Share

2

last update Last Updated: 2023-10-31 16:50:12

Celine's Point Of View

PAGKARATING ko sa bahay ay agad akong naghanda ng plato sa lamesa upang makakain. I called Cyrille but she told me that she's full.

Hindi ko na siya kinulit pa at nang matapos akong kumain ay agad akong pumunta sa kwarto ko upang i-review ang iba't ibang schedule ni Dr. Sanchez.

I was about to lay down but Dr. Sanchez suddenly called. I immediately answered it and spoke, "Good evening, Doc." I uttered.

I heard him heaved a deep breath then answered, "I have something important to tell you, Ms. Navarro." Aniya.

Kunot-noo akong napa-isip. Seryoso ba? In the middle of the night? Hindi na lang ako nag-isip pa ng malalim nang bigla siyang magsalita muli.

"I'm sorry but I need to transfer you to Dr. Almoreno." Aniya na siyang ikinalaki ng aking mga mata!

Hindi ko mapigilang huwag kagatin ang pang-ibaba kong labi dahil sa gulat at tuwa na aking nararamdaman. Kung tutuusin nga ay gustong gusto kong sumigaw nang malakas subalit pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil kausap ko pa si Dr. Sanchez.

"M-may mali po ba akong nagawa, Doc?" Tanong ko, pilit na pinapakalma ang aking sarili.

"No, you were honestly great. But some important things suddenly happened. I hope you'll understand, Ms. Navarro." Wika nito.

Lumunok ako ng ilang beses bago ako nagsalitang muli, "Ililipat mo po ba talaga ako, Doc?" Takang tanong ko, naghahangad na 'oo' ang kanyang magiging sagot.

"I'm sorry but I have to," aniya.

Ilang minuto kaming nag-usap ni Dr. Sanchez bago siya nagdesisyon na putulin ang linya. Sa isang iglap tumili ako habang nakasubsob sa unan upang hindi ako makagawa ng ano mang ingay.

"Si Doc pogi ang magiging boss ko!" Nakangiting saad ko sa kawalan.

KINAUMAGAHAN ay maaga akong nagising. Na-orient naman na ako ng former secretary ni Doc Almoreno tungkol sa mga dapat at hindi ko dapat gawin. Nang matapos akong makapag-ayos ay agad akong sumakay sa aking sasakyan at nagmaneho papunta sa Ospital. Pareho lang naman ang Ospital na pinag-ta-trabahuan nina Doc Almoreno at Doc Sanchez, mag-kaiba nga lang ang room ng mga clinic nila.

Nang maka-pasok ako sa loob ng Ospital ay agad akong sumakay ng elevator. Muli kong naalala noong mga bata pa kami ni Cyrille. Sa pagkakatanda ko ay takot ako noon sa elevator at siya ang nag-aalalay sa akin t'wing natatakot ako.

Close na close kami noong mga bata pa lang kami. Pero magmula nang ma-diagnosed siya na may Bipolar ay doon nagbago lahat. Bihira na lang siya kung makihalubilo sa mga tao, maging sa akin. Mas naging sandalan niya ang mga libro at nasanay na siyang wala ako sa tabi niya v

Natigil ako sa pag-iisip nang biglang tumunog na ang elevator at bumukas ito. Agad naman akong lumabas pagkatapos ay agad na hinanap ang clinic ni Doc Emman.

Nang makita ko ang pangalan niya sa pinto ay dali dali akong kumatok pagkatapos ay binuksan ang ito. "Good morning," I greeted the secretary.

"Do you have a schedule for check-up, Ma'am?" Bungad ng secretary sa akin.

Umiling ako at agad na nagsalita, "I'm Celine Navarro, an applicant of Doc Emmanuel." Pilit na nakangiting turan ko.

"Oo nga pala, please wait a minute. May patient pa si Doc na kailangang kausapin. I'll call your name once natapos na sila." Nakangiting aniya.

Tumango naman ako at agad na ngumiti sa kaniya bago naghanap ng upuan at doon pumwesto. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagce-cellphone. Isang oras ang lumipas bago ako tinawag ng secretary ni Doc Emman. Agad naman akong tumayo at dahan-dahang naglakad papasok sa clinic niya.

