---------------
Sumilip si Gab sa p***o. Binuksan niya ito na tamang mata lamang niya ang makakakita sa labas.
Alas-singko pa lang ng umaga.
Sinadya niyang gumising ng maaga dahil ayaw niyang makita si Khent.
Hindi naman sa galit siya sa binata. Nahihiya lang siya sa sarili.
Pakiramdam kasi niya para siyang naglalanding buntis na may naglalagablab na hormones kaya walang pakialam kung sino ang hinahalikan.
Goodness gracious!
Well, hindi nga siya ang humalik pero para sa kanya pareho lang yon lalo na't tumugon naman siya sa halik ng binata.
"Hayy. Stop. Stop."
Ipinilig niya ang ulo nang maalala niya yon.
Medyo madilim pa sa labas pero kita naman niyang walang tao at para makasigurado ay nilabas pa niya ang salamin na kinuha pa niya sa banyo at inilabas sa p***o gamit ang kamay niya.
Para siyang baliw na tumitingin sa salamin kung may tao na sa labas. Nang mapagtanto niyang wala ay saka siya nakahinga ng maluwag.
Huminga siya ng malalim at magaan ang mga paa na naglakad palabas. Iyong tipong mga daliri lang ng paa niya ang lumapat sa sahig.
Iyong sugat naman niya noong nakaraang linggo ay naghilom na. Maliliit lang naman yun kaya madali lang naghilom.
Dinamay pa niya ang maliit at lumang maleta niya na sinidlan niya ng mga damit. Ipinatong pa niya iyon sa kanyang ulo. Pantakip kuno. O mas tamang sabihin na takip ng mga baliw dahil kita naman siya.
Nilabas niya lahat ng damit na nasa loob ng maleta niya kanina. Dinala niya ito dahil para isang beses lang siyang lalabas at mag-ala-shopping ng mga pagkain sa kusina para sa isang linggo niyang budget pangkain.
Oo, ganu'n niya katagal balak na magtago sa loob ng kanyang kwarto pagkatapos ng nangyari kagabi.
Ibinaba niya ang maleta saka niyakap at maingat na bumaba ng hagdanan.
Inilapag niya ang nakabukas na maleta sa mesa at binuksan ang ref.
Kumuha siya doon ng mga paborito niyang inumin tulad ng yakult at C2. Kinuha na din niya lahat ng Milo at Chucky na inumin. Pati mga cup noodles ay nilagay din niya sa loob.
Napahagikhik siya sa ginawa niya. Daig pa niya ang nang-grocery sa supermarket.
Pinagbawalan siya ng binata na kumain ng mga hindi masustansiya tulad ng mga cup noodles at pancit canton pero ito lang ang madali niyang dalhin sa pagpipiknik niya sa loob ng kwarto.
"Secret lang natin to ha?"
Kausap niya sa tiyan niya nang parang bahagyang sumakit ang puson niya.
Nang makuha na niya lahat ay isasarado na sana niya ang maleta nang may maalala.
"Hala! Muntik ko ng makalimutan. Kailangan ko pala ng mainit na tubig sa noodles." sabi niya at nagmamadaling kinuha ang heater na hinanap pa niya mula sa mga cabinet.
Tinago kasi ito noon ng binata pero alam naman niya kung saan nilagay kaya madali lang niyang nahanap.
Pinasok din niya ito sa maleta at sinirado iyon.
Napa-daing pa siya dahil sa bigat niyon nang binaba niya ito sa sahig.
Pinagulong niya ito pero masyado itong maingay kaya napagpasyahan niyang buhatin na lang iyon.
"Oh my God! Ang bigat naman nito." sabi niya at medyo pabagsak pang binaba sa sahig nang marating na niya ang tuktok ng hagdan.
Bahagya siyang bumaluktot at napahawak sa baywang niya.
Masyado kasing mabigat.
Hinaplos niya ang maliit na bukol ng kanyang tiyan.
"Sorry ha. Nadamay ka pa sa kabaliwan ni nanay. Kapit ka lang diyan ha, malapit na naman tayo. Makakapag-picnic na rin tayo sa wakas." Sabi niya at humagikhik pa ulit saka binuhat ang maleta. Pero nabitawan din niya iyon nang biglang bumukas ang katabi niyang kwarto.
"What the f*ck are you doing?!" malakas na sigaw ni Khent.
Mabilis pa sa alas-kuwatrong lumapit siya sa dalaga at hinawakan ito sa magkabilang balikat. Chi-neck pa niya ito mula ulo hanggang paa saka napatingin sa tiyan nito.
Nakahinga siya ng maluwag nang wala naman siyang nakitang mali.
Nahihiyang napayuko si Gab at napakagat-labi.
Awtomatiko namang bumaba ang galit ni Khent nang makita ang reaksiyon ng dalaga.
