Ilang taon na ang nakaraan subalit hindi pa rin mawala ang galit sa puso ni Melanie. Kitang kita niya kung paano binaril ni Ortega ang kanyang ina at ama. Nang matunugan ng kanyang ama na sinalakay sila ni Ortega sa bahay nila mismo ay pinagtago siya nito sa hidden room. Mula doon ay kita niya mismo kung paano pinahirapan ni Ortega ang kanyang ama at ina bago barilin ang mga ito sa ulo. Gusto niyang lumabas noon sa pinagtataguan para iligtas ang mga magulang subalit alam niyang wala rin siyang magagawa sa dami ng mga tauhan ni Ortega. Nagtatawanan pa nga ang mga ito habang nagmamakaawa ang kanyang ina pero walang puso ang mga ito. Kaya kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha at impit na pag-iyak ay ipangako niya sa sarili niyang ipaghihiganti niya ang ginawa ng mga ito sa mga magulang niya. Numero uno na babalikan niya si Ortega. Kailangan na niyang tumakas bago pa halughugin ng mga ito ang buong bahay at matagpuan siya sa kanyang pinagtataguan. Dahan dahan niyang binuksan ang maliit
Pinunasan ni Melanie ang mga luha na nagsimulang mangagsihulog sa kanyang mga mata.Sinisisi niya ang sarili niya."How stupid of me to have done that!" Buong pagsisisi niyang sabi nang masilip ang blank cheque na nasa pitaka niya. Pero naisip din niyang siguro nga ay everything has a price. She sacrificed her virginity para magawa ang kailangan niyang gawin.Ngayon ay alam na niya kung nasaan si Blake. She secretly put a device kay Blake. A modern device na hindi pa naipapakilala sa mundo. She successfully attached that sa ari ni Blake kaya malalaman niya kung nasaan ito ngayon. Ito ang makabagong ginagamit ng mga spy na babae para manmanan ang target ng mga ito. Sabi na nga ba niya, tama ang hula niya. Through Blake ay malalaman niya kung saan nagtatago si Mr. Ortega dahil wanted ito ng Interpol para pagbayaran ang mga krimen na nagawa nito sa ibang bansa.Bago pa man mangyari yun ay sisiguraduhin niyang makikita ni Mr. Ortega kung paano niya pasasabugin ang ulo ng anak nito.Mag-
"Pre, ayos ka lang?" Tanong ni Blake kay Melanie.Parang nahimasmasan naman si Melanie. Naisip niyang hindi pala siya nakilala nito. Napagkamalan siguro siyang lalaki dahil nga kalbo siya at ang damit niya ay panglalaki din."Pre, na flat an ang sasakyan ko. Isa lang ang spare ko diyan eh dalawa ang flat. May alam ka bang malapit na repair shop dito? Mag pa bomba lang sana ako."Napatikhim si Melanie bago ito sumagot. Pinilit niyang baguhin ang kanyang boses. "Ah.. Pre, malayo pa dito. San ba ang punta mo? Malayo pa ba?"Napakunot noo naman si Blake. Hindi niya akalain na tomboy pala ang driver na kaharap niya.Maya maya lang ay nagsalita ito."San ba ang punta mo pre? Nagmamadali kasi ako. Baka pwedeng magpa drive sa iyo. Wala ka namang pasahero."Biglang naalala ni Melanie na taxi nga pala ang minamaeho niyang sasakyan."Ah sige, San ka po ba?" Tanong ni Melanie dito. "Sasabihin ko na lang sa iyo pag andun na tayo. Saglit lang, itabi ko muna itong sasakyan ko."Pagkatapos itabi ni
Ikinasa ni Melanie ang baril at dahan dahan itong nag lakad palapit sa sala. Walang mahalaga sa kanya ngayon kundi ang maghiganti.Buhay ang inutang, buhay din ang magiging kabayaran!"Lintik lang ang walang ganti!"Sumilip siya sa labas, nakita niya si Mr. Ortega. Siya nga yun! She gritted her teeth as she prepare to attack nang bigla na lang mag salita si Blake sa likuran niya. Natigilan siya, Pero maya maya lang ay napangisi din. Ito na ang pagkakataon niya para pagdusahin si Mr. Ortega. Dahan dahan siyang humarap sa lalaking nasa likod niya pero sa matipunong dibdib nito siya bumangga. Ang tangkad pala nito, malamang ay mahigit six footer ito dahil sa taas ni Melanie na 5'4 ay hanggang dibdib lang siya nito. Tumingala siya. Nagkasalubong ang mga mata nila at parang biglang napaso si Melanie sa titig ng huli.Naguguluhan si Melanie. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya dito. Alalahanin niyang mortal niyang kaaway ito. Kung kinakailangan niyang sampalin ang kanyan
