Share

Chapter 6

Author: MissPhilosopa
last update publish date: 2026-10-21 15:54:50

----------------

Parang baliw na sinisipa ni Gab sa ere ang mga paa. Umupo ulit siya sa kama at parang baliw na kinakausap ang sarili.

"Ano daw?! Mrs. Antipuesto? Nababaliw na ba siya?"

Hinagis niya ang unan sa p***o nang kumatok si Khent doon.

Lumapit siya para pagbuksan ang binata pagkatapos pulutin ulit ang unan at itapon pabalik sa kama.

Inayos niya ang sarili.

"Anong gusto mong kainin para sa tanghalian?"

Tiningnan niya ng masama ang binata nang para wala lang dito ang sinabi sa kanya kanina.

For Pete's sake! He just asked her to be his wife. To marry her na para bang hindi big deal dito ang kasal.

"Sa tingin mo, may gana pa akong kumain pagkatapos ng sinabi mo? Paulit-ulit yong bumabalik sa ulo ko. Pwede bang bawiin mo muna ang sinabi mo? Para naman kahit papano mawala naman ang hiya ko."

Uminit ang pisngi ni Gab sa sinabi niya.

Putek! Siya pa tuloy ang nahihiya sa sinabi ng binata.

Pagkatapos kasi nitong sabihin yon ay tumawa siya dahil para sa kanya ay para iyong joke pero hindi naman tumawa ang binata at sa halip ay sinabihan pa siyang seryoso ito sa sinasabi. Kaya wala siyang magawa kundi tumakbo sa kwarto at magmukmok sa kahihiyan. Pakiramdam niya tuloy naghilom ang sugat niya dahil doon.

Ngumiti ang binata.

"Seryoso ako sa sinasabi ko."

Ayan na naman siya!

"Oh God! Nababaliw na siguro ang taong to." Bulong ni Gab na kinangiti ni Khent.

He finds her amusing.

"Khent, pwede ba. Magbiro ka na huwag lang ang tungkol sa mga ganyan."

"Bakit?"

"Anong bakit? Hindi mo ba alam na sagrado iyang sinasabi mo? Ano daw? Gagawin mo akong asawa mo? Huy! Hindi mo ba nakikita ang mga pagkakaiba natin? Paano mo ako magawang pakasalan gayung buntis ako at hindi ko man lang alam kung sino ang ama?" Tanong niya na bahagya pang tinuro ang bukol ng tiyan niya.

"Handa akong maging ama."

"Para na akong nakababatang kapatid mo dahil sa edad ko."

"They're just numbers."

"Mahirap lang ako."

"Mayaman naman ako kaya walang problema."

"Katulong mo lang ako dito."

"Papakasalan kita at gagawing asawa kaya hindi ka na magiging katulong. "

Napaikot ng mga mata si Gab.

Oh God!

"Paano mo ako papakasalan kung hindi mo ako mahal?"

Natigilan ang binata sa tanong niya at tinitigan siya pagkatapos ay ngumiti ito.

"Walang problema. Mamahalin kita."

"Oh my God! Hindi ka matinong kausap. Tara! Bumaba na nga lang tayo. Wala akong mapupulot na magandang sagot sayo. Kumain muna tayo baka gutom lang yan."

Tinulak niya ang binata palabas.

Tatawa-tawa naman itong nagpadala at sabay silang bumaba.

--------

"Nababaliw ka na talaga. Ano bang meron at nagmamadali kang magpakasal? At sa akin pa talaga ah. May sakit ka bang saltik sa utak at mamamatay ka na? Hindi ka ba natatakot na mapunta sa akin ang yaman mo?" Inis na sabi ni Gab kay Khent nang mabasa niya ang isang folder na ibinigay nito.

Nasa mesa sila at kumakain.

Dalawang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin ito tumitigil sa sinasabi nitong gusto siyang pakasalan. At ngayon ay binigyan pa talaga siya ng papeles para pirmahan niya.

Umupo si Khent sa harapan niya.

Nilayo niya ng konti ang isang maliit na mangkok na may lamang patis, suka at sili. Naubos na niya lahat ng hiniwang mangga niyon.

