LOGINChapter 2
Faith’s POV
“Talaga po sir… tayo po ang napili?” Hindi ko mapigilan ang panginginig ng boses ko tila may kung anong init ang sumiklab sa dibdib ko, halong gulat, tuwa, at matinding pasasalamat. Napalunok ako ng mahina. Hindi ko akalaing maririnig ko ang balitang iyon mula mismo kay Sir Jaecob.
May isang kilalang kompanya kasi na magdo-donate ng bagong classroom building sa isang piling paaralan sa Zambales. Kaya’t lahat ng paaralan ay pinasulat ng proposal. Ako ang naatasang gumawa para sa amin pinagpuyatan ko iyon, bawat salita iningatan ko, bawat ideya pinanday ko mula sa puso. Isa lamang daw ang mapipili, At heto nga, kami ang napili.Kulang kasi talaga kami sa classrooms kaya ang nangyari ay shifting class kami. May pang-umaga at pang hapon na klase
Sobra naming kailangan iyon. May mga estudyanteng kailangang gumising nang sobrang aga para lang makapasok, habang ang iba nama’y ginagabi na sa pag-uwi. Pati mga guro, ramdam ang bigat lalo kapag may batang naiiwan sa hapon dahil late na kung masundo ng magulang dahil may trabaho rin sila.
Kaya sa kabila ng mga pagod at inis kanina, parang biglang nabunutan ako ng tinik. At least, may magandang dahilan pala kung bakit ako pinatawag sa office.
“Yes, ma’am Faith. Congratulations. You did great,” wika ni Sir Jaecob, seryoso pero may bakas ng ngiti sa kanyang mata. “Hindi ako nagkamali nang sa’yo ko ipinagawa ang proposal. You really made it.”
“Thank you po, sir. Ginawa ko lang po talaga ‘yung best ko. Para po sa mga bata,” sagot ko, pilit pinipigilan ang pag-iyak. Hindi ko alam kung dahil ba sa tuwa o dahil sa biglaang bigat ng emosyon sa puso ko.
“Lalo mo akong pinahanga, Ma’am Faith,” patuloy ni sir. “Dahil sa ipapatayong bagong gusali, mawawala na ang shifting. Magiginhawa na ang lahat.”
Napabuntong hininga ako. Ganito si sir mahinahon, propesyonal. Totoo, may nararamdaman siya sa akin, pero hindi niya ito ipinipilit. Hindi niya ako kailanman pinahiya o pinressure. Sa harap ng mga guro, estudyante, ako ay guro rin isang katrabaho, isang partner sa layunin.
Biyudo si sir. 35 years old. Limang taon na raw mula nang pumanaw ang kanyang asawa dahil sa panganganak. Isang anak lang ang naiwan sa kanya. Sabi ng iba, ngayon lang ulit siya natutong ngumiti nang totoo, at ako raw ang dahilan. Ewan ko ba. Hindi ko pa rin kayang tanggapin ang posibilidad na muling magmahal. Hindi pa ngayon.
“Oo nga pala,” dagdag ni Sir Jaecob, “tumawag ang secretary ng A.G. Company. Tinanong kung may iba pa raw kayong pangangailangan, kayo ng mga guro.”
“Talaga po? Sir, kung para po sa teachers… printer siguro. Karamihan po kasi ay sira na. Naghihiraman na kami kaya minsan natatagalan ang paggawa ng mga materials.”
“Noted, Ma’am Faith. Ipaparating ko. Salamat ulit, ha?”
“Okay po, sir.” Tumango ako at pinilit ngumiti. Habang palabas ng opisina, parang unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko. Ngayon, naramdaman kong sulit lahat ng sakripisyo.
“Uy! Andito ka pa Charie? Wala ka pa bang klase?” bungad ko sa kanya pagbalik ko sa room.
“Naki-print lang ako. Sorry ha, pinakialaman ko printer mo. Nasira na kasi ‘yung sakin eh,” inosenteng sagot niya sabay peace sign.
“Yun lang ba, debale at baka pagbigyan naman tayo ng donor ng classroom, pati printer isama na.”
