Share

6. Lie detector Test

Pagkalagay ni Blake kay Melanie ng piring ay nahilo ito. May pang pa tulog palang nakalagay sa tela kaya nawalan ito ng malay. Pag gising niya ay nakatali siya sa upuan.

May naaninag siyang dalawang figure sa kanyang harapan. Nang luminaw ang kanyang pangingin ay nakita niyang sina Blake at Arman yun.

Napangisi si Blake nang makita na gising na si tomboy. "Boy buti naman at gising ka na." Sabi nito bago bumaling kay Arman. "Simulan na ang ritwal."

Napakunot noo si Melanie. Anong ritwal ang sinasabi nito? Doon lang niya napagtanto kung anong sinasabi ni Blake. Isa ba itong lie detector test?

"Nahulaan mo na siguro kung ano ito. Kaya kailangan mong maging kalmado. May mga itatanong lang kami sa iyo at kailangan mong mag sabi ng totoo. Kailangan mong ipasa ang test na ito para mapalaya ka namin." Pahayag ni Arman.

Napatango si Melanie. "Baka pwede niyong tanggalin ang pagkakatali ko muna." Hiling nito.

Napatingin si Arman kay Blake. Tumango naman ang huli.

Tinanggal nga ni Arman ang pagkakatali ni Melanie.

"Puwedeng pahingi ng tubig?" Hiling nito muli.

Tahimik lang si Blake pero kita ni Melanie ang pagngisi nito.

Binigyan naman siya ni Arman ng tubig. Naka isang lagok pa lang siya ay agad na inagaw ang bote ng tubig sa kanya. "Tama na yan. Puwede mo lang ubusin ang tubig na yan kapag nasagot mo ng tama ang mga tanong ko sa iyo!"

"Simulan mo na."

"Unang tanong. Anong pangalan mo?"

Naisip ni Melanie na lie detector test ito kaya kailangan niyang magsabi ng totoo. "Melanie." Sagot nito.

"Apelyido?"

"Vasquez." Sagot agad ni Melanie. She knows she can beat a lie detector test. Middle name niya ang Vasquez, hindi niya pwedeng sabihin ang totoo dito.

"Ano ang trabaho mo?"

"Free lancer." Sagot agad ni Melanie na siyang totoo.

Sumabad agad si Blake. "Sabi mo, isa kang house boy. Ano ang totoo?"

Hindi pwedeng kabahan si Melanie. Kailangan niyang maging kalmado at magsabi ng totoo. Totoo naman na nung pumasok siya sa samahan nina John ay ginawa siyang alila ng mga ito. Yun ang initiation niya, ilang taon siyang ginawang katulong ng mga ito at tinanggap niya yun dahil kailangan niya ng matitirhan. Libreng tirahan at libre ang pagkain.

"Opo, ilang taon akong nagpaalila kapalit ng libreng tirahan at pagkain." Sagot ni Melanie.

Napakunot noo si Blake. Nagpatuloy naman sa pagtatanong si Arman.

"Kanino ang taxi na minaneho mo?"

"Sa isang kaibigan. Umixtra ako."

"Paano kang napadpad sa Norte?"

"May inihatid akong taga dun."

"Bakit hindi ka agad bumalik?"

"Kabababa pa lang ng pasahero ko nung makita ko si Sir."

"Nagsasabi ka ba ng totoo?"

"Opo." Sagot ni Melanie.

"Wala na akong itatanong pa sa ngayon. May itatanong ka ba boss?" Tanong ni Arman kay Blake.

Inilabas ni Blake ang baril na kinuha niya Kay Melanie. Napatitig ang huli dito.

"Hmm.. Melanie o Boy, kaninong baril to?"

Inilapag ni Blake ang baril sa lamesa.

"Sa akin po."

"Bakit kailangan mo ng baril?"

"Proteksiyon po sa sarili ko sir."

Saglit na tumahimik si Blake. Maya maya lang ay biglang nag salita ito. "May balak ka bang patayin ako?"

"Sir, wala po. Hindi po kita kilala." Sagot agad ni Melanie.

Bigla namang nagtawanan ang dalawang lalaki.