Kinakabahan ako dahil alam kong may malaki akong kasalanan na nagawa sa kaniya. Kahit sino naman sigurong may nagawang masama ay ganito ang magiging galaw at nararamdaman.

Nang tuluyan akong makapasok ay agad akong bumati kay Doc Emmanuel at pilit na ngiti ang ibinigay sa kaniya.

"G-good Morning, Doc." Kinakabahang turan ko.

Kasalukuyan siyang abala sa papel na binabasa niya. Marahil ay information 'yon ng kanyang mga pasyente. Hindi siya agad lumingon sa akin pagka-bati ko sa kaniya. Tinignan niya muna muli ang papel at bumuntong hininga bago tumingin sa akin gamit ang kanyang seryosong mukha.

"Have a seat." Aniya at itinuro ang sofa upang doon ako umupo.

Panandalian kong tinignan ang secretary ni Doc Emman dahilan para ngitian ako nito. Nginitian ko rin siya pabalik at agad na umupo sa sofa pagkatapos ay isinara na ng secretary ang sliding door.

"Shall we start?" Tanong niya pagkatapos ay inalis ang kanyang white coat at maingat itong inilagay sa likod ng kanyang swivel chair.

"Y-yes, Doc." Kinakabahang sagot ko.

"I already scanned your information and I find your experiences and capabilities worthy to be part of my team. Well, other people may find me the best, but I still consider myself as a Doctor who aspires to explore my knowledge and strengthens my expertise more. So, I only have one question for you, Ms. Navarro." He said then cleared his throat.

"G-go on, Doc. I'm l-listening po," kinakabahang turan ko.

"Why did you choose to be in a medical field when all of the opportunities are behind your back already? I mean, I was pertaining to your parents. I heard their best engineers." Aniya.

Totoo naman 'yon. Magaling ang mga magulang ko hindi lang sa dito sa Pilipinas, maging sa ibang bansa rin pagdating sa pagpa-plano ng bahay, buildings and other facilities. But despite that, I still can't see myself entering the world of engineering or even business.

"It's because I want to help and take care of other people. It may sound cliché but it is the truth. I want to heal everyone's wounds using these hands as an instruments to help other people live their lives better."

Maluha-luha man pero ngumiti ako ng malawak sa kaniya. Totoo 'yon, gusto kong gamitin ang aking mga kamay bilang instrumento sa pag-gamot ng mga sugat ng pasyente at pag-aalaga sa kanila.

"Alright. You're starting your work tomorrow. I only have one rule, Ms. Navarro. Be punctual." Seryosong aniya at nagsimulang ayusin ang kanyang mga gamit.

Nagpasalamat ako at nagmadaling lumabas sa kaniyang clinic. Nakakataba ng puso dahil sa kabila ng nagawa ko kay Doc Emmanuel ay nagawa niya pa rin akong tanggapin sa kaniyang clinic. He's very professional when it comes to work and I salute him for that.

"Hired?" Nakangiting tanong ng secretary ni Doc Emman.

I bit my lower lip and slowly nodded at her. "Congratulations!! Sa dinami-raming aplikante ay ikaw ang napili niya. Pihikan kasi sa pagpili ng empleyado 'yan si Doc Emman." Nakangusong aniya.

"G-ganu'n ba? Siguro ma-swerte ako ngayong araw." Pilit na nakangiting turan ko.

Panandalian kaming nag-usap ni Marivic—sekretarya ni Doc Emman, bago ako nagdesisyong umalis sa Ospital. Dadaanan ko pa si Doc Sanchez upang makapag-pasalamat sa kaniya. Hindi man ako natuloy sa pagta-trabaho bilang sekretarya niya ay sapat na dahilan na ang kabutihan na pinakita niya sa akin.

Agad akong kumatok sa pintuan ng clinic ni Doc Sanchez at kinausap ang bago niyang secretary. "Do you have an appointment, Ma'am?" Tanong nito.

