Home / Romance / The Billionaire CEO's Great Love / Chapter 3- Faith Gandara

Share

Chapter 3- Faith Gandara

Author: Sweet Kitty
last update Last Updated: 2025-09-03 05:09:49

Chapter 3

Faith’s POV

“Good day, fellows. Dahil may maganda akong balita sa inyo, pagsaluhan natin ang munting pagkain sa inyong harapan,” masayang pahayag ni Sir Jaecob, may bitbit na ngiti na tila ba may itinatagong kilig at tuwa. Sa simpleng handang iyon, ramdam mo ang sinseridadhindi lang basta pagkain, kundi pasasalamat.

“Wow! Ang taray may pa-lafang si Sir!” sabay taas kilay at pa-cute na biro ni Charls, na Carlo talaga ang pangalan pero mas trip niya ang ‘Charls’ mas sosyal daw, mas ka-fabulous. Isa rin siya sa mga naging sandalan ko rito. Katulad ni Charie, kalog, walang preno, pero totoo. Charls is a gay, pero hindi mahilig sa mga girly things.

“Oo, kumain na muna tayo bago ko sabihin ang good news. Sige na, puwesto na kayo.” May kakaibang sigla sa tinig ni Sir, parang batang may iniingatang sorpresa.

“Jomer, dito ka na sa tabi ko. Ito na ang plato mo, nilagyan ko na ng kanin at paborito mong adobo,” malambing pero may halong arte ang paanyaya ni Nicole. Ramdam ko agad ang tusok ng inggit sa pagitan ng kanyang mga salita. ‘Yung tipong gusto mong magpasalamat, pero mas gusto mong sumigaw. As if gusto ko namang makatabi si Jomer. Saksak niya sa baga niya.

Umupo kami nila Charie at Charls sa isang gilid ng mesa. Ako, nauwi sa dulo. At ayan na nga katapat ko si Jomer. Pero ang pinakamasaklap? Walang ibang bakanteng upuan maliban sa tabi ko. Kaya’t heto na si Sir Jaecob, dahan-dahang umupo sa tabi ko habang si Charie, panay ang kilig at sundot sa tagiliran ko. Lalong nag-init ang mukha ko sa hiya, parang gusto kong mag-evaporate gaya ng tubig sa ilalim ng araw.

Napapansin kong si Jomer, palinga-linga sa pagitan naming dalawa ni Sir. Tapos, ayun si Nicole may tingin na parang espada. Yung titig na parang sinasabi, “'Wag kang masyadong masaya, dahil hindi ka dapat masaya.” Sa totoo lang, gusto ko na lang umuwi. Kung saan tahimik. Walang matang nakatingin na may panghuhusga.

“Itong kare-kare Faith, i-try mo.”

“Itong pinakbet Faith, i-try mo.”

Sabay pa talaga sina Sir Jaecob at Jomer! Gusto nilang maglagay sa plato ko ng sabay, pero hindi match yung mga ulam na ilalagay sana nila sa plato ko.. Nagkatinginan pa ng masama. Pati mga kasama naming kumakain, halos sabay-sabay na nauubo. Ako naman, parang gusto na lang lamunin ng lupa.

“Ahmm… yung adobo na lang po muna ang ita-try ko, mga Sir.” Sobrang hina ng boses ko, pero alam kong narinig nila. Sabay nilang ibinalik ang serving spoon sa lagayan ng ulam, saka nagsimula ulit kumain. Tahimik na ang paligid, pero ramdam ko ang tension lalo na sa mata ni Nicole, na hindi na yata marunong ngumiti.

“Faith, gusto mo ba ng juice?” tanong ni Sir Jaecob, habang inaabot sa akin ang baso.

“Naku Sir, healthy living yang si Faith. Ayaw niya ng ganyang inumin. Fresh fruit juice po iniinom niyan. Akin na lang po ‘yan, Sir!” Sabat ni Charls. Napangiti ako. Totoo naman ‘yon. Iyon kasi ang nakasanayan ko. Dahil ang mommy ko isang dietician. Because fresh fruit juice has a lot of benefits for our body. I miss my mom.

