Marami ka ng nalalaman don Ernest.. hehe
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO “Mag papagaling kayo mommy, gagawin namin lahat para gumaling ka..” wika ko at umupo ako sa gilid ng kama nito dito sa hospital. “Anak..” tawag sakin ni mommy at hinawakan nito ang kamay ko. “Sana bago ako mawala kung sakali na lumalala ito. Makita man lang kita ikasal..” naka ngiting wika ni mommy. “Mom.. malapit na kasal namin ni Elora makikita mo pa ako ikasal ——” hindi ko natapos ng marinig ko ang sunod na sinabi ni mommy. “Kay Lilura anak, siya ang gusto ko pakasalan mo ulit..” wika ni mommy. Napa ubo naman ako dahil sa pagka samid sa sarili kong laway. Ilang beses pa bago ako lumunok bago naging maayos ulit. “Mom naman napaka imposible ng gusto ninyo! Hindi ko nga alam saan nanggaling pagkainis sa akin ng dati ko—-” Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil nag salita. Nagulat pa ako ng paluin ako ni Mommy. “Pwede ba?! Parang hindi ka lalaki! Syempre ganun talaga ang babae at isa pa alam ko naman na mahal mo pa ang dati mong asawa.
LILURA ÁSVALDR ODESSA PAGLABAS KO NG KWARTO dumaan ako sa Balcony at mula dito hinagis ko ang ulo sa dalawang pole na magkatabi. Ulo ng babae ang una kong hinagis, hindi ako pumalya ng ibato ito sakto ang mismong leeg nito na ang nakabaon ang matulis na parte ng poste. Sunod naman ang ulo ni Alexandrei. “Umalis kana d’yan Ásval! Ngayon na!” Utos ni Mika. Mula dito sa balcony, napa lingon ako ng may pumasok sa silid kung nasaan ako. “Hanapin niyo ang taong naka pasok!” Utos ng lalaking naka police ang suot. Tumalon ako sa bakal na railing. “Ásvaldr! Huwag ng tatalon dyan!” Utos ni Boss Earl. “Relax lang po Boss, hindi naman ganun kataas ito..” sagot ko at nilabas ko ang baril ko, kinasa ko ito at tinutok ko ito sabay. Pinaulanan ko ng bala ang mga ito agad akong tumalon sa puno at mula doon bumaba na ako ng maayos at tumakbo ako sa madilim na parte. Hinubad ko ang damit ko at tinago ko ito sa bag na naka tago sa loob ng damit ko. Kasama ang mga armas ko. Inalis ko ang mas
LILURA ÁSVALDR ODESSA “Mag pahinga na kayo muna ha? Dadalaw lang ako sa site muna, ate Nida ikaw na bahala kay Louvre..” bilin ko sa kanila at lumabas na ako ng hindi hinihintay ang magiging sagot sa akin. Ginamit ko ang sasakyan ko na espesyal na binigay sa akin ni Boss Flame. Isa itong Lamborghini Huracan, special na ang naging desenyo nito hindi na katulad ng orihinal. Dahil mismong si Mr. Hanz Dela Vega ang may gawa ng sasakyan. Mula sa pagpapaalam sa mismong kumpanya na pinagmulan nitong sasakyan. Binago upang maihahalintulad sa kagamitan tulad ng pagiging assassin ko. Sumakay ako at mabilis ko itong pinatakbo palayo ng aking bahay. Mas binilisan ko ang takbo ng sasakyan habang kinukuha ko ang earpiece sa aking tainga. Sikat pa ang araw pero kailangan ko sundin ang utos sa akin ni Boss Flame. This time hindi ko na kailangan mag tago sa mukha at anino ng iba. Ngunit.. Tinigil ko ang sasakyan ko sa madilim na parte ng isang hotel. “Room 308, Alexandrei Minajo 41 ye
LILURA ÁSVALDR ODESSA “Maraming salamat po sa pagpapatuloy po sa amin sa bahay niyo..” pasasalamat ko sa Lola ni Mila. “Naku wala ‘yun balik kayo ha? Kasi kulang ang pag stay ninyo dito..” naka ngiti nitong sagot. Natawa naman ako at tumango.. “Opo babalik po kami, siguro pag natapos na po ang mga kailangan ko gawin..” sagot ko sa Lola ni Mila. “Oh siya sige na at baka tanghaliin pa kayo sa byahe. Mag ingat kayo..” paalala nito sa amin. Muli ako nag pasalamat at inabot ko ang sobre na may laman na pera kay Mila. Bukas pa ito susunod dahil gusto daw niyang igala sa mall ang kanyang pamilya. “Tanggapin mo ‘yan tapos bili mo sila ng gusto nila mas lalo kapatid mo..” utos ko dito. “Sobra na po ito..” wika nito ngumiti ako at umiling. “Mauuna na kami, tumawag ka ha? Para mapa sundo kita sa terminal..” utos at bilin ko dito. “Opo ingat po kayo..” niyakap ako nito at nag paalam na ako ulit at kumaway ako sa pamilya ni Mila. Kumaway din ang anak ko sa pamilya ni Mila, hangg
