The Billionaire CEO's Great Love

The Billionaire CEO's Great Love

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-09-06
Oleh:  Sweet KittyBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
7Bab
8Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Isang guro si Faith sa Zambales, kilala sa kabaitan at kasipagan, ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti ay nakatago ang sugat ng nakaraan. Muling bumalik sa kanyang buhay si Austin, ang lalaking una niyang minahal, dala ang isang kasunduang magpapabago sa lahat, ang kanilang kasal alang-alang sa anak na si Jairee. Sa kanilang pagsasama, malamig ang pakikitungo ni Austin at mahigpit ang pagtutol ng kanyang ina na si Amy. Ngunit nang malaman nitong apo si Jairee, ginamit niya ito upang makuha ang kayamanan. Sa imbestigasyon, lumabas ang katotohanan tungkol sa pinagmulan ni Austin, ang lihim na nakaraan ni Faith, at ang pagkakasangkot ni Amy sa mga trahedya. Pag-ibig, pagtataksil, at paghihiganti ang susubok sa kanila. Sa kabila ng panganib, matutuklasan ni Faith at Austin ang lakas ng tunay na pagmamahal—isang laban para sa pamilya, katotohanan, at pag-asa.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1- Faith after Seven Years

Chapter 1

Faith's POV

 "Faith! Tawag ka ni Sir Principal sa office as in now na raw talaga!" bungad ni Charie habang halos mapatid sa pagmamadali sa pintuan ng classroom ko.

"Nakakagulat ka naman, Charie!" halos mapatalon ako habang hawak ang dibdib ko. Grabe talaga 'tong kaibigan ko parang sirena ng bombero kapag nagsalita.

"Bakit daw? Ang aga naman yata ni Sir ngayon?" tanong ko habang pinapakalma ang sarili.

"Aba, ewan ko rin! Napag-utusan lang ako, girl. Baka gusto ka lang niyang makita para gumanda ang umaga niya! Hahaha!" sabi niya sabay kindat. Ayan na naman siya. Walang sawa sa pang-aasar, lalo na't alam niyang obvious ang paghanga ni Sir Principal sa akin. Gwapo si Sir, oo. Mabait, responsable, at may posisyon pa. Pero kahit anong pilit, wala talaga akong nararamdaman para sa kanya. Wala as in wala. Parang manhid ang puso ko o baka bato na talaga.

"Hoy, natulala ka na naman diyan! Pumunta ka na sa office. Baka biglang mag-check ng lesson plan si Sir yari ako, promise." Nasa mukha ni Charie ang konting kaba, kasi lagi siyang late magpasa ng lesson plan. Marami kasi siyang inaasikaso sa bahay nila. Ina-admire ko nga siya minsan kahit pagod, jolly pa rin. Isa 'yan sa mga dahilan kung bakit napamahal siya sa akin bilang kaibigan.

"Oo na, heto na. Pero bakit hindi ka kasi nag-print kagabi bago ka matulog? Inuna mo na naman ang K-drama mo, 'no?" biro ko sa kaniya, kahit alam kong may mas seryosong dahilan sa likod ng delay niya.

"Oops, mali ka diyan! Hahaha! Nag-edit ako ng pang-post sa social media baka sakaling mag-viral, dumami followers, at kumita. Alam mo naman, hirap pagkasyahin ng sahod natin. Kailan kaya tayo yayaman, 'no?" Naalala ko one time ay nag live siya at isinama pa nga ako, at inilantad na single pa ako. Ibinenta online. Nakakahiya. loka-loka talaga.

"Asa ka pa! May yumayaman ba sa profession natin? Sa papel lang, oo." sabay tawa ko, pero may bahid ng katotohanan sa sinabi ko. Real talk, wala namang yumayaman sa pagtuturo. Kapag tumaas ang sahod, kasabay naman nun ang taas ng bilihin. Pero ayos lang basta makaraos sa araw-araw, at may kaunting ipon okay na rin.

Papunta na ako sa pinto ng classroom nang biglang sumulpot si Jomer. Hayyy... eto na naman siya.

"Bulaklak para sa pinakamagandang guro sa buong Zambales!" proud niyang sabi, hawak ang isang bouquet. Nakakangiti, pero nakaka-stress.