"Sorry, nabigla lang ako. Ano ba kasing ginagawa mo? Ang aga-aga ba't ka–"
Natigilan si Khent nang makitang isa iyong maleta.
Umusbong ang galit niya ng makita iyon.
He clenched his jaw.
He tried to calm himself.
Sabi na nga ba at may panahon din na susubukan nitong tumakas mula sa kanya.
"Pasensiya na. Wala na kasi akong ibang maisip maliban sa mag-alsa balutan na lang–"
Nagulat si Gab nang bigla na lang sipain ni Khent ang maleta sa harapan nila.
Galit na napabuga ng hangin si Khent habang napapahilamos na nakatingin sa itaas.
Nanginginig naman sa takot si Gab nang makita ang namumulang mga mata ng binata.
For her, he looked like a mad addict with his tongue out. Galit na galit ito at parang gustong pumatay ng tao.
Masyado atang naparami ang ninakaw niya.
Tumingin ito sa kanya. Hindi naman niya maiwasang mapa-atras hanggang sa tumama ang likuran niya sa rehas.
"How many times do I need to tell you?! Never! Never ever escape this f*cking house! Because if you do, I'll swear! I f*cking swear... that I'll search all over the world just to f*cking find you! And if I do, you'll f*cking regret it! You may have escaped from me once, but never twice! Tandaan mo yan!" Galit na sigaw ni Khent at sinipa na naman ang maleta sa harapan niya ng malakas. Nahulog iyon sa hagdanan. Bumukas at naglabasan lahat ng nasa loob niyon.
Takot at nahihiyang napayuko si Gab habang magkatagpo ang dalawang mga kamay.
Umalingawngaw sa buong kabahayan ang malakas na tunog ng metal na heater na nagpagulong-gulong pababa sa bawat hakbang ng hagdan.
Napaawang ang labi ni Khent dahil do'n lalo na ng makita lahat ng laman ng maleta at parang napapasong tumingin sa dalagang nagsimula ng humikbi.
What the f*ck did he just do?!
She wasn't trying to escape?
"Sorry na! Wala naman akong balak na tumakas eh! Ang gusto ko lang naman ay magtago sa loob ng kwarto ko pagkatapos ng nangyari kagabi kasi nahihiya ako. Huhuhuhu! At saka..." Sumigok ang dalaga at nagpahid ng luha. "... wala naman sa isip ko ang tumakas. Bakit naman ako tatakas kung masaya naman ako dito?
Pinagsisipa ng dalaga ang mga paa na parang bata.
Mula sa pagiging galit ay nauwi na naman sa pagiging makasalanan ang mukha ni Khent. Halo-halo ang nararamdaman niya.
Nahihiya siya sa ginawa niya at masaya rin sa huling sinabi ng dalaga. Masaya siyang marinig mula mismo sa mga bibig ng dalaga na masaya ito dito.
At siguro masaya rin sa kanya?
Umupo si Khent sa sahig at inalo ang dalaga.
Niyakap niya ito at natatawang pinunasan ang mga luha nito.
Natatawa siya dahil para itong bata. Hindi niya alam kung sa pagbubuntis ba nito ang dahilan o parte lang ng katangian ng dalaga.
Alin man sa dalawa ay wala na siyang pakialam doon. Ayaw man niya sa mga childish na babae but when it comes to Gab. She's exempted. She's too cute to resist. At masyado siya nitong pinapasaya. Iyong tipong kahit umiiyak ito na parang bata ay nagbibigay pa rin ng saya sa kanya.
Though he still feel guilty for what he did.
Masyado kasi siyang nagpadala ng kanyang emosyon. Ang buong akala na kasi niya ay may balak na tumakas ang dalaga dahil sa dala nitong maleta but turned out gusto lang pala nitong magtago mula sa kanya dahil sa nangyari kagabi.
So cute.
"Okay... I'm sorry. Nabigla lang talaga ako nang makita ko ang maleta na buhat mo. Ba't ba kasi iyan pa ang naisip mong pagsidlan ng mga pagkain na gusto mong kainin sa pagpipicnic mo sa kwarto? Parang isang buwan kang magtatago sa akin."
"Isang linggo lang naman." Pagtatama ng dalaga.
Napanganga si Khent.
"What?! Ba't ang tagal naman?! So ibig sabihin balak mong magkulong sa kwarto ng isang linggo? Nang dahil lang sa nangyari kagabi?"
Tumungo ang dalaga. Tumigil sa pag-iyak at tiningnan siya ng masama.
"Okay. Okay. Sorry." pagsuko ni Khent na bahagya pang itinaas ang mga kamay.
Saka bumalik na naman sa pag-iyak ang dalaga.
Hindi niya mapigilang mapapangiti.
May naisip na siyang paraan para patahimikin ang dalaga at kahit hindi siya masyadong sang-ayon ay gagawin niya alang-alang kay Gab.
