mamatay ako sa eskwelahan na iyon. Mabuti na ang mamatay ng hindi tanga. Death is inevitable pero bakit ako ang susuong kay kamatayan? 

"Hija? Bakit tulala ka? May masakit pa ba sayo?" Nag aalala si tiyang habang sinisipat nito ang noo ko kaya agad akong umiiling. My body is okay, but my mind and heart is not. 

"Wala pong masakit sa akin tiyang. Siguro tinatamad lang akong pumasok." Ani ko kaya kumunot ang noo nito. Iyong tingin niya ay para bang nagulat at hindi makapaniwala sa sinabi ko. 

"Impossible. Ikaw? Tinatamad pumasok?" Gulat na ani nito kaya mahina akong napatawa. I remembered before that I really hate skipping my class. Yes, I am a grade conscious at isipin pa lang na liliban ako sa klase ay lalagnatin na ako. Ayaw kong magkaroon ng absent ang record ko kaya hanggat maari kahit na may sakit ako ay pumapasok pa rin ako. 

Yeah, I am not a grade conscious. I am obsessed with my study. But I think magiging iba ngayon. For the first time ay wala akong ganang pumasok at wala na akong pakialam kung magkaroon man ng absent ang record ko. 

"People change ika nga nila tiyang."

Ngumiti ito at ginulo ang buhok ko kaya agad akong napanguso. Napatawa ito ng makita ang reaksyon ko pero napatigil ito ng may kumatok sa pintuan.

Sabay kaming napabaling ni tiyang sa pinto. Doon nakita namin ang taong may intimidanteng awra na nakasandal sa may pintuan. His arms are crossed on his chest while his face is emotionless. He is wearing his teacher's uniform that really suits him well.

Napalunok ako ng magtama ang paningin namin. Plus, he really looks super hot while doing that pose. Napailing ako. Lahat nalang ba talaga ng gagawin ng lalaking ito ay kapuri-puri? Kahit ang mga maliliit na bagay niyang ginagawa ay hindi ko pa rin mapigilang purihin. Hindi naman iyon dahil crush ko siya diba?

"Magandang umaga po sir Cassius."

"Magandang umaga po sir braeden."

Sabay naming bati ni tiyang kaya napangiti ako. I don't even know why I smiled. Maybe because of how we addressed him. We called him in different names. Tiyang called him in his first name while me called him in his second name. And I just find it cute?

Nakita kong sandali itong natigilan bago ito tumikhim at umayos ng tayo. Ngumuso ako. Kung may camera lang ako ay pipicturan ko siya dyan. Baka pwede ko pang ibenta iyon at sigurado akong malaki ang kikitain ko. Siguro ay ibebenta ko nalang kay Bella. 

Natigilan ako. A bitter smile crawled on my face. 

"Get ready. Sasabay ka sakin papuntang skwelahan." Those were his words before he turned his back on us.

Binalingan naman ako ni tiyang bago nito tinapik ang balikat ko. "Oh mag bihis ka na at aalis na kayo."

I pursed my lips then sigh. I don't have a choice but to face this. Hindi ko alam kung alam ba ni tiyang ang ginawa ng mga kaklase ko kaya hindi ito tumutol na pumasok ako. O di kaya naman ay natatakot lamang ito sa boss niya. 

Nakakapagtaka lang na hindi nila inalam kung bakit ako nagkaganon. Maybe they knew about it. Pero bakit mukhang parang wala lang sa kanila? Hindi ba sila natatakot sa kaligtasan ko? 

I sighed. Do I have a choice? Maybe what I should do right now is to be strong.

******

Hindi ko na mabilang kung pang ilang buntong hininga ko na yun simula ng umalis kami sa mansyon. Basta ang alam ko lang ay kinakabahan ako at pakiramdam ko ay bibitayin ako pagkatapos ng ilang minuto. 

I bit my lip then sigh again. Nakatanaw lamang ako sa mga puno na dinadaanan namin at hindi na nag abala pang lingunin ang kasama ko. Baka pag ginawa ko yun ay mas lalo pang kakabog ang dibdib ko. Baka hindi na ako aabot sa skwelahan pag ganun. Siguro ay mamatay na ako sa heart attack. 

Gusto kong matawa pero hindi ko magawa. There is a heavy thing on my chest. 

"Why do you keep on sighing? Is there something wrong?" Tanong nito ngunit mahihimigan pa rin ang lamig sa boses nito.

Napabaling ako sa kanya bago umiling. "Wala naman po." Ani ko bago ako nag iwas ng tingin. I can't even stand to look at him. Mas pinagtuunan ko nalang ng pansin ang dinadaanan naming mga puno. And I was again drowned in my own thoughts. 

Bakit ko ba kasi kailangang maranasan ito? I know that tiyang only wants what's the best for me and I don't want to doubt her. Maybe she didn't know what will be the possible outcome if she enroll me to that school. She only thinks of my future. And enrolling me to that school with extraordinary student is her only solution for that. 

