Share

The Beast's Obsession, Akin Ka At Age 18
The Beast's Obsession, Akin Ka At Age 18
Penulis: Saturn

CHAPTER 1

Penulis: Saturn
last update Terakhir Diperbarui: 2022-07-03 16:08:59

TASHA

Unang araw ng trabaho ko sa mansyon ng mga Villamar, bilang isa sa kanilang taga silbi.

Kaka-graduate ko pa lamang ng high school noong nakaraang taon. Sa edad na labing pitong taong gulang, ay punong-puno pa ako ng pangarap. Marami pa akong gustong marating at maabot sa buhay.

Unang-una na roon ang makapagtapos sa kolehiyo. Pero mukhang sa ngayon, ay malabo pa iyong mangyari. Sa estado kasi ng aming pamumuhay, ay parang malabo pa talagang matupad ko ang pangarap kong iyon.

Ako ang panganay sa aming apat na magkakapatid. Si Nanay ay tumatanggap lang ng paglalabada at si Tatay naman sa ngayon, ay nagkasakit na sa kakasaka sa maliit naming lupain.

Mahal ang mga gamot ni Tatay na kailangan n'yang inumin nang tuloy-tuloy. Hindi dapat mahinto ang gamutan ni Tatay.

Kaya naman nang mabalitaan kong naghahanap ng karagdagang kasambahay ang butihin naming Governor, ay nakipagsapalaran akong mamasukan at nagbakasakali akong palaring matanggap sa trabaho.

Nag-aalangan akong mamasukan noong una, dahil bukod sa napakabata ko pa, ay bali-balita rin ang pagiging manyakis ng panganay na anak ni Governor.

Naireklamo na nga raw ito noon dahil nagawa nitong pakialamanan ang isa sa kanilang mga katulong.

Ang bali-balita pa, ay kinausap ni Governor ang mga magulang ng biktima at inareglo na lang ang mga ito.

Binayaran daw ng malaking halaga ang kawawang pamilya ng biktima para hindi makulong ang anak ni Governor.

Hindi lamang daw ito ang unang beses na nasangkot ang panganay na binatang Villamar sa panggagahasa.

Maraming beses na rin daw itong nasangkot sa mga gulo.

Bali-balita rin ang pagkakaroon nito ng garapal na pag-uugali at ang matinding pagkakailag ng lahat sa kan'ya. Lalo na ang kanilang mga tauhan.

May matinding pangamba man sa akin dibdib, pero wala naman akong maaring mapagpilian para kahit paano ay makatulong kila Nanay sa mga gastusin.

Napakaimportante rin sa akin ang pagpapagamot ni Tatay at mabili ang mga gamot na kailangan nitong e-take sa araw-araw.

Kaya kong magsakripisyo para sa aking pamilya. Kaya kong isakripisyo kahit pa ang aking mga pangarap para makatulong lamang kila Nanay at Tatay.

Dala-dala ang kaunting tapang at lakas ng loob ay namasukan nga ako bilang isa sa mga kasambahay ng mga Villamar.

Nakatoka sa akin ang paglilinis sa mga kuwarto ng magkakapatid na Villamar pati ang pagdidilig ng mga halaman at pagtulong sa kusina.

Tatlo silang magkakapatid na puro lalake, at kumpara sa panganay na puro bad record ang naririnig ko'y, kabaliktaran naman ang patungkol sa dalawang nakababatang Villamar.

Ang mga ito'y pawang mababait at may respeto sa kanilang kapuwa. Marunong makisama raw ang mga ito, kahit pa sa mga ordinaryong mamayan.

Ang balita nga ay nakakahawig ng pangalawang binatang Villamar ang pag-uugali ng ama nito kaya may haka-haka ang mga tao na marahil ay ito ang susunod sa yapak ng kan'yang ama sa larangan ng politika.

Natapos ang unang araw ko sa mansyon na mapayapa at makabuluhan. Napag-alaman kong wala ang panganay na Villamar ngayon sa mansyon kaya nakahinga ako nang maluwag dahil do'n.

Nasa Maynila raw ito ngayon, at dinalaw ang isang malapit na pinsan.

Nakilala ko ang dalawa pang magkapatid na Villamar at tunay nga ang mga naririnig ko patungkol sa mga ito.

Pawang mababait at marunong makisama ang mga ito sa mga tao.

