Share

Kabanata 9

Author: LiLhyz
Tulad ng pangako ni Taylor, maaga siyang gumising at paalis na para sa basketball practice noong ala siyete ng umaga. Suot na niya ang basketball jersey, pero dahil sa hindi magandang panahon, nagsuot siya ng jacket. Napakatangkad talaga niya. Sa height niyang six feet, mas matangkad siya kay Charlie.

Nahuli ni Taylor si Charlie na nagpadeliver ulit ng pagkain. Sumimangot siya at sinabi, “Hindi yan malusog, alam mo ba. Dapat magluto ka ng sarili mo. Maraming mga video sa You*Tube.”

Inilabas ni Charlie ang pagkain niya at sinabi, “Oh, marunong ako magluto. Hindi pa ako namimili.”

Kasinungalingan iyon. Hindi marunong magluto si Charlie, pero alam niya na oras na para matuto. Kailangan niya itong aminin. Inispoil siya ni Sofia at Ashley sa madalas na pagluluto nila. Ang kontribusyon niya sa dati niyang apartment ay ang paglilinis at paghuhugas ng mga pinagkainan.

“Anyway, kailangan ko ng umalis,” sagot ni Taylor, paos pa ang boses niya. “Babalik ako ng tanghali.”

“Wala ako dito,” sagot ni Charlie.

“Mabuti!” sagot ni Taylor bago umalis.

Well, hindi naman siya namatay. Naisip ni Charlie na baka mabuhay siya hanggang sa susunod na semestre bilang roommate ni Taylor.

Pagkatapos ng almusal, naligo siya at nagbihis. Pagkatapos, kinausap niya ang mga professor niya para malaman kung may mga klase siyang puwedeng palitan ang oras. Tagumpay si Charlie sa pagpapalita sa tatlong klase niya.

Ang isa sa klase kung saan tagumpay si Charlie sa pagpapalit ng oras ay sa marketing. Kaysa dumalo sa klase ng umaga, inilipat niya ito sa 4 p.m. Natutuwa siya sa pagbabago dahil ibig sabihin, hindi na niya kailangan makita si Luke. Pero, noong pumasok siya sa klase, nagulat siya dahil nakita niya doon ay si Regina naman.

Napatitig ang buong klase kay Charlie. Siyempre kilala siya ng lahat, pero kilala din nila si Regina. Kumalat na ang chismis na may bagong girlfriend si Luke.

“Ano? Nasa klase natin si Charlie? Pero nandito din si Regina.”

“Nakakailang ito.”

“Makikita ni Charlie si Luke na sinusundo si Regina.”

“Ang galing naman,” reklamo ni Charlie. Hindi niya pinansin ang mga tumititig sa kanya at nagfocus sa klase.

May mga oras na nagpapaalam ang professor at iniiwan ang klase. Masipag na nagbabasa si Charlie ng bumulong ang katabi niyang babae, “Regina Wyatt. Iyon ang pangalan niya. Bagong lipat siya mula sa Braeton City. Thirdy year na siya sa marketing. Baka lang hindi mo alam.”

Tinitigan ni Charlie ang babae sa tabi niya. Maikli at itim ang buhok, napakaputlang balat. Nakasuot siya ng itim na salamin at knitted blouse at jeans.

“Ako si Dawn,” pakilala ng babae. “Business management major ako, tulad mo. Nagkaroon na tayo noon ng baka mga tatlong klase.”

“Oh, oo. Dawn Rivers? Pasensiya na. Matagal na din kas,” sambit ni Charlie, naguilty siya.

“Okay lang,” ngumiti si Dawn. “Dati kang sinusundo ni Luke pagkatapos ng klase. May oras ka lang para maging kaibigan ang mga kaibigan niya.”

Napatigil si Charlie.

Tama si Dawn!

Ang mundo niya ay umiikot sa pag-aaral at kay Luke; wala siyang malapit na kaibigan maliban sa grupo nila. Kahit na nakikilala niya ang ibang mga estudyante, hindi siya nagkaroon ng malalim na ugnayan sa iba.

Habang nakangiti kay Dawn, sinabi ni Charlie, “Pinagsisisihan ko ito.”

Natawa si Dawn. Sinabi niyam “Okay lang. Naiintindihan ko. Ang akala ko okay si Luke… hanggang sa marinig ko ang tungkol sa pangangaliwa niya.” Iniabot niya ang kamay niya kay Charlie at idinagdag, “Hanga ako sa iyo. Matalino ka at maganda. Sa tingin ko nagkamali siya.”