“WHAT? As in tayo ang napili? OH. MY. GOSH. FAITH! Ang galing mo talaga!” halos mapasigaw siya.
“Ang OA mo sa part na yan Charie,” natatawa akong napailing. “Isang sentence lang ‘yun, pero parang sinabugan ka ng fireworks sa dami ng punctuation na ginamit mo, kaloka ka!”
“Oo nga, mamaya daw may meeting sa lunch time. Sabi ni sir, i-aannounce niya officially. Antayin na lang daw natin ang message niya sa GC.”
Sinabi ko iyon nang may ngiti, pero ramdam kong medyo nanginginig pa rin ang boses ko tila hindi pa rin lumulubay ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko pa rin maipaliwanag ang saya.“O, magmi-meeting naman pala tayo, bakit ipinatawag ka pa ni sir nang solo?”
May halong panunukso ang boses ni Charie, sabayan pa ng taas-kilay niya na para bang sinisilip ang di ko kayang sabihin.“Ewan ko,” napailing na lang ako sa kakulitan nya. “Siguro… gusto lang niya akong personal na batiin at pasalamatan.” Pero sa isip ko: “Pasalamatan? Eh, hindi pa nga pala sya nag thank you kanina .”
“Asus! Pasalamatan daw o. Baka ginawa lang niyang dahilan ‘yan para lang makita ka niya ng mas matagal.” Sabay tinusok-tusok ako sa tagiliran. Napapitlag ako, natatawa. Hindi dahil sa kilig. O baka konti lang. Pero ayoko na lang aminin.
“Tumigil ka na nga Charie,” pinilit kong seryosohin ang tono ko kahit napapangiti ako. “Ayusin mo na ‘yang mga piniprint mo at bumalik ka na sa room mo. Baka may nag-aaway na naman sa mga estudyante mo.”
“Oy! Kinikilig! Nakita nyo mga bata? Kinikilig si teacher nyo oh!”
At dinamay pa talaga ang mga estudyante ko sa kalokohan niya.“Opo!” Saglit na katahimikan, sabay sabay silang sumagot, parang may rehearsal. “Papaligawan ko po si teacher sa tito ko pag-uwi niya galing Japan. Para tita ko na si teacher Faith!”
Halos mapa-facepalm ako. Ang lakas ng tawanan sa loob ng room.
“Mga anak, ayaw pa ni teacher ng boyfriend. Saka na yan. Bata pa ako. Mag-aral muna tayo, ha?” Bakas sa boses ko ang pilit na pag-aaliw. Pero sa loob-loob ko, parang may kirot. Hindi dahil sa biro, kundi dahil may mga tanong akong pilit iniiwasan.
“Yes po, teacher!” Sabay-sabay na naman. Ang kukulit, pero nakakatuwa.
“Ikaw naman kasi Charie,” balik ko sa kaibigan kong walang preno, “dinadamay mo pa mga bata. Lumayas-layas ka na nga baka hindi kita matantiya.”
Pero halata sa tono ko, hindi galit, kundi isang paalalang may hangganan ang biro. May mga sugat pa rin akong pinipilit itikom.“Naku, wala naman akong nilalabag. Hindi pa oras ng klase. Hindi pa nga nag-bell.”
Nakangisi pa rin siya, parang wala lang.“Hindi pa nga nag-bell, pero naka-time in ka na, di ba?”
“Nagtatrabaho na ako, noh! Trabaho na may kasamang chika. Ganon talaga kapag masaya sa work.”
Napailing ako, napatawa rin. “Ewan ko sayo. Babae ka, napakaingay mo talaga.”
Pero sa kabila ng tawanan, panunukso, at harutan, may laman ang lahat. Sa likod ng bawat biro, may kwento. May mga damdaming gustong ilabas pero natatakot. At sa gitna ng lahat ng iyon, pilit kong pinaninindigan ang isang pangakong paulit-ulit kong binubulong sa sarili: Hindi pa ngayon. Hindi pa ako handa.
Nagpatuloy ang kulitan namin. Napakagaan ng pakiramdam kapag kasama si Charie. Parang kapatid. Siya lang ang nakakaalam ng kwento ng buhay ko ng mga sugat na iniwan ng nakaraan. Siya lang ang may alam kung bakit hindi pa ako handang magmahal ulit.
