Share

Kabanata 10

Author: LiLhyz
“Alam mo, kasalanan mo ito, Charlie. Hindi mo kayang panatilihing iyo ang lalaki mo,” sambit ni Regina matapos maglagay ng lipstick. Natawa siya at nag hair flip gamit ang itim niyang buhok, at noong humarap siya kay Charlie, idinagdag niya, “Talaga? Dalawang taon na kayo at hindi pa din ninyo ginagawa?”

“Charlie, lalaki siya! Ginutom mo si Luke!” deklara ni Regina.

Oo, totoo. Walang nangyari sa pagitan ni Luke at Charlie, dahil natatakot siya na baka malaman ng kanyang ama! Bukod pa doon, hindi naman siya pinressure ni Luke tungkol dito.

“Oh, may nangyari sa inyo ni Luke at proud ka na doon?” reaksyon ni Charlie. “Well, congrats. Sana tumagal kayo.”

“Siyempre tatagal kami!” sagot ni Regina. “Hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ako gusto ni Luke.”

“I mean, tignan mo nga ang sarili mo.” Tinignan ni Regina si Charlie ng paulit-ulit at sinabi, “Maluwag na long-sleeve blouse, jeans at boots.”

Mapanglait ang itsura ni Regina at sinabim “Minsan, dapat ka magpakita ng balat!”

“Hindi na, salamat, umuulan,” sagot ni Charlie. “Mas pipiliin ko na hindi ako lamigin.”

Naiinis na tumawa si Regina. Siniwalat niya, “Bahala ka. Dati ng kaibigan ng ama ko ang ama ni Luke. Doon ko nakilala si Luke. Sabihin na lang natin na magkasundo ang mga pamilya namin!”

“Narinig ko na isa ka lang babae na galing sa kabilang lungsod. Hindi ka ba napapaisip kung bakit isang beses ka lang isinama ni Luke sa bahay niya? Iyon ang narinig ko,” dagdag ni Regina. “Sasabihin ko sa iyo.”

Nagkrus ang mga braso ni Regina at sinabi, “Hindi ka gusto ng ama ni Luke. Pero ako, limang beses na akong galing sa bahay nila sa nakalipas na dalawang linggong naging kami.”

“Kaya, sana huwag mo damdamin ang breakup ninyo. Hindi naman kayo magiging okay ni Luke sa huli.” Tinapik ni Regina si Charlie sa balikat at sinabi, “Puwede mo na lang ako pasalamatan dahil iniligtas kita sa mas matinding heartbreak sa kinalaunan.”

Tunay na nasaktan si Charlie sa siniwalat ni Regina. Ngunit, ayaw niyang ibigay kay Regina ang tuwa na apektado siya, dahil sadya siyang ginagalit. Kaya, ngumiti si Charlie at kalmadong sinabi, “Tama ka. Kailangan kita pasalamatan dahil inilayo mo ako sa duwag na katulad ni Luke.”

“Siguradong mapupunta ako sa nakakahigit sa kanya,” sambit ni Charlie.

Noong una, sumimangot si Regina, pero kinalaunan, tumawa siya. Tumawa din ang mga kaibigan niya. Nagtanong si Regina, “Sino pa ba ang nakahihigit kay Luke?”

“Hindi ko sasabihin sa iyo. Base sa ugali mo na pang aagaw ng hindi iyo,” sagot ni Charlie. “At salamat sa impormasyon. Tunay na naliwanagan ako sa sinabi mo.”

Humarap si Charlie kay Dawn at sinabi, “Tara na, Dawn.”

“Oo,” sambit ni Dawn, sumunod siya kay Charlie.

Sa hallway, nakita ni Charlie si Luke na hinihintay si Regina. Tulad ng huli, hindi niya ito binigyan ng pansin at dumaan sa ibang labasan.

Napagdesisyunan ni Charlie at Dawn na kumain sandali sa canteen. Doon nila nakita si Taylor West. Nagtanong si Dawn, “Oh, Diyos ko. Nakatingin ba sa atin si Taylor West. O sa iyo?”

Kasama ni Taylor ang mga kaibigan niya ng tignan niya is Charlie. Kinabahan si Charlie. Una, naguguluhan si Charlie kung bakit siya tinitignan ni Taylor.

“Hindi, hindi tayo.” Tumuro si Charlie sa ibang direksyon at sinabi, “Binabati niya ang kaibigan niya doon.”

Tumalikod si Dawn at tinignan ang tinutukoy ni Charlie, pero hindi niya makita kung sino ang ibig niyang sabihin. “Sino?”

