Share

Chapter 226

Author: Raine
last update Last Updated: 2025-11-29 18:14:15

Tumikhim si Czarina nang mapansin na pinapanood lamang siya ni Zayden na kumain.

"Paano ako makakakain kung nanonood ka diyan?" Kumuha si Czarina ng slice ng banana cake at inilagay sa isa pang malinis na platito, inilagay niya iyon sa harap ni Zayden.

Kunot ang noo namang binalingan ni Zayden ang pagkain.

Mabilis na napansin ni Czarina ang reaksyon na iyon ni Zayden at wala pang ilang segundo ang lumipas ay agad niyang binawi iyon. Bakit niya ba nakalimutan na ayaw nga pala ni Zayden na pinagsisilbihan niya ito at binibigyan ng pagkain?

Nakataas ang kilay siya nilingon ni Zayden.

"What are you doing?" Tumaas-baba ang adams apple nito at hindi mapigilan ni Czarina na mamangha sa likas na kagwapuhan ng lalaki.

He really has great charms... even after every pain he inflicted to her.

Hindi naman nakakapagtaka na nagpakabaliw siya ng maraming taon dito.

"Sorry, nalimutan ko na hindi mo pala gusto na binibigyan kita ng pagkain," paliwanag ni Czarina at muling sumubo ng cake.

Natah
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Marie Rose
ms author dapat ipaalam mo n kay zayden n hindi chloe ang ngligtas s kanya ang tagal mo nmn ipaalam... para pagsisihan ni zayden ang lahat..
goodnovel comment avatar
Maricel
hindi ngayan mag ka tuloyan, dahil pag mqg kasama sila laging tatawag si chloe......
goodnovel comment avatar
Maricel
hahaha..palage naman,kainis
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 242

    Nanigas sa kinatatayuan si Chloe. Kinakabahan siya sa matanda at the same time ay nahihiya siya dahil napakaraming tao roon at naka-live pa sila! Mas lalo siyang nagmumukhang kabit na hindi tanggap ng pamilya ng lalaki."Grandma," may diing sabi ni Zayden. Natatakot at may respeto din siya para sa matanda pero hindi naman yata katanggap-tanggap ang pagpapahiya nito kay Chloe. "Let's settle things in private. At ayos lang naman na nandito si Chloe since she's part of this issue."Sa kabila no'n ay hindi nagpatinag si Grandma. Seryoso pa rin ang mukha nito at talagang hindi na natutuwa sa nangyayari.Nagtungo ang assistant ng matanda sa tabi ng stage at pinakiusapang muli si Chloe na sumunod na lamang.Pero sa kabila no'n ay hindi iyon sinunod ni Chloe. Umatras pa ito at lalong nagtago sa likuran ni Zayden, at pagkatapos ay tumingin sa lalaki na tila humihingi ng tulong o 'di kaya ay senyales ng kung ano ang dapat niyang gawin.Kunot ang noo ng lalaki na tila nagpipigil ng inis. Pero si

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 241

    Ilang oras hindi nahawakan ni Czarina ang phone niya dahil abala siya sa mga natambak na trabaho na hindi niya nagawa noong nagpahinga siya. Tanghali na nang mabuksan niya ang kanyang cellphone. Bumungad ang message ng kaibigan niyang si Klarisse, nagtatanong kung ano ang nangyayari at bakit may live press conference si Zayden ngayon. Nagtataka at medyo kinabahan na agad binuksan ni Czarina ang kanyang social media. Hindi na siya nahirapan pang hanapin ang tinutukoy ni Klarisse dahil bumungad din iyon agad sa kanya. Nagsisimula pa lang ang presscon. Nakatayo sa harap ng podium si Zayden, suot ang kaparehong damit na suot niya kaninang umaga. Pero bukod doon ay may isa pang kapansin-pansin sa mga nangyayari ngayon. Katabi nito si Chloe sa mismong stage! Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Czarina. Talaga bang wala ng respeto si Zayden sa kanya? Siya ay laging napagsasabihan maidikit lang ng kaunti ang pangalan niya kay Adrian. Pero ito? Ganito ang gagawin? "Ano ba'ng nasa