Because fresh fruit juice isn’t just a drink for me. It’s a memory. A piece of home.

Every time I take a sip, I remember my childhood. Mommy would press oranges with her bare hands, no machine, just love. She’d pour the juice into a small glass, always the same one. “Drink this, anak. Pampalakas ng katawan, pampasaya ng puso,” she’d whisper, tired but tender.

Back then, I thought it was just juice. But now I know it was comfort in liquid form. A promise. That I was cared for. That I was safe. Fresh fruit juice is healing. It's sunshine in a glass.Natural sugars that don’t just energize but uplift. Nutrients that don’t just nourish but remind me that someone once made time for my well-being. It’s simple, yes. But for me, it's everything. A drink that holds memories, healing, and love pressed and poured with hope.

“Hoy! Faith! Tinanong ka lang kung gusto mo ng juice, parang iiyak ka na diyan.” Pagtawag pansin ni Charie na bumalik sa realidad ko.

“Sorry, may naalala lang ako.” Sagot kong may pilit na ngiti.

“Oh, ito na ang tubig, uminom ka na para mailigpit na ang mga ginamit natin.”

“Salamat, Charie.”

“I got you,” sabay kindat pa niya. Ay talaga, kahit nakakagigil, siya lang din talaga ang nagpapagaan ng loob ko minsan.

“May I have your attention now, fellows? Before I start, flowers for you, Faith.”

At ayan nanaman. Flowers. Spotlight. Saan ba ako makakabili ng invisibility cloak?

“Remember the A.G. Company na mamimili ng isang school na pagdo-donate-an ng classroom? Hindi lingid sa inyong kaalaman na si Ma’am Faith ang pinagawa ko ng proposal, right? Tayo ang napili ng company! And hindi lang ‘yan lahat kayo ay makakatanggap ng tig-iisang printer!”

Sabay-sabay ang palakpakan, ang hiyawan. Pero ako? Namumula, nahihiya. Lumingon ako sa paligid at hindi ko matakasan ang tingin ni Nicole. Tingin na parang gusto akong sunugin sa paningin pa lang.

“Ang galing mo talaga Faith, mabuti na lang dito ka napunta sa amin!”

“Hindi na ko gigising ng maaga!”

“Hindi na ko gabihin, salamat Faith! Mabubuo na ulit ang pamilya ko!” Mabubuo dahil sa tuwing pag-uwi nya sa kanilang bahay hindi na nya naabutan ang kaniyang asawa dahil pumasok na rin ito sa kaniyang trabaho.

Mga salitang punong-puno ng pasasalamat. Sa totoo lang, masarap pakinggan. Pero para sa akin, sapat na sanang alam kong may nagawa akong tama. Hindi ko kailangan ng bulaklak. Hindi ko kailangan ng spotlight. Gusto ko lang ng katahimikan.

“Naku! Ginawa ko lang po ang kaya ko. Para naman po sa ikabubuti nating lahat ito, lalo na ng mga estudyante natin.” Nahihiya kong sagot.

“Again, Ma’am Faith, thank you. You did great. Next month na rin sisimulan ang building. Sakto sa end of school year.”

Hay… salamat. At least, matatapos na rin ang taon. Pahinga na sa ingay. Sa inggit. Sa mga matang humuhusga.

Paglabas ko ng opisina, magkasunod kami ni Nicole. At syempre, hindi siya papayag na walang pasaring.

“Yabang natin, ah. Congratulations, Faith! Ganda ng flowers pero ilang araw lang, malalanta rin ‘yan. Baka gaya rin ng career mo. Tsk tsk.”

Sabay talikod. Parang wala lang

“Ano bang problema mo? Para kang hindi teacher. Kung may kakayahan lang akong palayasin ka dito, ginawa ko na! Sarap mong ilipat sa Mars!” Galit na galit si Charls, halos sabunutan na si Nicole.

