Nang makita niyang malapit nang mahulog ang bata, tumakbo si Sapphire at inabangan ang malambot na katawan ng bata sa kanyang mga bisig: "Kumusta? Nasaktan ka ba?" nag aalala niyang tanong dito.
Nang mas mapansin, mas naging halata na may mga maseselang at guwapong features ang bata, at siya’y cute at kaaya aya sa suot na beige na damit. Para siyang eksaktong kopya ng munting prinsipe mula sa isang fairy tale.
Ang batang nasa kanyang mga bisig ay hindi natatakot o nahihiya. Mas ibinilog nito ang kanyang malalaking mata at ngumiti sa kanya: "Ayos lang po, si Liam ay isang lalaki, hindi natatakot sa sakit."
Lumingon ang bata sa kabilang gilid at nakita ang isang taong nakatayo sa harapan, “daddy, nahuli ka, naunahan ka ng magandang ate na ito upang saluhin ako..”
Ngumiti si Sapphire at ibinaba ang bata, saka sinalubong ang tingin ng isang lalaking nasa harapan nila. May madilim itong mga mata na parang kulimlim sa kalangitan.
Sa mainit na sikat ng araw, ang guwapong lalaki ay matangkad na nakatayo sa harap niya.
Kung itataas niya ang kanyang ulo, makikita niya ang napakasexy na adam’s apple nito dahil sa sobrang lapit nila sa isa’t isa.
Nagulat siya at mabilis na umatras, nawalan ng balanse at natumba.
Nang maghanda siyang isara ang mga mata at tiisin ang sakit na paparating, isang malamig at mahinang amoy ng cologne ang dumaan sa kanyang ilong.
Sa pamamagitan ng manipis na tela, ang init ng kamay ng lalaki ay tumama sa malamig niyang balat.
Bumukas ang kanyang mga mata sa gulat, at sa eksaktong sandaling iyon, nakita niya ang mahahabang daliri ng lalaki na dumaan sa kanyang baywang nang walang ingay, kasunod ang mabagsik at malalim na boses na sumambulat sa kanyang tainga: "Mag-ingat ka."
Hindi mapigilan ang kanyang paghinga at parang nagkagulo ang lahat ng organs sa kanyang katawan.
Nahihiya siya, kaya ng makabawi, tumungo na lang siya, at marahang lumayo sa lalaki, saka magalang na nagsalita, “salamat.”
Nang makita ng lalaking klaharap na si Sapphire at nagpapasalamat habang nakayuko na hindi man lang siya tinitingnan, biglang kumislap ang kanyang mga mata, at nagbigay ng isang simpatikong ngiti, kahit hindi siya nakikita ng babae at tumugon siya ng "Hmm."
Walang ibang mahanap na tinig si sapphire sa kanyang lalamunan, at dahan dahang itinaas ang kanyang ulo, at sinulyapan ang lalaki. Nagtataka siya kung tama ba ang kanyang narinig.
Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng lalaking ito, sa pagsagot sa kanya ng “hmmm”. Maaaring akala nito ay hindi siya tapat sa kanyang pasasalamat, o maaaring nais lang nitong magbukas ng isang usapan.
Habang naguguluhan sya sa mga intensyon ng lalaki, nilapitan sila ni Dexter mula sa malayo.
Hindi niya nagustuhan ang parang malamig na pagtrato nito sa kanyang anak. Kaya nilapitan niya ang mga ito. Subalit kailangan niyang magbigay galang sa kanyang tito, at agawin ang atensiyon nito mula sa kanyang asawa.
“Tito..”
Hinila ni Ezekiel ang kanyang mga mata mula kay Sapphire at bahagyang tumango na may malamig na ekspresyon ng tiningnan ang kanyang pamangkin.
Ang pangalawang anak na lalaki ni Lola Laura, si Ezekiel Briones!
Pagkatapos mag aral, ninais hanapin ni Ezekiel ang kanyang sarili noong siya ay 20 anyos pa lang. Itinatag niya ang sarili ng mag isa at nagsumikap upang umangat, at ngayon ay isa na siyang successful investors sa maraming kumpanya, partikular na sa mga banko. Siya ay pangarap ng maraming kababaihan sa Pilipinas bilang isang IDEAL GUY.
