Share

Kabanata 3

Penulis: Middle Child
last update Terakhir Diperbarui: 2024-12-02 11:27:45

Hindi kalayuan, isang lalaki ang lumabas ng sasakyan at tumitig sa payat na pigura ng babae na bagong laya. May habag sa mga mata ni Dexter ng makita ang asawa.

Marahil, ang limang taong sentensiya sa babae ay masyadong mahaba, kaya ito ay nagbunsod sa ganitong klase ng pangangatawan nito. Biglang nagkaroon ng pader sa pagitan nila, na parang hindi sila magkakilala.

Nakakunot ang noo ng babae ng makita siya. Agad niya itong nilapitan, itinaas ang kanyang kamay, at ninais na hawakan ang mga balikat nito. Ahit ano pa ang mangyari, nananatili pa ring asawa niya si Sapphire kahit limang taon silang nagkahiwalay.

Sa susunod na segundo, nagulat siya, ng mismong ang babae ang umiwas sa kanyang paghipo, na noon ay gustong gusto nito.

Inuri ni Sapphire si Dexter, mula ulo, hanggang paa, saka mapait na ngumiti. Nagsalubong ang kanilang mga paningin. Sa malapitan, makikita ang kaungkutang nasa mga mata niya, na nagdulot sa lalaki, ng pag iwas at matinding pagkalito.

“Sumakay ka na,” iginiit ni Dexter na pasakayin siya sa sasakyan nito na nasa kabilang kalsada.

Akala ng lalaking ito, na kagaya pa rin siya ng dati. Isang mabait at masunuring babae. Ngunit marami na ang nagbago sa kanyang pagkatao. At marami na siyang naisip ng siya ay nasa loob ng kulungan.

Ang taong ito ay hindi karapat dapat sa kanyang pagmamahal. Hindi niya dapat inialay ang lahat lahat dito, at nagsisisi siya na ito pa ang minahal niya noon.

“Makikipaghiwalay na ko sayo,” sabi niya dito. Ang kanyang tinig ay puno ng determinasyon.

Kumipot ang labi ng lalaki, hinawakan nito ang kanyang pulso, habang nakatingin sa kanya, “sino ka naman para magmalaki? Limang taon na ang nakakalipas, muntik ng mamatay si Emerald dahil sayo. Kung hindi dahil sa biyaya ng Panginoon, hindi siya nabuhay. Mabait ang Diyos at binigyan pa siya ng panibagong buhay. Limang taon ka lang naman nakulong, at lumabas ka pa na buhay.

Ang mga mata ni Sapphire ay namumula, at itinaas ang mga sulok ng kanyang labi ng may pang-iinsulto: "Oo, buti na lang at maawain ang Diyos, kung hindi, tiyak pinilit mo akong bayaran ang buhay niya, hindi ba?"

Pinilit niyang hindi mag-alinlangan ang boses, sabay hilang ang pulso mula sa pagkakahawak ng lalaki, nais niyang makawala sa hawak nito.

Sa limang taon na iyon, hindi mabilang na beses na niyang naiisip kung paano siya makagaganti pagkatapos makalabas sa kulungan.

Ngunit nang siya’y kumalma, ang pagnanasa niyang makita ang kanyang anak ay nagkaroon ng matinding pagkapanalo, kaya’t hindi na siya nais mag-aksaya ng panahon sa pakikipag-usap kay Dexter.

Mas lalo pang nadismayaang lalaki sa sinabi niya, ngunit hindi nitoinalis ang kamay na nagpipigil sa kanya: "Alam mo kung anong klaseng pamilya ang mga Briones, at hindi maganda ang kalusugan ng lola. Hindi kita hihiwalayan."

"Si Lola..." Nang marinig ang pangalan ng lola na siyang pinakamahalaga at nag-aalaga sa kanya noong nagsasama pa sila ng asawa, lumambot ng bahagya ang kanyang puso. Si Dexter lang naman ang nagkasala sa kanya at hindi ang buong pamilya ng Briones.

Napilitan na lang siyang sumakay sa sasakyan nito.

Kahit na nais niyang makipaghiwalay sa lalaki, kinakailangan niyang bumalik at linawin ang lahat, para hindi na mag-alala pa ang lola nitona halos 80 na taon na.

Umalis na ang sasakyan.

Naupo siya nang tuwid sa passenger seat at napansin ang isang eleganteng frame ng litrato sa harap niya.

Isang litrato ng isang batang babae, mga tatlo o apat na taong gulang, na matamis na nakangiti sa kamera, at ang kanyang mga kilay at mata ay halos magkapareho kay Emerald.

Nagulat siya sa unang sandali, at pagkatapos ay naisip ang matagumpay na heart transplant surgery ng kanyang kakambal.. Paano niya hindi maiisip na ang batang babae ay bunga ng pagmamahalan ng kanyang asawa at kapatid? Magaling talaga ang lalaking ito mag isip.

