Lahat ng Kabanata ng The Billionaire Slut: Kabanata 1 - Kabanata 10
93 Kabanata
Chapter 1
Warning:Mature content. It contains violence not suitable for minor readers. Read at your own risk."Tao po.., Cherry.. Tao po!" sigaw ni Annika sa labas ng bakuran nila Cherry.Lumabas naman mula sa likod bahay ang ina ng kaibigan niya ng marinig siguro ang pagtawag niya."Naku Annika, ikaw pala yan! Pumasok ka na muna at baka nasa silid pa n'ya si Cherry ko." "Hindi na po Nay Lourdes, palabas na rin po ata si Cherry. Dito na lamang po ako maghihintay.""O s'ya sige ikaw ang bahala kung ayaw mong pumasok." saad ni aling Lourdes na hindi na namilit pa."Cherry, Lumabas ka na nga d'yan at nandito si Annika. Kanina ka pa nagbibihis, di ka pa rin ba tapos sa ginagawa mo?!" pasigaw na pagtawag ni aling Lourdes sa anak."Nariyan na po!" pasigaw rin na sagot ni Cherry sa ina. At nagmadaling hinablot ang kanyang bag pack na nasa ibabaw ng kanyang higaan at agad na ring lumabas ng pintuan ng bahay."Annika!" tawag ni Cherry sa bestfriend niya at kinawayan siya nito at nagsenyas na lumabas n
Magbasa pa
Chapter 2
Nagising si Cherry Lou dahil sa tindi ng sikat ng araw. Hindi pa niya maidilat ng maayos ang kanyang mga mata dahil sa nasisilaw siya sa sinag ng araw. Masakit ang buong katawan at masakit ang ulo niya ng magising s'ya kaya napahawak pa siya sa kanyang ulo habang nakapikit pa rin. Pakiramdam niya ay nabugbog siya at pinagsasabunutan sa sobrang sakit na nararamdaman.Idinilat niya na ng dahan-dahan ang kanyang mga mata at inilibot ang paningin sa paligid.Napaawang ang labi niya ng makita sa kanyang tabi si Annika na bakas ang mga pasa sa mukha nito at may sugat pa ang gilid ng labi.Nasa talahiban sila ni Annika at ang mga saplot nilang pang ibaba ay nasa tabi nila pati na rin ang bag pack niya at bag ng kaibigan. Ganun na rin ang flat shoes nila.Napansin din niyang sira sira ang damit pang itaas na suot ni Annika na halatang pinagpupunit at ang dami ring pasa ng kaibigan sa ibang parte ng katawan nito.Tumulo ang luha ni Cherry Lou nang magbalik sa ala-ala niya ang nangyare sa kani
Magbasa pa
Chapter 3
Nasa harapan na ng pintuan ng silid ni Annika si Cherry. Huminto muna siya panandalian at nagbuntong hininga bago kumatok sa pinto."Annika.., Annika si Cherry to! pwede bang pumasok? Mag usap tayo, please..! " wika ni Cherry na inulit ulit pa ang pagkatok sa pinto.Hindi naman nagtagal ang paghihintay niya sa labas ng pintuan ng silid ng kaibigan ng buksan ni Annika ang pinto at hinila siya papasok sa silid nito at agad din na isinara."Bakit ka narito? Pinapunta ka ba dito nila papa?"Tanong ng kaibigan sa kanya."H-hindi, kusa akong nagtungo rito. Gusto ko lang kamustahin ka Annika." aniya."Cherry, pinipilit kong kalimutan ang mga nangyare sa atin. Pero pabalik-balik naman sa panaginip ko lahat ang lahat ng ginawa nila sa akin. Natatakot akong makatulog dahil ayoko ng makita sa panaginip ko ang mga kawalang hiyaan ng mga hayup na yon." naluluhang saad ni Annika.Niyakap ni Cherry ang kaibigan dahil alam niya ang pinagdadaanan nito dahil pareho lang silang nakararanas ng ganoon.Ma
Magbasa pa
Chapter 4