Sa unang araw nga lang ng pagtatrabaho ko sa mga ito ay naging malapit na ako sa bunsong Villamar.

Marahil ang dahilan, ay ang pagkakalapit lang din ng mga edad namin. Halos magkasing-edad lamang kasi kami ni Zackie.

Labing walong taon gulang pa lamang ito, at panganay lamang ito sa akin ng isang taon.

Palakaibigan at higit sa lahat ay napakaguwapo!

Ito pa lang yata ang pinakaguwapong nilalang na nakilala ko sa tanang buhay ko.

Bukod s'yempre sa ilang paborito kong artista at mga modelo na nakikita ko lamang sa tv.

Napakaguwapo rin naman ng pangalawang binatang Villamar, pero para sa akin ay mas nakakahigit ang bunso.

Siguro dahil sa mas malapit ito sa akin at mas nakakasalamuha ko nang madalas. Gan'on nga siguro. Syempre medyo ka-close mo, manok mo!

Mabait naman ang pangalawang Villamar, ngunit may pagkaseryoso. Idadag pang laging sa pag-aaral at sa politika ang tanging interes at bukam-bibig nito.

**

Lumipas ang isang linggo kong pamamalagi at pagtatrabaho sa mga Villamar na magaan lang naman ang pakiramdam. Kayang-kaya ko naman ang mga nakaatang na gawain para sa akin.

Medyo malaki-laki naman ang sinasahod ko kaya naman naisip kong, mas mabuti na itabi ko ang iba.

Gusto kong pag-ipunan ang lupang naisangla ni Tatay kay Don. Manulo. Isa sa mayamang haciendero dito sa probensya namin.

Nang magkasakit si Tatay noon, ay napilitang isangla ng mga magulang ko ang lupang minana pa ni Tatay sa yumao nitong mga magulang.

Alam ko kung gaano kahalaga para kay Tatay ang lupang iyon. Alam ko, at nararamdaman ko ang lungkot ni Tatay nang isangla nila ang lupang iyon para lamang pangbayad sa ospital.

Nangingiti ako habang hawak ang hose ng tubig at dinidiligan ang mga halamanan sa likurang bahay. Nangangarap na naman kasi ako, na matatapos rin ang pagsubok na ito sa buhay namin at balang araw ay makakaahon rin kami sa hirap. Matutupad ko rin ang aking mga pangarap! Tiis-tiis lang muna papasaan ba't makakaluwag-luwag din kami.

Makakapag-aral din akong muli at makakapagtapos din ako sa kolehiyo!

Nasa ganoon akong pagmumuni-muni, nang maramdaman ko ang wisik at lamig ng tubig sa may batok ko.

At dahil sa gulat at sa lamig ng tubig na dumantay sa balat ko, ay talagang napatili ako.

Mahaba ang buhok ko at hinati ko iyon sa gitna at tinali gamit ang goma. Med'yo fan kasi ako ni Dong Shancai ng Meteor Garden kaya nakatali ang buhok ko ng gano'n.

Pakiramdam ko kasi, tumatapang din ako tulad ng kaniyang character.

Awtomatikong napasimangot ako nang paglingon ko ay mabungaran ko ang tawang-tawang mukha ni Zackie, ang bunso sa magkakapatid na anak ni Governor.

"Ang sama mo! Alam mong ang lamig-lamig e!" ang nakasimangot kong reklamo.

Nakita ko ang hawak nitong baso ng tubig na nagpapawis pa sa lamig.

"Parang ka kasing ewan d'yan! Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka nakikinig. Nangingiti ka pa dyan na parang tanga!" ang natatawa muli nitong sabi na lalong kinahaba ng nguso ko.

"Tanga ganun?" ang may ngisi ko ring tanong. Habang marahang inihaharap sa kaniyang dereksyon ang water hose kong hawak na ginagamit sa pagdidilig.

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya at ang pagiging alerto. Mabilis itong tumakbo palayo sa akin ngunit dahil pinihit ko ang bukana ng hose para maging mas malakas ang buga ng tubig ay inabot pa rin nito si Zackie.

Bahagyang nabasa ang damit nito ngunit hindi naman ito nagalit bagkus, ay panay ang halakhak nito.

"Hoy tama na! Ikaw naman oh, hindi ka na mabiro!" ang natatawa pa rin nitong sabi.