“Pero seryoso, Faith… si Sir Jaecob… wala ba talagang pag-asa?” tanong ni Charie, tila may lungkot sa tinig.
“Charie…” mahina kong sagot.
“Siya pa rin ba… hanggang ngayon?” tanong niya muli, mas mahinahon na. At sa mga mata niya, hindi panunukso ang nakikita ko. Kundi pag-aalala.
Hindi ako sumagot. Tumawa na lang ng pilit.
“Haha! Alam mo curious ako sa itsura nya. Bakit hanggang ngayon di mo pa rin sya makalimutan.”
“May dalawang kamay, dalawang paa, at ilong na maganda,” biro ko. “Maliliit na ngipin masarap kumain. Dilang maliit pero marunong magsinungaling.”
“Ay grabe, in fairness ang galing mong kumanta ah kahit naiba ang lyrics.” asar pa ni Charie. “Pero… daks ba?”
“CHARIIIIIEEE!!!” sigaw ko habang tinutulak siya palabas. Napatawa rin ako. Napakabaliw ng babaeng to. Pero salamat, dahil sa kanya, kahit papaano… mas gumagaan ang bawat araw ko.
Faith POVNagising akong wala na si Austin sa tabi ko. Malamang ay maaga na naman siyang pumasok sa opisina. Tanging lukot ng sapin ng kama sa lugar niya ang naiwan. At ang mantsa ng dugo, katunayan na hindi na ako birhen ngayon. Naipagkaloob ko na ang sarili ko sa lalaking pinangakuan ko nito.Napangiti ako ng bahagya, dahil maging ang pangako ko sa sarili ko ay natupad ko. Ang unang halik ko, ay naranasan ko lamang sa araw ng kasal mismo. Kahit hindi iyon ang klase ng kasal na pinangarap ko. Ang pagkabirhen ko sinabi ko rin sa sarili ko na sa asawa ko lamang ipagkakaloob. Kagaya ng bilin sa akin ng mga magulang ko. Nakakatuwa pa nga dahil natagalan, bago nangyari. Kaya heto ako ngayon, halos hindi makagalaw.Napailing na lamang ako, dahil napahaba na pala ang pagmumuni-muni ko.Dahan-dahan na akong bumangon kahit ramdam ko ang bigat at pananakit ng buong katawan ko. Para akong may lagnat na hindi maipaliwanag.Para bang tinatrangkaso. Ngayon ko lang nara
Faith POVWarning: This chapter contains explicit language, mature themes, and intense scenes of passion. Read at your own risk. Strictly for mature audiences (18+).Pagdating namin sa mansion ay kaagad akong dumiretso sa aming silid. Naligo at nahiga. Sinilip ko ang monitor kung saan makikita ang kuha mula sa CCTV sa silid ni Jairee. Nang masigurong naroon si Jake at maayos naman si Jairee ay ipinikit ko muna ang aking mga mata. Ayokong makita ako ng anak kong ganito. Alam kong mugtong-mugto ang mga mata ko ngayon.Si Austin hindi ko alam kung umalis rin ba nang makababa ako sa sasakyan. Ayaw ko muna siyang isipin.Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Nagising na lamang ako nang maramdaman kong tila may dumadampi sa pisngi ko. Kasabay niyon ang matapang na amoy ng alak na agad kong nakilala. Kaya agad kong idinilat ang aking mga mata.Sumalub
Faith POVPagkatapos ng shopping kahapon, balik na ulit sa normal ang buhay. Oo, ito na ngang masasabi kong normal na buhay ko, ng buhay namin ni Jairee. Nakakainip, nakakabagot! Gusto kong magtrabaho, pero alam kong hindi ako papayagan ni Austin.Gaya ng araw-araw kong ginagawa pagkatapos kong asikasuhin sina Austin at Jairee, eto ako ngayon, nakatambay sa garden habang hawak ang libro. Pangalawang libro ko na ito mula kahapon.Nasa kalagitnaan ako ng binabasa nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Jaecob ang tumatawag. May pananabik kong agad na sinagot ang tawag.“Hello, Jaecob. Nakaalala ka?!” masigla kong bungad.“Gusto ko lang malaman kung buhay ka pa,” sagot naman niya na ikinatawa ko.“Naku, buhay na buhay pa naman ako. Haha! Kayo ni Stella, kamusta? Tutupad ka naman siguro sa usapan natin, ano?” pinaseryoso ko na ang tinig ko.Natahimik siya sa kabilang linya. Hmmm…
