Habang nasa taxi pabalik ng hospital ay sinigurado ni Czarina na walang makakalabas na balita tungkol sa nangyari kanina. Ayaw niya ng lumala pa ang gulo o kumalat pa iyon.Nagawa niyang ma-delete ang mga videos and pictures na nai-post na. At blocked and muted na rin lahat ng mga magbabanggit tungkol sa nangyari. Mabuti na lang at marunong siya sa mga ganitong bagay.Pagbalik niya sa hospital ay bumalik naman na sa normal ang lahat. May mga pasyenteng nakakilala sa kanya at medyo halata rin ang tinginan ng mga ito. Hindi na iyon nakakapagtaka, kaya niyang tanggalin ang mga balita na naka-post sa social media pero wala na siyang magagawa sa personal na usapin ng mga tao.Namamangha ang mga tingin maski ng mga doctor at iba pang hospital staffs kay Czarina. Sa paningin nila ay napaka-heroic at cool ng ginawa ni Czarina kanina lalo na't kanina ay halos walang gustong mangialam sa takot kahit gusto nila talagang tumulong.Habang papunta sa opisina ni Dra. Garcia ay kinakabahan si Czarina
Maraming kayang gawin si Czarina, maraming talento. Pero lahat iyon ay tinalikuran at kinalimutan niya nang mahulog ang loob niya kay Zayden. Nagchi-cheer ang mga tao sa paligid nila. "Ang kapal ng mukha mo'ng sabihin iyan sa aming mga babae, eh, galing ka din naman sa nanay mo!" Patulak na binitawan ni Czarina ang lalaki. May dugo na ang lalaki sa kanyang labi at ang mata nito ay medyo namamaga na. Pero walang naaawa rito ngayon, lalo na si Czarina. Deserve nito ang lahat ng iyon at wala pa iyon sa lahat ng atraso niya. Malamig ang mukha at nakataas ang mga kilay ni Czarina habang nakatunghay sa lalaki. "Tumayo ka diyan," inis na sabi nito. "Para kang hindi lalaki, ah?" Nakita ng babaeng asawa ang nangyari sa lalaki. Naluluha at halos pagapang itong pumunta sa harapan ng kanyang asawa. "H-huwag! Huwag mo siyang saktan," pagmamakaawa nito kay Czarina. Nagulat si Czarina sa nasaksihan. Talagang nagmamakaawa pa ito para sa lalaking halos patayin na siya? "H-huwag, kapa
"Eh, 'di gawin mo," blanko ang ekspresyon ni Czarina nang sabihin ang mga salitang iyon.Natatakot siya pero sa mga ganitong pagkakataon niya kailangang maging matapang."At talagang sinusubukan mo ako?" Mas lalong itinutok ng lalaki ang kutsilyo sa pagmumukha ni Czarina. Mabilis din ang paghinga nito na para bang mawawalan na ng kontrol ano mang oras. "Sa tingin mo hindi ko kayang ituloy ito, ha?"Niyakap ng babaeng nakahiga sa sahig ang legs ng kanyang asawa, animo'y pinipigilan ito sa binabalak gawin.Tumingin sa kanya ang lalaki, matalim ang mga mata nito, at umiling-iling naman ng mabibilis at madaming beses ang babae. Pagkatapos ay naluluhang tinignan si Czarina, ang inosenteng batang doctor sa kanyang paningin, na tinulungan siya, at nadadamay pa sa problema nilang mag-asawa."D-doc," aniya, hindi niya kabisado ang pangalan ni Czarina at hinang-hina na siya para pilit pang alalahanin pa iyon. Bagaman hindi lisensyadong doctor, ay doctor pa rin karaniwan ang tawag sa kanila ng m
Madaming nagsisigawan at kitang-kita ang kaguluhan sa parteng iyon ng hospital. Natigilan si Czarina at tuluyang naagaw ng kaguluhang iyon ang atensyon niya.Sinubukan niyang silipin kung ano ang nangyayari at nagulat siya nang makita kung sino ang naroon.Mabilis siyang naglakad patungo sa pwestong iyon, may masama na siyang kutob pero umaasa siyang mali siya ng hinala."Sir! Asawa niyo po iyan, itigil niyo na po ito, mapapatay niyo na po siya!" halos pasigaw na sabi ng umaawat doon na babae.Sumikip ang dibdib ni Czarina nang maabutan doon ang eksena na nakahiga ang asawa nitong babae, hawak ng lalaki ang buhok nito, at sakto pang sinampal nito ng malakas ang asawa. Napangiwi at napatili si Czarina, maging ang mga nanonood, na para rin silang nasaktan sa ginawa ng lalaki."At talagang patago ka pang nakipag-usap sa doctor, ha? May pera ka bang babae ka?!" sigaw ng lalaki sa mukha ng asawa nito na puno ng pasa at mga luha. "Sinabi ko na, 'di ba? Na hindi kita ipagagamot! Para saan pa
Pagkatapos kumain sa labas ay bumalik na sa hospital si Czarina, iba naman ang pinuntahan ni President Lin at Dra. Garcia dahil may pag-uusapan pa pala ang dalawa kasama ang ibang kilala pang doctor patungkol sa isang bagong medical case sa bansa. Papasok na sana sa elevator si Czarina nang mamataan ang pamilyar na mukha sa may front desk. Nagsalubong ang kilay ni Czarina. Hindi ba't iyon ang babaeng pasyente sa may outpatient department kanina? At ang lalaking asawa nito ay gumawa pa ng eksena. Lumingon ang babae sa kanya na tila napansin ang kanyang presensya. Bumuka ang bibig nito sa halong gulat at tila may gustong sambitin. Kumislap din ang mga mata ng babae na para bang nakakita ng liwanag. Tinignan ni Czarina ang paligid pero hindi niya mahagilap ang asawa nito. Hindi natiis ni Czarina at naglakad palapit sa babae. Ngumiti ang babae sa kanya, medyo halata na ang stress sa mukha nito at maging ang lungkot sa kanyang mga mata. "Hello, uhh ako po yung kasama ni Dra
Tahimik na sumunod sa loob si Czarina. Habang nag-aayos ng mesa si Dra. Garcia ay nasilip niya ang address at phone number ng pasyente kanina. Mabilis mag-memorize si Czarina kaya naman agad niyang isinaisip ang mga impormasyon kung sakaling kakailanganin niya balang-araw. "Huwag mo ng tangkain na tulungan sila gamit ang pera. Ang mga tao na kagaya ng asawa niya ay mas lalo ka lang pipigain pa ng pera," sabi ni Dra. Garcia. Nasabi niya iyon dahil nagkaroon na siya ng kaparehong experience. Noong bagong doctor pa lamang siya ay may tinulungan siyang isang babae subalit sa halip na maging mapagpasalamat ito ay hindi na ito tumigil sa panghihingi sa kanya na para bang siya pa ang may utang na loob dito. Dumating pa sa punto na bina-blackmail na siya nito para lang may pambili sila ng mga bagay katulad ng sasakyan at iba pa. Mula noon ay mas lalo ng naging maingat si Dra. Garcia sa mga bagay-bagay, at sa mga taong kailangang tulungan. "Naiintindihan ko po, Dra.," seryosong sagot