Share

Chapter 2

RENNA MONTEVERDE — POV

Feeling ko naliligaw na ako dito sa mansion na to ah, kanina pa kasi ako palakad lakad dito at hindi ko parin nahahanap yung malaking hagdan kung saan kami umakyat nung lalaking nagdala sa akin dito sa taas. Lumingon lingon ako sa paligid ng makarinig ako ng ingay, parang boses ng batang lalaki.

Naglakad ako at hinanap ang pinanggalingan ng ingay na iyon hanggang narating ko ang isang malaking hallway, wala masyadong pintuan at tanging mga malalaking painting ang nandidito. Sa tingin ko ang mamahal ng mga painting na ito at yung iba parang antigo pa, lumapit ako sa pinakamalaking painting na nakita ko at saka hinawakan ito, may nakaguhit doong isang batang babae habang nakangiti. Ang ganda ng pagkakalikha nito parang totoo ang bawat gamit na nakikita ko sa loob ng painting na ito.

"Hey!" Napalingon ako sa may gilid ko ng marinig na may nagsalita doon.

Nakita ko ang isang batang lalaki na nakatayo sa gilid ko habang may hawak na water gun sa kabilang kamay. Ngumiti ito sa akin at saka tumingin sa likuran kaya napatingin naman ako doon, may isang babae doon sa tingin ko medyo bata siya sa akin ng 3 years may hawak din itong water gun.

"Huli ka bunso!" Sigaw nung babae at saka tumakbo papalapit sa amin habang tumitira ng water gun.

"Pwede mag tanong?" Singit ko sa kanila.

"Yeah pwede naman" Sagot nung batang lalaki.

"Saan ang hagdan papuntang baba?" Tanong ko dito.

"Lumiko kalang sa left side nung dalawang crossing doon, tapos nandodoon na yun hagdanan na, s-sige byee!" Saad nito at saka tumakbo.

"Heyyy!! Bro ikaw naman ang taya!!" Sigaw nung babae habang hinahabol yung batang lalaki.

'Nagbabaril barilan ba sila'

Napailing nalang ako at saka nagsimula ng maglakad uli, ng makita ko na ang crossing na sinasabi nung bata ay agad akong lumiko sa left side at tama nga ang sinabi nung bata nandidito yung hagdan. Agad akong bumaba doon at saka hinanap ng mga mata ko sina Kaira, nawala kasi sila doon sa kinatatayuan nila kanina.

"Umalis na po sina Miss Kaira" Napatingin ako sa lalaking biglang sumulpot sa harapan ko.

'Siya yung lalaking nagdala sa akin doon sa boss ko'

"Ah ganon ba" Tumango ito at saka napatingin sa mga papeles na yakap yakap ko. "Trabaho?" Taas kilay niyang tanong.

"Hmm Oo pinapamemories niya sa akin lahat ng nandidito" Saad ko habang nakatingin rin sa mga yakap kung papeles.

"Madali lang naman po yan mga pangalan lang naman ang nandidiyan" Aniya kaya nangunot naman agad ang noo ko "Ay oo nga po pala eh hahatid ko po kayo sa magiging kwarto niyo" Tumalikod ito sa akin at nagsimulang maglakad na.

Sumundo naman ako sa kanya lumiko kami sa isang hallway na may mga itim na pintuan. Ganina ko pa napapansin huh puro nalang pintuan ang nandidito hotel nga talaga siguro tung babay na ito. Huminto kami sa harap ng panghuling itim na pintuan at binuksan ito nung lalaki.

"Ito yung kwarto mo, nandito na lahat ang mga gamit mo bilang secretary mula sa damit at ballpen, may maliit na speaker diyan kung saan maririnig mo ang boses ni Young Master kung may kailangan siya sayo o may ipapagawa siya. Pero ito ang tandaan mo palaging may kailangan si Young master kaya lagi yang tutunog okay, sige pumasok ka na" Aniya at saka yumuko, pumasok naman ako sa loob ng kwarto at saka tinignan ang paligid.