“Charls, ‘wag na. Pabayaan mo na lang siya. Magsasawa rin ‘yan.”

At ako? Tatahimik na lang. Kasi minsan, ang tunay na laban, hindi sigawan. Kundi pagpili ng kapayapaan. At sa dami ng ingay sa mundo, iyon ang pinakamatapang na hakbang.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire CEO's Great Love   Chapter 62-Austin's Confession

    Faith POVNagising akong wala na si Austin sa tabi ko. Malamang ay maaga na naman siyang pumasok sa opisina. Tanging lukot ng sapin ng kama sa lugar niya ang naiwan. At ang mantsa ng dugo, katunayan na hindi na ako birhen ngayon. Naipagkaloob ko na ang sarili ko sa lalaking pinangakuan ko nito.Napangiti ako ng bahagya, dahil maging ang pangako ko sa sarili ko ay natupad ko. Ang unang halik ko, ay naranasan ko lamang sa araw ng kasal mismo. Kahit hindi iyon ang klase ng kasal na pinangarap ko. Ang pagkabirhen ko sinabi ko rin sa sarili ko na sa asawa ko lamang ipagkakaloob. Kagaya ng bilin sa akin ng mga magulang ko. Nakakatuwa pa nga dahil natagalan, bago nangyari. Kaya heto ako ngayon, halos hindi makagalaw.Napailing na lamang ako, dahil napahaba na pala ang pagmumuni-muni ko.Dahan-dahan na akong bumangon kahit ramdam ko ang bigat at pananakit ng buong katawan ko. Para akong may lagnat na hindi maipaliwanag.Para bang tinatrangkaso. Ngayon ko lang nara

  • The Billionaire CEO's Great Love   Chapter 61- Ang pag iisa nila Faith at Austin

    Faith POVWarning: This chapter contains explicit language, mature themes, and intense scenes of passion. Read at your own risk. Strictly for mature audiences (18+).Pagdating namin sa mansion ay kaagad akong dumiretso sa aming silid. Naligo at nahiga. Sinilip ko ang monitor kung saan makikita ang kuha mula sa CCTV sa silid ni Jairee. Nang masigurong naroon si Jake at maayos naman si Jairee ay ipinikit ko muna ang aking mga mata. Ayokong makita ako ng anak kong ganito. Alam kong mugtong-mugto ang mga mata ko ngayon.Si Austin hindi ko alam kung umalis rin ba nang makababa ako sa sasakyan. Ayaw ko muna siyang isipin.Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Nagising na lamang ako nang maramdaman kong tila may dumadampi sa pisngi ko. Kasabay niyon ang matapang na amoy ng alak na agad kong nakilala. Kaya agad kong idinilat ang aking mga mata.Sumalub

  • The Billionaire CEO's Great Love   Chapter 60- Sumbatan ng Nakaraan

    Faith POVPagkatapos ng shopping kahapon, balik na ulit sa normal ang buhay. Oo, ito na ngang masasabi kong normal na buhay ko, ng buhay namin ni Jairee. Nakakainip, nakakabagot! Gusto kong magtrabaho, pero alam kong hindi ako papayagan ni Austin.Gaya ng araw-araw kong ginagawa pagkatapos kong asikasuhin sina Austin at Jairee, eto ako ngayon, nakatambay sa garden habang hawak ang libro. Pangalawang libro ko na ito mula kahapon.Nasa kalagitnaan ako ng binabasa nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Jaecob ang tumatawag. May pananabik kong agad na sinagot ang tawag.“Hello, Jaecob. Nakaalala ka?!” masigla kong bungad.“Gusto ko lang malaman kung buhay ka pa,” sagot naman niya na ikinatawa ko.“Naku, buhay na buhay pa naman ako. Haha! Kayo ni Stella, kamusta? Tutupad ka naman siguro sa usapan natin, ano?” pinaseryoso ko na ang tinig ko.Natahimik siya sa kabilang linya. Hmmm…