Nalilito si Melanie na nakatingin sa mga ito. Nakapasa ba siya sa lie detector test ng mga ito?

"Sir pwede na po ba akong uminom ng tubig?"

Tumatawa pa rin si Arman nang iabot ang tubig kay Melanie.

"Ayos ka Boy." Sabi nitong nakatitig sa kanya.

Namangha si Melanie na hindi siya nakilala ng mga ito.

"Sir, pwede pong gumamit ng kubeta niyo?"

Itinuro lang ni Blake ang daan papunta sa kubeta. Agad naman siyang tinanggal ni Arman sa upuan.

Dali daling nag lakad si Melanie papunta sa toilet. Nang nasa loob na siya ay biglang nanginig ang buo niyang katawan kasabay ng pagpatak ng kanyang mga pawis. Matinding self control din ang ginawa niya kanina. Kumpyansa siyang nakapasa siya sa lie detector test.

Aktong maghihilamos siya nang maalala na may spray pala ang mukha niya. Although water proof yun, she don't want to risk. Napatitig siya sa reflection niya. Maging siya ay namangha, halos di niya makilala ang sarili niya.

Agad ding bumalik si Melanie sa labas. Wala na ang dalawang lalaki sa kuwarto na yun. Pero nasa lamesa ang kanyang baril. Agad niyang dinampot yun at hinanap kung nasaan ang dalawang lalaki.

Maya maya lang ay naaninag niya ang isang anino sa terrace. Dahan dahan siyang lumapit doon subalit wala palang tao doon.

Nagulat siya nang bigla na lang mag salita si Blake sa kanyang likuran.

"Looking for me?"

Natawa naman si Blake nang makita na nagulat siya. Maya maya lang ay muling nag salita ito.

"You're free to go."

Hindi makapaniwa si Melanie sa narinig. Subalit nag alinlangan din siya. Yun ba ang gusto niya? Alam niyang wala na siyang chance na makalapit pa dito once na makalabas siya sa residence nito.

Itinuro ni Blake ang hagdan papunta sa helipad nito.

Melanie froze as Blake pushed her to move. Maya maya lang ay napatikhim siya.

"Sir, I.. Kailangan ko po ng trabaho. Pagkatapos kong abandunahin ang taxi ay wala na akong mababalikan pang trabaho."

Napatitig si Blake sa mukha ng kaharap na para bang inaarok ang katotohanan sa mukha nito.

Maya-maya lang ay dumating si Arman. "Boss, the toilet stinks. Katatapos ko lang linisin for your convenience. Kailangan ko nang mag hanap uli ng bagong katulong."

Napatingin si Melanie kay Arman. Nagkaroon siya ng pag-asa sa narinig.

"Hanggat wala kang nakikita.."

Hindi na natapos ni Blake ang sinasabi dahil agad sumagot si Arman. Nakatingin ito kay Melanie.

"Teka lang, di bat sabi nito ay matagal siyang house boy kapalit ng matitirhan at pagkain? Boss, what do you think?"

Napailing si Blake. "No!"

"Boss, temporary lang hanggat wala akong nakikita na katulong. Boss tambak na ang mga damit mong lalabhan at amoy di maintindihan ang kuwarto mo. Kalilinis ko lang kanina."

"Bakit kaya hindi ikaw muna ang aking magiging katulong hanggat hindi mo nagagawa ng maayos ang trabaho mo?" Baling ni Blake kay Arman.

"Boss naman, let's keep her. Isa pa, kailangan ko munang alilahin ang nignog na tomboy na to. Sige na boss, ako ang bahala sa kanya."

Malaki ang tiwala ni Blake kay Arman. Napatunayan na niya yun ng ilang ulit kaya-

"Bahala ka Arman. Just make sure na di gagawa ng problema ang Boy na yan." Sagot ni Blake. Tumalikod na ito.

Agad namang kinuha ni Arman ang baril sa kamay ni Melanie. Wala nang bala yun, tinanggal ni Blake ang bala bago nito iniwan sa lamesa.

Lihim na natuwa si Melanie. It's time to move to Plan B.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status