Share

CHAPTER 23

“How about a kiss? Give me a kiss,” tinuro niya ang mapupulang labi niya. Hindi ko alam kung sumanib ba ang kataksilan sa akin para mapatulala sa mga labi niyang kaakit-akit. “Siguro naman ay pwede kitang halikan?”

“No—” namilog ang mga mata ko nang bigla siyang pumatong sa akin at hinablot ang panga ko para siilan ako ng isang may pag-iingat na halik. Kumurap-kurap ako habang pinagmamasdan ang kisame.

Hinalikan niya ako? Ulit? Bakit ibang-iba na sa pakiramdam kumpara sa nauna.

Hindi ko namamalayan na napapikit na ako at sinisimulang sagutin pabalik ang halik niya. Hindi ko na rin napansin ang sarili ko na niyayakap ang batok niya at mas nilalaliman pa ang halikan naming dalawa. I could only say that he is a good kisser. Ang sarap lang sa pakiramdam at ang init sa dibdib. I found it sweet that no one can ever make me feel this way.

Doon lamang nagising ang diwa ko nang may maramdaman akong isang kamay papasok sa suot kong t-shirt. Buong pwersa ko siyang itinulak at hinampas sa kanyang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status