Share

Anthony

Penulis: Hazel
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-09 14:00:46

Tubong Florence, Italy si Anthony Morales Rossi. Isa siyang rising star sa mundo ng fashion at merch business. Sa kanyang early 30s, itinuturing siya bilang isa sa pinaka-promising na fashion designers sa buong Italya dahil na rin sa influence ng social media at online marketing. May angking galing sa paglikha ng mga disenyo na sumasalamin sa modernong sining at tradisyon ng Tuscany, unti-unti niyang binubuo ang isang imperyo ng mga kasuotan at luxury merch. Ngunit sa likod ng tagumpay ay may kinikimkim itung lihim na kalungkutan — dumanas siya ng masalimuot na relasyon at kabiguang nag-iwan ng matinding sugat sa kanyang pagkatao.

Si Anthony ay half-Filipino at half-Italian. Guwapo at makisig. Minsan ay napagkakamalan siyang Greek dahil sa kanyang tindig at dating. Ang kanyang namayapang ama ay isang purong Italyano, isang may kayang negosyante ng alak at tela, habang ang kanyang ina ay isang Filipina mula sa Batangas, dating OFW na naging inspirasyon ni Anthony sa pagiging masipag at malikhain. Lumaki siya sa Florence, ngunit malapit sa kultura at tradisyon ng Pilipinas dahil sa kanyang ina. Subalit kahit pa man siya ay isang anak ng dalawang magkaibang mundo, tila wala siyang pinipiling pagyakapan kundi ang sining ng pananamit at disenyo.

Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan at marangyang pamumuhay, si Anthony ay may pasan na sugat sa puso—isang kabiguan sa pag-ibig. Apat na taon na ang lumipas mula nang tuluyan siyang iwan ng kanyang asawang si Estelle Dellevi, isang fashion consultant mula Milan. Matapos ang tatlong taon ng pagsasama, nauwi ang kanilang relasyon sa hiwalayan—bunga ng hindi pagkakaintindihan, selos, at ang di matatawarang pagkahilig ni Anthony sa kanyang trabaho. Iniwan silang mag ama ni Estelle at sumama sa ibang lalake. Sa kabila ng pagsusumamo nito ay hindi natinag ang babae. Malipas ang isang taon ay  nag file ng divorce ang asawa.

Sa huli, si Anthony ang naiwan bilang single father, isang papel na hindi niya akalaing mahuhulog sa kanyang mga balikat. Kahit pa tila wala siyang panahon, buong pusong inalagaan ni Anthony si Bianca, at sa kabila ng kanyang pagiging istrikto at demanding, sa anak niya lamang lumalambot ang kanyang puso. Si Bianca lamang ang nakapagpapangiti sa kanya sa gitna ng stress sa trabaho at presyur ng negosyo. Palagi siyang pinaaalalahanan ng ina na huwag masyadong isubsob ang sarili sa trabaho ngunit hindi ito maiiwasan. Nagbabayad pa siya ng alimony nila ni Estelle. Kahit pa ang dating asawa niya ang nangaliwa ngunit sa huli ay mukhang siya pa rin ang nasisisi. Ang dahilan ay ang kanyang kapabayaan bilang asawa at sa physical needs nito.

Sa mundo ng kanyang negosyo, si Anthony ay kilalang mahigpit, mapagmataas, at lubhang perfectionist. Ilang beses nang nagpalit ng virtual assistants si Anthony dahil walang nakakatiis sa kanya. Mula sa late replies, maling schedule, o kahit maliit na typo sa email—lahat ng ito ay dahilan para tanggalin niya ang assistant. Hanggang sa dumating si Veronica.