Ang laki ng kwarto ko parang mas malaki pa ito sa bahay ko doon sa probinsya, may sala sa gilid, study table at sa gilid nito may maraming libro, malaking kama at isang pintuan na sa tingin ko CR at banyo iyon. Nilapag ko ang mga yakap kung papeles sa ibabaw ng study table ko, umupo ako sa upuna na naroroon at saka sunod sunod na nagbuntong hininga.

"Miss Assistant Secretary Nagsisimula ka na bang mag memories?" Napanganga nalang ako habang nakatingin sa maliit na speaker sa may kisame.

"Remember hanggang bukas yan kaya mabuti pa magsimula ka na" Dagdag pa nito.

Napakagat labi nalang ako habang nangigigil, sarap sirain nang speaker na to huh! Grrrrr nangigigil ako, binaling ko ang paningin sa mga papeles ng hindi na ito nagsalita pa uli. Kumuha ako ng isa sa mga papel at binasa ang nandodon at tama nga ang sinabi nung lalaking naghatid sa akin dito puro pangalan nga ang nandidito.

"Mafia Organization : [LANCASTER] " Pagbabasa ko sa letrang nasa mismong gitna nitong papel.

Nanlaki ang mga mata ko dahil doon nanginginig ang mga kamay ko habang nakahawak sa papel na ito. Anong ibigsabihin nito? Sana mali ang pagkakabasa.

Binasa ko uli ang nakasulat sa taas ng papel pero hindi parin ito nagbabago, sa pagkakaalam ko sindikato ang isang Mafia at ang ibigsabihin nito nakapasok ako sa isang malaking sindikato. Tinignan ko ang mga pangalan na nasulat doon at may katabi itong mga letrato.

"NAME: Kaira Park—AKA: Sniper— AGE: 22" Basa ko dito, kung hindi ako nagkakamali si Kaira ito ang kaibigan kung nagpasok sa akin dito sa trabaho.

Tinuloy ko ang pagbabasa hanggang mabasa ko ang pangalan ni Jeckie ang boyfriend ni Kaira, katulad ng iba nasa gilid din ang letrato niya.

"NAME: Jeckie Mendez —AKA: COMPUTER— AGE: 23" Tuloy tuloy lang ang pagbabasa ko sa mga ito hanggang nakuha ang attention ko sa isang pangalan.

'Teka nga bakit nandidito ang pangalan ko?'

"NAME: Renna Moteverde — AKA: Unknown— AGE: 21" Bakit may ganito din ako?

Pagkatapos kung basahin ang pangalan ko at tinignan ko naman ang iba pang mga papel, Pero iba na ang pangalan ng organization na ang nandodoon. Kumurap-kurap ako umaasang mali lahat ng nasa harapan ko ngayon, hindi naman ako bobo at alam ko kung ano ang napasukan ko ngayon—isang maling organization na matatawag na Mafia, isang organization na kinatatakutan, isang organization na kayang pumatay ng tao ng walang ka hirap hirap.

At ngayon nasangkot ako dito at kung hindi ako nagkakamali ako ang Secretary ng Boss nila—sana mali lahat ng ito! Sana panaginip lang to at mamaya magigising na ako.

"Miss Assistant Secretary alam mo na siguro kung ano ang napasukan mo" Agad akong napatayo sa kinauupuan ko ng tumunog uli ang maliit na speaker na iyon.

"Alam kung gusto mong umalis sa trabaho mo, pero bawal na baka mapareho ka sa iba" Dugtong pa nito.

"Sino ba kayo" Kabadong pagtatanong ko dito.

"Isang Organization lang kami Miss Assistant Secretary at ngayon kasama kana doon at ikaw ang secretary ng boss nila—Ikaw ang secretary ko Miss" Sunod sunod na paglunok ang nagawa ko naikuyom ko nalang ang kamao ko at saka naiinis na nakatingin sa maliit na speaker.

"Papa ano tong napasukan ko?" Tanging naibulong ko sa sarili.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status