Pagkarating niya sa maynila ay bumaba siya sa mismong terminal ng bus sa Cubao.Ang sabi ng kanyang inay bago pa man siya makasakay ng bus ay tumawag ang kaibigan nito at ang sabi ay susunduin na lamang daw siya sa mismong terminal at baka maligaw pa raw siya at kung saan pa mapadpad sa maynila.Kaya ganoon na nga ang ginawa niya at mahigit isang oras na nga siyang naghihintay sa terminal ay wala pa ring lumalapit sa kanyang babae na magpapakilala raw na Joyce at magtatali raw ng panyong puti sa palapulsuhan nito upang makilala niya ang kaibigan ng ina.Wala kase siyang cellphone kaya iyon ang naisip ni Joyce na pagkakakilanlan niya sa babae. Si Cherry naman ay babanggitin lang ang pangalan ng kanyang ina.Mataman siyang nagpasulyap-sulyap sa mga taong pumapasok ng terminal at nagbabakasali na may babaeng lumapit na sa kanya at magtanong.Naupo na siya sa waiting area ng mga pasaherong papaalis. Kanina pa kase siya nakatayo at nangangalay na ang kanyang mga paa sa kakatayo sa paghihin
Magbasa pa
Chapter 5
Kinabukasan ay sinimulan na ni Cherry Lou ang paghahanap ng trabaho. Isinabay siya ni aling Joyce sa pag alis hanggang sa makarating sila sa pinapasukan nitong kumpanya bilang janitress.Dahil hindi siya allowed na makapasok sa building ay pinaglakad lakad na muna siya ng ginang sa labas at sinabing magkita na lang uli sila mamayang uwian para sabay na rin silang makabalik ng bahay.Kinuha niya ang pagkakataon na iyon upang masimulan ang paghahanap ng trabaho. Tinandaan na lamang niya ang bawat kalsada na madaanan niya upang hindi siya maligaw sa pagbalik niya mamaya kay aling Joyce.Lumipas ang oras na maghapon siyang naghanap pero wala siyang napala sa buong araw at dahil hapon na nga at ang alam niya ay ala singko ang labas ni aling Joyce ay bumalik na siya sa labas ng building kung saan siya iniwan kanina ng ginang.Habang naglalakad na pabalik si Cherry ay hindi niya maiwasan ang mag isip unang araw pa lang ng paghahanap niya ng trabaho ay parang nahihirapan na siya. Tinitipid n
Magbasa pa
Chapter 6
"Cherry, ito oh! suotin mo na. Yan ang uniporme nating mga waitress dito." utos ni Tinay kay Cherry pagkapasok nila sa locker room.Kinuha naman ni Cherry ang iniabot sa kanya ni Tinay. "Mauna ka na magbihis sa loob ng banyo." utos ni Tinay sa kanya. Tumango siya at nagtungo na nga sa banyo. Sakto namang may lumabas roon na kakatapos lang atang magpalit ng damit. Napansin siya nito at ngumiti sa kanya.Nagbalik ngiti naman siya sa babae. "Bago ka?" tanong sa kanya ng babae."Oo, kasama ako ni Tinay. Cherry nga pala!" sagot at pagpapakilala niya sa sarili."Ah! ako si Maricel, waitress ka din dito?" muling tanong nito sa kanya pagkatapos magpakilala.Tumango siya. "Nice meeting you, Maricel. Magpapalit lang muna ako." aniya na ipinakita pa ang hawak niyang uniporme nila."Ay sorry, sige magpalit ka na muna." wika ni Maricel at nilapitan na si Tinay.Sa loob ng banyo ay tinignan ni Cherry ang isusuot niyang uniform na binigay sa kanya ni Tinay. Napansin niya kase ang suot ni Maricel
Magbasa pa
Chapter 7
"Kumusta ang unang sabak sa pagwiwaitress, Cherry?" bungad na tanong sa kanya ni aling Joyce ng makauwi na sila ng bahay ni Tinay."Good morning po, Tiyang." bati niya muna sa ginang at dumiretso sila ng upo ni Tinay sa mahabang upuan."Ay naku tiyang, medyo nahirapan akong protektahan si Cherry sa mga costumer sa club. Masyado siyang pansinin dahil sa ganda niya." wika ni Tinay na tumayo sa pagkakaupo at kumuha ng tuwalya at inayos ang pamalit na damit upang asikasuhin ang sarili."Bakit, anong nangyari?" pag aalalang tanong ng ginang na nakatingin kay Cherry."Masasanay din po ako sa trabaho. Pansamantala lang naman din po ito kapag may ipon na po ako at kapag pwede na ko mag apply sa iba, kahit po tagalinis ng banyo ay papasukin ko po." aniya kay aling Joyce."Ikaw ang bahala Cherry, basta palagi kang mag iingat sa trabaho sa club. Hindi maiiwasan don ang inggitan iha lalo na at sinabi ni Tinay na pansinin ka roon. Sabagay sa ganda mong iyan napakaimposible talaga na walang costume
