"Tiyang, anong nangyayare? anong nangyare kay Ivan?!" kinakabahan at nag aalala tanong ni Cherry.( Narito kami ngayon sa ospital. Nasa pediatric room si Ivan. Cherry please, pumunta ka na rito. Natatakot ako para sa apo ko.) ani pa ni aling Joyce na lalo lang ikinapag-alala ni Cherry Lou sa kanyang anak- anakan."Papunta na ko Tiyang, papunta na ko." Lakad takbo ang ginawa ni Cherry. Sumakay na siya ng taxi upang makarating agad sa ospital."T-tiyang...si Ivan po? kumusta na po si Ivan? Ano pong sabi ng doctor sa inyo. Ano po bang nangyare bakit itinakbo n'yo si Ivan dito!? " sunod- sunod niyang tanong kay aling Joyce na panay lang ang hikbi at hindi makapagsalita nang makalapit na siya sa ginang.Pagkababa niya ng taxi kanina ay hindi na siya nag abala pang magtanong sa nurse station. Dumiretso na siya kung nasaan ang mag lola at nakita niya ngang naroon pa sina Ivan at ang kanyang tiyahin."Cherry, bigla na lang nawalan ng malay si Ivan kanina at nataranta ako ng makita ko siyang b
"Tiyang, aalis po muna ako. Babalik din po ako agad. kayo po muna ang bahala kay baby Ivan." wika niya sa ginang."Babalik ka na ba sa trabaho mo?" agad na tanong ni aling Joyce."Wala na po akong trabaho,Tiyang. Pina terminate po ni Bernard ang kontrata ko sa agency nila, dahil lang sa binasted ko siya kahapon. Ang sama niya tiyang para ipatanggal ako sa trabaho ng dahil lang sa hindi ko pagtanggap sa kanya." ani ya na naglalabas ng sama ng loob sa tiyahin."Nakakasama lang din ng loob talaga tiyang, dahil sa kabila ng pagsisipag ko sa trabaho ay ganoon na lang kung alisin ako sa agency.Tatlong taon ako sa agency nila tiyang, wala akong nilabag na patakaran ng ahensya nila. Maganda ang records ko sa kanila pero bakit hindi man lang nila ikinonsedera ang lahat ng 'yon?" hinaing niya pa."Mama, galit ka po ba?" wikang tanong ng kanyang anak. Napalakas ng bahagya ang boses niya sa huling salitang naibigkas niya kanina kaya inisip ng bata na galit siya."Hindi anak, hindi ako galit." sag
Kinabukasan ay kinausap ni Cherry Lou si aling Joyce. Ayaw niyang maglihim sa ginang kaya sinabi niya ang naging desisyon niya.Malawak naman ang pang unawa ng tiyahin at naiintindihan siya nito. Ang sabi pa nga ni aling Joyce sa kanya ay kung malakas pa ito at bata-bata pa ay baka gawin din nito ang gagawin niya para sa mga taong minamahal. Pinag-iingat lang siya ng tiyahin dahil hindi biro ang papasukin niyang mundo.Nagpasalamat si Cherry kay aling Joyce dahjl sa nauunawaan siya nito at wala siyang nakikitang panghuhusga mula sa ginang. Ang suportahan siya ni aling Joyce at makitang maayos ang anak-anakan ay sapat na para sa kanya upang ipagpatuloy ang napagdesisyunan.Ibinigay niya kay aling Joyce ang perang iniabot na tulong sa kanila ni Madam Leah. Pag- iipunan na lamang niya ang pagpapachemotherapy ni Ivan hanggang sa tuluyan gumaling ang bata. Hindi naman din niya alam kung saan sila makakahagilap ng dalawang milyon para sa bone marrow transplant na isinasuggest sa kanila ng d
Matuling lumipas ang araw dalawang linggo na ang nagdaan magmula ng magsayaw si Cherry sa club. Katulad ng inaasahan ay mas dumami ang naging costumer ng club dahil kay Cherry at hindi nga naiwasan ang inggitan sa club dahil napapansin ng ibang g.r.o / dancer ang kakaibang treatment ng management kay Cherry."Oh padaanin n'yo ang bagong reyna ng club, girls. Balita ko ay malaki na ang ibinabayad sa kanya, samantalang napakasimple lang naman ng ginagawa niyang sayaw." ani ng isa sa mga datihan ng stripper sa club na si Olga."Ou nga, ano! eh puro pagkendeng at paggiling lang naman sa stage ang ginagawa. Walang kalatuy-latuy sa totoo lang girls." wika naman ng isa pang g.r.o na si Monette.Lahat ng salitang iyon ay narinig nila Cherry, Melai at Layla."At nagsalita ang matigas ang katawan na pinagsasawaan ng makita ng costumer ang maliit niyang dibdib na tinubuan ng pasas na maitim." wikang parinig ni Layla na ikinatawa ng iba na nasa loob ng dressing room at ikinausok ng ilong ng babae