And even I, didn't expect this to happen. What I always think is to have a better future. That is my goal in life so that I can give my tiyang a better life because I love her so much. And she is the only person that I have. That is why I agreed with her when she said she wanted to enroll me in that prestigious school. Hindi ko na siya kinwestyon dahil alam ko naman na ang kapakanan ko lang palagi ang inaalala niya. 

Pero bakit ganito ngayon? Bakit kahit alam niyang napahamak na ako dahil sa eskwelahang iyon ay pinapasok niya pa rin ako? Ano ang nasa isip niya? Ayaw kong isipin ito pero...maasahan ko pa ba ang mga desisyon ni tiyang?

Mariin akong napapikit bago madiing kinagat ang ibabang labi. No. I should not doubt her. All my life she only thinks of whats good for me. And she even sacrificed of having her own family para lamang na maalagaan ako. 

Parang wala kang utang na loob thana. 

"You have a problem." It's not a question but a statement. Nilingon ko sya at nakitang tutok na tutok lamang siya sa pag dadrive. I gulped when he throw me a quick glance. 

"You have a problem." Ulit nito kaya napabuntong hininga ako. He just stayed silent for a minute before he sighed.

Nag palabas din ako ng mahabang hininga bago sya hinarap. "May problema nga po ako." Panimula ko at agad naman nya akong tinapunan ng tingin. Mabilis lamang iyon pero naaninag ko ang pag aalala sa mga mata niya.

I smiled but it didn't reach my eye. "I experienced a very traumatic incident that I really thought will be the end of me. I thought that will be my last day, pero hindi pala. Sobra yung takot ko ng makita ang mga kaklase ko na hayok na hayok sa dugong mayroon ako. Pinag aagawan nila ako para gawing hapunan. They are willing to compete with each other just to have me. Iyong ikaw ang gagawin nilang prize sa paligsahan nila.  At yun ang punto ng buhay ko na akala ko talaga mawawala na ako sa mundong ibabaw." Napatawa ako ng pagak bago pinagpatuloy ang sasabihin ko, "Yung tipong babalik ang mga alaala mo mula pagkabata? Yung mga masasayang alaala kasama ang mahal mo sa buhay? Iyong lahat ng mga pinagdaanan mo. Mga paghihirap na dinanas mo. And a realization came to me. Saying why I didn't live my life to the fullest? Life is short, ika nga nila. I have so many regrets. I still want to live so that I can repent from my sins. And so the father in heaven guaranteed my wish and save me from that incident. He uses someone to be my savior but I didn't even have a chance to thank that person."

I sighed before looking outside the car. 

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi ko bago ko pinagpatuloy ang sasabihin. "But now, I think it will be useless. I will risk my life again. And I don't know if I can still survive. I think this will be my last day. I only have 1 out of 100 percent chance to live." 

"I won't let that happen."

Napabaling ako sa kanya dahil sa sinabi. Nakatingin ito sa akin pero agad din namang nag iwas ng magtama ang paningin namin. I can feel his sincerity when he said that. Hindi ko maiwasang matuwa sa sinabi niya. 

At least he will be my 1 percent. Iyong tutulong sa aking makaligtas. 

He sighed.

"You're now my responsibility because you stayed in my house. My conscience will eat me if I let something bad happen to you." 

I don't know this feeling but why do I feel like he is a little bit defensive? Well, maybe I'm just overthinking again? He is right when he said that I'm just his responsibility.

Maybe I was just expecting him to care for me not because I am one of his maid. Pero sino ba ako para maramdaman niya iyon? Siguro ay maging thankful nalang ako dahil kahit papaano ay may aasahan ako kung sakali man na malagay sa alanganin ang buhay ko. 

I smiled at him. "Thank you po."

He didn't bother to throw a glance at me. Nonetheless, it still didn't erase my smile. 

I didn't even know why I'm smiling like an idiot. After I feel frustrated a while ago. Now I looks like an idiot who keep on smiling. Bigla ay gumaan ang pakiramdam ko sa hindi malamang kadahilanan. 

Hanggang sa makarating kami ng skwelahan ay hindi ko na makapa ang takot ko. Maybe meron pa ring pangamba pero hindi na ganun kalala. Maybe his words help me huh? Ganoon na siguro kalaki ang pagtitiwala ko sa kanya kaya bigla na lamang ang takot na nararamdaman ko.

Hinayaan ko syang ihatid ako sa classroom at hindi na inalintana ang mga matang nakamasid sa amin. They can talk behind my back but I don't care. Alam ko kasi na nakakatulong ang presensiya niya para hindi ako makaramdam ng takot. 

Pagkarating namin sa tapat ng pintuan ay agad ko syang hinarap bago ngumiti. "Salamat po Sir Braeden."

Kumunot ang noo nito bago nilibot ang paningin sa paligid at ibinalik sa akin. "Okay." He nod and turned his back. 