"I'll call Manong Ben to go back." Sabi niya na awtomatikong nagpatigil sa dalaga.
Tumungo ito.
"Talaga?"
Naninigurado ito na parang bata.
Natatawa siyang tumango at ginulo ang buhok nito saka hinalikan sa tuktok ng ulo.
"I'm sorry for what I did earlier. I wasn't in myself. But really, if you want to escaped from me again. Next time I won't just go crazy. I would also feel empty and break into pieces. You've become my happiness since I found you and my life would be completely empty this time around if you'd decide to leave me. So I'm telling you now, don't ever do it. Okay?"
Natulala si Gab sa sinabi ni Khent. Halatang seryoso ito sa mga sinasabi nito.
Pero naguguluhan din siya.
"Kailan ba ako tumakas dito at sinasabi mong 'again'?" Kunot-noong tanong niya.
Natigilan si Khent at tumikhim.
Umupo siya sa sahig sa harapan nito.
"Uhmm... Ano... Alam mo na... Iyong– iyong pumunta ka sa guard house. Hindi ba yon takas?"
"Hindi naman ako lumabas ng gate ah!"
"Kahit na! Alas-dose ng gabi lumabas ka ng bahay."
"Hindi kaya. Gusto ko lang naman ng may kausap kaso tulog ka kaya doon ako pumunta."
"Pagkatapos no'n hindi na naman ako tulog pero pumunta ka pa rin naman doon." Parang nagtatampo na sabi ni Khent.
Natigilan naman si Gab at ngumiti na lang nang walang masabi.
Bumalik na ang pagkamasiglain nito.
"Kung hindi ko na lang kaya siya papabalikin–"
"Subukan mo–"
"Anong gagawin mo? Iyon na ang panahon na tatakas ka na? Iiwan mo na ako?"
Inikot ng dalaga ang mga mata.
"Wala nga kasi akong balak tumakas. Ano naman ang dahilan ko? Gayung masaya naman ako dito."
Lihim na napangiti si Khent.
"Paano pa'g may nalaman kang hindi maganda tungkol sa akin? Hindi ka ba tatakas? Hindi mo ba ako iiwan?"
Natigilan si Gab.
"Alam mo. Hindi ko alam kung ano man yan pero lahat naman tayo may mga hindi magandang nagawa sa kapwa natin. Lahat tayo may mga madilim na sekreto. Lahat tayo ay hindi perpekto. At kung ano man yang nagawa mo at malalaman ko. Wala naman akong karapatang i-judge ka dahil hindi naman ako ginawan mo ng mali."
"Paano pag ikaw ang taong yon."
"Ang alin?" Kunot-noong tanong ni Gab.
"Ang taong nagawan ko ng mali."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sinasabi ko lang kung 'paano'. What if I was the man who did this to you? What if I was the man behind all of this nightmares that happened to you? Will you still stay with me?"
Natigilan si Gab sa tanong ni Khent lalo na at seryoso din ito.
Napalunok si Khent habang hinihintay ang sagot ng dalaga.
Ngumiti si Gab. Kinuha niya ang kamay ni Khent.
"Alam mo, wala talaga sa isip ko yan. Pero sasagutin ko ang tanong mo. Kung sakali mang ikaw. Sakali lang. Una, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pero para sa akin malaki ang utang na loob ko sa'yo at sa nanay mo sa pagtulong sa akin. Kung sakali mang ikaw. Sakali lang. Iisipin kong kaya mo nagawa yon dahil may dahilan kang hindi kayang maintindihan ng ibang tao. Para sa akin, sapat na sa aking kabayaran ang ginawa mo sa pag-aalaga sa akin, sa amin. Ginawa mo man yon atleast inaalagaan mo naman ako pagkatapos. Hindi mo naman ako pinabayaan. Ginagawa mo akong parang prinsesa. Pero ang magiging desisyon ko ay magde-depende sa'yo. Hindi ako tatakas pero aalis ako ng maayos. Kasi di ba kahit napatawad na kita ay wala naman akong reason na makitira pa dito. Tulad ng sabi ko, magde-depende yon sa desisyon mo."
Natulala si Khent sa sagot ng dalaga. Sana ito din ang mga salitang lalabas sa bibig ng dalaga kapag malaman nga nito. Pero may pakiramdam siyang hindi yon mangyayari dahil sobrang laki ng kasalanan niya dito na nagdudulot pa dito ng trauma.
Pero atleast seryoso naman ang dalaga sa sinabi nito.
Ngumiti si Khent.
"You know what?"
"Hindi ko alam. Ang ano?"
Natawa si Khent sa pabirong sagot nito.
Hinaplos niya ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya kanina.
"I don't know if your parents raised you well or is it just you. You are very kind, simple, beautiful, very down to earth and... all the good characters. You are one in a million and very rare to find. Because of that I decided to make you mine, Mrs. Antipuesto."