Si Veronica ay isang simpleng Filipina na may mahinahong boses at may mahabang pasensya. Siya lamang ang tanging assistant na nakatiis sa masungit at demanding na si Anthony. Bagamat madalas siyang magkamali, laging palpak sa spelling at minsan ay nalilito sa timezone differences, hindi niya alintana ang sigaw ni Anthony sa Zoom o ang mga email nitong puno ng red marks. "Pay attention, Veronica! O di kaya ay, Focus!"—ito na ang palaging linya ng amo sa kanya. Ngunit nanatili siya. Hindi dahil sa sahod, kundi dahil sa respeto at pang-unawa niya sa kanyang boss. Hindi lingid sa kanya ang pagiging single dad nito at ang lungkot na namamayani sa likod ng malalamig nitong mata. Hindi nagkukuwento si Anthony sa kanya ng pribado nitong buhay ngunit ang kaibigan nitong si Dolores ang mahilig magkuwento sa kanya.

Matapos ang video call nila ni Nica, matagal siyang nakatitig lang sa kisame ng kanyang silid. Hindi na siya nakatulog. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isip ang imahe ni Barbie—ang kanyang ngiti, ang sopistikadang mukha, ang maalon alon nitong buhok, ang kumpiyansa sa sarili, at ang para bang likas na ganda na hindi pilit.

Hindi niya maintindihan ang sariling damdamin. Nabibighani ba talaga siya sa dalaga? O baka naman nadadala lang siya ng ideya na si Barbie ang perpektong mukha ng kanyang merchandise? Ang tanong sa sarili ay paulit-ulit: nararamdaman ba niya ito bilang lalaki o bilang negosyante? Pero sa dulo, palaging negosyo ang sagot niya sa sarili. Para sa negosyo ang lahat ng ito.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Kahit madaling araw ay agad niyang tinawagan ang kanyang team sa Milan. Ibinahagi niya ang ideya—isang koleksyong magpapakita ng pagsasanib ng Italian couture at Filipino grace. Isang tropical-inspired collection na bago sa panlasa ng European market. Eleganteng may halong init ng silangan.

At sa harap ng koleksyong ito, sa spotlight ng kampanya, iisa lang ang gusto niyang maging mukha—si Barbie.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Best of Me   Pagbabalik sa simula

    Si Lorena Morales ay isang Pilipina na nabigyan ng oportunidad na mag trabaho sa Italy. Tubong Batangas at isa siyang nurse. Ipinadala siya ng isang overseas agency sa Italy para maging private nurse ng nuon ay masakiting may edad na babae. Nang dumating siya sa Florence ay sinundo siya ng isang mabait na ginoo. Nagpakilala itong anak ng pasyente. May stage 3 cancer ang kanyang ina at hiling nito ay ang may mag alaga sa kanya hanggang sa siya ay mamayapa. Taong 1989 nuon. Si madam Emilia Rossi ay may cancer sa suso at nag metastasize ito. Sinabi ng doctor na wala na itong pag asa at milagro na lamang makakapag pagaling nito. Hiniling nito na sa bahay niya gustong mamayapa kasama ang anak na si Pietro.“I want to be with my unico figlio (only son) until I die. My husband, Florentino, he passed away when Pietro was very young. I have to take care of him and our small textile business. Now, my Pietro is taking care of it and he has this..this.. wine business. I don’t like it.” May galit

  • The Best of Me   Anthony

    Tubong Florence, Italy si Anthony Morales Rossi. Isa siyang rising star sa mundo ng fashion at merch business. Sa kanyang early 30s, itinuturing siya bilang isa sa pinaka-promising na fashion designers sa buong Italya dahil na rin sa influence ng social media at online marketing. May angking galing sa paglikha ng mga disenyo na sumasalamin sa modernong sining at tradisyon ng Tuscany, unti-unti niyang binubuo ang isang imperyo ng mga kasuotan at luxury merch. Ngunit sa likod ng tagumpay ay may kinikimkim itung lihim na kalungkutan — dumanas siya ng masalimuot na relasyon at kabiguang nag-iwan ng matinding sugat sa kanyang pagkatao.Si Anthony ay half-Filipino at half-Italian. Guwapo at makisig. Minsan ay napagkakamalan siyang Greek dahil sa kanyang tindig at dating. Ang kanyang namayapang ama ay isang purong Italyano, isang may kayang negosyante ng alak at tela, habang ang kanyang ina ay isang Filipina mula sa Batangas, dating OFW na naging inspirasyon ni Anthony sa pagiging masipag at