Matapos ang ilang taon, ang presensya ng lalaking ito ay sobra pa ring nakakabighani at parang sumisikip ang hangin sa paligid niya. Parang kahit mga bulaklak ay luluhod ng kusa kapag nakita siya.
Magaling na siDexter, ngunit kung ikukumparaito sa kanyang tito na si Ezekiel,, na pitong taon ang tanda sa kanya, makikita pa rin ang malaking pagkakaiba nila.
Hindi inaasahan ni Sapphire na may anak na pala ito.
Naisip niya na kapag kumalat ang balitang ito, tiyak ay maraming taga Manila at taga subaybay ng negosyanteng ito ang mabobroken hearted.
“Sapphire, apo ko, kailangan mong magpahinga, halika na at pumasok sa loob kasama si Lola..” yaya sa kanya ni Lola Laura na may lambing at tunay na pag aalala.
Bigla siyang bumalik sa kanyang katinuan ng marinig niya ang tinig na iyon.
Nagulat siya ng lingunin ang matanda. Puro puti na ang mga buhok nito at mukhang mas tumanda pa sa nakalipas na limang taon.
Labis na kalungkutan ang nadama ni Lola Laura, ng makulong si Sapphire. Itinuring niya itong totoong apo.
Naaalala pa niya ang mga panahong kasama niya ito at nakikitang pagala gala sa loob ng bahay. Ang masayahin at mabait na batang kanyang pinakatatangi.
Lumapit si Sapphire sa matanda, at nakikita niya ang kalungkutan sa mga mata nito ng makita siya. Agad siyang yumakap at humingi ng pasensiya dito, “Lola.. pasensiya na po kayo kung…” hindi na niya iyon naituloy at tuluyan ng may bumikig sa kanyang lalamunan. Umiyak na siya ng tuluyan.
“Sssh.. masaya akong nakabalik ka ng muli dito.. Alam ni lola kung anong klaseng bata ka. Wag na nating pag usapan ang nakaraan, tapos na iyon..” hinaplos nito ang kanyang likod at pinapatahan na siya. “Wag ka ng umiyak.. Miss na miss na kita..”
“Nagpagawa ako ng mga bagong damit para sa iyo, naroon iyon sa iyong kwarto,” pinunasan ng matanda ang kanyang mga luha, “mga latest designs ang pinili ko, umakyat ka na at magpahinga. Kung may nais ka pang bilhin, magsabi ka lang sa ating butler.”
Alam niyang hindi angkop ang kanyang kasuotan para sa marangyang pamilyang iyon, kaya tumango siya sa matanda. Ng papalabas na siya ng kwarto nito, isang maliit na tao ang humarang sa kanya.
Itinaas nito ang maliit nitong ulo, saka tumingin sa kanya, “magandang ate, salamat sa pagsagip mo sakin kanina,” ang ngiti nito ay napakainosente, halatang mabait ang batang ito.
Habang tinitingan niya ang batang ito, na may seryosong mukha, napangiti na lang siya. Mayroong init sa mga mata ng bata na hindi niya maipaliwanag.
Ayon sa henerasyon ng mga Briones, kung kakalkulahin, ang batang ito ay pinsan ng kanyang asawa.
Ayaw niyang aminin sa batang ito, na asawa siya ni Dexter. Yumuko siya at tiningnan si Liam, ginulo niya ang buhok ng bata, “ako nga pala si Sapphire. Ang bata mo pa, bolero ka na.. Ikaw talaga..” nakangiti niyang pinisil ang pisngi ng bata.
“Pwede naman siguro kitang tawagin sa pangalan mo lang, hindi ba, Sapphire?” nilingon nito ang ama, saka hiningi ang opinyon nito, “di ba, daddy, maaari ko siyang tawaging Sapphire?”
“Ayos lang anak, bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya,” ngumiti si Ezekiel, at tiningnan siya.
"Maganda."
Dalawang boses ang sabay na tumugon. Boses iyon ng mag ama.
