Share

01

I: Simula

ELEASTEIN POV

"What are you doing?"

"Reading" I simply said.

Napaikot ang mga mata ko ng nagmarinig na naman ang pamatay niyang linya.

"Anak ka ng tokneneng Astein! Kapag fiction books kahit oras ng lunch nag babasa ka.  Mag review ka kaya alam mo naman na exam natin mamaya." Masama pa itong tumingin sa bagong libro na nabili ko sa National Bookstore. "Ano naman tittle niyan?"

"How to turtore my best friend." Ibinaba ko ang libro at nagsimulang kumain. Ayoko muna ng away ngayon dahil badtrip ako simula nung nagising kanina. Bigla na naman kasi akong naka-alala ng hindi maganda.

"'Di nga? Seryuso kasi!"

"Shadows at night. A novel by UnstoppablePen" tumingin ako sa mga mata niya dahil hindi titigil ang isang ‘to. "Okay na Danica?"

"Ewan ko sa habit mo Astein, try mo kayang magseryuso sa pag-aaral? Alam mong napakahirap ng buhay ngayon at nanay mo lang nag papa-aral sayo."

Natigilan ako sa pagnguya at inirapan siya. "Ang sakit ah? Parang sinasabi mo na hindi ako seryuso sa pag-aaral."

"Truths hurts, ika nga nila."

 "Danica, mas mabuting kumain ka nalang. Hindi yung nagsasalita ka nakakairita kaya ang boses mo" saway ni Jecho boyfriend at friend namin. Sa amin tatlo ito lang yung may layang umaway kay Danica. Kasi mag syota eh kaya nga minsan hindi ako sumasama sa kanila dahil ginagawa akong third wheel.  

"Ha! Nakakairita pala? Pinapalabas mo bang panget ang boses ko sa pandinig mo!" Sigaw na tanong ni Danica na naging dahilan sa pagkuha niya ng atensyon sa mga studyante.

Napahawak pa nga si Jecho sa kanyang d****b, hindi ata niya inaasahan na sigawan siya ni Danica. "Baby naman nagbibiro lang e," nag pout pa ito. Inaakala ata niya na nagiging gwapo siya, nagmumukha lang siyang tanga sa harap namin.

Thank God at huminahon si Danica. Halata ang guilty nito sa mukha. "Sorry baby akala ko kasi totoo ang sinasabi mo talagang nakakairita ang boses ko.

"Minsan kadiri kayong dalawa. Lumayas nga kayo sa harapan ko" It's really annoys me everytime they call each other baby. I am not bitter person, I just find it disgusting.

Imbis na makinig pinag patuloy nila ang paglalandian sa harapan ko. I shake my head and focus to my food.

"Baby, I need ketchup."

I look at Danica, she's making a cute face but honestly she doesn’t looks cute. Hindi iyon panlalait totoo iyon.

"Kumuha ka kung gusto mo."

I almost choke on my food, gladly I grabbed my tumbler easily and drink it. Ang sunga nilang dalawa.

"Jecho." Seryusong tawag ni Danica at ng hindi man lang ito natinag ay tumayo siya at binatukan ito. "Bwesit ka talaga!"

I lean on my chair and laugh. Lumingon tuloy sa akin si Danica bago tuluyang umalis upang kunin ang ketchup na mukhang magiging dahilan ng pagaaway nila. 

Dumating si Kleiya ang anak ng principal at ang president ng Council of Supreme Student Government. She's holding a folder and place it on the table right beside my food.

"Bring it to Miss Marasigan. She needs it" she crosses her arms and tilts her head a little. "Bagsak ka raw sa exam? Kawawa ka naman."

My brows furrowed. Ano naman kayang problema nitong babae 'to? Porket spoiled brat lahat binabangga. I wanted to roll my eyes and smashed her head. 

"Nandidilim paningin ko sayo lumayas ka. Aminin mo nga, crush mo ba ako? Bakit lagi kang updated kahit hindi tayo classmate? Stalker kita no?" I smirk when she caught off guard.

"Eww" she turns her back ang leaves the cafeteria. Parang tanga lang.