  • The Best of Me   Nakatagong Ganda

    “Nica, why are you not online? Nica!, Damn it!” Panay panay ang chat ni Anthony sa kanyang assistant. May mga orders galing Singapore sa apparels at iba pang mercks na naka pending ng araw na iyun at kinailangan itong ma send sa customers. Bulk ang orders at kanina pa siya chat ng chat at call ng call. Madaling araw na sa Italy at sa Pilipinas ay 8am na.“Dolores, damn! That assistant you gave me!”Pinagpawisan si Dolores kapag si Mr. Rossi na ang tumatawag sa kanya. Mag iisang taon pa lamang si Nica sa kanya pero halos weekly ay may reklamo ito. Walang agent na pumapayag na maging client si Rossi dahil sa pagiging istrikto nito at bossy nito. Walang nakakatagal kay Rossi except si Nica. Nakailang agency na din si Anthony ngunit wala ding nakakatagal sa kanya.“Uhm, sir Anthony. I..I will call her right away. Uhm, I will just relay to her your message sir. She will chat with you immediately when she’s online.”“For Christ’s sake. Okay. Tell Nica I need the complete list of the merchan

  • The Best of Me   Barbie at Nica

    Makalipas ang dalawampung taon ay dalaga na ang dalawa. Dalampu’t apat na taon na si Nika at si Barbie ay dalawampu’t lima. Si Barbie ay nagtapos ng Tourism at si Nika ay nagtapos ng Mass Communication. Close silang dalawa at mahal na mahal nila ang isa’t isa. Simula pagkabata ay laging silang magkakampi ngunit higit ang pagmamahal ni Nica kay Barbie. Si Barbie ay isang spoiled brat. Lahat ng gusto ay siyang dapat na masunod. Sa loob ng bahay at sa labas. Mga naging kasintahan niya ay halos magmakaawa na huwag silang iwanan ngunit sadyang madaling magsawa si Barbie. Materyosa din ito at lahat ay gustong abutin. Musmos pa lamang ito ay kinukuha na itong magmodelo ng mga tv advertisements at clothing apparels. Nang magdalagita ay mas lalong dumami ang offers at pati mga sikat na beauty products, pabango at mga merks at nag offer na sa kanya. May mangilan ngilang tv shows na nag aalok dito ngunit ayaw ni Barbie. Mas gusto niyang magmodelo at pangarap niyang mag model ng kilalang mga merk

  • The Best of Me   Belen at Luisa

    Nang malaman ni Belen na nag asawa na ang Amerikanong kasintahan na si Timothy Anderson ay halos gumuho ang mundo nito. Isa siyang tanyag na mananayaw sa isang malaking club sa Olongapo sa kalagitnaan ng dekada 90. Para makalimot ay nagdesisyon itong tumungo ng Japan ngunit sa kasamaang palad ay nalaman niyang isang buwan na siyang buntis. Na depress ito at nagtangkang ilaglag ang nasa sinapupunan. Nang malaman ito ng naglilinis ng kuwarto niyang si Luisa ang plano nito ay pinigilan siya.Si Luisa ay isang security guard sa isang maliit na grocery store sa tabi ng inuupahang apartment ni Belen. Day shift siya at bago ito umuwi sa kuwartong inuupahan ay dumadaan muna ito kay Belen para linisin ang kanyang kuwarto o di kaya ay ipaglaba at ipagplantsa. Nagkikita sila ng 4pm ng hapon bago umalis si Belen ng 7pm ng gabi. Kahit gaano ka iksi ng oras na sila ay magkasama ay masaya sila. Naging matalik silang magkaibigan at si Luisa ang karamay ni Belen ng lumaki ang tiyan nito.Simula nuon a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status