May pilya ngiti akong inaambang muli kunwari ang hose sa dereksyon n'ya para basahin siya pero hindi ko naman tinutuloy.

Nasa gano'n tagpo kami nang may biglang--

"Zackie!" isang dumadagundong na boses ang pumukaw sa amin.

Sabay pa kaming napalingon. Malaki ang boses nito at malalim na siyang nagpakabog agad sa dibdib ko dahil sa kaba.

Hindi ko kilala ang nagmamay-ari ng boses na iyon pero aaminin kong, sa boses pa lamang nito ay nakaramdam na agad ako ng matinding pinaghalong takot at nerbyos!

Matinding kaba ang biglang gumapang sa aking dibdib.

Napalunok ako nang paglingon namin ay makita ko ang isang lalake na nakasandal sa hamba ng pintuang papasok sa sala.

Nakakrus ang dalawang braso sa ibabaw ng dibdib nito.

Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa amin.

Tinanggal nito ang mga kamay sa pagkakahalukipkip at marahan ang lakad na lumapit ito sa aming kinaroroonan.

Mas lalong binalot ng takot at nerbyos ang dibdib ko nang mapagmasdan ang kabuuan ng napakatangkad na lalakeng iyon.

Lalo na nang makalapit ito sa'min ay ramdam na ramdam ko ang panliliit sa sarili.

Sa pakiwari ko ay lampas anim na talampakan ang taas nito, malapad at malaki ang pangangatawan nito na mamasel-masel.

Kitang-kita ko iyon sa suot n'yang puting t-shirt na hapit sa kaniyang katawan at maong short lamang din ang suot nitong salawal.

Kapansin-pansin ang dami ng tattoo nito sa kaniyang mga braso at binti, mayroon nga rin ito sa may leeg.

Katulad ng dalawang nakababatang Villamar ay guwapo rin ito kung ang pagbabasihan ay itsura.

Despite his tattoos, na ayaw na ayaw ko sa isang lalake dahil narurumihan ako ay hindi ko maitatangging ang nakatatandang Villamar ay umaapaw rin sa kakisigan kahit pa medyo nalalayo ang itsura nito sa dalawang nakababatang Villamar.

Ang panganay ay mas nahahawig kay Governor, samantalang ang dalawang nakababatang Villamar ay mas malaki ang pagkakahawig sa kanilang ina.

Ngunit aaminin kong, mas gusto ko ang awra ng dalawang nakababatang Villamar. Ang panganay na Villamar ay may taglay na kakaibang awra na siyang kinaiilagan ng lahat.

At ngayong nakaharap ko ito sa unang pagkakataon, ay napatunayan ko ngayon kung bakit iniilagan at kinakatakutan nga ito.

"Sino ka?" ang walang kaemo-emosyon nitong tanong. Sa akin siya nakatingin.

Bahagyang nakakunot pa rin ang noo sa akin.

Grabe ang kabang biglang sumalakay sa aking dibdib.

Ibubukas ko na lamang ang aking bibig nang sansalahin ni Zackie ang pagsagot.

"Ah Kuya, s'ya nga pala si --"

"Hindi ikaw ang kinakausap ko! Pasok sa loob! Puro harutan! Nagsasayang ng tubig!" Kahit hindi nito sabihin sa akin ng deretso, alam ko at ramdam kong ako ang mas pinatutungkulan nito. Agad kong pinatay ang tubig mula sa hose.

Magkakasunod ang paglunok ko. He sounds annoyed and mad. Nakakahiwa rin ang pinukol nitong tingin sa kapatid.

Nagkakamot sa batok na pumasok sa loob ng mansyon si Zackie at naiwan akong nanginginig na ang katawan dahil sa nerbyos.

Mayamaya ang pagsirko ng puso ko. Paano ko pakikitunguhan ang isang tulad nito?

Ngayon ko na-realize na tapos na ang masaya at tahimik na mga araw ko sa mansyon!

The Beast is here...

The Beast is back!

Lalo akong inatake ng kaba at takot nang tuluyan nang makapasok si Zackie sa loob at hindi ko na matanaw.

Naiwan akong mag-isa. Naiwan akong mag-isa na parang pain sa isang malaking sawa!

Parang gusto kong umiyak nang mga sandaling iyon.

