LOGIN“Sabihin mong hindi kita pinakasalan, Santiago.” Napatingin ako sa wedding ring sa daliri ko bago lingunin ang lalaking nakahiga sa tabi ko. Rafael Santiago. My longtime rival, biggest headache, and now—unfortunately—my husband. “Good morning, sweetheart,” bati niya, nakangisi. “Call me that again. I’ll make you regret it.” Isang gabing lasing at puno ng maling desisyon ang nagdala sa amin sa isang wedding chapel sa Las Vegas. Matapos naming matuklasang may ibang karelasyon na ang babaeng pareho naming minahal, nagpakalunod kami sa alak. Isang simpleng hamon ang nauwi sa kasal na hindi namin inakalang magiging totoo. Ako si Gabriel Villanueva, isang seryoso at ambisyosong senior partner ng prestihiyosong Villanueva Santiago Law Firm. Si Rafael naman ang mayabang, charming, at pinakamalaking karibal ko sa courtroom. Ilang taon naming pinagtalunan ang mga kaso, pinag-agawan ang clients, at pinatunayan kung sino ang mas mahusay. Never kong inisip na magiging asawa ko ang lalaking pinakagusto kong talunin. Simple ang plano: itago ang kasal at ipawalang-bisa ito bago pa malaman ng lahat. Pero naging mas komplikado ang lahat nang maatasan kaming humawak ng isang high-profile corporate dispute involving powerful families, suspicious transactions, at isang lihim na maaaring sumira sa aming career. Mas masahol pa, may nakakaalam sa aming kasal at balak itong gamitin laban sa amin. Ngayon, kailangan kong harapin ang pinakamahirap na laban—hindi lang sa courtroom, kundi pati sa lalaking minsan kong itinuring na pinakamatinding kaaway. Because how can I fight a marriage I never wanted when my heart is slowly choosing the man I once hated? At paano kung ang lalaking kaya kong talunin sa korte ay siya ring lalaking hindi ko kayang mawala?
View More“Gabriel, hanggang kailan mo balak itago sa akin na may problema ka?”Napatingin sa akin si Gabriel bago muling ibinalik ang attention niya sa laptop.“Good morning din sa iyo.”“I'm serious.”“Rafael, I'm working.”“Exactly. Iyon na nga ang problema. Ilang linggo ka nang puro trabaho, halos hindi kumakain, at kapag tinatanong kita kung okay ka lang, lagi mong sagot ay fine ka lang.”Napabuntong-hininga siya.“I'm not a child. I can take care of myself.”“Then start taking care of yourself.”Inilapag ko sa tabi niya ang kape na binili ko bago pumasok. Ni hindi niya iyon nilingon.“Hindi ako iinom niyan.”Napataas ang kilay ko.“Since when?”“Since I don't feel like drinking coffee.”“Wow. That's new.”“People change, Santiago.”Napangiti ako nang bahagya.Two months.Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang malaman naming may taong nasa loob mismo ng firm ang kumuha ng original documents tungkol sa nawawalang pondo ng Meridian Holdings. Sa loob ng dalawang buwan, sunod-sunod ang nagi
“May isang bagay kang hindi sinasabi sa akin, Gabriel. At gusto kong marinig iyon mula mismo sa iyo bago ko pa malaman sa ibang tao.”Iyon ang unang bungad ni Rafael nang makarating ako sa opisina kinabukasan. Nakatayo siya sa harap ng conference room, hawak ang cellphone at may nakabukas na email sa screen. Hindi siya nakangiti. Wala ring bakas ng karaniwang pang-aasar sa mukha niya. Sa halip, may malamig na determinasyon sa mga mata niyang mas nakakakaba kaysa sa anumang sigaw.“Good morning din sa iyo,” sagot ko habang inilalapag ang bag ko.“Don't dodge the question.”“Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo.”Iniabot niya sa akin ang cellphone. Nandoon ang email na natanggap ko kagabi.THE REAL REASON LARA MET GABRIEL BEFORE THE WEDDING.Binuksan ko ang attachment at muling nakita ang mensaheng galing kay Lara.Gabriel, please don't tell Rafael about my father's offer. I need to speak to you first.Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. “May paliwanag ako,” sabi ko.“Then explain.
“May nangyari ba sa inyo ni Lara bago tayo ikasal?”Natigilan ako sa pagbukas ng laptop ko. Nasa private lounge kami ng Villanueva Santiago Law Firm. Halos wala nang tao sa opisina dahil pasado alas-dose na ng tanghali, pero hindi pa rin kami makapagpahinga. May panibagong dokumentong kailangang ihanda para sa Meridian case, at bukod doon, may isang taong tila determinado akong sirain ang reputasyon ko.Dahan-dahang ibinaba ni Rafael ang dalawang paper cup sa mesa. Hindi niya inalis ang tingin sa akin.“Anong klaseng tanong ’yan?”“Simple lang, Gabriel. May nangyari ba sa inyo ni Lara?”Napabuntong-hininga ako. “Wala.”“Sigurado ka?”“Hindi ko kailangang magsinungaling sa ’yo.”“Hindi mo rin kailangang magtago ng impormasyon.”Tumigas ang panga ko. “Kung tungkol sa mensaheng natanggap mo kagabi, malinaw na may gustong manggulo sa atin. Hindi ibig sabihin na totoo ang lahat ng nakasulat doon.”“Hindi ko sinabing totoo. Tinatanong kita.” Kinuha ko ang kape at uminom. Mainit pa iyon, per
“Gabriel, tigilan mo na ang kakatingin sa litrato. Hindi magbabago ang mukha ng taong nasa likod natin kahit titigan mo ’yan buong gabi.”Hindi siya sumagot. Nakatayo si Gabriel sa tabi ng bintana ng hotel room, hawak ang cellphone at nakatitig sa pangalawang larawang ipinadala sa managing partner namin. Ilang oras na ang nakalipas mula nang makita namin iyon sa conference room, pero hindi pa rin niya maalis ang pagkabigla sa mukha.Kilala niya ang taong nasa likod namin. At sa kabila ng paulit-ulit kong pagtatanong, hindi pa rin niya sinasabi kung sino iyon. “Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin kung sino siya?” tanong ko.“Hindi ngayon.”“Gabriel, kasali ako sa litrato. Kasali ako sa gulong ito. I think I deserve to know.”“Alam ko.”“Then tell me.”Ibinaba niya ang cellphone at napahawak sa tulay ng ilong. Halata ang pagod sa mga mata niya. Mula nang matapos ang emergency meeting sa firm, halos hindi siya tumigil sa pagbabasa ng mga dokumento, pag-review ng email, at pagtawag sa mg
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.