"Gab, sinasabi ko na sa'yong hindi ako nagbibiro. Seryoso ako sa sinasabi ko. Kapag pinirmahan mo ang kontratang yan. Bukas na bukas ay magiging isang Mrs. Antipuesto ka na."

"Hindi rin naman ako nagbibiro. Hindi ko pipirmahan yan. Kung gusto mo talagang maglaro ng kasal-kasalan at maghanap ng kalarong asawa sa kabaliwan mo maghanap ka ng iba. Huwag ako."

"Ikaw nga ang gusto ko."

" Ayoko nga."

"Bakit ba ayaw mo? Gwapo naman ako at mayaman. Kaya kitang buhayin pati ang magiging anak natin."

"Kilabutan ka nga sa sinasabi mong anak natin. Kung makapagsabi ka parang ikaw ang may gawa sa akin nito. Basta huli ko na tong sasabihin. Ayoko. Iyong iba na lang aasawahin mo."

Kinuha ng binata ang folder.

"Okay madali naman akong kausap eh." sabi ni Khent at ngumisi pa.

Alam na niyang hindi niya talaga mapapayag ang dalaga kaya nag-isip na siya ng ibang paraan.

Konti na lang ang oras niya. Sa lunes ay kailangan na niyang bumalik sa trabaho at sigurado siyang magiging busy siya. Kailangan niyang mapapirma ang dalaga bago pa umabot ang lunes.

Sigurista siya. Kahit sinabi ng dalaga na hindi ito tatakas ay hindi pa rin panatag ang loob niya lalo na't magiging busy siya at wala siya lagi sa bahay.

Tumayo siya.

"Bakit parang pakiramdam ko ay may iba kang binabalak?"

"Give and take." Sabi niya at ngumisi ulit.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko ibabalik si Manong Ben sa trabaho."

Napatayo si Gab nang maalalang hindi pa nga pala nito binabalik sa trabaho si Manong Ben.

"Uy, ang daya mo! Maawa ka naman sa tao. Alam mo bang may sakit ang anak niya at kailangan niya ang trabahong to? Ibalik mo si Manong Ben."

"Ibabalik ko naman pero ikaw naman ang walang awa. Paano ko ibabalik kung ayaw mo? Desisyon mo yan."

Umupo si Gab at hindi makapaniwalang napatingin sa kisame.

"Khent seryoso ako. Tigilan mo na nga ang pinaplano mo. Sinabi ko na ayoko nga."

"Okay."

Nilabas ni Khent ang cellphone at may tinawagan. Ni-loud speaker pa niya ito para marinig ng dalaga. Pagkatapos ng dalawang ring ay sumagot ang pamilyar na boses.

"Magandang gabi po, Sir." Anito sabay ubo.

Nag-alala naman si Gab lalo na at may narinig din siyang umubo ng paulit-ulit sa malapit lang nito.

Batid ni Gab ay binabantayan nito ang anak na may sakit sa hospital.

"Manong Ben... Pasensiya na po sa ginawa ko. Gusto ko po kayong pababalikin bukas na bukas pero ayaw po–"

Mabilis na inagaw ni Gab ang cellphone mula sa binata.

"Manong Ben... Si Gab po to. Bumalik na po kayo bukas po." sabi niya sa kabilang linya habang naiinis na tiningnan ang binata.

Wala na siyang magawa dahil pinapalabas kasi nito na parang siya ang may kasalanan tuloy kung bakit hindi ito makakabalik sa trabaho.

Nangingiti namang kinuha ni Khent ang cellphone. Hininaan ang volume at dinala sa tainga.

Nakangisi ito habang ibinigay sa kanya pabalik ang folder kasama ng ballpen.

"Nababaliw ka na talaga." Bulong niya.

"Hindi ko alam kung ano tong papasukan ko. Pero bahala na si Wonderwoman." sabi niya at naiinis na pinirmahan ito.

Abot hanggang tainga ang ngiti ni Khent at kinuha ang folder sa dalaga.

Ibinalik naman niya ang cellphone dito.

"Hello Manong Ben. Pasen–"

"Pasensiya na po ma'am. Hindi po ako makakabalik diyan bukas. Sinabi ko na po kay sir Khent noong isang araw na sa lunes na po ako makakabalik dahil may sakit po ako. Nasabi ko na po kay Sir."