Ang maiwang mag-isa kasama ang isang lalaking tinaguriang rapist ay talagang nagbibigay sa akin ng matinding kilabot.

Nakita ko ang malawak n'yang ngisi na lalong nagbigay ng kilabot sa dibdib ko.

Nag-umpisang manginig ang magkabilang tuhod ko nang marahang humakbang ito palapit sa akin.

Nahihirapan akong huminga sa sobrang kaba.

Pero bago pa ako mawalan ng ulirat sa sobrang takot ay narinig ko ang boses ni Senyorito Zyron, ang pangalawa sa tatlong magkakapatid.

"Nandyan ka lang pala, Tasha. Kanina ka pa hinahanap ni Nanay Gloria, magpapatulong yata sa kusina." Agad kong binitawan ang water hose at nagmamadali ang mga paang humakbang sa dereksyon papasok.

Ni hindi ko tinapunan ng tingin ang panganay na Villamar at nilampasan ito. Pero bahagya akong napahinto sa tapat ni Senyorito Zyron.

"Senyorito, mamaya ko na lang po aayusin 'yong water hose na ginamit ko," ang kimi at mahina kong sabi. Marahan lamang itong tumango sa akin habang may tipid na ngiti sa labi. Nakayukong naglakad na ako ng mabilis papasok sa loob ng mansyon.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (7)
goodnovel comment avatar
James Austin
hi nako po Sana tuloy2x chapter
goodnovel comment avatar
Jekk
Langya ka Zat.. Sobrang kaba ni Tash sau.. hahaha
goodnovel comment avatar
Lucita Barcela
love at first sight n b?
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Beast's Obsession, Akin Ka At Age 18   One

    THIRD PERSONPagkabukas pa lamang ng elevator ay sinalubong na siya ng mga putok ng baril. Agad siyang nakapagkubli. Mabilis gumalaw ang kaniyang mga mata. Ang magkabila niyang kamay ay may hawak na baril. He was currently in the mission. Mula sa itaas ng organisasyon ay inatasan siyang pumunta ng Japan para sa isang delikadong misyon. Isang yakuza ang pinapatumba sa kaniya. Nahirapan man siya sa pagpasok dahil sa higpit ng security sa buong gusali ay matagumpay pa rin siyang nakarating sa palapag kung saan ang target. Walang mababakas na takot o pagkabahala sa kaniyang mukha. He used to kill and trained to kill. Bawal ang mahina at salitang konsensya sa organisasyong kinabibilang niya. Hindi na ito bago sa kaniya at sanay na sanay na siyang makipagpatintiro kay kamatayan."You have to get out of there in fifteen minutes, North" mula sa suot niyang wireless earbuds ay dinig niyang ani West, isa sa kaniyang kasamahan. "How many are they?""Twenty-two. Seven of them are guarding

  • The Beast's Obsession, Akin Ka At Age 18   KIDNAPPED (Mafia Macro Series-1)

    PROLOGUE SINISTER"Hindi ko matatanggap ang batang 'yan Maximo. Kahit kailan walang lugar ang batang 'yan sa mansyon na 'to!" "Anak ko rin siya Sheila, at mula ngayon ay dito na siya titira sa ayaw at sa gusto mo." Kalmado ang boses ni Papa, hindi niya alintana ang galit ni Mama. Mula sa pinagtataguan kong cabinet ay sumilip ako. Naaawa kong tiningnan si Mama na ngayon ay puno ng luha ang mga mata habang mababakas ang matinding galit sa kaniyang mukha para kay papa. "Kumuha ako ng taong personal na mag-aalaga sa bata, wala kang dapat ipag-alala dahil hindi mo magiging problema ang pag-aalaga sa kaniya," pagpapagtuloy ni Papa. Pero hindi man lang iyon napakalma si Mama. Mas mababakas ngayon ang matindi nitong galit para kay Papa. "Hindi ako papayag na makihati ang batang 'yan sa kayamanang dapat ay para sa anak ko lang, Maximo! Ilang taon na akong nagtitiis sa mga pananakit mo, sa pangbabae mo..." Nanginginig ang boses niya habang patuloy sa pagluha. "Tinanggap ko lahat para sa

