The Billionaire CEO's Great Love
Isang guro si Faith sa Zambales, kilala sa kabaitan at kasipagan, ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti ay nakatago ang sugat ng nakaraan. Muling bumalik sa kanyang buhay si Austin, ang lalaking una niyang minahal, dala ang isang kasunduang magpapabago sa lahat, ang kanilang kasal alang-alang sa anak na si Jairee.
Sa kanilang pagsasama, malamig ang pakikitungo ni Austin at mahigpit ang pagtutol ng kanyang ina na si Amy. Ngunit nang malaman nitong apo si Jairee, ginamit niya ito upang makuha ang kayamanan. Sa imbestigasyon, lumabas ang katotohanan tungkol sa pinagmulan ni Austin, ang lihim na nakaraan ni Faith, at ang pagkakasangkot ni Amy sa mga trahedya.
Pag-ibig, pagtataksil, at paghihiganti ang susubok sa kanila. Sa kabila ng panganib, matutuklasan ni Faith at Austin ang lakas ng tunay na pagmamahal—isang laban para sa pamilya, katotohanan, at pag-asa.
อ่าน
Chapter: Chapter 95- The Perfect Ending of Our Second BeginningAustin POV Wala nang mas sasaya pa sa nararamdaman ko ngayon. May magaganda at gwapong mha anak ako, at higit sa lahat, nasa akin na ang aking asawang si Mrs. Faith Fernandez Garcia, na hindi lamang maganda, kundi mabait, maunawain, at maalaga. Wala ka ng hahanapin pa sa kaniya. Matagal ko nang pinaplano na pakasalan muli ang aking asawa, dahil hindi maganda ang naging kuwento ng una naming kasal. Gusto ko iyong palitan ng mas maganda at mas hindi malilimutang alaala. Nais kong makita ang aking asawa na naglalakad sa aisle, habang naghihintay ako sa harap ng altar. Ang plano ko ay pakasalan siyang muli sa Zambales, dahil espesyal sa amin ang lugar na iyon. Marami kaming pinagdaanang hindi malilimutan, mga masaya at malulungkot na alaala na nakaukit na sa aking puso’t isipan. Mga pangyayaring babalikan namin pagdating ng panahon, sa aming pagtanda. Sa tulong ng pamilya nina Ate Elvie, ay maayos na ang lahat ng preparasyon. Nasa biyahe na kami ngayon patungo roon. Ang alam lamang
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-12-10
Chapter: Chapter 94 - The Beginning of Another StormFaith POV Araw ng Sabado ngayon, it's our family day. Wala naman sana kaming balak lumabas dahil magiging abala kami bukas. Pero kailangan pala naming puntahan ang venue ng reception para sa binyag nina Amelia at Ameer. Kaya maaga kaming naghanda na mag-anak. "Everyone's ready?" ani Austin nang makalabas kami ng silid, kasabay ng paglabas ng magkakapatid sa kabila kasama ang kanilang mga yaya. "Yes, Daddy!" masiglang sagot ni Jairee. "So pogi naman ng kuya," puri ko sa bata. Lalo siyang naging cute sa curly hair niya at suot na shades. Nang tingnan ko si Ameer, saka ko napansin na magkapareho pala sila ng suot ng kuya niya. Napangiti ako. Alam ko na kaaagad kung sino ang may pakana, ang magaling nilang ama na hindi ko man lang napansin ang pagbili ng damit nila. "Ikaw talaga... ang dami mong ginagawa na hindi ko nalalaman ha," mahinahon pero pakunwari kong banta habang kinurot ko siya sa tagiliran. Natawa lang siya habang pababa kami ng hagdan. "Meron pa akong ginagawa na hindi
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-12-08