  • The Billionaire CEO's Great Love   Chapter 59-Paranoid Faith

    Faith’s POVDalawang buwan ang mabilis na lumipas. Natapos na rin ang therapy ni Jairee, at tuluyan na ring gumaling ang anak ko,isang bagay na labis naming ipinagpapasalamat. Para bang nabunutan ako ng tinik sa dibdib sa tuwing nakikita ko siyang tumatakbo, humahagikhik, at muling naglalaro sa palaruan sa mall, na para bang walang nangyari.Bilang isang ina, wala nang mas hihigit pa sa kasiyahan at ginhawa ng puso ko ngayon, habang pinagmamasdan ko ang sigla at ngiti ng anak ko. Para bang bawat tawa niya ay musika na nagpapaalala sa akin na sulit lahat ng sakit, pagod, at takot na pinagdaanan namin.Ang ina naman ni Austin ay madalas nang dumadalaw sa amin. Para makita si Jairee. Madalas ay hinihiram niya si Jairee para ipasyal, at nakikita ko ang tuwa sa mga mata ng anak ko tuwing kasama siya. Syempre, hindi lamang ako ang nagdi-desisyon sa bagay na iyon. Si Austin, na ngayon ay tila mas naging matimbang na bahagi ng buhay naming mag-ina, a

  • The Billionaire CEO's Great Love   Chapter 58- With the Super Happy Mother in Law

    Faith’s POVKasalukuyan kaming nasa dining table ngayon sa mansion ng mga magulang ni Austin. Kami ng mommy niya ang nagluto ng lahat ng nasa hapag kainan ngayon. Ewan, pero ang hirap talagang paniwalaan ang mga ipinapakita niyang kabaitan sa akin. O baka hindi pa lang ako sanay? Dahil sa mga pinagdaanan ko sa kaniya noon pa man? Pero sana talaga ay totoo ang mga ipinapakita niya sa akin. Hindi pakitang tao lamang.Maging sa pag-aasikaso kay Jairee ay siya ang gumawa. Sinusubuan pa nga niya. At kung tawagin niya itong apo, ay ramdam ko namang mula sa puso niya iyon. Salungat sa ikinakatakot ko na baka itakwil o iparamdam kay Jairee na hindi siya kabilang. Malaking pasasalamat ko naman sa bagay na iyon, dahil hindi niya pinakitaan ng hindi magandang pakikitungo ang bata.Sa daddy naman ni Austin ay alam kong wala akong magiging problema. Kahit hindi pa bumabalik ang memorya niya, walang nagbago sa ugali niya. Malugod niya kaming tinanggap ni J

  • The Billionaire CEO's Great Love   Chapter 57- Bait-baitang mother in law?

    Faith’s POVMatapos ang tagpong iyon sa mismong kaarawan ko, bumalik na naman sa dati si Austin nang mga sumunod na araw; tahimik, mailap, at para bang walang nangyari. Ako rin, bumalik sa nakasanayan kong pag-aasikaso sa kanya araw-araw, pero hindi ko na inulit ang pagdadala ng lunch sa opisina niya.Madalas na rin akong magsuot ng lingerie bago matulog. Hindi para akitin siya, kundi para umiwas siya. Alam ko kasing sa tuwing ganoon ang suot ko, aalis siya at iiwas sa kama namin. Hindi ko alam kung saan siya natutulog, at ayoko na ring alamin pa… baka masaktan lamang ako sa katotohanan.Mabilis lumipas ang mga araw, at bago ko namalayan, tatlong buwan na agad ang nagdaan. Tuluyan ko na lang tinanggap sa sarili ko na isa akong bilanggo. Magara nga lang ang kulungan ko, isang mansion na puno ng mamahaling gamit, ngunit walang kalayaan. Lalo pang humigpit ang seguridad; bawat pintuan ay tila may kadena, at bawat galaw ko’y may matang nakamasid.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status