  • The Beast's Obsession, Akin Ka At Age 18   FINAL of spec. CHAPTER

    ZATURNINONandiyan ka na namanTinutukso-tukso ang aking puso "Mukhang puspusan ang naging paghahanda ni Samuel a, parang original na e." Natatawang komento ng Irog ko. Malawak ang ngiti kong inabot ang aking kamay sa Irog ko. Nang umpisahang kantahin ni Samuel ang kantang laging alay ko para lamang sa kaniya. Nagniningning naman ang mga mata niyang tinanggap ang palad ko, I mouthed I love you. And she answered me back her, I love you too. Ang ngiti namin dalawa ay parang naka-plaster na yata sa mga labi namin at hindi na mawala-wala. "Sa taon taon na nagtsatsaga tayo sa boses ni Samuel baka nasanay na lang ang tainga natin Irog ko," ang biro ko. Napansin ko ngang gumanda at parang original ang pagkakakanta ni Samuel ngayon. Anong practise kaya ang ginawa ng gago?Ilang ulit na bangIniiwasan ka di na natutoHinapit ko siya sa baywang, inamoy ko ang leeg niya at binigyan ng mumunting mga halik doon. She giggled as she encircle her arms around my neck. Pinagdikit ko ang noo na

  • The Beast's Obsession, Akin Ka At Age 18   CHAPTER 60 (special chap-2)

    ZATURNINOLagi akong nakaalalay sa bawat kilos niya.Mula pa naman noon, ay parang babasaging cristal na ang tingin ko sa Irog ko. Lalo na sa napaka-espesyal na araw na ito. I want to make more memorable every moment for us together. Lalo na sa mga espesyal na okasyon tulad ng aming wedding anniversary. My Irog looks really so beautiful tonight. I mean, sobrang ganda na niya para sa akin noon pa man, but tonight?Damn man, I can't take off my eyes of her.Maski kumurap yata ayaw ko. Ultimo kaliit liitang detalye ng galaw niya ay ayaw palagpasin ng mga mata ko.She looks so stunningly beautiful. Hanggang ngayon, namamangha at natutulala pa rin ako sa ganda niya. Naka-anim na kaming anak, pero ang katawan ng asawa ko ay lalo pang naging kaakit-akit sa paningin ko. Napapakagat ako sa aking ibabang labi. Unti-unting ginagapangan na naman ng init ang kokote ko papuntang pagkalalake ko. Relax, buddy... Baka kapag di ako nakapagpiggil, dito ko na siya maangkin sa deck. Pero sino bang l

  • The Beast's Obsession, Akin Ka At Age 18   CHAPTER 59(special chap- 1)

    TASHA"Malapit na tayo, Irog ko." He again dropped a softly kiss on my head. "Opz! " I chuckled. Muntikan pa akong matapilok nang mamali ako ng hakbang buti na lang at laging maagap ang matitipunong braso niya. "I got you, Irog ko. No worries. We're almost there," bulong niya. Sumayad pa ang mamasa-masa niyang labi sa dulo ng tainga ko. Napakagat labi ako. Lagi siyang ganito, sobrang lambing. Ang sexy lagi ng dating ng kaniyang boses sa akin. Hmmm.. Wala nang kikisig pa, sa Irog ko. Hindi ko man nakikita ang mukha niya dama kong tulad ko'y 'di rin mawala ang ngiti niya sa labi. "Saan ba kasi tayo pupunta?" malawak pa rin ang ngiti ko. I can't hide my excitement. The curiosity and excitement battling inside my chest. Though, may hinala na akong nasa tabi lamang kami ng dagat. Syempre parang may buhangin akong natatapakan kanina hanggang maging semento iyon. Hawak niya ang isang kamay ko habang ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa kabilang baywang ko. I was on a blindfold

  • The Beast's Obsession, Akin Ka At Age 18   CHAPTER 58

    ZATURNINO"Pupunta ako d'yan, susunduin ko sila." Ang agad kong sabi kay Luis nang tawagan ko ito at kompirmahin nga nitong naroon ang aking mag-iina."Calm down Zaturnino, they are just with me. Hayaan mo munang lumamig ang sitwasyon at makapag-isip ng tama si Tasha." "No! Hindi ko na kaya pang ipagpabukas. Paano kung makapag-desisyon siyang huwag na akong balikan?" Ang tuliro kong sagot sa kabilang linya. Fuck! Tang*na freak na 'to! Bakit ba siya natatawa?! Wala namang nakakatawa sa sinabi ko!"Relax man! You are torturing yourself! Uuwi din sila sa'yo, believe me. Ako ang maghahatid sa kanila sayo bukas." Ang tila siguradong-sigurado nitong sabi. Naririnig ko pa ang pagbuga-buga nito ng tawa, parang tanga lang ang--"Ilang gabi na akong walang maayos na tulog. Hindi ako makakatulog nang wala sa akin ang mag-iina ko." Ang nanghihina kong sabi. Paano kung maisipan niyang iwan ako ulit nang tuluyan?I can't wait another years to be with her! Lalo na ngayon na may mga anak na

