Aingelle POVNasa mansion na ako. Kahit na ayaw akong payagan ni Kuya na umuwi ay nagpumilit ako. Ayaw ko nang makasama pa sa iisang bubong si Azrael. Di ko kaya ang nakikita ko.Nandito lang ako sa kwarto nakakulong, it's been week since I got home. Nakapag-usap na din kami ni Kuya tungkol sa pag-aaral ko. Sa States na ako mag-aaral. Iyon din ang kagustuhan ko. Dahil once na magtagal pa ako dito, baka masasaktan lang ako lalo. Naalala ko pa ang pag-uusap namin ni Kuya kagabi."Kuya, gusto kong mag-aral sa states," wika ko dito.Kunot-noo niya akong tinignan. "Bakit?" tanong nito."Gusto ko nang bagong environment," sabi ko sabay upo sa visitor chair nito. "Total, bakasyon na naman at pwede akong mag transfer. Baka magawan mo ng paraan!""Urgent yata ang gusto mo.""Gusto ko lang lumayo, Kuya!" Madamdamin kong sabi kay Kuya Xander."Dahil ba kay Azrael. Kaya gusto mong umalis?" tanong nito sa akin."Isa din siya sa dahilan, Kuya. I want peace. Kung di ako aalis, baka magkasakitan din
Azrael POVNANDITO ako ngayon sa opisina ko, kakagaling lang ng private investigator na binabayaran ko, para mahanap ang mga salarin nang pagpatay kay Aingelle. Hanggang ngayon ay di pa nila mahanap-hanap ang mga salarin na iyon.Kinuyom ko ang aking kamao. Dumungaw ang ulo ng aking sekretarya at agad na pumasok."Sir, nasa labas si Ms Angel. Gusto pong pumasok," pag-iimporma ng aking sekretarya sa akin."Wag mong papasukin, sabihin mo busy ako," sabi ko dito."Sige po Sir." Lumabas na ang aking sekretarya. Pero agad namang bumukas ang pintuan ng aking opisina at iniluwa doon si Angel na galit na galit."Iniiwasan mo ba ako, Azrael?" galit nitong tanong sa akin."Kung oo, may magagawa ka!" walang emosyon kong sabi dito."Wag mo namang gawin ito sa akin Azrael. Mahal kita," nagsusumamo nitong sabi sa akin."I am sorry. But, Aingelle is the only woman I love," walang emosyon kong sambit dito.Bigla at naging mabalasik ang mukha nito."Bakit siya na naman, Azrael? Nandito naman ako. Pata
Aingelle POVSA WAKAS, nakabalik na din ako sa Pilipinas. Gusto kong magsimula dito. Magsimula ng panibagong buhay."Bakit bumalik ka pa, Aingelle." Nilingon ko ang nagsalita."Bakit? Balakid ba ako sa mga plano mo?" tanong ko dito."Oo, balakid ka sa amin ni Azrael. Bakit bumalik ka pa. Okay na kami ni Azrael. Actually, kami na!" sigaw nito.Nasaktan ako sa sinabi nito. Kung ganun wala na talaga akong laban. Siguro, dapat ko ng itigil ang lahat ng ito."Bumalik ka na lang, kung saan ka nagtatago. Aingelle. Dahil kahit anong gawin mo ay di mo maagaw si Azrael sa akin," sabi nito sa akin."Bakit parang nababahala ka? takot ka ba na maagaw ko si Azrael sa iyo?" tanong ko dito.Dahil basi sa kinikilos nito ay para bang ang laki kong threat dito."Basta umalis ka na!" Madiin nitong taboy sa akin."Para malaman mo, hindi si Azrael ang inuwi-an ko dito. Nandito sila mama at papa. Bakit ako babalik, kung sila mama ang nagpauwi sa akin," saad ko dito. "Wag kang mag-alala, Angel. Hindi ko aaga
ILANG buwan din ang lumipas, naging okay naman ang relasyon namin ni Azrael. Bumalik na din ako sa pag-aaral, habang si Azrael ay nagmamanage na nang kanilang mga negosyo."Look who's here," pang-aasar ni Angel sa akin.Ako lang mag-isa na naglalakad papuntang classroom ko. Dahil nauna na si Ange."What do you want? Angel?" tanong ko dito."Wala naman. Gusto lang kitang makita, my dear sister," tumatawa nitong sabi.Tumatawa din ang mga alipores nito. Di ko siya pinansin. Lalagpasan ko na sa si Angel nang hawakan nito ang aking braso. Napabalik ako nang wala sa oras. Iwinaksi ko ang kamay nito at nanlilisik niya akong tinignan."Lumalaban ka," galit nitong sambit sa akin at dinumog ako.Sinabunutan niya ako, at di naman ako nagpatalo. Nagsabunutan kaming dalawa sa gitna nang hallway. Walang ginawa ang mag alipores ni Angel, hindi man lang nito inawat ang kanilang amo."Akin lang si Azrael, Ain. Magiging akin siya," sabi nito sa akin. Di niya ako binibitawan."Hindi mo siya makukuha sa