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO “Sir, ito na po ang perfume ninyo..” naka ngiting wika ng babae. Tumayo ako mula sa pagkaka upo ako at lumapit ako dito. “May red rose scent din po ‘yan. Nilagyan namin para hindi nakaka hilo ang kanyang amoy habang tumatagal..” paliwanag sa akin nito. Ngumiti ako at nag lagay ako sa wrist ko at inamoy ko ito. “Hmm.. smells good, next time i will buy again same scent. “ naka ngiti kong wika na kina ngiti ng mga kasama nito. “Kayo ba ay talagang gumagawa ng mga ganitong klaseng perfume?” Tanong ko dito. “Opo. Idea po ito ng baby girl ni Miss L siya po talaga ang dahilan bakit kami may trabaho..” paliwanag ng manager dito. “How?” Bigla ako nagkaroon ng interest sa back story ng kumpanya na ito. “Dati po kasi nasa ibang bansa pa kami, pero nang mag desisyon si Miss L na mag lagay na rin dito sa Pilipinas ng branch. Lahat po kami lumapit sa kanya na kung pwede kami pa rin ang tao kasi gusto na po namin umuwi. Isa pa po, sa anak po niya nakapangala
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO HINDI KO MAIWASAN makaramdam ng selos habang nakikita ko ang mga post ng Miro Sagan na ‘yun. Halos lahat ng ina-upload o pino-post nito sa social media at puro kay Lilura at mga ginagawa nila tulad ng pag kain sa labas. “Sayang talaga kung napa payag natin si Miss L ng L’Güzce sa gusto natin na ipadesign sa kanila ang ilan sa mga project ng kumpanya..” wika ni Denver. Nasa bahay ko ang mga kaibigan ko. “Hindi natin pwede mapilit, saka may deal kami. Sa oras na pumayag siyang maging date ko sa Banquet ng mag tungo tayo doon. Hindi ko na siya kukulitin sa pag dedesign ng hotel ko.” Paliwanag ko dito. Bumuntong hininga na lang ito at tumango. “Wala na tayo magagawa. Pero subukan mo kausapin ang Architect na si Ezekiela at si Clyde Valencia? Engineer kasi yung Clyde pero mahal ang bayad sa kanila.” Suhestyon nito. “Sino? Parang ngayon ko lang narinig mga ‘yan?” Tanong ko dito. “Nah, hindi sila sikat masyado pero kapag naka gawa sila ng masterpiece m
LILURA ÁSVALDR ODESSA PAGDATING NAMIN SA Pagudpud ng Ilocos Norte, doon lang ako makahinga ng maayos dahil dumating na kami. Ang anak ko walang ibang ginawa kundi sumuka, kaya panay tigil kami para mapa hangin ko ito ng maayos at normal na hindi umaasa sa aircon lagi. “Malapit na tayo Ma’am..” wika ni Mila at tumango naman ako at binuhat ko ang anak ko ng maayos at inupo ko ito sa hita ko. HINDI NAG TAGAL NAKARATING kami sa isang beach house dito, ako nag pa book ng ng ilang araw. Ang sabi ni Mila mula dito malapit na ang bahay ng pamilya niya. Plano ko bukas na ng umaga pupunta sa kanila. Dahil 7pm na Kami halos nakarating at halos pagod ang lahat. “Mila, bukas na tayo pumunta sa inyo o gusto mo mauna ka?” Tanong ko dito habang nasa labas na kami. Sinalubong kami ng staff dito dahil sinabi ko na kung pwede patulungaan kami. “Bukas na lang po mahihirapan na po ako mag tungo doon, saka madilim din po..” sagot nito. Tumango na lang ako at inayos ng dalawang driver ko ang m
LILURA ÁSVALDR ODESSA “Ate Nida, paki naman po si Louvre.. anak sama ka muna kay Yaya at tutulong si—- okay hindi na..” gusto ko sana ibigay si Louv sa kanyang yaya ngunit lalo itong yumakap. Indication na ayaw niya. Narinig kong natawa ang mga kasama ko. “Wag na nga daw kasi Mommy eh. Kami na bahala dito, sumakay na kayo para hindi nahahamugan ang anak mo..” wika ni Miro na kina tango ko. “Mga gamit ha? Wag ninyo kalimutan, mag triple check kayo..” utos ko at nilagyan ko ng jacket ang ulo hanggang likod ng anak ko. “Okay po..” sagot nila Yaya sa akin kaya naman nag tungo na ako sa sasakyan at sumakay na ako kasama ang anak ko. Inayos ko ito sa pagkaka upo sa hita ko at pinahiga ko ng kaunti. Sumakay naman si Miro sa harapan at sila yaya naman sa likod. “Ate? May dala ka ba na mga plastic? Baka sumuka si Louvre sa biyahe..” tanong ko kay Ate Nida. “Meron po, lahat na ng plastic sa kusina kinuha ko na..” sagot nito na kinatawa ako. May motion sickness kasi si Louvre mas
PRAXIS ZEPHYR MIRO SAGAN - LANTSLOV Palabas na ako ng mall ng may naka banggaan ako na lalaki. Kagagaling ko lang sa airport at plano ko mag punta sa bahay ni Lilura para dalawin ang inaanak ko. “Tumingin ka nga sa daan!” Iritang wika sakin ng lalaki na kina lingon ko dito. “Pardon? Ikaw at ang kasama mo ang magulo mag lakad. Tinulak ka niya, umiwas na nga ako pero dahil sa kaharutan ninyo nabangga parin ako..” paliwanag ko sa isang ito. Pamilyar sa akin ang mga lalaki na ito, parang kaibigan sila ng ex-husband ni Lilura. Kilala ko ang dating asawa ni Lilura. Back then i don’t believe her na isang Maximilliano ang naging asawa niya at ama ni Louvre. Pero nang malaman ko na nagpadala ng letter si Lilura upang ipa-walang bisa ang kasal doon na ako naniniwala. “Teka ikaw yung kasama ni Lilura ah? Boyfriend ka ba niya?” Tanong sa akin ng isa pang lalaki. Hindi ko sila kilala sa pangalan pero namumukhaan ko sila. “Excuse me, nagmamadali ako.” Sagot ko dito at tatalikod na san