“Nakaalis na ang lalaki. Nakita ko siya, tumango sila sa isa’t isa.” Habang sumesenyas siya ng kakaiba, sinabi ni Charlie, “Para lang malinaw tayo, hindi tayo tinignan ni Taylor West.”

“Tama ka,” tumango si Dawn. “Kalaban natin sila sa basketball team, pero ang hot niya!”

Natawa si Dawn at sinabi, “Kung idedate mo siguro si Taylor, mababaliw si Luke! Alam ng lahat na kinamumuhian ni Luke si Taylor.”

“Naiimagine mo ba?” tanong ni Dawn. “Nakakatuwa talaga iyon.”

“Ah.” Tinignan ni Charlie si Taylor sandali. Nagkatitigan sil, at malinaw na kakaway dapat siya sa kanya, pero umiwaas ng tingin si Charlie bigla. Sinabi niya, “Hindi, hindi iyon magandang ideya.”

***

“Hi, Taylor! Magpapaparty ako this weekend. Gusto mo pumunta?”

“Hi, Taylor!”

“Oh, Diyos ko, si Taylor!”

Sa College of Engineering, natuwa ang mga babae sa hallway, sinusulyapan si Taylor pero malalim ang iniisip niya. Sinabi niya, “Ang mga babaeng ito ay handang ibigay sa akin ang lahat, pero si Charlie Blondie ay hindi ako pinapansin? Sino ba siya sa akala niya?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 200

    Ang Suncrest Valley State University gymnasium ay parang sasabog.Sa isang side ng bleachers, ang SVSU students ay nakasuot ng kulay pulang jersey at wolf masks. Nagdadabog sila gamit ang mga paa nila at umaalulong: “FEED THE FANGS.”Sa kabilang side ng court, mas kaunti ang damit ng mga estudyante sumusuporta sa Luxford University—pero hindi sila talo sa pag cheer. Patuloy nilang chinachant, “Atomic Heat! Let’s cook!”Sa court, inobserbahan ni Charlie si Taylor na ipinupunas ang palad niya sa shorts. Nanggigil ang panga niya, at steady ang paghinga niya, nakatitig ang mga mata niya sa scoreboard:Wildfangs – 78Atomic Heat – 7719 seconds na lang ang natitira.Talo sila ng isang puntos.Patapos na ang timeout.Alam mismo ni Charlie kung anong iniisip ni Taylor.“Mag three-point shot siya,” sabi ni Tristan. Dumalo siya kasama ang mga kaibigan niya galing College of Engineering, alam nila kung gaano kahalaga ang laro ngayon.Lumipas ang isa pang linggo, at nakalaban ng Atomic

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 199

    “Pagkatapos, dumating si Maxwell, nagpakabayani siya, at binawi ang paper bag!” sabi ni Dawn. “Nakipaglaban siya sa magnanakaw—na nagkataong may mga kasabwat—at tinakot niya ang mga ito gamit ang karate skills niya!”Tumigil siya. “Hindi ko alam na magaling ka makipaglaban, Maxwell.”“Wow, Maxwell, bayani ka!” sabi ni Frank, nanlaki ang mga mata niya habang umaarteng hindi makapaniwala.“Tama na,” makaawa ni Maxwell, pinipigilan niya ang sarili niyang umirap.“Pero alam mo kung anong nakakatawa?” sabi ni Dawn, kumikinang ang mga mata, sabik na sabik siyang magkuwento. “Basura lang ang dala ko para itapon. Kaya ang paper bag na kinuha sa akin ay basura lang! At binawi ni Maxwell ang basurang iyon, habang iniisip niya na medical supplies ito!”“Diyos ko po! Haha!” tumawa ng malakas si Mia. “Hindi pa din ako makagetover!”“Pffft! Di ba?” dagdag ni Frank.Maxwell: “…”Habang tumatawa din si Lorelai, humarap si Dawn kay Mia. “Anong ibig mong sabihin na hindi ka makagetover doon?”“