Umiling ako at nakangiting inabot sa kaniya ang chocolate na may letter. Isang 'Thank you letter'para sa kabutihan na ipinakita niya sa akin.

"P'wedeng pakibigay kay Doc Sanchez? Pakisabi galing kay Ms. Navarro." Nakangiting abot ko.

Agad namang tumango ang bago niyang secretary dahilan para ngumiti ako. Nagpasalamat na rin ako sa kaniya bago tuluyang umalis.

Kulang ang salita upang maipahayag ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala! Araw araw ko nang makikita si Doc Emman. Mabuti na lang at professional siya pagdating sa trabaho kaya wala lang para sa kaniya 'yong nangyari sa birthday party ni Shamae.

Nang tuluyan na akong makalabas sa clinic ni Doc Sanchez ay agad akong pumunta sa parking lot upang bumili sa mall ng stock namin na pagkain ni Cyrille.

No'ng makarating ako sa mall ay agad akong kumuha ng trolley upang doon ilagay lahat ng bibilihin ko. Well, medyo marami ang bibilihin ko ngayon dahil ilang araw na rin ang nagdaan bago ako bumili ng stock namin.

Pumunta muna ako sa section ng mga chips, juice, coffee, at biscuits pagkatapos ay nagdesisyong kumuha ng mga frozen foods. Huli kong pinuntahan ang mga essentials. Mas mabuti nang sobra ang mabili lalo na kung may extra pambili kasya naman sa kulang.

Ilang minutong paghahanap pa ang nangyari bago ako nagdesisyong pumunta na sa counter. Wala maysadong tao kaya may isang mas nauna sa akin habang ako naman ay nasa likuran niya.

Natigil ako sa pag-sipat ng mga pinamili ko nang may pumila sa likuran ko dahilan para tignan ko ang mukha no'ng taong 'yon.

"Doc Emman," hindi makapaniwalang turan ko.

Dahan-dahan siynag tumingin sa akin at nang magtama ang aming mga mata ay tinaas niya ang kanyang kanang kilay dahilan para mapalunok ako.

"You bought necessities?" Tanong niya.

I licked my lower lip then stared at him for a while before I speak. "O-oo." Tanging nasagot ko habang bahagyang kinakamot ang aking ulo dahil sa kaba na aking nararamdaman.

"Your turn," he uttered.

Agad naman akong tumingin sa aking harapan dahil ako na pala ng sunod na magbabayad kaya agad kong nilagay sa counter ang mga pinamili ko.

"23,541 pesos po." Nakangiting turan ng kahera patungkol sa presyo ng mga pinamili ko.

Binuksan ko ang bag ko at agad na hinanap ang aking wallet. Ilang minuto na akong naghahanap subalit hindi ko nakita ang wallet ko dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. Sunod kong kinapa ay ang bulsa ko, ngunit kanina pa ako naghahanap ay wala akong wallet na nakapa o 'di kaya'y nakita.

"Is there something wrong?" Tanong ni Doc Emman.

Marahil ay nahahalata niya na kinakabahan ako kaya tinanong niya ako. "N-nawawala 'yong wallet ko." Ani ko habang nakayuko.

"Baka may cash ka po, Ma'am?" Tanong ng kahera.

"I only have one thousand here in my pocket." Halos maluha-luhang wika ko.

Kinakabahan ako dahil halos lahat ng ID's ko ay nasa wallet ko. Mahigirapan akong mag-ayos ng mga ID's na nawala ko at mapapagastos ako ng malala.

"It's alright. Here's my card, I'll pay for them." Doc Emman uttered then gave his card.

"Naku! H-hindi na po, Doc. I-ibabalik ko na lang po ang mga pinamili ko." Nahihiyang turan ko.

He looked at me using his serious face then heaved a deep sigh before he speaks, "You already gave them inconvenience, Ms. Navarro. Just accept my card. Kung nahihiya ka, bayaran mo na lang ako kapag nahanap mo ang wallet mo," halatang naiinis na ani Doc Emman.