Nakatingin lamang ako sa kanya habang naglalakad ito papalayo. Ngunit hindi pa siya nakakalayo ay kunot noo itong lumingon sa akin.

"Go inside."

I just smiled and enter the room. Lahat sila nakatingin sa akin kaya nanumbalik ang kabang naramdaman ko. Ilang beses akong napalunok habang nakatingin sa kanila na kunot ang noo. Pakiramdam ko ay kinapos ako ng hininga habang tinitigan silang nakatitig sa akin. Alam ko na unti-unti ng nawawalan ng kulay ang mukha ko. 

I think this is really my end.

I want to close my eyes but I was stopped when I heard them.

"Oyy thana ba't ka hinatid ni Sir? Huh?" Tanong ng bakla kong kaklase at lahat naman sila ay kuryoso akong tinignan. Iyong tingin nila ay nagtataka ngunit mayroon pa ding ngisi sa kanilang mga labi. 

"Oo nga! Ikaw ha! Damoves ka na kaagad!"

"True! Swerti mo kasi maganda ka!"

Nanatili akong tulala at hindi agad makagalaw. Parang hindi ko maproseso ang nangyari. W-what the? Am I dreaming? Please tell me if I am dreaming.

I gulp while blinking my eyes repeatedly.

O-okay?

"Hoy! Thana! Tulala ka na dyan!" Gulat sa akin ng isa kong kaklase kaya napapitlag ako.

"Girl tulala ka. Aftershock ba yun sa epektong hatid ni sir?" Ani ng bakla kong kaklase kaya natawa ang iba.

Awkward naman akong ngumiti at kahit nagtataka ay sinagot ko sila. "Ahm wala! Nagtatrabaho kasi ako sa kanila."

Lahat naman sila ay kumunot ang noo at hindi ako tinantanan sa kakatanong hanggang sa makaupo ako.

"Op!op! Tama na ang intriga! Wag mag ala reporter okay? Tabi! Tabi!"

Agad naman silang napaalis ng dumating si Amabella at sawayin sila. Binalingan ko ito at napakagat labi ako ng maalala ang nangyari noong nakaraang linggo. How she refrain herself from attacking me. Well I can't blame her because it is really my fault why it happened. Siguro ay nasaktan lang ako? Pero I am okay now. Naiintindihan ko na siya dahil sa totoo lamang ay wala naman talaga itong kasalanan kung bakit tatanga-tanga ako. 

"Starstruck ka sa beauty ko thanie?" 

I blinked twice while looking at her. Napataas naman ang kilay nito ng hindi ako makapag salita. 

I don't know what to say because I'm still speechless on why they act like nothing happened. I know that I should be thankful that they looks like they can't remember everything happened that day. But I just can't help it. I'm clueless.

"Oyy thanie may problema ka ba?" Tanong nito at nag aalala akong tinignan. Doon naman ako parang nabalik sa realidad at agad umiling. 

"Wala naman." Sagot ko at nag iwas ng tingin. 

"Sure ka?" Paninigurado nito kaya ngumiti ako bago tumango. Bumuntong hininga naman ito bago umupo sa tabi ko.

I heard her sigh again before she faced me. Kitang kita ko ang pag alala sa mukha nito kaya naman nakonsensya agad ako.  I don't know what to say. If I'm going to tell her what happened last friday or not. Baka pag sinabi ko ay makokonsensya lamang siya. Nangako siyang poprotektahan niya ako. I can't blame her. Bampira din siya at hindi niya talaga mapipigilan ang sarili lalo na at nasa malapit lamang sila at langhap na langhap nila ang dugo ko.

"Thanie, if you have a problem then you can talk to me and I promise I'm going to listen."

I bit my lower lip before I heaved a sigh. "Do you remember what happened last friday?" I asked her.

Kumunot ang noo nito at nagtataka akong tinignan. "Bakit? Ano ba ang nangyari nung friday? Ang pagkakaalala ko ay sabay naman tayong ligtas na umuwi." Ani nito kaya napakunot na din ang noo ko. Iyon ang naalala niya?

"Are you sure about it?" Paninigurado ko kaya naman nagtataka nya akong binalingan ng tingin.

"Yes of course. Inihatid ka pa nga namin ni kuya sa mansyon kasi ayaw namin na mapahamak ka." Turan nito at nanatili akong tahimik. Bakit iyon ang naalala niya? Hindi nila ako inihatid dahil nasa lab palang kami ay ganoon na ang nangyari. 

"Why? May problema ba? May nangyari ba nung friday?" Taka nitong tanong at agaran naman akong umiling. 

Kung wala silang ideya sa nangyari noong friday ay ipinagpasalamat ko yun. Ayaw kong maalala pa nila iyon dahil mas lalong malalagay sa panganib ang buhay ko. Ngunit ang nakakapagtaka lang ay kung sino. 

Who tampered their memory?

*******

Written by: Stringlily

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status