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 198

    “Guys, salamat talaga sa pagbisita ninyo,” sabi ni Dawn, niyakap niya si Mia at Charlie.“Papunta kami sa laro at napagdesisyunan na dumaan bago pumunta ng Suncrest Valley,” paliwanag ni Charlie.Alas-onse ng umaga. Alam ni Maxwell ang tungkol sa laro ni Taylor at kung ilang mga estudyante ang papunta sa Suncrest Valley. Dahil nag-abala sila, naramdaman ni Maxwell ang sinseridad sa pagkakaibigan nina Charlie at Dawn—at masaya siya para sa kanya.“Pero mananatili ako dito para matulungan kita,” sabi ni Frank, itinuro niya ang sarili niya. “Sa totoo lang, hiniling ni Maxwell.”Noong humarap si Dawn kay Maxwell, ipinaliwanag niya, “Kailangan ko ang gig ngayon gabi, Dawn. Hindi ko na pwede ikansela, at kailangan ko ng pera. Kung okay lang sa iyo, sabi ni Frank siya ang magiging lakas mo.”“Oo,” sabi ni Frank, humarap siya kay Dawn. “Pero hinding-hindi pwede maging tayo. Nililinaw ko lang.”Umiling-iling si Maxwell, natutuwa siya. Sa harap niya, si Taylor naman, tawa ng tawa. Suot na

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 197

    Ang nakakagulat na parte ay nagkaroon ng enlightenment si Paxton habang lumilipas ang oras. Dumating ang lola niya sa buhay niya at unti-unti siyang nagbago.Sa kasamaang palad para kay Maxwell, sira na ang namamagitan sa kanila ni Dawn. At alam niya kung bakit.Nadisappoint niya si Dawn.Hindi man lang siya matignan ni Dawn sa mga mata kapag nagkakasalubong sila. Malamig ang mga mata niya at malayo.Gusto niya makipag-usap, para makipag-ayos, pero pinipigilan siya ng hiya. Hindi niya alam kung paano. Natatakot siya na baka hindi siya mapatawad ni Dawn.Pagkatapos, tumuloy lang ang buhay.Napromote ang ama niya.Nakuha ni Maxwell ang scholarship discount para sa high school basketball.At ang huli, lumipat sila ng komunidad.Nagkita sila ulit ni Dawn noonog unang taon niya ng kolehiyo. Kakaway siya dapat sa kanya—pero tumalikod si Dawn.Sigurado siya na nakita siya ni Dawn, pero naisip ni Maxwell na hindi siya nababagay sa presensiya ni Dawn. Kaya nanatili siyang nasa malayo

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 196

    ~~~FLASHBACK NI MAXWELL~~~Sa Luxford K-8 School, si Maxwell ang pangalawa sa pinakamagaling sa basketball noong middle school. Mahilig siya sa sports, gusto niya ang team spirit, at naging malapit na sa team niya kahit na alam niya ang ugali ng iba, tulad ni Paxton Owens, na hindi maganda.Nagtatrabaho ang mga ama nila sa parehong kumpanya, kaya inaasahan na ang pagiging plastic. Ang ama ni Maxwell, na si Joseph Turner, ay madalas na ipinapaalala sa kanya na maging malapit kay Paxton. Malapit na mapromote si Joseph, at ama ni Paxton ang direct supervisor niya. Kahit na noong simula, ang pagkakaibigan ni Maxwell at Paxton ay mas obligasyon ang dating kaysa desisyon, masaya kasama si Paxton kung hindi lang siya g*go.Sa mga oras na iyon, naniniwala talaga si Maxwell na baka maimpluwensiyahan niya sa magandang paraan si Paxton kung mananatili silang malapit sa isa’t-isa.Noong Valentine’s Day, may afternoon practice sa school si Maxwell, pero inutusan na siya ng ama niya na imbitahan

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 195

    Charlie: “…”Isang segundo.Dalawang segundo.Tatlong segundo.“Anooooo?” sabay-sabay na sigaw nina Mia, Frank at Charlie.Tumigil sandali si Inner Devil bago tumawa ng malakas.Inner Devil 2: “Sana hindi ko na lang iyon nakita.”“Sandali.” Napalunok si Charlie. “Hindi iyon parte ng script.”“Plot twist,” sabi ni Frank.***“Pambihira naman, Dawn?!!!” Ang sabihin na disappointed si Maxwell ay pagsasabi na maliit na bagay lang ito.Ang pagpapakabayani niya ay nauwi sa trahedya!Nag-effort siya ng husto… tapos ang iniligtas niya… ay basura lang pala?Nagalit si Dawn ng humarap siya sa direksyon ni Maxwell, “Hindi ko naman sinabi na gawin mo iyon! Inutusan lang ako ni Mrs. Hamilton ang isabay ang basura pag-uwi ko!”“Sa paper bag talaga?!!!” tanong ni Maxwell, ramdam ang kontra sa boses niya.“Para mas madali kong madala!” reaksyon ni Dawn, nagdadabog siya palayo sa kanya.May inatasan na lokasyon para pagtapunan ng basura ang bawat komunidad. Hindi kinakailangan ng mga ba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status