Tuluyan akong natawa dahil nakita ko talagang nabadtrip ang babaeng iyon.

"Ang tagal naman ni Danica" yamot na sabi ni Jecho habang kumakain parin. 

"Awit."

Pinuntahan ko si Danica na nakapila parin kahit hihingi lang naman ng ketchup. Bahagya ko pang hinila ang buhok niya para mapansin ako.

"Uy, nandyan ka pala?"

"Wala nandoon ako" pamimilosopo ko.

"Nakita ko si Kleiya na nilapitan ka? Anong trip na naman ng bruhang yun?"

I shrugged my shoulder. Hinila ko siya sa harap upang makahingi lamang ng ketchup niya.

"Uy girl bawal sumingit" sabi pa nung third year college base sa suot niya.

"Ketchup lang naman pakay namin." 

Ako pa tuloy ang humingi roon sa tindira. Habang ito si Danica ay nagmamasid lamang sa gilid ko. Bahagya ko siyang siniko dahil nag zo-zoned out.

"Bakit?"

"Ang tahimik mo" I said getting worried about her. Siya lang kasi ang tanging kaibigan ko sa lahat kaya kilala ko na siya simula bata pa ako.

"Pinagsasabi mo?" Kinuha nito ang ketchup na binigay ng taga tinda. 

"I feel blacks on you."

She stopped walking and glanced at me. "Si Jecho lang."

"Nakakasama ang itim Danica. Iwasan mo 'yan" I inserted my right hand on my pocket.

Tumaas ang isang kilay nito. "Wala ka na bang boses na naririnig?" Biglang tanong niya.

"Depende, minsan oo minsan wala rin."

May mga bagay sa mundo na hindi talaga natin maintindihan tulad sa akin. Matalas ang pakiramdam ko lalo na sa emosyon ng tao hindi ko alam kung nakabubuti ba ito sa akin o hindi. Habang lumalaki kasi ako ay may unti-unting nagbabago sa akin. Lalo na ngayon na nakaririnig ako ng boses. Boses na hindi klaro sa pandinig.

Napahinto ako ng mag iba ang lugar na nilalakaran ko. Wala na ang cafeteria o kahit si Danica sa paligid. My eyes widened even more when I see where I am standing. Madilim ang paligid, malakas na hangin na nililipad ang mga tuyong dahon.

T-teka nasaan ako? Nakatulog ba ako habang naglalakad? Inikot ko ang paningin wala akong makita pero dahil matalas ang pakiramdam ko may naririnig akong mga yapak.

"Hoy Eleastein!"

Nawala ang itim na paligid bumalik ulit ito sa cafeteria na napakaingay. Is it one of my vision? 

"Eleastein! Ano na tara na?" Yamot na sabi ni Danica. "Kanina ka pa riyan."

"Danic-" muntik na akong natumba ng mabangga ko ang isang studyante. Mabuti at nakabalance ako pero malas iyong nabangga ko dahil natapunan ito ng spaghetti na dala niya.

"What the hell!" I feel her anger. She looks at me and pointed at me with her finger. "You! Watch your step girl you really didn't know how much I pay for my clothes!"

"Uniform lang yan. Akin na at lalabhan ko" I offer. Dahil na rin sa kasalanan ko naman.

"Ha! You think washing it-"

"Ang ingay mo naman" reklamo ko habang kinakamot ang batok. Tulad ng sinabi ko kanina, ayokong makipag-away dahil badtrip nga ako simula nung nagising. Kinamot ko ang ilong para tigilan ang maging mainis sa babaeng ‘to.  "Ano bang gagawin ko para mabayaran ka?"

"You really didn't know me, ha?" She smirks at me. I saw how she snapped her fingers.

Minutes later the principal arrives. Every student ran away because they were scared of her. Napaka strict niya kasi at kahit siguro ingrown mo sa paa mapapansin niya.

"Anong kaguluhan dito?" 

Napakuyom tuloy ako ng kamao dahil sa takot. Pati si Danica at Jecho napalayo dahil sa takot na matignan ng principal.