Nagulat siya sa magkasabay na sagot ng mga ito. Ang kanyang mga mata ay nasiyahan sa mag ama. Sa tagal na panahon, ngayon na lang ata may taong nagpainit ng kanyang puso, at iyon ay galing pa sa isang bata. Napatingin siya sa tatay ng bata, at ang mga matang iyon ay hindi humihiwalay sa kanya.
Bago pa man niya mabigyan ng pansin ang ekspresyon niEzekiel, unang nagsalita si Dexter, ipinakita ang kabaitan at pag-aalaga ng isang mabuting asawa na akala mo naman ay totoo ang sinasabi, " Sapphire, pumunta ka na muna sa iyong kuwarto, pupunta ako mamaya upang makita ka."
Agad siyang tumango, baka hindi niya maiwasang ipakita ang galit niya sa asawa, kung sakaling magtagal siya sa lugar na iyon. Napansin pa niya ang paghabol ng mga mata sa kanya ni Ezekiel, na parang ayaw siyang payagang umakyat sa kanyang kwarto.
Pagdating niya sa kanilang kwarto, agad siyang dumapa sa sofa at iniunat ang kanyang pagod na katawan.
Matapos makapahinga saglit, kinuha niya ang telepono, at tinawagan ang numerong natatandaan niya, kay doctor Romualdez..
Pagdial niya, agad na sinalubong siya ng tinig ng operator, at sinasabing ang numerong tinatawagan niya ay de activated na.
Biglang umakyat ang kanyang dugo sa kanyang ulo. Bakit hindi niya makontak ang doktor niyang kaibigan? Anong nangyari?
Sa ilang ulit niyang pagdial, wala talagang sumasagot sa kanya, kundi ang boses pa rin ng operator.
Mula ng malapit na siyang lumaya, wala siyang nais gawin kundi hanapin ang kanyang anak, at tanging si Doctor Romualdez lang ang nakakaalam kung nasaan iyon.
Hindi niya inaasahan ang ganitong bagay. Akala niya ay madali na para sa kanya ang makita ang sarili niyan anak, subalit hindi pala ganoon kadali ang ibibigay sa kanya ng mundo, mukhang mahihirapan pa siya.
Kung si Dexter ang may kinalaman dito, ay hindi niya masabi. Mahirap talaga ang walang kapangyarihan, magiging taga sunod lang talaga ng mga mayayaman ang maliliit na taong gaya niya. Ang kanyang puso ay nasasakal sa isiping iyon. Hindi niya ito inaasahan.
Binitawan na niya ang telepono, at inilagay iyon sa dating kinalalagyan. Nagmumuni muni siya at nag iisip ng mga plano. Ngayong malaya na siya, mas mapaplano niya kung paano makakapaghiganti sa mga walanghiya.
Biglang may narinig siyang mga nag uusap sa pintuan ng kwarto. Isang tinig ng batang babae, na parang nagsusumbong sa kanyang ama. Lumapit siya doon at sinilip iyon.
“Ayoko sa kanya daddy, nakakatakot siya,” sabi ng bata. Kitang kita niya sa siwang ng pinto kung paano ito tratuhin ng kanyang asawa. Napakamapagmahal na ama.. Magaling!
“Bigyan mo ng pagkakataon si mommy, alam mo namang hindi pa siya sanay sayo, hindi ba?” nakatingin kay Sapphire ang kanyang asawa, madilim ang mga mata nito.
“Basta, ayoko sa kanya,” nakasimangot ang disney princess habang inaalo ng ama niyang hari. “Hindi siya mabuti sa akin.
“Ako na ang bahala kay mommy. Mabuti pa, bumaba ka na lang muna, mag uusap lang kami, maglaro na lang muna kayo ni Liam..” utos ni Dexter sa anak, na kaagad namang sumunod.
Matapos ibigay si Arabella sa kasambahay, naglakad siya patungo sa pintuan ng kwarto. Kailangan niyang kausapin ang kanyang asawa tungkol sa pinakamamahal niyang anak. Walang maaaring manakit sa damdamin ng bata.