  • The Beast's Obsession, Akin Ka At Age 18   CHAPTER 57

    ZATURNINONaging kapana-panabik ang unang gabi namin bilang mag-asawaHapon pa nga lang ay lumipad na kami gamit ang private plane patungong Korea.Pagkasara na pagkasara pa lamang ng pintuan ng suite na tutuluyan namin ay agad ko nang siniil ng mapusok na halik ang asawa ko.Buong kasabikan ko siyang inangkin kaagad.Hindi naman ako nabigo dahil kung anong pananabik ko sa kanya ay gano'n rin naman siya. Siniguro kong walang nakaligtaang bahagi ng katawan niya na 'di daanan ng labi at dila ko.I worship her body. I worship it every night and day.We explored sex and see, how amazing it is. I was adventurous...Tasha is innocent as always. But she's willing...She welcomes me, wholeheartedly.I was like a good leader, lead her the ways and she's been, my sectary. She followed me like her King.I licked and sucked her like crazy! Her whimper and moans have been my sweet music at all times."I-irog ko! Aah! yeah! Right there!" Aniya sa pagitan ng kanyang halinghing.Lalo akong ginag

  • The Beast's Obsession, Akin Ka At Age 18   CHAPTER 56

    ZATURNINO"Gusto mo bang magpakita sa'yo si Luis?" Napatingin agad siya sa akin.Malungkot ang mga mata niyang tila nagtatanong.Napahinga ako ng malalim. "Let's get married... As soon as possible." Ang seryoso kong sabi.I could arrange everything in just a days.Putang*na panira talaga 'yang Luis na iyan e!I was planning to set a romantic date to propose.But my plan was ruined because of that fvcking freak!Wala na akong nagawa, this is it!Dinukot ko sa aking bulsa ang square red velvet ring box. Kakarating lamang iyon kanina at talagang pinabili ko iyon mula pa sa europa!White gold ring with a carat round diamond.I opened it in front of her as I bent my one knee. Nakita ko nang mamilog ang kan'yang mga mata.Napatakip siya ng dalawang kamay sa bibig.Hindi nito inaasahan ang aking pagpro-propose. Kahit ako nga e, hindi ko rin akalain na makakapag-propose na ako ngayon!Lagot talaga sa akin ang baklang 'yon!Mapapantay ko talaga itlog nun e! Sinira niya ang proposal plan ko

  • The Beast's Obsession, Akin Ka At Age 18   CHAPTER 55

    TASHANaalimpungan ako bigla.Napakasarap pa sanang mamaluktot sa ilalim ng makapal na comforter at namnamin ang napaka-lambot na kama ngunit biglang nagising ang diwa ko.Nasaan na ba ako? Shit!Napasarap ang tulog ko dahil na rin sa pagod.Ang natatandaan ko'y magkasama kami ni Zaturnino.Nakatulog na ako sa sasakyan habang nasa biyahe.Naiuwi na ako ni Zat nang hindi ko man lang namamalayan.Ngunit bakit na naman niya ako dinala sa bahay niya?Sinabi kong ihatid niya ako sa mansyon, ni Luis.Kawawa naman ang kambal maghapon at magdamag akong wala!Napabangon ako at nagtuloy agad sa banyo.Natigilan ako saglit nang mapansin ang suot ko.This is my sleep wear.Paanong--Bakit itong damit ang suot ko enasa bahay lamang ito ni Luis?Napahilot ako sa aking sintido.Don't tell me nagpakuha pa talaga ng damit ko si Zat kagabi?Napahinga ako ng malalim.Damn nanakit ang gitna ko!Medyo nangangatog din ang binti ko.Mahirap pantayin ang lakad ko, mahapdi talaga kapag masyadong ipit!Pero m

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status