Napangiti si Charlie sa sinabi ni Dawn. Sumagot siya, “Hindi ko siya gustong pag-usapan. May sarili siyang buhay at mayroon din ako.”

“Okay.” Ngumiti si Dawn. “Dahilan pa lalo kaya kita nirerespeto.”

Noong natapos ang klase, pumunta sa banyo sina Charlie at Dawn ng magkasama. Habang nag-fefreshen up, nagtanong si Dawn, “Uy, Charlie. Sinabi ni Regina sa ibang mga babae tungkol sa paglipat niya kasama sina Ashley at Sofia noong umalis ka.”

“Um. Oo,” kumpirma ni Charlie.

“Bakit ka umalis?” tanong ni Dawn.

“Dahil hindi na niya kaya.” May nagsalita. Sabay na humarap si Charlie at Dawn kung saan nakita nila si Regina na naglalakad papasok sa banyo. “Hindi ba tama ako, Charlie?”

“Oo, traydor ang mga kaibigan ko, kaya umalis ako,” sagot ni Charlie ng walang alinlangan.

Malamig, pero nakasuot si Regina ng A-line skirt at fashionable blouse. Ang nagbibigay lang sa kanya ng init ay ang itim niyang coat. Nagsimula siyang maglagay ulit ng makeup. Kasama din niya ang dalawa sa mga kaibigan niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 200

    Ang Suncrest Valley State University gymnasium ay parang sasabog.Sa isang side ng bleachers, ang SVSU students ay nakasuot ng kulay pulang jersey at wolf masks. Nagdadabog sila gamit ang mga paa nila at umaalulong: “FEED THE FANGS.”Sa kabilang side ng court, mas kaunti ang damit ng mga estudyante sumusuporta sa Luxford University—pero hindi sila talo sa pag cheer. Patuloy nilang chinachant, “Atomic Heat! Let’s cook!”Sa court, inobserbahan ni Charlie si Taylor na ipinupunas ang palad niya sa shorts. Nanggigil ang panga niya, at steady ang paghinga niya, nakatitig ang mga mata niya sa scoreboard:Wildfangs – 78Atomic Heat – 7719 seconds na lang ang natitira.Talo sila ng isang puntos.Patapos na ang timeout.Alam mismo ni Charlie kung anong iniisip ni Taylor.“Mag three-point shot siya,” sabi ni Tristan. Dumalo siya kasama ang mga kaibigan niya galing College of Engineering, alam nila kung gaano kahalaga ang laro ngayon.Lumipas ang isa pang linggo, at nakalaban ng Atomic

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 199

    “Pagkatapos, dumating si Maxwell, nagpakabayani siya, at binawi ang paper bag!” sabi ni Dawn. “Nakipaglaban siya sa magnanakaw—na nagkataong may mga kasabwat—at tinakot niya ang mga ito gamit ang karate skills niya!”Tumigil siya. “Hindi ko alam na magaling ka makipaglaban, Maxwell.”“Wow, Maxwell, bayani ka!” sabi ni Frank, nanlaki ang mga mata niya habang umaarteng hindi makapaniwala.“Tama na,” makaawa ni Maxwell, pinipigilan niya ang sarili niyang umirap.“Pero alam mo kung anong nakakatawa?” sabi ni Dawn, kumikinang ang mga mata, sabik na sabik siyang magkuwento. “Basura lang ang dala ko para itapon. Kaya ang paper bag na kinuha sa akin ay basura lang! At binawi ni Maxwell ang basurang iyon, habang iniisip niya na medical supplies ito!”“Diyos ko po! Haha!” tumawa ng malakas si Mia. “Hindi pa din ako makagetover!”“Pffft! Di ba?” dagdag ni Frank.Maxwell: “…”Habang tumatawa din si Lorelai, humarap si Dawn kay Mia. “Anong ibig mong sabihin na hindi ka makagetover doon?”“