Aingelle POVHindi naging madali ang lahat para sa akin na tanggapin ang paglayo ni Azrael. Nang mang galing ako kanina sa airport at umuwi agad ako sa mansion at nagkulong sa kwarto.Hindi ko matanggap na umalis si Azrael. Kahit na para iyon sa aming dalawa. Iyak ako ng iyak. Sobrang miss ko na si Azrael, kahit na kanina pa lang ito umalis.Bumukas ang pinto ng kwarto ko. Hindi p iyon pinansin. Nanatiling nakasubsob ang mukha ko sa unan."Ain," mahinang tawag ni Ange sa akin. Pero hindi ko iyon pinansan. "Ain, please. Be strong. Pwede mo namang dalawin si Az. Doon ahh, every summer."Bumangon ako, hilam sa aking mukha ang mga luha. Hindi ko na iyon itinago kay Ange. Ange is my listener. Siya ang laging nakikinig sa bawat hinaing ko."Hindi ko lang matanggap, Angel. He left me," umiiyak kong saad sa kakambal ko."Yes, he left you. Pero may rason siya, Ain. So cheer up. Wag kang magmokmok dito."Tumunog ang phone ko. I saw Azrael name. He is calling. Umiyak na naman ako. Sinagot ko ang
Azrael POV"Ain, what are you doing here?" tanong ko.Bigla akong kinabahan. Dahil nasa loob si Angel. Hindi ko gustong mag-isip ng kung ano si Aingelle."Az, may shower gel ka pa ba.""Who's that?" tanong sa akin ni Ain."It's not what you think, Ain. Please!" Pagsusumamo ko sa kanya.Hinawi niya ako at pumasok ito sa loob ng condo ko."Really, Azrael? Kakambal ko pa talaga.""Love, mali ang iniisip mo.""Isipin mo na ang gusto mong isipin, Ain. Opinyon mo iyan.""Shut up, Angel!" angil ko dito."Ano ang ibig sabihin nito, Azrael? Are you having an affair? And really sa kakambal ko pa talaga?" tanong nito sa akin."Hindi ganun. Walang affair na nagaganap sa amin. I am alone to this condo. Until Angel come just now. Magkasunod lang kayo."Hinarap ni Aingelle, si Angel. "Kung ano man ang plano mo. Galing man mo."Pumasok ito sa kwarto na inuukupa ko. Sumunod agad ako.Pagkapasok ko ay agad kong niyakap ang nobya ko. Hinayaan lang niya ako. Hinalikan ko ang leeg nito."Why do I feel na
Samantala sa condo ni Azrael ay nagngingitngit ang kalooban ni Angel. Hindi niya matanggap na iniwan siya ni Azrael na mag-isa sa condo na iyon at sumama sa kakambal niya."Ugh!" sigaw ni Angel mula sa loob ng condo. "Hindi ako makakapayag na ikaw ang manalo, Ain. Kukunin ko ang dapat sa akin."Umupo si Angel sa sofa at nag-iisip kung ano ba ang dapat gawin. Dahil alam niya na ngayon ay nagsasama si Ain at Azrael sa iisang bobong.Bumukas ang pinto ng condo ni Azrael at may pumasok na mga kalalakihan."Sino kayo?" tanong ni Angel sa kanila."Assistant po ako ni Sir Azrael. Pinakukuha niya sa akin ang mga gamit niya. Kasama ng gamit ni Miss Ain," sambit ng assistant ni Azrael."Nasaan sila ngayon?" tanong ni Angel."I am sorry, miss. Pero hindi ko po sasabihin sa inyo kung nasaan sila ngayon. Iyon din kasi ang bilin ni Sir Azrael. Dito na lang daw po kayo. Since wala namang gumagamit sa unit na ito."Natahimik si Angel sa sinabi ng assistant ni Azrael. Nang makaalis na ang assistant ni
Pumasok ako sa opisina at tinignan ng masama ang kakambal ko."What are you doing here?" tanong ko kay Angel."Visiting Azrael and oh, we have a date later," ngisi nitong sambit."Hindi ako naniniwala sa iyo. May usapan kami ngayon na susunduin namin si Ange.""Oh, thats. I am sorry. Pero may date kami ngayon."Pumunta ako sa harapan nito at hinawakan ang braso nito. Hinila ko ito paalis sa swivel chair ni Azrael at itinulak sa papuntang sahig. Bumukas ang pinto ng opisina ni Azrael."What are you doing, Ain?" sigaw ni Azrael.Nagulat ako sa sigaw nito. Nanubig ang mga mata ko. And I saw how Angel smirk."Hinila niya ako, Az. Itinulak niya ako. Sabi ko lang naman na gusto kitang dalawin. Nagalit na agad siya sa akin," umiiyak na saad ni Angel.What a good actress. Napatingin ako kay Azrael. May galit akong nababanaag sa mga mata nito.Galit ba ito? Dahil sinaktan ko ang kakambal ko? Galit ba ito? Gusto ba nitong sumama sa kakambal ko?Lalapit sana sa akin si Azrael ng umatras ako. Tum