"Tita," she wiped her fake tears. Hala sinong nagpaiyak sa kanya?

"Unang araw ko palang sa school na ito mga bullies agad sasalubong sa akin" naiiyak niyang sabi.

Teka pinagsasabi nito?

Lumingon sa akin yung principal at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Umayos ka nga Eleastein naturingan kang representative ng second year. Tapos ikaw pa talaga ang mambu-bully ng kapwa second year?" 

Yumuko ako dahil napapahiya na ako sa harap ng ilang studyante. Marami pa siyang sinasabi na pinalalagpas ko lang sa kaliwang tenga. Yan naman kasi yung technique ng bawat studyante e, kunwari nakikinig yun pala nag na-narrate na sa utak. Lols.

"And for your punishment, you gonna clean the library!"

Nagpantig ang tenga ko at humarap sa principal? What punishment?

"Bakit po may punishment?" Seryusong tanong ko. Nilingon ko tuloy itong babae, ang pangit niya ka-bonding. Dahil una sa lahat GUMAWA SIYA NG KWENTO! Pangalawa HINDI KO SIYA BINULLY, NABANGGA KO SIYA! Capslock yan para dama.

"Lumabag ka sa patakaran Eleastein. Okay sige ganito nalang dahil sa mabait ako pwede kang pumili." Ngumiti pa ito, yung ngiting nakakatakot.

"Clean the library or clean every faculty in this campus."

Ha nice! Ang ganda ng choices.

***

I stretch my arms and wiped the sweat on my neck. Padabog kong binitawan ang map kaya lumikha ito ng ingay.

"Dahan-dahan naman sa gamit Ineng."

"Hala sorry po."

Nag peace sign ako para inisin ang librarian. Okay na kanina e, pipiliin ko na sana yung faculty pero nag suggest pa talaga yung babae na nabangga ko na hindi raw iyon sapat. At dahil sa mas bigger ang library one week ko itong lilinisin. What a good choice.

And about the girl, she's the only niece of the principal. Pinsan nong pangit na si Kleiya. But it made me think, the only niece of the principal is living in Sweden. I know I and Kleiya are great enemies but there is a chance we talk about her cousin. Nung panahon na okay kami at wala pa siyang inggit sa ‘kin. Ewan ko sa babaeng ‘yon kung bakit kinaiingitan ako e, ang layo nga niya kumapara sa akin.

 Her cousin doesn't like the weather in the Philippines and she will never go here because of Kleiya. Mag kaaway ang dalawang bruha.

I just shrugged, mag ka-away man sila o hindi wala akong pake. Hinubad ko ang apron at gloves saka ito maayos na inilagay sa maintenance room. Kinuha ko ang bag at nagmamadaling bumaba ng building dahil naroon naghihintay sila ang mag-jowang maharot.

I stopped when I saw Kleiya walking upstairs, she stopped when she saw me. We almost rolled our eyes.

"Nandito pala pinsan mo?" I ask her. Gusto ko lang sayangin ang oras niya. May hawak kasi itong mga libro kaya alam kong nabibigatan siya.

"What?" Hindi ko alam kung para saan ang inis niya. Tungkol ba sa pinsan niya o sa mabibigat na libro na nasa bisig niya.

"Yung cousin mo-"

"Tanga! Anong nandito? She's still in Sweden."

"Luhh? Narito siya kasama mama mo."

She rolled her eyes. "Pinagsasabi mo? She will never be here because she's still recovering an accident months ago. Hindi nga 'yon nakababangon pa."

Nangunot ang noo ko. Pinagsasabi nito?

"Una na ako, you really talking nonsense so that I'll suffer from this damn books!"

Nagkibit balikat ako at naglakad pababa natanaw ko kaagad ang dalawang tao na naglalandian. Tatawagin ko na sana sila ng may narinig na naman akong boses.

I stopped walking and looks around.

"Eleastein!"

Boses babae iyon na paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko. Sa tuwing tinatawag niya ako ay umi-echo ang boses niya.

"Eleastein! Nasaan ka?" Her voice, I can feel it she's almost crying.

"Eleastein! Eleastein!"

