Share

Chapter 99

Nakakapagtaka lang kung bakit hindi niya ako nakilala gayong nagkausap naman kaming dalawa noon sa mall. Hindi kaya nagpapanggap lang siyang hindi niya ako kilala? Hays, ewan. Ayokong isipin dahil ayokong masira ang mood ko. Nandito ako para makilala ang mga anak ni Mama.

Masaya silang nilalaro ang bata. “Punta muna ako sa Cr ah.” Bulong sa akin ni Miguel. Tumango lang naman ako sa kaniya. Ilang sandali lang ay umalis din si Abby. Gusto ko sana siyang sundan dahil may pakiramdam ako na magkikita sila ni Miguel. Pinikit ko na lang ang mata ko at bumuntong hininga dahil ayokong pagisipan ng masama si Miguel. Magtitiwala ako sa pagmamahal niya para sa akin.

“Ang lalim no’n ah. May problema ka ba?” nagaalalang lumapit sa akin si Mama.

“Wala naman po. Nasobraha lang siguro ako ng kain ng seafoods.” Tanging tugon ko.

“Bakit allergy ka ba doon? Sa pagkakatanda ko ay wala ka naman allergy sa mga seafoods ah. Anong nangyari?” nagaalalang tanong niya.

Ngumiti ako. “Simula noong nabuntis ako at
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status