Limang taon na ang nakalipas, at ang litratong ito ay sapat na upang magdurog ng kanyang puso. Ang kataksilang ginawa sa kanya ng mga ito ay nagbunga.

Ang mga mata ni Dexter ay sumunod sa kanyang tinitingnan, ang mga kilay niya ay hindi niya namalayang magkasalubong, at ang pait na kanyang nadarama ay mas lalo pang tumindi.

Nang mapansin na matagal na nakatitig si Dexter sa kanya, tumingin siya palayo nang walang emosyon: "Binabati kita, nakuha mo ang gusto mo."

Ang malamig na atmospera sa loob ng sasakyan ay tila naging yelo nang marinig ang makapangyarihang pagbati na iyon mula kay Sapphire.

Mariin ang pagkakahawak ni Dexter sa manibela, na para bang nais na niya iyong alisin, dahil sa hindi niya inaasahang pagbati mula sa asawa.

Hindi niya gusto na kausapin siya ng ganoong malamig at matalim na paraan. Hindi siya sanay sa klase ng pakikitungo ng asawa niya sa kanya. Hindi ganoong babae si Sapphire, kaya parang ang hirap tanggapin kung paano ito magsalita ngayon.

Ngunit para kay Sapphire, wala na siyang pakialam kung nais man o ayaw ng asawa niya ang kanyang sinabi.

Huminga ng malalim si Dexter, at sinusubukang pa rin panindigan ang kanyang kamalian, “hindi maaaring maging illigitimate child si Arabella. At hindi naman tatanggapin ni Lola na maging asawa ko si Emerald. Hindi siya papayag. Kaya, humanap kami ng surrogate mother na magdadala ng aking binhi at pinalabas ko sa publiko na ang egg cell na ginamit ay saiyo, at hindi kay Emerald.”

Ang magandang mukha ni Sapphire ay walang emosyon. Matagal niya bago naintindihan ang ginawa ng lalaki, “ang galing mo. Umabot hanggang sa ganitong punto ang pagmaamahal mo sa aking kapatid. Talagang napakahusay mo.. nakakamangha ka!”

Limang taon na ang nakakaraan, ng pahplanuhan nilang kunin ang kanyang anak na hindi pa naiisilang. At ngayon, ito na mismo ang nagkaroon ng anak sa kanyang asawa, hindi ba at napakagaling ng kanilang ginawa? At ang pinalabas pa sa publiko, ay siya ang ina ng batang iyon?.

Mayroon bang mas ironiko at katawa-tawa pa sa mundong ito kaysa dito?

Habang iniisip ito, tumawa siya nang malakas at walang emosyon: "Dexter, hindi ko kailanman aaminin sa harap ng lola na wala akong kinalaman sa anak mo. Wala naman akong pakialam sa inyo."

Ang ekspresyon ni Dexter ay malamig, at isang patong ng yelo ang bumalot sa kanyang guwapong mukha: "Sapphire, hindi mo pa alam, ang iyong ama ay may utang na halos 10 milyon mula sa mataas na interes sa pagsusugal nitong mga nakaraang taon, at ako ang inaasahan nila para magbayad ng interes na iyon."

Ang kanyang mukha ay mabilis na naging maputla: "Binabantaan mo ba ako..."

"Kung ayaw mong malusaw ang pamilya niyo, at ibenta ko ang organs ng mga magulang mo, tandaan mo ito, hindi ako nakikiusap sayo, dahil ikaw ang may kailangan sa akin,” mayabang na sagot ni Dexter.

Harap harapang inihayag niya sa babae na hindi niya ito mahal, at kung gaano siya kalupit, “hanggang buhay pa si Lola, ikaw muna ang magiging asawa ko, at magiging ina ni Arabella, at magsasama tayo, bilang isang pamilya.” may pang uuyam sa ngiti niya habang nakatingin sa kanyang asawa.

Bago pa sila makarating sa bahay, nanginginig ang boses ni Sapphire habang tinatanong ang lalaki, “paano mo ito naaatim na gawin sa magulang ng babaeng pinakamamahal mo “ nais mo ba siyang malungkot?”

“Ayoko siyang malungkot, kasi, mahal ko siya, “saka inapakan ni Dexter ng mahigpit ang preno, “kaya ang buhay ng mga magulang mo, ay nakasalalay nlang sayo, at walang malalaman si Emerald na kahit ano, dahil wala akong planong sabihin ito sa kanya,” saka malademonyo siyang tumawa.

Tama nga.

Iniibig ni Dexter si Emerald ng labis, kaya't natural lamang na isaalang-alang niya ang lahat para sa babaeng kanyang minamahal.

Nanginginig sa galit, titig na titig si Sapphire sa guwapong lalaki sa tabi niya na may matinding poot sa kanyang mata.

