Dumaan si Czarina sa kwarto ng lolo niya pero hindi na rin nagtagal doon dahil may duty pa siya ngayong araw. Pagkagaling doon ay dumiretso na siya sa department nila. Maski doon ay usap-usapan ang nangyari sa system ng mga Hart. Pagpasok niya ay agad niyang namataan si Chloe na nakangiti at nakaupo sa gilid. Nang magtama ang mga mata nila ay nawala ang ngiti sa labi ng babae. Halata naman na hindi nila gusto ang isa't isa, hindi na para magplastikan pa kapag silang dalawa lang. Hindi na lamang pinansin iyon ni Czarina at pumunta na kung saan siya naka-assign. Pagdating niya sa kanyang work station ay nakatanggap siya ng text mula sa kanyang Kuya Victor. From: Kuya Victor Mukhang nakakuha sila ng magaling din na hacker, unti-unti na niyang na-ka-crack ang code na ginawa mo. Napapikit nang mariin si Czarina. Binuksan niya ang app niya sa kanyang phone na siya rin ang may gawa at tinignan ang kasalukuyang lagay ng ginawa niyang pang-ha-hack sa system ng mga Hart. At tama
Binuksan ni Zayden ang pintuan sa kwarto ni Chloe at pinapasok doon ang babae. Pinaupo niya ito sa bed at tinulungang magtanggal ng sapatos. Pagkatapos ay malamig niyang tinignan ang babae at kinausap. "Matulog ka na at magpahinga. Bukas na tayo mag-usap." Tumayo si Chloe mula sa kama at umiiyak na hinawakan ang kamay ni Zayden. "Hindi mo ba ako mahal? Bakit?" Sa mga oras na ito ay tumataas na lalo ang iritasyon ni Zayden kay Chloe. Gusto na niyang tumawag ng katulong upang alagaan at samahan ang babae at ng makaalis na siya. Pero hindi siya binibitawan ni Chloe. Niyakap ni Chloe si Zayden habang iniiling ang ulo. "Mali ako, I'm sorry, hindi ko dapat ginawa iyon kanina, hindi ko dapat sinabi ang mga iyon... I'm sorry..." Hindi niya pinansin si Chloe. "Ayaw mo na ba sa akin, Zi?" Kumirot ang dibdib ni Zayden nang marinig iyon. Naalala niya ang mga pagkakataon na halos magmakaawa si Czarina sa pagmamahal at atensyon niya. Bumuntong-hininga ito bago kumilos. Kinuha ni
Nagpapaawa ang mga mata ni Chloe na tumingin kay Zayden matapos itong pagsabihan ng lalaki. Kumapit ito sa braso ni Zayden at isinandal ang pisngi sa braso nito pagkatapos ay tinignan ito sa mga mata. "I know, mali ako. Pero hindi ko na uulitin, promise." Nagtaas pa ito ng kamay na tila nangangako. Napatingin si Zayden sa buong paligid maging sa mga pagkaing nakahain doon sa kabilang mesa na katabi lang din ng mesang naka-set up para sa dinner nila. Naaalala ni Zayden bigla ang noodles na niluto ni Czarina kanina. "Zi, pinaghirapan ko ito at inaral. So..." ngumiti si Chloe. "Shall we have dinner together?" Napangiti at natawa si Zayden. "Wow, so nagluluto ka na pala ngayon, Miss Smith, hmm?" Hinila ni Chloe si Zayden paupo sa upuang naroon. "Of course! Sabi ko naman sa'yo wife material ako, eh." Natigilan si Zayden. Hindi niya alam kung bakit pumasok sa isipan niya si Czarina sa mga segundong iyon. Napansin ni Chloe na parang lumilipad ang isip ni Zayden kaya kinuha
Ilang beses sinubukan ni Czarina na pakainin ng luto niya si Zayden. Mula noong ikinasal sila at tumira sa iisang bahay ay pinilit niya na maging mabuting asawa rito. Mas lalong umigting ang kagustuhan niyang pakainin ang lalaki nang mapansin niya na hindi ito kumakain ng tatlong beses sa isang araw, at kapag nagmamadali ay kape lang ang iniinom nito. Isa iyon sa rason kaya nagkaroon ng sakit si Zayden. Pero ngayon, nakatayo siya sa harap ni Zayden. Nasa tapat nito ang noodles na niluto niya. May kung anong excitement sa dibdib ni Czarina dahil sa wakas ay matitikman na ni Zayden ang luto niya. Hawak ni Zayden ang chopsticks at kumuha ng noodles mula sa bowl. Pero bago niya pa iyon maisubo ay biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Pasimpleng tinignan ni Czarina kung sino ang tumawag at hindi na siya gaanong nagulat nang mabasa ang pangalan ni Chloe. Ibinaba ni Zayden ang chopsticks at agad sinagot ang tawag. "May problema ba?" nag-aalalang tanong nito agad kay Chloe. Hinintay
Bago pa makakilos si Czarina, dahil napansin din ni Zayden na natigilan ito, ay nilagpasan na siya ng lalaki at ito na mismo ang pumindot ng password. Pagkatapos ay lumingon siya kay Czarina upang magpaliwanag. "Iyan na rin ang nakasanayan kong gamitin kaya ibinalik ko na sa dati para hindi ko nakakalimutan." Pinanood ni Czarina na umapak sa loob ng bahay si Zayden. Habang siya ay nanatili sa kinatatayuan at medyo gulat pa rin sa mga naririnig mula sa lalaki. "Dapat masanay ka na, sooner or later, kailangan mo ring palitan iyan... at masanay sa mga bagong bagay," sabi ni Czarina. "Tulad ng?" malamig na sabi ni Zayden at nagtaas pa ng kilay habang pinagmamasdan si Czarina. "Tulad niyan. Medyo weird na ang wedding anniversary natin ang gamit mo. Tiyak na ma-o-offend si Chloe," sambit ni Czarina. Tinignan niya sa mga mata si Zayden. Hindi niya mabasa ang lalaki. Mamaya ay mabait ito, pagkatapos ng ilang segundo ay nag-iiba ang ugali. Pero may isa siyang sigurado... Na kah
"Zayden, ano ba?" pagpupumiglas ng babae. "Why?" Dinampian ng halik ni Zayden ang leeg ni Czarina. Pagkatapos ay tinitigan ang babae. "Hindi ba't ito ang gusto mo?" Tumulo ang maiinit na luha sa mga mata ng babae. Hindi ito ang gusto niya. God knows this isn't what she wanted! At kung may mangyayari man sa kanila ni Zayden, sa ganitong paraan, ay hindi niya alam ang gagawin. Kaya nagpatuloy siya sa pagpupumiglas. "Damn it, hindi mo ba naiisip man lang ang mararamdaman ni Chloe, ha?" aniya na binanggit na ang babae sakaling magbago ang isip nito. Nagtaas ng kilay si Zayden at hindi pinansin ang sinabi ni Czarina. Sa halip ay ipinasok nito ang kamay sa blouse na suot ni Czarina. Bumigat ang paghinga ng babae, kinakabahan sa posibleng mangyari. Muli nitong siniil ng mararahas na halik ang labi ni Czarina. Impit na napaungol ang babae habang umiiyak. Ni hindi niya naisip kahit saglit man lang na mauuwi sa ganito ang lahat. Naubusan na siya ng lakas sa pagpupumiglas. Hinaya