Faith’s POVDalawang buwan ang mabilis na lumipas. Natapos na rin ang therapy ni Jairee, at tuluyan na ring gumaling ang anak ko,isang bagay na labis naming ipinagpapasalamat. Para bang nabunutan ako ng tinik sa dibdib sa tuwing nakikita ko siyang tumatakbo, humahagikhik, at muling naglalaro sa palaruan sa mall, na para bang walang nangyari.Bilang isang ina, wala nang mas hihigit pa sa kasiyahan at ginhawa ng puso ko ngayon, habang pinagmamasdan ko ang sigla at ngiti ng anak ko. Para bang bawat tawa niya ay musika na nagpapaalala sa akin na sulit lahat ng sakit, pagod, at takot na pinagdaanan namin.Ang ina naman ni Austin ay madalas nang dumadalaw sa amin. Para makita si Jairee. Madalas ay hinihiram niya si Jairee para ipasyal, at nakikita ko ang tuwa sa mga mata ng anak ko tuwing kasama siya. Syempre, hindi lamang ako ang nagdi-desisyon sa bagay na iyon. Si Austin, na ngayon ay tila mas naging matimbang na bahagi ng buhay naming mag-ina, a
Faith’s POVKasalukuyan kaming nasa dining table ngayon sa mansion ng mga magulang ni Austin. Kami ng mommy niya ang nagluto ng lahat ng nasa hapag kainan ngayon. Ewan, pero ang hirap talagang paniwalaan ang mga ipinapakita niyang kabaitan sa akin. O baka hindi pa lang ako sanay? Dahil sa mga pinagdaanan ko sa kaniya noon pa man? Pero sana talaga ay totoo ang mga ipinapakita niya sa akin. Hindi pakitang tao lamang.Maging sa pag-aasikaso kay Jairee ay siya ang gumawa. Sinusubuan pa nga niya. At kung tawagin niya itong apo, ay ramdam ko namang mula sa puso niya iyon. Salungat sa ikinakatakot ko na baka itakwil o iparamdam kay Jairee na hindi siya kabilang. Malaking pasasalamat ko naman sa bagay na iyon, dahil hindi niya pinakitaan ng hindi magandang pakikitungo ang bata.Sa daddy naman ni Austin ay alam kong wala akong magiging problema. Kahit hindi pa bumabalik ang memorya niya, walang nagbago sa ugali niya. Malugod niya kaming tinanggap ni J
Faith’s POVMatapos ang tagpong iyon sa mismong kaarawan ko, bumalik na naman sa dati si Austin nang mga sumunod na araw; tahimik, mailap, at para bang walang nangyari. Ako rin, bumalik sa nakasanayan kong pag-aasikaso sa kanya araw-araw, pero hindi ko na inulit ang pagdadala ng lunch sa opisina niya.Madalas na rin akong magsuot ng lingerie bago matulog. Hindi para akitin siya, kundi para umiwas siya. Alam ko kasing sa tuwing ganoon ang suot ko, aalis siya at iiwas sa kama namin. Hindi ko alam kung saan siya natutulog, at ayoko na ring alamin pa… baka masaktan lamang ako sa katotohanan.Mabilis lumipas ang mga araw, at bago ko namalayan, tatlong buwan na agad ang nagdaan. Tuluyan ko na lang tinanggap sa sarili ko na isa akong bilanggo. Magara nga lang ang kulungan ko, isang mansion na puno ng mamahaling gamit, ngunit walang kalayaan. Lalo pang humigpit ang seguridad; bawat pintuan ay tila may kadena, at bawat galaw ko’y may matang nakamasid.