"You bastard!" Kinagat niya ang kanyang mga ngipin at pilit na ipinaglalaban ang mga salita mula sa basag niyang tinig,: "Dahil minahal kita noon, karapat-dapat ba akong magdusa ng ganito dahil sa pinakamamahal mong si Emerald sa loob ng limang taon sa kulungan? Ang pagkamatay na anak natin ay hindi pa ba sapat na kabayaran para pahirapan mo ako? Lumayo ka na lang sa akin at mahalin si Emerald. Huwag ka nang magpakita sa harapan ko habang ako ay nabubuhay!”

Ang mga salitang patungkol sa kanilang patay na anak ay mabagsik at magaspang, kaya't nagtaglay ng ilang sandaling pagkalito siDexter, at isang kalumbayan ang lumitaw sa kanyang mukha. Hindi niya inaasahang maaapektuhan siya ng sakit ng pananalita na mula kay Sapphire.

"Master, Madam, matagal nang naghihintay sa inyo ang lola niyo," wika ng tagapangasiwa Ng pamilya.

Binuksan ng butler ang pinto ng sasakyan, at nagmadali si Sapphire na punasan ang mga luha sa kanyang mga mata bago mabilis na lumabas ng sasakyan, hindi man lang siya lumilingon.

Sa hardin, dalawang bata ang magkasunod na naglalaro at nagsasaya.

Ang lahat ay tila napakaganda sa ilalim ng araw, at ang puso niya ay puno ng magkahalong emosyon.

Ang kanyang mga mata ay kusang sumunod sa batang lalaki na may kaakit-akit na itsura. Kung buo pa sana ang kanyang anak, malamang ay ganito ang edad nito ngayon.

Nang marinig ang balita na dumating na siya, mabilis na lumabas si Lola Laura mula sa kwarto. Tinawag nito ang isang tao upang buhatin ang batang babae na kamukha ng isang prinsesa, at mahigpit na tinuro siya na nasa ilang metro ang layo: "Ara, hindi ba't gusto mong makasama ang mommy mo? Bakit hindi ka lumapit sa mommy mo?"

Ang banta mula sa bibig ni Dexter ay nananatiling nasa kanyang tainga. Umiikot iyon sa kanyang ulo. Kaya napilitan siyang ngumiti sa bata.

Itinutok ng bata ang mga mata nito sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Ang malamlam at malalaking mata nito ay napuno ng luha, subalit agad iyong binawi, ng makita ng bata ang kanyang pangit na pananamit. Agad siyang dinilaan ng bata at tumakbo palayo upang pumasok sa loob ng bahay.

Okay lang sana iyon sa kanya, subalit ng umikot si Arabella, nabangga nito ang batang lalaki na kalaro nito, at hindi man lang ito nag abalang humingi ng paumanhin.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Quihnzel Ellah Jamir
hope maopen mga lock..
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 4

    Nang makita niyang malapit nang mahulog ang bata, tumakbo si Sapphire at inabangan ang malambot na katawan ng bata sa kanyang mga bisig: "Kumusta? Nasaktan ka ba?" nag aalala niyang tanong dito. Nang mas mapansin, mas naging halata na may mga maseselang at guwapong features ang bata, at siya’y cute

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-02
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 5

    Habang nasa kwarto, nakatayo si Sapphire, at nakatingin ng diretso sa pintuan, kung saan pumasok si Dexter. Agad niya itong tinanon, “bakit ka nandito? Para sa iyong disney princess?” “So, ano ngayon? Anak ko siya, at gagawin ko ang lahat, para sa kanya,” may angil sa tinig ni Dexter. “Ngayon, nil

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-02
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 6

    Biglang pinamulahan ng mukha si Liam ng makita ang hitsura ni Sapphire. Sira ang damit ng babae, at may bahagyang luha sa mga mata. Itinulak niya ito papasok sa loob ng kwarto."Alam kong nahihirapan ka sa pagpili ng damit na susuotin mo, kaya tutulungan na kita." sabi niya sa babae. Bigla siyang na

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-04
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 7

    Hindi siya nagulat sa kung paano nagawa ni Ezekielang lahat ng iyon ng mag isa. Sa katunayan, kahit sino na nakakita sa lalaki nang personal ay hindi magugulat sa kanyang mga nagawa.Ang ikinagulat niya lamang ay kung bakit determinado ito na iwan ang pamilyang Briones. Ngunit ito rin ang dahilan ku

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-04
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 8

    Nang ang lahat ay handa na, ang kalangitan ay madilim na ng labis, at ang paligid ay napuno na ng ilaw. Ang gabing ito, ay isa sa pinakamahalagang araw sa kanya. Dahil patutunayan niya sa kanyang asawa, na siya ay isang talentadong babae, at hindi niya hinahangad na basta na lang kumobra sa kayaman