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 198

    “Guys, salamat talaga sa pagbisita ninyo,” sabi ni Dawn, niyakap niya si Mia at Charlie.“Papunta kami sa laro at napagdesisyunan na dumaan bago pumunta ng Suncrest Valley,” paliwanag ni Charlie.Alas-onse ng umaga. Alam ni Maxwell ang tungkol sa laro ni Taylor at kung ilang mga estudyante ang papunta sa Suncrest Valley. Dahil nag-abala sila, naramdaman ni Maxwell ang sinseridad sa pagkakaibigan nina Charlie at Dawn—at masaya siya para sa kanya.“Pero mananatili ako dito para matulungan kita,” sabi ni Frank, itinuro niya ang sarili niya. “Sa totoo lang, hiniling ni Maxwell.”Noong humarap si Dawn kay Maxwell, ipinaliwanag niya, “Kailangan ko ang gig ngayon gabi, Dawn. Hindi ko na pwede ikansela, at kailangan ko ng pera. Kung okay lang sa iyo, sabi ni Frank siya ang magiging lakas mo.”“Oo,” sabi ni Frank, humarap siya kay Dawn. “Pero hinding-hindi pwede maging tayo. Nililinaw ko lang.”Umiling-iling si Maxwell, natutuwa siya. Sa harap niya, si Taylor naman, tawa ng tawa. Suot na

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 197

    Ang nakakagulat na parte ay nagkaroon ng enlightenment si Paxton habang lumilipas ang oras. Dumating ang lola niya sa buhay niya at unti-unti siyang nagbago.Sa kasamaang palad para kay Maxwell, sira na ang namamagitan sa kanila ni Dawn. At alam niya kung bakit.Nadisappoint niya si Dawn.Hindi man lang siya matignan ni Dawn sa mga mata kapag nagkakasalubong sila. Malamig ang mga mata niya at malayo.Gusto niya makipag-usap, para makipag-ayos, pero pinipigilan siya ng hiya. Hindi niya alam kung paano. Natatakot siya na baka hindi siya mapatawad ni Dawn.Pagkatapos, tumuloy lang ang buhay.Napromote ang ama niya.Nakuha ni Maxwell ang scholarship discount para sa high school basketball.At ang huli, lumipat sila ng komunidad.Nagkita sila ulit ni Dawn noonog unang taon niya ng kolehiyo. Kakaway siya dapat sa kanya—pero tumalikod si Dawn.Sigurado siya na nakita siya ni Dawn, pero naisip ni Maxwell na hindi siya nababagay sa presensiya ni Dawn. Kaya nanatili siyang nasa malayo

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 196

    ~~~FLASHBACK NI MAXWELL~~~Sa Luxford K-8 School, si Maxwell ang pangalawa sa pinakamagaling sa basketball noong middle school. Mahilig siya sa sports, gusto niya ang team spirit, at naging malapit na sa team niya kahit na alam niya ang ugali ng iba, tulad ni Paxton Owens, na hindi maganda.Nagtatrabaho ang mga ama nila sa parehong kumpanya, kaya inaasahan na ang pagiging plastic. Ang ama ni Maxwell, na si Joseph Turner, ay madalas na ipinapaalala sa kanya na maging malapit kay Paxton. Malapit na mapromote si Joseph, at ama ni Paxton ang direct supervisor niya. Kahit na noong simula, ang pagkakaibigan ni Maxwell at Paxton ay mas obligasyon ang dating kaysa desisyon, masaya kasama si Paxton kung hindi lang siya g*go.Sa mga oras na iyon, naniniwala talaga si Maxwell na baka maimpluwensiyahan niya sa magandang paraan si Paxton kung mananatili silang malapit sa isa’t-isa.Noong Valentine’s Day, may afternoon practice sa school si Maxwell, pero inutusan na siya ng ama niya na imbitahan

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 195

    Charlie: “…”Isang segundo.Dalawang segundo.Tatlong segundo.“Anooooo?” sabay-sabay na sigaw nina Mia, Frank at Charlie.Tumigil sandali si Inner Devil bago tumawa ng malakas.Inner Devil 2: “Sana hindi ko na lang iyon nakita.”“Sandali.” Napalunok si Charlie. “Hindi iyon parte ng script.”“Plot twist,” sabi ni Frank.***“Pambihira naman, Dawn?!!!” Ang sabihin na disappointed si Maxwell ay pagsasabi na maliit na bagay lang ito.Ang pagpapakabayani niya ay nauwi sa trahedya!Nag-effort siya ng husto… tapos ang iniligtas niya… ay basura lang pala?Nagalit si Dawn ng humarap siya sa direksyon ni Maxwell, “Hindi ko naman sinabi na gawin mo iyon! Inutusan lang ako ni Mrs. Hamilton ang isabay ang basura pag-uwi ko!”“Sa paper bag talaga?!!!” tanong ni Maxwell, ramdam ang kontra sa boses niya.“Para mas madali kong madala!” reaksyon ni Dawn, nagdadabog siya palayo sa kanya.May inatasan na lokasyon para pagtapunan ng basura ang bawat komunidad. Hindi kinakailangan ng mga ba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status