Kunot-noong inilayo ni Gab ang cellphone sa tainga at tiningnan ang nakangiting abot-langit na si Khent.

Pinaningkitan niya ito ng mga mata nang mapagtanto niyang ginagago lang siya nito. At ang nakakaasar pa ay napirmahan na niya.

"Okay po. Sana po gumaling na kayo." Sabi niya sa kabilang linya sabay patay ng cellphone.

"Walang hiya ka! Naisahan mo ako! Akin na yan. Pupunitin ko yan!" Sabi niya at umakyat sa mesa para lapitan ang binata.

"What the hell, Gab!" Bulalas ni Khent sa ginawa niya.

Masyado itong praning sa pagbubuntis niya.

"Bumaba ka dyan. Buntis ka! Ano ka ba naman!"

"Akin na muna yan!"

"No. Bumaba ka! "

" Ayoko! " Pagmamatigas ni Gab.

Tinapon ni Khent ang folder sa sofa at nilapitan siya.

Bababa na sana siya para kunin yon nang bigla na lang siyang buhatin nito.

"Sabi ko naman sayo na bumaba ka. Ang tigas talaga ng ulo mo, Mrs. Antipuesto." Sabi ng binata.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Best Mistake   Chapter 43-END

    Nagkagulo ang mga tao pero kahit ganun ay ipinagpatuloy at sinunod naman ng pari ang sinabi ni Khent kahit natataranta ito lalo na ng makita nito ang namimilipit na mukha ni Gab at ni Khent habang malakas na pinipisil ni Gab ang kamay ni Khent."... I may now pronounce you Mom and Dad este! Husband and wife." sabi ng Pari.Ininguso ni Khent ang labi pagkatapos niya dali-daling kinuha ang veil ni Gab at hahalikan sana si Gab pero sapak ang nakuha niya dito."Nandyan na! Nandyan na ang hospital–este! Ang Ambulansiya! Dumating na!" sigaw naman ni Jake saka dali-daling lumapit kina Khent at Gab."Gab, lalabas na ba? Chill ka lang. Tara... dalian mo."Hinampas siya ni Khent sa ulo."Gago! Bakit ako ang hinihila mo para paunahin sa labas eh si Gab ang manganganak.""Ay, oo nga pala.""Come on, Gab. Kaya mo yan." sabi ni Khent sa asawa nang bahagyang huminto si Gab.Hindi sumagot si Gab at dahan-dahang bumaba ang tingin sa tubig na dahan-dahang bumasa sa kanyang damit."My water broke..." na

  • The Best Mistake   Chapter 42

    "Are you done?""No, wait.""What the h*ll Khent. Hindi ba maubos-ubos yang tae mo? Lumabas ka na dyan. Ikaw ang groom pero mukhang si Gab pa ang maghihintay sayo sa altar?"Hindi pinansin ni Khent si Jake at nagpatuloy sa kanyang ritwal sa inidoro. This is his second marriage but he is very nervous that made his stomach ache so much. Sa tingin niya ay hindi maubos-ubos ang mga namamasang tae sa tiyan niya."This is f*cking embarassing." he said and then farted so loud."Oh God!" inikot ni Jake ang mga mata saka pinaypayan ang sarili bago lumabas ng banyo."Where is he?" tanong ni Mrs. Santiago sa kanya."He is still inside, pushing out all of his intestines.""I thought he took a tablet.""Yeah, pero malala ata talaga ang tiyan niya Tita. I think his stomach is rotten."Tumawa na lang si Mrs. Santiago at nakihintay na rin sa labas. Mga ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas na si Khent na puno ng pawis ang buong mukha habang namumuti naman ang mga labi."Khent, are you sure, you're

  • The Best Mistake   Chapter 41

    "Hayyy!" Halos hindi na niya mabilang ang pagbuntong-hininga niya habang naghuhugas ng mga plato."Khent kapit ka lang. This is your life. Fighting!" Parang baliw na kausap niya sa sarili at hindi sinasadyang nadulas sa kamay niya ang sinasabunan niyang babasaging malaking bowl at nahulog sa sink na may mga babasagin ding mga plato na naging dahilan nang pagkahati ng bowl sa dalawa."Oh God!""Khent!""Ayan na agad si parusa." Bulong niya."Kheeeent!" Malakas na sigaw ni Gab sa itaas kaya nagmamadaling hinugasan ni Khent ang mga kamay at halos maiyak na umakyat sa hagdan habang lihim na nagdadasal."Hayy, Lord. Magkapangalan tayo. Please. Tulong." Bulong niya saka dahan-dahang pinihit ang seradura.Nagulat pa siya nang madilim sa loob pagkabukas niya ng pinto."Gab? Ano... P-pasensiya. Hindi ko sinasadya. The bowl slipped in my hand.""Turn on the lights.""Huh? O-oo." Dahan-dahan at nanginginig ang kamay na kinapa niya ang switch ng ilaw kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata sa pag