Samantala sa dressing room naman ay ipinatawag ni madam Leah si Cherry. Kinabahan ang dalaga ng ipabatid sa kanya na gusto siyang makausap ng kanilang manager. Napatingin pa nga si Cherry kina Edna at Patricia na naramdaman ang kaba niya."Hindi ka naman siguro paaalisin ni madam dahil lang sa gulo ninyo nila Olga kanina, baka may gusto lang talagang sabihin sayo. Sige na puntahan mo na at baka mainip pa sa paghihintay sayo si Madam Leah." Wika ni Edna sa kanya.Tumango si Cherry at naglabas ng hangin sa bibig atsaka sumunod ng maglakad sa tumawag sa kanya papunta sa opisina ng manager nila.Pinapasok siya ng lalaking bantay sa may pinto ni Madam Leah."Madam Leah, pinatatawag mo raw ako.""Maupo ka Cherry, di ko na pattagalin ang usapan natin. Gusto kong magtopless ka mamaya sa dance number mo." pahayag ng manager sa kanya na ikinaawang ng kanyang bibig sa pagkabigla."As you can see Cherry, marami tayong costumer ngayon na nagrerequest na makita ka at makatable ka mula ng pumasok k
Pakiramdam ni Anthony ay hindi ginusto ng babaeng kanyang nagugustuhan ang ginawa nito kanina. Kailangan niyang makausap ang babae at makilala.Bumalik si Anthony sa table nila at tinanong ang dalawang babaeng katabi nila Nick at Edgar."Kilala ninyo ang babaeng nasa stage kanina, yung nasa gitna?" "Ah si Cherry yun, nagulat ako sa ginawa niya kanina kase hindi naman siya nagtatopless talaga, ngayon lang niya yun ginawa." sagot at komento ng isang babae na katable ni Edgar."Ano na naman kaya ang pakulo ng babaeng yon at bigla-bigla na lang gumawa ng eksena ngayong gabi. Gusto ata talagang talbugan si Olga. Pero infairness ganda ng dibdib niya ha!" wika pa ng isang babae na mahahalata na ayaw nito sa babaeng pinag-uusapan nila."Monette, yang bibig mo bububusan ko ng chili sauce yan kapag hindi ka pa tumigil!" galit na sita ni Layla."Woah! stop it lady, bakit kayo nag aaway ha? Andito kayo para pasayahin kami ng kaibigan ko at hindi para papanoorin ninyo kami ng pag aaway n'yo." nap
Pagkapasok ni Anthony ay may isang lalaki na may katandaan na naroon at prenteng nakaupo sa single couch."What can i do for you mister?" bungad na tanong ni Madam Leah ng maisara na ang pinto ng silid at inalok siyang maupo ng babae gamit ang pagsenyas ng kamay."Anthony Buenavidez." pakilala ng binata sa manager na umupo sa mahabang sofa."Mr. Buenavidez, anong dahilan at bakit nais mo akong makausap?" seryosong tanong ng babae."Gusto kong makausap ang babaeng nakapula sa stage kanina ms. Manager. Ang sabi sa akin ng babaeng katable ng kaibigan ko ay hindi raw nagpapatable ang babeng nakapula. Cherry.., her name is Cherry, right!? yun ang sinabi sa akin na name ng babaeng nakared." wika ni Anthony na walang paliguy ligoy."Wait, Mr.Buenavidez. Nauna ako sayo na kumausap kay ms.Leah kaya kung gusto mo ring makasama si Cherry ay dapat ay mauna ako." angal ng may edad ng lalaki na mukhang mayaman din naman pero hindi niya kilala ito."Mr. Del Mundo, like what I've said earlier hindi p
Kinaumagahan pagkagising ni Cherry ay namili na muna siya ng prutas na dadalhin niya sa ospital para sa kanyang baby Ivan. Pinalitan niya na muna ang tiyahin sa pagbabantay sa bata, alam niyang kailangan din ng pahinga ni aling Joyce at dapat ay may sapat na tulog ang ginang dahil sa sakit nitong hypertension kaya bawal itong nagpupuyat. Bago umalis ang tiyahin ay iniabot niya ang pera dito para hindi niya magastos at inutusan na rin na bumili na ito ng gamot na pang maintenance ng ginang. Nagremit din siya ng dalawang libo para sa pamilya sa probinsya hindi man siya hinihingian ng inay niya madalas naman magparinig ito na walang pera.Sinabi rin ni aling Joyce sa kanya kanina pagkarating niya na hindi naman umeepekto kay Ivan ang mga gamot na inirereseta ng doctor dahil nakikita nito na parang lumalala pa ang kalagayan ng bata. Ipinakita rin sa kanya ang mga bagong naglabasan na pasa sa katawan ni Ivan. Ang sabi raw ng doctor ay sign daw talaga iyon ng may sakit na leukemia at dadami