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-06
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 9

    Andap na nag isip si Sapphire, ang kanyang mata ay nakatutok sa lalaki, at biglang ngumiti nang maluwag: "Bakit ganyan ka? Bakit hindi tayo mag-inom muna at magkakilala, at pagkatapos pirmahan mo ang kontrata, marami pa tayong oras para mag-relax." Mahaba niyang binigkas ang mga huling salita, at

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-06
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 10

    “Ganun ba?”Mababa ang boses ni Ezekiel, at bahagya niyang iginawi ang kanyang mga labi sa paraan na mahirap matukoy kung siya’y masaya o galit. Nakatingin siya ng masama kay Rico.Sa sumunod na sandali, ang tunog ng mga kamao at malalapit na banggaan ay parang kulog na mahina, hinaluan ng malutong

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-07
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 11

    Pagkatapos ay isang hakbang ang ginawa niya paatras, pumunta sa kabilang bahagi ng kotse, binuksan ang pinto, sumakay, at pinaandar ang sasakyan.Iniiwas ni Sapphire ang kanyang tingin kay Ezekiel, bahagyang ngumiti ng mapait at tahimik na pinutol ang anumang nadarama sa kanyang puso. Ito ang buhay

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-07

Bab terbaru

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 487

    "MAHAL kong Emerald!' nakipagkita si Lucas kay Emerald matapos niyang kontakin ang lalaki."Diyan ka lang," pigil niya sa lalaki, "wag ka ng masyadong lumapit at naiirita ako sayo!""Bakit naman, mahal ko?" hindi pa rin napigilan ng lalaki ang lumayo sa kanya. Agad siyang niyakap nito, "miss na miss

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 486

    "Anong ginagawa mo?" tanong ni Dexter kay Emerald saka inalis niya ang mga braso ng babae na nakapulupot sa kanya."Ba- bakit? sasabayan kitang maligo.." nakangiti nitong sagot habang tinitingnan ng lalaki."Manatili ka na lang diyan, nagmamadali ako. Madami pa akong gagawin, at pupuntahan ko pa si

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 485

    "NASAAN si Mila?" tanong ni Emerald sa isang katulong na nakasalubong niya. Hindi siya pinansin ng babae, kaya hinawakan niya ang braso nito, "bastos kang talaga! kinakausap kita hindi ba?""Hindi ko alam, " hinila ng katulong ang kanyang braso palayo kay Emerald."Hoy, muchacha, baka nakakalimutan

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 484

    MULING kumontak sa kanya si Ronaldo kinabukasan, matapos nitong makausap ang kanilang katulong na nais mam black mail sa kanya."Makipagkita ka muli sa akin, sa dating lugar.. maghanda ka.. alam mo na ang pagdadaanan mo, bago ka makapasok.." iyon ang huling bilin ng lalaki sa kanya.Malamang, pagkak

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 483

    Matapos ang lahat, ang pustahan ay umayon aky Sapphire. Nanalo siya sa lalaking maraming tattoo. Lugmok ito sa sahig matapos niyang sipain ng isa sa hinaharap nito. Doon pa lang niya naisipang mag angat ng kanyang paningin at makita ang lalaking hinahanap sa itaas, umiinom ng alak at nakatingin sa

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 482

    Mga alas-otso ng gabing iyon, nagtago si Sapphire mula sa nurse na nagrarounds, tahimik na lumabas ng ospital, at sumakay ng taxi patungo sa address na ipinadala sa kanya ng lalaki. Isang bloke ang layo mula sa destinasyon, ang driver ay umapak sa preno nang maaga sa tabi ng isang kalye na may sira

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 481

    Nag-alinlangan si Sapphire at nanatiling tahimik. Mula sa babae, natutunan niya ang isang ganap na kakaibang bersyon ng kanyang sarili.Bagamat magulo ang kanyang alaala, ayon sa paglalarawan ng kausap, nanatili siyang kalmado matapos niyang itulak si Ara sa bintana. Wala man lang emosyon, at tila b

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 480

    Kasabay nito, bahagyang kumunot ang noo ni Ezekiel.Sa mesa, itinaas ni Leila ang kanyang tingin na may ngiti sa labi. Bahagyang lumaki ang kanyang mga mata nang makita niya si Sapphire—halatang gulat na gulat siya sa biglaang pagdating nito. Hindi rin inaasahan ni Sapphire ang presensya ng babae s

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 479

    Huminga ng malalim si Sapphire at tahimik na lumakad palabas ng bahay ng pamilya nila, na para bang walang nangyari.Sa hapon ding iyon, nakaparada nang maayos sa driveway ang isang convoy ng mga itim na sasakyan—kumikinang ang mga katawan ng mga ito sa ilalim ng araw, waring sumasalamin sa kanilang

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status