Chapter: Chapter 93-Our Curly-Haired FamilyFaith POVKasabay ng paghilom ng tahi ko, ay ang paghilom ng sakit na dulot ng mga pagsubok na pinagdaanan naming mag-asawa.Sa tulong nina Ate Elvie at Kim, hindi ako gaanong nahirapan sa paggaling. Si Kim ang naglilinis ng sugat ko pagkatapos akong paliguan ni Austin, dahil hindi ko talaga kaya tingnan ito. Si Ate Elvie naman ang mahigpit na nagpapaalala ng lahat ng bawal, dahil sabi niya, mas mahirap daw ang binat ng na-CS kaysa sa nanganak nang normal. Sinunod ko lahat ng bilin nila, at lubos akong nagpapasalamat. Nawala man ang mga magulang ko, pero sa presensya nila, parang nagkaroon ako ng bagong pamilya.Hindi naman sila nagtagal sa mansion dahil kailangan din nilang umuwi sa pamilya nilang umaasa sa kanila. Nangako sila na babalik para sa binyag at unang birthday ng kambal. Nangako rin si Austin na dadalaw kami sa kanila kapag kaya ko na ulit bumiyahe nang malayo.Ang bahay na binili ko sa Zambales ay ibinigay na namin kina Ate Elvie, ayon na rin sa kagustuhan ni Austin. Sa u
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-12-05
Chapter: Chapter 92- Kuya, Meet Your Siblings Faith POVWELCOME HOME BABY AMEER FRANCE, BABY AMELIA FRANCES AND MOMMY FAITH!Iyan ang nakasulat sa malaking banner na bumungad sa amin pagkarating sa mansion. May inihanda palang munting salo-salo ang mga kasambahay, na sabik makita ang kambal."Ang lakas ng dugo ni sir Austin. Aba’y kamukhang-kamukha niya ang kambal," ani Manang Elvie, puno ng pagkagiliw ang boses."Kaya nga ma'am, bale ikaw lang po ang nagdala ng siyam na buwan," biro pa ni Rosie na agad sinabayan ng tawanan."Kung sino raw ang kamukha ng sanggol, siya raw ang nag-enjoy nang husto habang ginagawa ang mga babies," sigaw ng isang pamilyar na tinig mula sa kusina.Napalingon ako agad. "A-Ate Elvie?!""Surprise!!" aniya, sabay labas ni Kim mula sa likuran niya."Kim!" agad siyang lumapit at niyakap ako nang mahigpit, ingat na ingat dahil kapapanganak ko lang.Pagbitaw namin ay napatingin ako kay Austin."She’ll take care of you, hon," wika niya saka ako inaakbayan. Inihilig ko ang ulo ko sa dibdib niya, saka siya tini
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-12-04
Chapter: Chapter 91- Baby Twins are Out. 🥰Faith POVParang kahapon lang nangyari ang lahat. Tuluyan ng napakulong si Amy. Pero hindi kinaya ng isip niya ang eksenang naganap na siya ang nakapatay sa sariling anak na so Daphnie at nawalan ng buhay sa harap niya si Justine. Ikinabaliw niya iyon, kaya sa halip na sa kulungan siya ilagay ay sa mental hospital ang kinasadlakan niya.Ngayon ay kabuwanan ko na. Naka schedule na ako for caesarian next week, dahil sa malposition ang kambal. Hindi na rin pumapasok sa opisina si Austin. Gusto niya nasa tabi ko lang siya palagi. Mula ng nagkaayos kami naging maayos at masaya na ang pagsasama namin. Si Jairee ay nagpatuloy na sa pag-aaral. Nasa Kindergarten na siya ngayon. Si Jake pa rin ang kaniyang personal bodyguard at yayo. Hindi na niya talaga binalikan ang pagiging nurse. Minsan tinanong ko siya kung gusto na ba niyang bumalik sa pagiging nurse sa hospital."Naku! Hindi na ho ma'am. Masaya na ako sa ginagawa ko ngayon. Marangal na, mas malaki pa hong dihamak ang sahod ko." Sagot niy
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-12-02
Chapter: Chapter 90- Bati na silaFaith POVDalawang araw akong nanatili sa hospital. At sa buong dalawang araw na iyon, hindi umalis sa tabi ko si Austin. Si Jairee naman ay nasa mansyon na, dahil hindi ko siya maaaring patagalin sa hospital baka makasagap pa siya ng kung anong sakit. Ngunit sa dalawang araw ding iyon… ni hindi ko kinibo si Austin. Kitang-kita ko ang pagod at paghihirap sa mukha niya, pero mas nangingibabaw ang galit na nararamdaman ko. Galit ako dahil inilihim niya ang lahat sa akin—hindi dahil sa mga nangyari. Nangyari na iyon; pareho lamang kaming biktima ng nakaraan ng aming mga magulang.At kagaya ko, kagaya niya, kamakailan lang din nila nalaman ng kakambal niyang si Axel ang buong katotohanan. Si Axel… na lumaking walang kinilalang pamilya sa loob ng tatlumpung taon.Ang mga magulang ko naman, may pagkakataon sana silang sabihin sa akin na kilala nila ang pamilya ni Austin mula pa noong una, pero pinili rin nilang manahimik. Siguro hindi rin nila inakalang aabot sa ganitong punto, na pati buha
