Share

5. Car Race

Ikinasa ni Melanie ang baril at dahan dahan itong nag lakad palapit sa sala. Walang mahalaga sa kanya ngayon kundi ang maghiganti.

Buhay ang inutang, buhay din ang magiging kabayaran!

"Lintik lang ang walang ganti!"

Sumilip siya sa labas, nakita niya si Mr. Ortega. Siya nga yun! She gritted her teeth as she prepare to attack nang bigla na lang mag salita si Blake sa likuran niya. Natigilan siya, Pero maya maya lang ay napangisi din. Ito na ang pagkakataon niya para pagdusahin si Mr. Ortega. Dahan dahan siyang humarap sa lalaking nasa likod niya pero sa matipunong dibdib nito siya bumangga. Ang tangkad pala nito, malamang ay mahigit six footer ito dahil sa taas ni Melanie na 5'4 ay hanggang dibdib lang siya nito. Tumingala siya. Nagkasalubong ang mga mata nila at parang biglang napaso si Melanie sa titig ng huli.

Naguguluhan si Melanie. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya dito. Alalahanin niyang mortal niyang kaaway ito. Kung kinakailangan niyang sampalin ang kanyang sarili ay gagawin niya para lang matauhan at mag focus sa kanyang mission. Ilang taon na rin niyang pinlano to kaya walang magbabago, tuloy pa rin.

"May gusto ka pa bang inumin?" Tanong ni Blake.

Umiling si Melanie.

"Kung ganoon ay sumunod ka sa akin sa labas." Malamig ang boses na utos nito.

Sumunod naman ang huli dito. Nakatago pa rin ang baril sa kanyang likod. Iniisip niyang ito na ang pagkakataon niya pero bakit hindi niya magawa?

Nakakunot noo si Mr. Ortega habang nakatitig sa kalbo na nakasunod kay Blake.

"Who's that? You did not tell me na you're coming with someone?"

"He is my house boy." Sagot ni Blake na hindi man lang lumilingon.

Nakakunot noo pa rin si Mr. Ortega. "Is he a she or a he?"

Nagkibit balikat lang ang anak nito.

"Anyway dad, I need to get back to the city now. So see you soon. Dinala ko lang naman ang hiningi mo."

"Alright son. See you soon."

"Blake, alis ka agad?" Sabad ni Mrs. Ortega.

Hindi ito sinagot ni Blake. Napabuntong-hininga lang ito.

"Babalik siya uli, you have nothing to worry." Sagot ni Mr. Ortega.

Walang magawa si Melanie kundi ang sumunod kay Blake habang palabas ito ng bahay.

"I told you to wait in the car!" Seryoso ang mukha na pahayag nito nang nasa labas na sila na hindi sinagot ng huli. Nang makarating sila sa sasakyan ay sumakay si Blake sa likod. Agad namang sumakay si Melanie sa harap. Bago pa man niya mapaandar ang sasakyan ay itinutok ni Blake ang baril sa likod niya. Nagulat siya.

"Surprised? Look at me!" Galit na utos ng lalaki.

Dahan dahang lumingon si Melanie.

"Who are you?" Madilim ang mukha na tanong ni Blake.

Nagulat si Melanie nang makita ang baril niyang hawak nito. Agad niyang kinapa ang baril niya sa likod, wala na yun.

Napangisi si Blake. "Looking for this?"

Nagtaka si Melanie. Paano nitong Nakuha ang baril niya nang hindi niya namalayan?

"Tell me, who are you?" Tanong muli ni Blake.

"Ah sir... For protection ko po yan."

"Protection from what?" Tila nang-iinsulto ang mukha na sabi ng jueteng Lord.

"Sir, sa mga masasamang loob po. Delikado po kasi lalo pag gabi.. Lalo at babae ako."

"So babae ka pala. At yan ang natural mong boses. Pamilyar! Hmm.. Where did I hear that? Nagkita na ba tayo noon?"

"Sir hindi po!" Tigas ang iling na sagot ni Melanie.

"Yung totoo?"

"Hindi po talaga sir. Promise po sir."

"Hmm.. Maalala ko din yun. Mag maneho ka na pero wag na wag kang gagawa ng kahit anong dahilan para pasabugin ko ang bungo mo! Nagkaintindihan ba tayo?"