Who is she? Why she's calling me? Teka bakit english na naman language ko? Ang hilig talagang mag english nitong si Author lols.

"Hoy Eleastein! Ano wala kang time bumaba?"

Nawala ang boses. Napatingin ako kay Danica, nanginginig ang mga kamay ko. Napansin naman niya iyon kaya kinakabahan siya lumapit.

"Eleastein teka bakit?"

Nang makarating siya ay buong pwersa ko siyang binatukan. Masama tuloy siyang napatingin sa akin.

"Gago bakit?" Tanong nito habang menamasahe ang batok.

Ngumiti ako sa kanya at akmang aakbayan siya ngunit lumayo ito.

"Bwesit ka! 'Di mo man lang sinabi sa principal na nagsisinungaling iyong babae."

Mas lalong nagunot ang noo nito. Nagmukha siyang itlog.

"Pinagsasabi mo? Principal?"

Nawala ang ngiti ko. "Sa cafeteria kanina iyong nabangga kong babae na pamangkin ni Principal. Kaya nga nasa library ako dahil sa punishment ."

"Pumunta ba sa cafeteria kanina si Principal Baby?" Tanong ni Danica kay Jecho.

Umiling si Jecho at tumingin sa akin. "Pumunta ba si Principal sa cafeteria?"

TOK!

Lumanding lang naman ang kamay ko sa batok ni Jecho. 

"Bakit mo 'ko tinatanong ha? And besides pumunta nga si Principal tapos pinalinis sa aking yung library." Pangungumbinsi ko sa kanila. Ulyanin din ang dalawang to e, halos baby time nasa utak.

"Hoy Eleastein pinaglinis ka lang naman ng adviser natin sa library dahil bigla kang sumayaw sa harapan. Ikaw pa nga nag suggest na gawing one week e," seryusong sabi nito.

What the hell? Anong pinagsasabi nila? I wanted to defend my self but I remain silent. English ulit yan. Ang weird ng araw na ito. Should I tell it to my mama?

***

 "Eleastein dito na kami" sabi ni Jecho n siyang pumukaw sa akin. I smiled at them and nod my head.

"Sige ingat!"

"Ikaw rin! Goodbye!"

Pinagmamasdan ko silang maglakad hanggang sa naisipan ko narin ang lumiko. Ayokong isipin ang nangyari ngayong araw kaya nag-isip ako ng ala-ala.

A smile curve on my lips when I remember Danica ask me about not saying goodbye. When we were in Highschool lagi kaming nag-aaway dahil sa lang sa simpleng goodbye.

"Why every time I say goodbye you just nod your head?" She asks while crossing her arms.

"Kasi panget ka" pangi-insulto ko sa kanya.

Mas lalo tuloy sumama ang tingin nito sa akin. "Seryuso nga, why are you not saying goodbye to me?"

"Kailangan pa ba 'yon?"

"Oo! You know there is a time limit in this world. People say goodbye to their loved ones so that if their loved ones die they hear you saying goodbye. Nagpapa-alam  sa isa't isa ganon. Kasi if hindi ka nagpa-alam sa minamahal mo

mapapatanong sila."

"That is the answer. I hate goodbyes. Para kasing sinasabi ng isang tao na hindi na kayo magkikita ulit. Ayaw kong mamaalam dahil gusto ko pa kayong makita." I looks at her and I saw her tears coming down. "Iyakin!"

When I arrived at our small house, I remove my shoes and leave it outside. I also wore my slippers inside. Pumasok ako sa kusina at doon nakita si mama na humihiwa ng gulay. Lumapit ako sa kanya at nagmano.

 She's shock seeing me. "Ang aga mo naman Astein." Malambing ang boses nito habang patuloy na hinihiwa ang gulay.

Napatitig ako sa kanya, she looks so young. Nagmumukha nga siyang ate sa paningin ko. Naalala ko noon, pinatawag ako at si Mama nung prof kong lalaki dahil nakipag-away raw ako sa seniors. Dinala ko si mama no’n at halos naging puso ang mga mata nung lalaking classmate ko at yung prof. Yung prof kung galit na galit sa akin naging maamo na parang tupa.