Hindi na ako nagsalita pa at dahan-dahang kinuha ang kanyang card pagkatapos ay ibinigay 'yon sa kahera. Agad naman akong humingi ng pasensya at laking pasalamat ko dahil hindi naman nagalit ang ilan sa mga staff dito sa grocery.

"Salamat, Doc. Babayaran ko na lang po bukas." Nahihiyang pasalamat ko kay Doc Emman.

Kasalukuyan kaming naglalakad dito sa parking lot papunta sa mga kotse namin. Hindi ko alam pero napakabuti pala talaga ng puso ni Doc Emman. Sa kabila ng nagawa kong kasalanan sa kaniya gaya ng pagpapatigil ni Doc Kristine sa kaniya na manligaw ay ganito pa rin ka-buti ang asal niya sa akin. Tunay ngang napaka-bait niya. Siguro kung ibang tao siya ay grabeng galit na ang mayroon siya para sa akin.

"That's small thing. I'm not forcing you to pay me, tho." Aniya.

"H-hindi, babayaran ko po." Pilit na nakangiting wika ko.

Nang makarating na ako sa kotse ko ay agad akong nagpaalam at muling nagpasalamat sa kaniya, "Nandito na po ang sasakyan ko, Doc. Maraming salamat po. Bukas ko na lang po ibibigay. Salamat po talaga," wika ko.

He just smiled at me then nodded. After that, he immediately walked towards his car. Binusinahan ko siya senyales na nagpapaalam ako pagkatapos ay nagmaneho na ng aking sasakyan. Nakakatuwa lang, may maayos na akong interaction kay Doc Emman. Buong akala ko talaga hindi na mangyayari 'to. Pero talagang napakabait ng Diyos dahil binigyan niya ako ng oportunidad para makasama't maka-usap si Doc Emman.

to be continued

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ambiguous Doctor   SPECIAL CHAPTER

    Emmanuel's Point Of View"I like you, Celine."Fvck you, Demion!If only I could tell him those words, I won't think twice telling him! Kung hindi lang maraming tao ay kanina ko pa siya nasuntok! Maski ako ay hindi alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. This feeling is so strange, I've never felt this even with Kristine. I know the feeling of being in love. But, d*mn! This is different, far different from the feelings that I had towards Kristine. And how dare him kiss Celine without even asking her?! "I'm very territorial, Ms. Navarro. You're mine, only mine."I didn't know that I can be this territorial. She's not even my property but why did I act that way? Why did those words came out from my mouth?Ang gusto ko lang naman ay mahulog siya sa bitag ko pero bakit parang ako ang natalo? I decided to bring her here in Amanpulo to be with her without that fvcking Demion but who the hell is this guy? How dare him talk to my territory?They were about to shake hands but I immediat

  • The Ambiguous Doctor   EPILOGUE

    Emmanuel's Point Of View My life was fine. It was fine but not good at the same time. Not until Celine came and changed not just my ideals and beliefs in life, but also my life as a Psychiatrist and as an individual. All my life it revolved around with Kristine, until I finally had the chance to love someone else and I never knew that loving someone new would feel like building myself again: new experiences, new feelings, new life, and new knowledge. I didn't even know why I moved on so fast when I should be breaking and hurting so bad upon our break up. But loving someone isn't easy, we may experience heartaches and even trials that may affect us in just a snap. She forgot her past..... including me. That's what hurts me the most. I tried to reach out to her but I was banned. What's worse is she was being bumped by a car and I feel like it was my fault. Celine got an amnesia and our child was died.I was judged, misunderstood, and being left behind. Demion, took Celine away from

  • The Ambiguous Doctor   23

    SIARGAO WAS the place they chose. Nakakatuwa lang dahil hindi ko lubos akalain na mangyayari pa pala ito. Na makakasama ko ang mag-ama ko sa isang bakasyon. Buong akala ko kasi ay hindi ko na mae-experience ang ganito. Amanpulo was the best vacation spot for me and Emman as a couple but I guess Siargao would be the best place for us as a family, hopefully?While we are walking, there are lots of people eyeing Emman that made me pout. I was holding Levi's hand while Emmanuel's hand was intertwined with mine. "Daddy, this place is so beautiful!" Nakangiting sabi ni Levi habang naglalakad kami papunta sa villa namin. "And now even more beautiful because my handsome son and my pretty slash hot mama's soon to be wife is here." Nakangiting pambobola niya. Inirapan ko si Emman at agad naming tinungo ang loob ng villa namin. Mamaya ay susunod daw ang pamilya't malalapit na kaibigan ko sabi ni Emman. Buong akala ko nga ay kami lang kaya gano'n na lang ang pagtataka ko nang biglang kasama pa