Napalunok si Melanie. Mukhang seryoso si Blake sa sinasabi nito. Nanginginig ang mga kamay na inistart niya ang sasakyan at dahan dahan na nagmaneho. Hindi naman itinago ng huli ang baril, nakatutok lang yun sa harap.

"Wag na wag kang magkakamali!" Muling babala ng huli.

Tahimik lang na nagmaneho si Melanie kahit sa totoo lang ay nanginginig ang mga kamay niya sa tension. Dahan dahan siyang tumigil nang makarating sila sa talyer.

Agad namang ikinasa ni Blake ang baril na ikinagulat ng Una.

"Bababa ka at kukunin mo ang sasakyan. I'm not stupid para sumakay doon, ikaw ang mag drive sa sasakyan ko, ako ang mag drive sa taxi mo. Nag-iingat lang ako. Wag kang papahalata kundi sabog ang bungo mo sa harapan ng lahat dito!" Muling babala ni Blake.

Tumango lang si Melanie. Bumaba ito ganoon din si Blake. Pagkatapos nilang kausapin ang may ari ng talyer ay umalis na ang dalawa.

Si Blake nga ang nag drive sa taxi samantalang si Melanie ang nagmaneho sa sasakyan ni Blake.

Nauna si Melanie, nakasunod lang si Blake dito nang walang ano-ano'y biglang binilisan ni Melanie ang pagmaneho. Humabol naman si Blake dito na parang may karera. Naghahabulan ang mga ito nang mapansin ni Blake na paubos na ang gasolina ng taxi.

Napamura ito. Kailangan na niyang tumigil sa pinaka malapit na gasolinahan.

Napangisi siya nang makita na tumigil din ang sinusundan niya. Nagpa gas ito. Agad bumaba si Blake para kausapin sana ang babae nang bigla na lang itong humarurot palayo. Hindi pa nakapagbayad ito. Walang magawa si Blake kundi ang magpa gas at dali daling nag bayad bago humarurot para sumunod sa kanyang sasakyan.

Matagal ding nagmamaneho si Blake pero hindi niya namataan ang kotse niya. Sports car yun, hindi niya akalain na magaling pala ang tomboy na yun.

Nagngingitngit ang kalooban ni Blake. Makita lang niya ang tomboy na yun ay agad niya itong dikitan, bumper to bumper, o kaya ay tuturuan niya ng leksiyon!

Laking dismaya ni Blake nang makarating siya sa Maynila at hindi niya makita ang sasakyan niya. Pero alam naman niya kung nasaan yun dahil namomonitor niya ang lokasyon nun. Napansin niyang tumigil ang sports car. Dali dali siyang nag maneho papunta dun.

Naabutan ni Blake ang sports car niya sa tabi ng daan. Hindi niya inaasahan na makita pa ang tomboy na nakasandal sa kotse. Walang expression sa mukha nito.

Agad bumaba si Blake sa taxi at kinwelyuhan si Melanie.

"How dare you!" Puno ng poot na bulong ni Blake. Agad namang natauhan ito at agad ding ibinaba ang mga kamay.

"Ito na ang sasakyan mo, akin na ang taxi ko at ang baril ko." Saad ni Melanie na parang walang nangyari.

Ngumisi si Blake. "Of course!" Sagot nito bago niya inilabas ang baril at inutusan si Melanie na pumasok sa sports car nito. Napilitan naman ang huli na sumunod dito.

"Saan mo ako dadalhin?" Nanginginig ang boses na tanong ni Melanie.

"Aalilain? Ikukulong? O ano.. ?" Muling itinutok ni Blake ang baril sa tinatawag niyang tomboy. "Mamili ka!"

"Sir, pakawalan mo na po ako. Hindi ako magsusumbong, wala kang maririnig mula sa akin.."

"Sino ka ba talaga at bakit mo ako sinundan?"

"Sir, hindi kita sinundan.."

"Wag ako.. Boy! Piringan mo ang itong mga mata, wag kang mag-alala, kung ma find out kung you're not a threat to me, I will let you go. But not now. For now, I will blind fold you and you come with me whether you like it or not!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status