  • The Best Mistake   Chapter 40

    "Di ka pa rin napatawad? Paskong-pasko mamaya." Pang-aasar ni Jake sa pinsan habang nakaupo ito sa tabi niya at si Gab naman ay nasa tapat ng malaking mesa kung saan ay malayong-malayo kay Khent.Simula nong maparusahan sila ay hindi na ito tumabi sa kanya at sa halip ay sa bakanteng kwarto ito sa ilalim natulog.Khent stared at Jake's braided hair. Gawa pa ito ni Gab kanina at pinaresan pa ng malaking hair band na may malaking ribbon sa ulo.Ngumiwi siya."And you call this being lucky when you look like a sick idiot?"Binelatan siya ni Jake saka nagpatuloy sa pagkain.The celebration is only simple and Gab invited the people that she treat like her family especially Anthony na hanggang ngayon ay hiyang-hiya pa rin na kasama sila.Tutulungan sana ni Khent si Gab nang mahulog ang tinidor nito sa mesa pero inunahan siya ni Anthony kaya umingos na lang siya.Nang matapos silang kumain ay nanuod sila ng fireworks na pinaputok nina Anthony at Manong Lito sa malaki nilang bakuran.They wer

  • The Best Mistake   Chapter 39

    Khent woke up after hearing the loud sound of the helicopter outside.Bumangon siya sabay sipa kay Jake."Hmm... ang dilim pa sa labas. Ang ganda naman dito mala-switzerland kung kukuha lang ng malaking kahoy na natumba sa kalsada. Helicopter talaga." inaantok pang sabi ni Jake saka bumangon din at naghikab.Tumayo si Jake nang sipain ulit siya ni Khent para buksan ang pinto nang may kumatok doon ng paulit-ulit."Ang aga naman-""Good morning sir. Nakahanda na po lahat. Kayong dalawa na lang po ang kulang.""Eh?" half-asleep pang sabi ni Jake nang hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya si Anthony na pormang-porma sa uniform nito."Oh Sh*t." mura ni Khent saka mabilis na nagbihis habang si Jake naman ay saka lang natauhan at dali-daling kinuha ang cellphone at sumunod agad kay Khent nang nagmamadali itong lumabas sa kwarto."Dude, it's four in the morning." reklamo ni Jake kay Anthony habang pababa sila."It's the CEO's order.""Oh really? What the hell, Khent! Gusto mo talagang m

  • The Best Mistake   Chapter 38

    Ikinuyom ni Khent ang kanyang kamao nang makita si Rocky na nakaupong nakayuko habang nagbabantay sa natutulog nitong ina.Dahil malayo sila nakatira ay inabutan pa sila ng apat na oras na biyahe lalo na't maulan at traffic pa sa daan. Gabi na rin nang makarating sila sa hospital.Khent cleared his throat to get Rocky's attention before getting inside."Gago..." galit na bulong ni Jake nang ngumisi pa si Rocky sa kanya na para bang hindi ito nagulat sa pagdating nila."Jake, calm down. We're here to settle." bulong ni Khent sa kanya."Oh, hindi ko inaasahan na makikita ko ang dati kong barkada sa high school.""Gago..." galit ulit na sabi ni Jake."Look Rocky, we came here to settle.""Sinabi ba ni Gab yan sayo? Bakit wala siya? Nagtatago ba? Hindi pa siya nakapagsalamat sa amin."Khent tried to calm himself."Naalala ko dati kung gaano ka pa ka-desperadong-desperado na bilhin ang kapatid ko. Kung hindi ko lang siya kadugo ay siguradong sa akin siya napupunta.""Jerk! Do you know what

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status