Sorry po sa late na pag-update. Sobrang busy po kasi sa school ang daming gawain. Ngayon na lang po ako nagkatime dahil bagong taon naman. Thank you sa pagbabasa and paghihintay. Merry Christmas and Happy New Year. 12/29/2024.
Third Person's Point of View*Tumatakbo si Nirvana habang ang kaniyang mga katawan, ay nanginginig, pati na rin ang kaniyang mga luha, ay patuloy na lumalabas sa kaniyang mga mata.Natatakot at kinakabahan siya para sa kaniyang kaibigan. Ang akala niya, sabay silang lalabas para maging ligtas, pero hindi niya inakala na papasok pa rin ang babae sa loob para lang tulungan ang mga ibang estudyante na makatakas. Hindi niya alam ang nangyayare sa loob ng paaralan ngayon, pero ginagawa niya ang sinabi sa kaniya ni Xia na tawagan ang pangalan na Maxio. Hindi niya kilala kung sino 'yun, pero iyon ang unang nakita niya sa calls ng kaibigan kaya iyon ang paulit-ulit niyang tinatawagan. Ang hindi niya lang maintindihan kung bakit hindi man lang sumasagot ang lalaki.Kung kailan kailangan ng tulong ni Xia, ay doon naman wala ang pamilya niya para tulungan niya. "Sumagot na kayo please!" nanginginig na saad niya sa kaniyang sarili habang nakalagay ang cellphone ni Xia sa kaniyang tenga. Kanina
Meaxiana Point of View* "Nirvana," tawag ko sa aking kaibigan, pero hindi niya ako pinapansin dahil busy siya sa kakabasa ng isang libro na ang pamagat ay 'All I Want Is You' it's a romance novel. Kaya hindi ako makarelate sa binabasa niya dahil wala naman akong balak magkaroon ng asawa. "Vana!" sigaw ko kaya ibinaba niya ang kaniyang libro sabay nakakunot na tumingin sa akin. "Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin. Pinagpalit mo na ba ako ngayon sa libro mo? Hindi mo ba nakikita na nabobore na ako rito?" Bumuntong hininga si Vana at inilagay ang libro niya sa kanyang bag kaya napangiti ako. "Bakit kasi hindi ka rin magbasa? Iyon lang naman ang inaatupag natin dito sa garden ng school." "Wala ako sa mood magbasa ngayon dahil nagugutom ako. Sa tingin mo ba masarap ang pagkain ngayon sa canteen?" "Pareparehas lang naman ang pagkain doon kaya huwag ka na maghanap ng masarap. Kung gusto mo ng masarap sa labas tayo kumain." Tumayo si Vana kaya tumayo na rin ako. "Tara
Habang kinakantahan nila si Noah ay nakatingin lang ako kay Massimo na nakatayo sa sabi ni Noah. Seryoso lang ang expression nito na parang hindi siya masaya na birthday ng kaniyang kaibigan.Ako naman ay nasa tabi lang, dahil ayaw kong makipagsiksikan sa mga taong nakaligod sa kanila. Kaya tahimik lang ako rito habang hinihintay si Massimo. Gusto ko na sanang magpahinga na dahil kanina pa ako pagod, pero ayaw ko namang pigilan si Massimo sa gusto niyang gawin. Kaya sumama na lang ako sa kaniya. Saka nakikita ko naman sa kaniya na gusto niya na nandito siya kahit hindi halata sa kaniyang mukha.Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa sabay pinicturan ng patago si Massimo. Pagkatindot ng pagkapindot ko ng button, ay tumingin si Massimo sa camera kaya mabilis kong tinago ang phone ko, pero mas napunta ang atensyon ko nang biglang lumitaw sa screen ko ang pangalan ng nanay ko.Nakalimutan ko siyang tawagan kanina pagkapunta ko sa lugar na ito. Bago ko sagutin ang tawag, ay lumabas mu
"Are you ready to go home?" Napahawak ako sa noo ko nang agad kong naalala na wala pa pala akong tutulugan dito. Buti na lang at pinaalala sa akin ni Massimo. Hindi ko pa naman alam kung saan ako matutulog at gabi na rin. "What? Are you okay?" Tinignan ko ang nag-aalalang mukha ni Massimo sabay ngumiti ng pilit."Hindi ko pa alam kung saan ako matutulog ngayon. Pagdating na pagdating ko kasi rito, ay dumeretsyo agad ako sa'yo. Hindi ko na naisip kung saan ako matutulog ngayon." Nakita kong ngumisi si Massimo sabay ginulo ang buhok niya."It's ok, you can sleep in my apartment," seryosong sabi niya sabay tingin sa akin na parang hinihintay niya ang magiging sagot ko. "What? I will accept a no for an answer. You're my girlfriend, I can't let you sleep somewhere without me," dagdag niya pa kaya hinawakan ko ang kamay niya."Hindi ka ba natatakot na baka magalit ang magulang ko kapag nalaman nila ang relasyon natin?" Biglang nagbago ang aura niya na kaya nagkaroon ng saglit na katahimikan
Celina's Point of ViewSa sobrang dami naming pinuntahan kanina, ay napagod ako kakalakad. Hindi ko inaasahan na magagandahan ako sa lugar na ito. Parang kanina lang, ay bumaba ako sa eroplano na walang planong maglibot at kumilala ng ibang tao, pero ito ako ngayon pagod na pagod na sa sobrang saya ng aking nararamdaman.Habang tinitignan ko ang malaking church sa harap ko, ay naiisip ko ang aking sarili na balang araw, ay dito ako ikakasal. sa sobrang laki at ganda kasi nito, ay sigurado ako na bihira lang ang mga tao na may ikakasal dito dahil mahal magpakasal dito."Father, sana po ipagpray niyo ang anak ko. Meroon po siyang sakit ngayon at nasa hospital pa rin po siya. Hindi po namin alam kung ano pa ang dahilan dahil hindi pa po lumalabas ang resulta." Napatingin ako sa isang babae na umiiyak habang kausap ang isang lalaki na nakasuot na mahabang damit na kulay puti na tawag ay alba."Huwag kang mag-alala, iha. Alam ko na papakinggan ka ng Panginoon. Ipagpatuloy mo lang ang pagpa
"Are you okay?" Napatingin bigla si Celina sa babae nang marinig niya ang boses nito. Dahil siguro sa daming iniisip, ay hindi niya na napansin ang babae. Kanina pa ba ang babaeng iyon sa labas? Narinig niya ba ang usapan nila ni Massimo? Hindi naman niya siguro narinig dahil kanina pa rin siya nakatunganga.Nakaramdam ng kunting kaba at takot si Celina, pero hindi niya iyon ipinakita sa babae just in case na wala itong narinig. Ayaw niya na mag-isip ang babae ng iba tungkol sa kaniya. Saka hindi naman sila magkakilala, pero alam niya na kilala ng babae si Massimo. Kaya kailangan niyang maghinay-hinay sa pananalita o sa ikikilos niya."Napadaan ko lang dito, kaya huwag kang mag-alala. Wala akong alam sa kung ano man ang nangyare sa'yo. Nang makita kasi kita kanina, ay parang paiyak ka na. Ayaw ko namang pabayaan ka na lang." Tinignan lang ni Celina ang babae. Pinagmasdan niya ito ng mabuti at doon niya napansin na may pagkahawig silang dalawa ni Noah. "Are you okay? Pangalawang tanon