Noong umalis na si Mama halos hingiin nila yung pangalan pati narin yung prof ko. Sinabi nila na may ate raw akong maganda. Syempre sinabi ko totoo na nanay ko iyon at yung Papa ko nasa langit na at binantaan ko sila na kapag kinausap yung Mama ko e-pra-pray ko kay Papa na multuhin sila.

"What's with the look?" May mata ata si Mama sa batok.

"May sasabihin ako Ma," seryusong sabi ko. Napatigil naman si Mama sa ginagawa at nilingon ako. "Nagtatanong yung classmate ko, ano raw sabon niyo?"

Maririnig ang halakhak ni Mama sa buong kusina. Nahawa tuloy ako sa tawa niya kaya pareho kaming baliw na tumatawa sa kusina.

"Baliw ka talaga Astein, napakaseryuso mo pa naman. Pumasok ka muna sa kwarto mo at magbihis. Tatawagin lang kita kapag tapos na ako." Pinagpatuloy na niya ang ginagawa.

Pumasok ako sa loob ng kwarto, nadatnan ko pa ang batugan kong pusa na si Tiger. Mahimbing itong natutulog sa itaas ng study table ko. Matapos magbihis ay humiga muna ako sa kama. Mag aalas-singko pa naman kaya hindi pa tapos sa pagluluto si mama. Napatitig ako sa ceiling ng kwarto ko na may mukha ko, oo mukha ko si Mama may trip niyan para daw lagi kong makikita pagmumukha ko. Namana ko siguro kay Mama yung pagiging bipolar, wala akong sakit. I'm talking about changing of moods. White and black, sa kulay na itim at puti iniugnay ako. 

Napabangon ako at kinuha ang libro sa bag na hindi ko natapos kanina. Shadow at night is all about vampires fiction, tungkol ito sa pagmamahalan ng dalawang bida. Human and vampire, Sa storya ang babae ay inipre-presenta ang araw at kadiliman naman sa bampira. At dahil sa magkaiba sila tanging eclipes lamang sila pwedeng magkasama at walang kahit sino ang pwedeng gumalaw sa kanila. Dahil ang lalaking bida ay kayang pumatay para sa minamahal niya.

 "Once a sun and moon collide everything gets worse, even you hide you will be caught, killing yourself is the only way." I read the first paragraph. "The moon really loves the sun, and if everything blocks their way he will kill even it is his own blood-related. There will be a Battle of Blood."

Iba talaga kapag minamahal, handa mo talagang makipag-patayan kahit kadugo mo pa.

I wonder if my father can do all things for my mom? (Naks english ulit.)

"Astein, hali ka na."

sampung minuto na pala ang nakaraan, hindi ko man lang napansin dahil sa napasobra ako sa pagbabasa. Inilapag ko ang libro at lumapit kay Tiger upang gisingin ito.

"Tiger, gising kakain na raw. Batugan mo naman." Yet she didn't move tulog parin ito. "Awit kang pusa ka gumising ka na!" Gumalaw lang ito ng kaunti pero hindi nagising ang ganda ng buhay niya. Minsan naisip ko rin maging pusa. Tamang meow meow lang.

Iniwan ko si Tiger at pumunta sa kusina para kumain naroon si Mama nakaupo na may ngiti sa labi.

"Ang creepy mo Mama" umupo ako sa gilid niya at nagsimulang mag sandok.

Nakatingin ako kay mama na nakatingin pa rin sa akin.

"Bakit Mama?"

Imbis na sagutin ako ay ipinatong niya sa mesa ang hindi kalakihang box na kulay itim. 

"Happy birthday!"

Nagtataka ko siyang tinignan. "Mama August sixteen palang ngayon."

"Oo nga, advance present ko yan."

"Weird mo ma, three months from now pa naman birthday ko." Kinuha ko ang box at sinimulan iyong buksan. "Wala bang video riyan ma? Kunwari unboxing my gift."

Tumawa si Mama pero ramdam kong may lungkot iyon. Bumungad sa akin ang isang fabric ribbon na may kahabaan at kalaparan. Kulay itim ito at may disenyo na eclipse.