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-12-01
Chapter: Chapter 12 - I am Her FirstAxel’s POVSa tuwing sumasalubong sa paningin ko si Eunice, hindi siya tao sa aking harapan. Isa siyang alaala. Isang sugat na muling binubuksan ng panahon. Sa mukha niya, bumabalik ang bawat sigaw na nilamon ng apat na sulok ng kuwartong kinalakihan ko. Sa bawat paghinga niya, naririnig ko ang halakhak ng nanay niya habang ako’y lumuluhod, duguan at nagmamakaawa.Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Gusto kong marinig ang iyak niya, dahil iyon ang tunog ng nakaraan kong hindi kailanman pinakinggan. Gusto ko siyang pahirapan kagaya ng paghihirap ko noon.Bata lang ako. Masyadong maliit para lumaban. Masyadong inosente para maunawaan kung bakit kailangan kong masaktan. Ang katawan ko ang nagsilbing kalasag ng lahat ng galit ni Amy. Sa bawat hampas ng latigo, napunit ang balat ko, ang kaluluwa ko ang unti-unting namatay. Wala akong armas kundi ang pagmamakaawa. Wala akong sandata kundi ang pag-iyak.Ang latigong iyon ang naging guro ko. Na ang tanging aral na natutunan ko ay ang manahimik,
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-01-24
Chapter: Chapter 11 -Chains of the PastAxel’s POVEven before my real family found me, Dad and Austin were already making their moves. They quietly conducted an investigation while Dad pretended that he still had amnesia. He used that weakness to gather evidence and slowly strip away Amy’s mask.Until they found me.They had me kidnapped back then, but not to torture me, only to talk. They knew I was angry at them. I grew up believing that Dad abandoned me, because that was what Amy repeatedly drilled into my mind.Hindi ko na siya kayang tawaging mom ngayon. Yes, I used to call her “Mommy,” just the way she wanted. She said she was the only one who truly loved me, the only one on my side in this world. So I let myself be used by her, driven by the desire to return and take revenge on the family I believed had abandoned me. I went along with all of her plans.From sabotaging the relationship between Faith and Austin. I grew up na malaki ang inggit kay Austin, because he was the only one enjoying the life that should have b
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-01-19
Chapter: Chapter10 - What I Could Never Take Back⚠️ SPG / Mature Content Warning ⚠️This chapter is for mature readers only. It contains sexual content, dark psychological themes, and power dynamics. Not suitable for minors or sensitive readers. Read with caution.Eunice's POVDalawang linggo ring hindi nagpakita si Axel sa sarili niyang mansion. Sa wakas ay tuluyan nang gumaling ang mga latay na iniwan niya sa katawan ko. Bumalik na sa ayos ang pakiramdam ko, pisikal. Ngunit sa loob-loob ko, alam kong pansamantala lang ang katahimikang ito.Handa na naman ako sa panibagong pagpapahirap niya.Pero sana… sana’y matagalan pa bago siya muling bumalik.Sa loob ng dalawang linggong iyon, ilang beses ding sumagi sa isip ko ang tumakas. Ngunit tila mas naging mailap pa ang kalayaan kaysa dati. Nagdagdag siya ng mga guwardiya, mas marami, mas mahigpit. Hindi na lamang sa gate may nagbabantay; maging sa paligid ng buong mansion ay may mga nagrorondang armado.Para bang sinisigurado niyang wala akong kahit katiting na tsansang makatakas.Napa