Pagkalagay ni Blake kay Melanie ng piring ay nahilo ito. May pang pa tulog palang nakalagay sa tela kaya nawalan ito ng malay. Pag gising niya ay nakatali siya sa upuan.May naaninag siyang dalawang figure sa kanyang harapan. Nang luminaw ang kanyang pangingin ay nakita niyang sina Blake at Arman yun.Napangisi si Blake nang makita na gising na si tomboy. "Boy buti naman at gising ka na." Sabi nito bago bumaling kay Arman. "Simulan na ang ritwal."Napakunot noo si Melanie. Anong ritwal ang sinasabi nito? Doon lang niya napagtanto kung anong sinasabi ni Blake. Isa ba itong lie detector test?"Nahulaan mo na siguro kung ano ito. Kaya kailangan mong maging kalmado. May mga itatanong lang kami sa iyo at kailangan mong mag sabi ng totoo. Kailangan mong ipasa ang test na ito para mapalaya ka namin." Pahayag ni Arman.Napatango si Melanie. "Baka pwede niyong tanggalin ang pagkakatali ko muna." Hiling nito.Napatingin si Arman kay Blake. Tumango naman ang huli.Tinanggal nga ni Arman ang pagk
Umagang umaga pa lang ay madilim na ang mukha ni Blake. Aligaga naman si Melanie na pagsilbihan ang amo niya. Pero bago man kainin ni Blake ang mga pagkain na inihain ni Melanie dito ay isa isa yung tinikman ni Arman. Maya maya lang ay natumba ito bigla.Walang emosyon ang mukha ni Blake habang nakatingin sa nakabulagta niyang tauhan. Dinampot nito ang ang fork and knife at nagsimulang kumain ng egg omelette na niluto ni Melanie.Maya maya lang ay tatawa tawang bumangon si Arman. "Boss okay na, malinis ang pagkain."Hindi yun pinansin ni Blake. Inisang lagok nito ang kape na mainit pa kaya agad din niyang ibinuga yun.Napapikit si Arman. Lahat ata ng kape na nasa bunganga ni Blake ay naibuga nito sa mukha niya.Tumayo si Blake. "I expect a clean house and a new maid." Sabi nito bago nito binitbit ang attache case nito at umakyat na ito sa kanyang helipad.Napakibit balikat si Arman. "Masamang biro." Bulong nito bago pasinghal na bumaling kay Melanie. "Oy boy, anong tinatayo tayo mo di
Nakita agad ni Melanie ang lalaki dahil nakaupo na ito sa front seat kaya agad niyang binalaan si Blake. "Blake!" Sigaw ni Melanie. Nakita naman ni Blake ang armadong lalaki kaya mabilis nitong inilagan ang bala."Drive!" Sigaw ni Blake pagpasok nito sa sasakyan. Agad nitong sinara ang pinto ng sasakyan. Walang sinayang pang oras si Melanie. Agad niyang pinaandar ang sasakyan at mabilis humarurot palayo sa lugar na yun."What the hell happened?" Tanong ni Arman."Someone tried to shoot me!" Sagot ni Blake, nakatingin ito kay Arman bago ito tumingin kay Melanie. "Thank you." Ngumiti lang si Melanie. Kita yun ng dalawang lalaki sa sa rear view mirror. "Wooh.. You drive fast!" Puna ni Arman. Natawa si Blake, naalala nito ang karera nila ni Melanie mula Norte hanggang Maynila. "She is!" Naisip ni Melanie na kung umakto si Blake ay parang hindi pinagtangkaan ang buhay nito kanina lang. Naisip niyang sanay na siguro ito sa ganoong sitwasyon. Pag-uwi nila ay agad inayos ni Melanie ang
Mag-isang buwan nang hindi umuuwi sina Blake at Arman. Inaantabayanan din ni Melanie ang muling pag tawag sa kanya ni Jonas subalit hindi na ito muling tumawag. Hindi niya alam kung ano ang pina plano nito kaya kailangan niyang mag-ingat dito.Makalipas pa ang ilang araw ay nagsimulang makaramdam si Melanie ng pagkahilo sa umaga. Parating masama ang pakiramdam niya kaya di siya nakakagising ng maaga. Magana naman siyang kumain sa hapon kaya kain tulog lang ang naging routine niya.Hindi niya namalayan na naubos na pala niya ang stock niya na pagkain kaya kailangan niyang lumabas para bumili. Kailangan din niyang mag stock ng mga pagkain at baka biglang umuwi ang amo niya.Nag desisyon siyang pumunta dun sa pinamilihan nila ni Blake. Pumasok muna siya sa kuwarto niya para alamin kung ano pa ang mga personal na gamit na kailangan niyang bilhin nang mapansin niyang hindi niya nagamit ang stock niyang napkin para sa buwan na yun.Bigla niyang naalala ang pagkahilo na nararamdaman niya lat