"Salamat, Jomer..." pilit kong ngiti habang tinatanggap ang bulaklak.

"Jomer, ilang beses ko na bang sinabi na kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa iyo. Sana maintindihan mo na. Hindi mo na kailangan pang bigyan ako ng bulaklak at kung ano-anong regalo araw-araw." Ramdam na ang pagod sa tono ng boses ko. Hindi nakakatuwa 'yung paulit-ulit na.

"Sorry, Faith. Pero hindi ako titigil... hangga't hindi tayo nauuwi sa PAG-KA-KA-IBIGAN." Binibigkas pa niya 'yun na parang line sa pelikula. Nakakairita pero nakakatawa

 "Alam mo Jomer, pansinin mo na lang si Nicole. Mahal na mahal ka noon!" sabat ni Charie, sabay sulyap kay Nicole na saktong dumaan at may masamang tingin na parang lalagyan ako ng ulam sa mukha.

"Speaking of the devil! Hala Jomer, suyuin mo na si empakta. Siya na lang, wag ang bestfriend ko." malakas niyang sabi, sadyang ipinarinig kay Nicole.

"Kung ihagis kaya kita sa kalsada, Charie? Para kang palakang natubigan. Baka may gusto ka sa'kin no? Sorry girl, hindi ako pumapatol sa li- lechong baboy." "Anong sabi mo? Baboy? Palaka? Hoy, excuse me ha! Ako magkakagusto sa'yo? Never! Over my sevy body kahit ikaw na lang ang lalaki sa mundo, hinding-hindi kita papatulan!" pulang-pula na ang mukha ni Charie sa inis.

"Tumigil na nga kayong dalawa. May mga estudyante nang parating. Aalis na ako." Pagod na rin akong makinig sa kanilang walang katapusang bangayan. "Sige na Faith, baka mainip na si love of your life." hirit pa niya habang nilalakad ko ang hallway.

"Tumigil ka na nga, Charie. Mamaya may makarinig sa'yo." "Mas okay na si Sir kesa kay Jomer na mukhang tuko. Babaero pa."

"Ako, mukhang tuko?! Balatan kaya kita ng buhay" ewan, hindi ko na narinig ang sagutan nila. Tumakbo na lang ako patungo sa office. Sa pagmamadali ko, hindi ko napansin si Nicole empakta talaga minsan at nabangga ko siya. Nahulog ang hawak niyang folders ng lesson plan.

"Ano ba yan! Bulag ka ba o nananadya?!" sigaw niya habang pinupulot ang mga papel.

“Sorry, Nicole. Hindi ko sinasadya. Nagmamadali kasi ako." Habang tinutulungan siyang pulutin ang folder na nabitawan niya.

"Ang luwag ng hallway. Ang laki ko, hindi mo ko nakita?!" sarkastikong sabi niya.

"Nagmamadali kasi ako, pinapatawag ako ni Sir Jaecob"

"So? Ano naman sakin kung pinapatawag ka? Aba, pagkatapos ni Jomer, si Sir Jaecob naman? Iba ka rin, Faith." sabay taas ng isang kilay, para bang sinasampal ako gamit ang salita. My God... bigyan niyo po ako ng mahabang pasensya. Hindi biro ang makisama sa ganitong mga tao araw-araw.

"Bahala ka na sa gusto mong isipin, Nicole. Andito ako para magtrabaho. Hindi para gumawa ng kung anong ikapapahamak ko."

"Whatever. Feeling maganda." sabay irap at lampas sa akin na parang ako pa ang mali. Oo mali naman Talaga ako sa part na nabangga ko sya. Yun lang.

Gusto ko sanang sumagot pa, pero pinabayaan ko na lang. Hindi rin naman siya worth ng energy ko. Alam ko naman kung bakit siya ganyan sa akin. Hayyyy. Ilang nilalang pa ba ang makaka-encounter ko today at uubos ng energy ko? Pupunta lang ako sa office pero feeling ko buong pelikula na ang nangyari sa araw ko. Kung hindi lang talaga malapit ang school na 'to sa tinitirhan ko, matagal ko nang iniwan. Laking tipid kasi sa pamasahe, oo. Pero kapalit nito: isang barangay ng stress. Halos araw-araw. Ganyan talaga, teacher life.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
7 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status