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-01-10
Chapter: Chapter 9 - A Month in HellEunice's POVIsang buwan ang mabilis na lumipas. Isang buwang puno ng iba’t ibang klase ng pagpapahirap ang tiniis ko sa kamay ni Axel.May mga araw na ipinagkakait niya pa rin sa akin ang pagkain, lalo na kapag may kahit kaunting pagkakamali akong nagagawa.Mabuti na lamang at naroon si Zelda, palihim akong tinutulungan, pinupuslitan ako ng pakain, minsan ay tinapay, kung minsan nama’y prutas. Sapat para lamang maitawid ang gutom.Tunay na ginhawa sa akin kapag wala siya sa sarili niyang mansion. Doon ko lamang nararamdaman ang bahagyang paghinga, na para bang pansamantalang naaalis ang batong nakadagan sa aking dibdib.Katulad ngayon, wala siya buong araw kaya magaan kong nagawa ang mga nakaatang na gawain sa akin. Nagawa kong makipag-usap at makipagbiruan sa mga kasama ko.Pagsapit ng hapon, kabado na naman ako dahil alam kong pauwi na siya.Habang naglilinis ng swimming pool, iyon lamang ang umiikot sa isip ko. Ano na naman kaya ang ipagagawa niya sa akin ngayong gabi? Sana’y maka
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-01-09
Chapter: Chapter 8 - Tears Behind Closed Doors⚠️ SPG / Mature Content Warning ⚠️This chapter is for mature readers only. It contains sexual content, dark psychological themes, and power dynamics. Not suitable for minors or sensitive readers. Read with caution.Eunice's POVMatagal akong naghintay sa sofa. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako nang maramdaman kong may tila may pumapatak na likido sa mukha ko.Napadilat ako at nakita si Austin, nakatayo sa harap ko, nakatitig nang tahimik. Nakatapis lamang siya at basa pa ang buhok niya.“Get up, and massage me,” utos niya sa malakas na boses, hindi puwede tanggihan, dahil bihag ako. Mabilis akong bumangonnhabang, ang katawan ko’y nanginginig sa kaba at kawalan ng kontrol.Kinuha ko kaagad ang massage oil at sumunod sa kanya sa kami. Nakadapa na siya, wala kahit na anong saplot sa katawan.Gaya ng halos gabi-gabi niyang pinagagawa saken, sinimulan ko ng lagyan ng oil ang likod niya at minasahe. Mabuti na lang at magaling ako sa bagay na ito. Palagi ko k
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-01-03
Chapter: Chapter 7- His Control, My Fear⚠️ SPG / Mature Content Warning ⚠️This chapter is for mature readers only. It contains sexual content, dark psychological themes, and power dynamics. Not suitable for minors or sensitive readers. Read with caution.Eunice's POVGabi na naman. Hindi ko alam kung dapat na ba akong matulog o manatiling gising, baka kasi ipatawag na naman ako ni Axel. Pagod na ang katawang-lupa ko sa maghapong gawaing-bahay. Gayunpaman, kahit papaano’y mapalad ako dahil hindi na niya ako pinagkakaitan ng pagkain.Ilang minutong lumipas. Tahimik ang paligid. Walang kumakatok.Marahil ay oras na para ipikit ko ang mga mata.Hindi ko pa man tuluyang nakukuha ang antok nang biglang bumukas ang pinto ng aking silid. Sa gulat, napabalikwas ako ng bangon.Nakatapis lamang ako. Dalawang pares lang ng damit ang mayroon ako, at kapwa ko pa iyon nilabhan kanina. Plano ko sanang isuot ang isa, kung sakaling ipatawag ako ni Axel.“A-Axel…” nautal kong anas nang maaninag ko ang anyo niya sa liwanag mula sa labas.Susu
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-01-03