"Wow," I am amazed ang ganda ng pagkadisenyo niya.

Kinuha iyon ni Mama at sinenyasan akong tumalikod. She tie my hair using the ribbon. Lumingon ako sa kanya at bakas ang lungkot sa mata niya.

"Ingatan mo ito, ito ang magiging kasama mo kapag wala ako sa tabi mo. Maging matapang ka Eleastein."

"Why are you talking such a thing like that?" I ask confused.

She shakes her head. Kinuha niya ang natitirang box binuksan niya ito at bumungad sa akin ang buwan na kwentas.

"Dapat ay binigay ko na ito sa iyo nung bata ka pa, kaso baka mawala mo lang. Ingatan mo ito Astein. Naway gabayan ka ng pagmamahal ko."

"Ma ano ba-"

"Aalis ako bukas ng maaga, babalik ako pero hindi ko alam kung kailan. May importante akong gagawin." She smiled at me. "Kumain ka na," tumalikod siya at tumayo ramdam kong may kaiba sa kanya pero ayokong magtanong. Baka kasi may problema lang sa trabaho niya. After I ate my food I wash all the plates, si mama nasa kwarto at hindi na lumabas. I was worried but I think I'll give her a time tonight.

Pasado alas-otso ng pumasok ako sa kwarto. Wala roon si Tiger at hindi ko alam kung nasaan ang pusang iyon. Pinagsawalang bahala ko nalang at humiga sa kama. Napabangon ako ng tumunog ang cellphone ko sa kama kinuha ko ito at binasa ang text na galing kay Danica.

From Danica:

Sis, nasa forest kami. Doon sa end road ng lugar ninyo.

Ano naman ginagawa nila roon? 

To Danica:

Anong ginagawa niyo riyan? Chukchakan?

From Danica:

Ew, pumunta ka nalang dito. ASAP!

I have no choice kaya matapos kinuha ang jacket at isinuot palihim akong lumabas ng bahay. Gago talaga 'tong si Danica sa kagubatan talaga pumunta? Mag-aano kaya sila roon?

 "Hoy  Eleastein saan punta mo?" tanong ni boy inihaw, boy inihaw kasi 'yan na yung bantag sa kanya. Nagbibinta kasi siya ng mga inihaw.

 "May pupuntahan lang" sagot ko dito. 

"Hala so mag isa ka lang? Hoy inday pinayagan ka ba ng nanay mo sumbong kita gusto mo?" pananakot nito.

"Sumbong mo nalang." Pumara ako ng trycicle. "Tapos isusumbong kita sa papa ko na dumada-moves ka kay Mama." Sumakay ako sa loob at nagpahatid. 

Sa pagbaba ko ay siya ring lumakas ang ihip ng hangin. "Awit ha? Ano na kayang ginagawa nila ngayon?" Tatawagan ko na sana sila ng may boses ulit akong narinig.

Iba ang boses nito. Hindi na tulad kanina.

"Pumasok ka, estupida."

I almost rolled my eyes. "Hoy Danica trip mo?" Tanong ko habang papasok sa loob ng kagubatan. Sinundan ko lang ang boses nitong si Danica hanggang sa natigilan ako. Malayo na ako sa entrance ng kagubatan!

"Danica?" I called her but no one answer. "Danica?"

Katahimikan.

Nagsimulang tumambol ang puso ko dahil sa kaba akmang lilingon upang tumakbo ng matigil ako dahil sa isang boses.

 "Were are you going?" bulong ng isang tao na parang ibinulong sa tenga ko. Napatingin ako sa likod at tanging puno lang ang nakikita ko.

 "Aalis ka na? Hindi pa nga tayo nagkausap" malamig na sabi ng kung sino man yun. Nagpalinga-linga ako at tanging kaluskos lang talaga ang naririnig ko. 

"Sino ka?" 

"Look up" someone said. Napatingin naman ako sa itaas at nakita ang pigura ng babae na kilala ko. How did she end up there? 

 "Kleiya" I whisper.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status