  • The Ambiguous Doctor   22

    NAKAAYOS NA ang higaan na tutulugan namin nina Levi at Emman. Nagdesisyon akong sa couch na lang humiga mamaya. Ang awkward kasi kung magkatabi kaming tatlo. Baka mamaya sugurin ako ng girlfriend nitong si Emman at ipahiya sa maraming tao. Lagot ako kina Mommy no'n dahil masisira ang imahe nila sa maraming tao at mga kapwa nila engineers at businessmen. Alas dos na ng madaling araw nang makarating si Emmanuel. Nakatulog na rin si Levi kaya pinipilit ko siyang 'wag nang dumiretso rito kaso mapilit siya. Maliban do'n ay gusto niya ring makasama sa pagtulog ang kaniyang anak. Hindi ko na siya pinigilan pa at nang makarating siya ay agad ko siyang inalalayan papunta rito sa loob ng mansyon. "Hey," nagulat kaming dalawa ni Emman nang makapasok kami sa loob ng bahay dahil biglang bumungad sa amin si Cyrille na mayroon pang white facemask sa kaniyang mukha. "Naglabalikan na kayo?" Muling tanong niya dahilan para agad akong umiling. "Not yet-""No!" I cut Emman off. Nang makaramdam ako

  • The Ambiguous Doctor   21

    WILL I GREET him after all the bad things he did? Wala na akong ibang ginawa kun'di ang i-greet siya dahil napaka unprofessional naman kung idadamay ko ang past namin sa trabaho. "Good evening, Doc." Labag sa loob na pagbati ko sa kaniya. He nodded and quickly brought back his gaze to Ma'am Medina. Nag-usap sila ulit habang ako naman ay naglakad papunta sa gilid ni Ma'am Medina upang makalabas na ng ospital. I don't know why I feel so embarrassed with his actions towards me. The way he acts, it seems like I'm nothing but a stranger to him. I just shrugged and looked at my watch. It's 10:55 PM and I need to go to our house before 12:00 AM. They're all planning to surprise Mommy with a simple celebration before she leaves the Philippines again. Nandito pa sa loob ng sasakyan ang gift namin ni Levi for her. Shamae and Levi were outside. The food that they bought were probably the food we're gonna eat at Mommy's celebration. Ilang minuto ako nagmaneho bago nakarating sa bahay. Nagpa

  • The Ambiguous Doctor   20

    KASALUKUYAN KONG hawak hawak si Levi. Narito kami ngayon sa mall habang naghahanap ng mabibili naming regalo para kay Mommy. Birthday niya kasi ngayon. "Levi, be careful!" Nag-aalalang sambit ko. Agad naman siyang hinabol ni Zaijan na siyang naging dahilan ng pagsapo ko sa aking noo at bahagyang pag-ngiti. He is now 6 years old. Aaminin ko, inantay kong bumalik si Emman no'ng ika-apat na taon niya sa Canada but things turned out the way I never expected it to be. Hindi siya bumalik at ayon ang lalong nakapagpa-tibay sa akin na kaya kong palakihin ang anak ko mag-isa sa tulong ng mga mahal ko sa buhay. "I told you many times not to run, Levi. The floor is slippery." I uttered then fixed the towel that is placed underneath his shirt. "Heto naman. Talagang magkukulit 'yan, Celine. Kaya nga bata, eh." Bulong ni Zaijan pagkatapos ay muling hinabol ni Zaijan si Levi na ngayon ay papasok na sa isang restaurant. "Mom, I want to eat." Nakangusong aniya. I smiled and held him on his chee

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status