Magbasa pa
Chapter 8
May isang buwan na rin magmula ng tumuntong ng manila si Cherry Lou. At sa isang buwan na yun ay marami na rin siyang pinalagpas na pambabastos sa kanya sa club na madalas ay binabalewala na lang niya.May naipon na siya dahil sa mga tip ng costumer na natatanggap niya bukod sa sinasahod niya sa pagiging waitress na kada linggo ay naipapadala niya sa pamilya niya sa probinsiya at nakakapag ambag na rin siya kina aling Joyce at Tinay para sa bahay.Malapit na ang kanyang ikalabing walong kaarawan kaya naman nag iipon siya ng panghanda man lang para sa araw ng kanyang kapanganakan.At higit sa lahat ay masaya siya na malapit na niyang iwan ang pag wi waitress sa club na inilihim niya sa kanyang ama't ina.Ang alam kase ng kanyang inay ay naipasok siyang Janitress sa pinapasukang trabaho ng kaibigan nitong si aling Joyce. Kilala kase niya ang ina na hindi papayag na mag trabaho siya sa club kaya kinuntsaba niya pa noon ang kaibigan ng ina na naiintindihan naman siya.Hindi kase niya alam
Magbasa pa
Chapter 9
Ika labing walong kaarawan ni Cherry Lou na sila lang ni aling Joyce ang nag celebrate nang araw na iyon.Nagpadala lang siya sa kanyang pamilya ng pera upang may ipanghanda ang mga ito para sa maliit na salu salo para sa kanya.Tuwang tuwa ang kanyang mga kapatid na ng makita niya sa videocall ang iniluto at biniling cake ng inay niya para sa kanyang kaarawan.Naluluha naman siyang natutuwa rin sa kanyang nakikita sa pamilya niya na kumpleto roon habang siya ay nasa malayo naman. Mas naramdaman niya pa ang pagka miss sa pamilya.Madalang lang kase ang may pa cake at maraming handa kapag may birthday sa kanilang mag anak. Kaya naman ang makitang masaya ang mga nakababatang kapatid ay sobrang kagalakan na sa kanyang puso.Nagpapasalamat siya kay aling Joyce na sinamahan siya nitong mamasyal kahit na alam niyang nalulungkot pa rin ito sa pagkawala ng pamangkin at pinipilit na magmukhang okay sa kanyang harapan.Kung nabubuhay pa rin sana si Tinay ay mas masaya sana ang kanyang kaarawan.
Magbasa pa
Chapter 10
"Annika.." pagtawag ni Cherry sa pangalan ng kaibigan na nakatayo sa isang sulok ng terminal ng bus."Cherry Lou.." bigkas rin ni Annika sa kanyang pangalan."Kanina ka pa ba rito o kakarating mo lang din?" tanong ni Cherry kay Annika."Kanina kanina lang. Siguro ay kulang kalahating oras na rin ng dumating ang bus na sinakyan ko patungo rito. Natuluyang nalowbat ang phone ko kaya hindi na ko nakapag chat sayo." sagot ni Annika sa kanya."Mabuti at dito ka sa puwestong ito naghintay, madali kitang nakita. Pagbaba ko pa lang ng jeep namataan na agad kita." ani ni Cherry na tinanguan ni Annika na tipid na ngumiti pa sa kaibigan."Nagugutom ka ba? Gusto mo ba kumain na muna tayo sa fastfood na malapit dito?" muling tanong ni Cherry."Hindi pa naman ako gutom Cherry Lou baka pwedeng dalhin mo na ko sa bahay nyo. Napagod ata ako sa byahe, mas gusto kong magpahinga. Okay lang ba!?" ani ni Annika na mukha ngang namumutla pa."Oo naman okay lang! Tara, doon tayo sasakay sa sakayan ng jeep pau
Magbasa pa
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status