Dalawang araw ding nanatili ang dalaga sa hospital. At kahit ayaw ni Khent sa Hospital ay hindi siya nakaramdam ng pagkadis-gusto o pagka-bored habang nagbabantay siya sa dalaga. At sa halip ay parang mas gusto pa niyang doon na lang tumira kasama nito. Sinasabi ng iba na nakakabagot ang magbantay ng pasyente sa hospital pero hindi naramdaman ni Khent iyon. He was enjoying it and he never let her do anything even a simple work. Kahit ang pagbalat ng orange ay siya ang gumawa. Dahan-dahang iminulat ni Gab ang mga mata nang maramdaman niyang para siyang lumilitaw sa ere. Tumungo siya at doon lang niya napagtanto na buhat-buhat pala siya ng binata. Pumiglas siya. "Ibaba nyo na lang po ako. Kaya ko na naman po ang maglakad." "Stay still, kalalabas mo pa lang ng hospital. Hindi pa makakabuti sayo ang magpagod." "Po?" Gusto ng isipin ni Gab na may saltik sa utak ang binata dahil simula noong isang araw pa ito ganito. Tumawa siya ng marahan nang dahan-dahan siya nitong ilapag
Last Updated : 2026-10-21 Read more