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 240

    "Czarina, walang may gusto ng nangyari. Hindi naman sinasadya ni Chloe na makapagdala ng pekeng snow lotus grass na iyan. Can we just stop at that? Wala namang dahilan para pag-awayan pa ang bagay na matagal ng tapos," sabi ni Zayden. Nalaglag ang panga ni Czarina. What did she expect? Malamang ay siya na naman ang masama sa tingin nito. "Can we just stop-- what?" Nagtaas ng isang kilay si Czarina. "Zayden, do you even know what you're saying? Unang-una ay wala akong ginawa diyan sa Chloe mo. Heck! I didn't even know about that issue not until I heard it here! At hindi ko rin siya inaway tungkol diyan, siya itong sumugod dito. Now, ako pa rin ang titigil? Utak, please!" napipikon na sabi ni Czarina. Hindi niya alam kung bakit paulit-ulit siyang naiipit sa dalawa gayong dumidistansya na nga siya. "Nasaktan si Chloe, at sasabihin mo na wala kang ginawa?" pagtatanong ni Zayden kay Czarina. Halata rin ang pagkadismaya sa mukha ng lalaki. "Czarina, hindi naman lingid sa kaalaman mo

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 239

    Humarang si Czarina sa pagitan ng dalawa at nakalmot siya ni Chloe dahil doon. Napangiwi ito sa sakit at hapdi pero hindi niya na iyon ininda pa. Humarap siya kay Chloe at hinarang ang buong katawan para hindi na masaktan pa si Sanya na sa tingin niya'y wala namang ginawang mali. "Chloe!" banta niya sa babae. Akala niya ay muling susugod si Chloe pero nagulat siya nang umupo ito sa sahig at nagsimulang umiyak. "Ano ba ang ginawa ko sa'yo para ganituhin mo ako, Czarina?" pagtangis nito. "Dahil ba kay Zayden? Bakit hindi na lang siya ang kausapin mo? Matapos mong ipagkalat ang tungkol sa birthday ni Grandma ay sasaktan mo naman ako ngayon." Humagulhol pa ito na tila kinakawawa. Napatingin ang ilang mga napapadaan sa kanila. At sa mga bagong dating lang ay mistulang si Czarina ang kontrabida sa mga oras na iyon. Samantalang si Czarina at si Sanya ay medyo natulala, nagtataka sa nangyayari. Bakit bigla na lang nag-iba ang lahat sa isang iglap? "The hell are you saying? Eh, ikaw i

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 238

    Walang ekspresyon ang mga mata, seryoso ang boses, at may multo ng ngisi ang mga labi. Nakakatakot talaga si Czarina sa mga oras na iyon at maski si Chloe ay kinakabahan dito. Paano nalaman ni Czarina iyon? "Ilang beses ko ng pinalagpas lahat ng pinaggagawa mo sa akin, maski ang pagpapaawa at paggawa-gawa mo ng kwento. Mukha ba talaga akong easy target sa'yo, huh? Someone you can just bully easily? I'm warning you... habang may pasensya pa akong natitira." Inirapan ni Czarina si Chloe at kinuha ang cellphone niya bago tumalikod dito upang iwan ang babae sa room na iyon. Pagkaalis niya ay dumiretso siya sa opisina ni Dra. Garcia para ipaalam na magsisimula na siyang magtrabaho. Walang rason para hindi. Sawa na rin siyang mahiga sa kama, mas lalo lang siyang nanghihina roon. Nanatili naman sa kinatatayuan si Chloe. Nababagabag ng maraming bagay ang kanyang isipan. Mabigat ang bawat paghinga niya habang nakatingin sa nilabasang pintuan ni Czarina. Nang mahimasmasan ay sinigawan n

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 237

    Tahimik at kunot ang noo na binasa ni Czarina ang mga komento sa mga posts at article na nakalagay ngayon sa social media. Dahil sa dami ng mga sunod-sunod na issue nilang tatlo nila Zayden ay ang daming nakaabang sa bawat balita. Pero nakakapagtaka na bakit lumabas pa ito? Eh, napakatagal na no'n? Umupo ito sa kama sa kanyang hospital room habang napapaisip. Nasa ganoong kalagayan siya nang bigla na lang sumugod si Chloe sa kanya. Tinulak siya ni Chloe at muntik na itong matumba at malaglag sa pagkakaupo kung hindi siya mabilis na nakahawak sa mesa sa gilid ng kanyang higaan. "Gusto mo na ba talagang mamatay, ha?" nangngingitngit ang mga ngipin na sabi ni Chloe. "Pinagsasabi mo?" naiiritang sabi ni Czarina. Sa totoo lang ay pagod na pagod na siya sa kadramahan ng babae. Pakiramdam yata nito ay bida siya sa isang inaabangang pelikula. "At ngayon nagkukunwari ka pang inosente at walang alam, huh?" halos sigaw iyon na sinabi ni Chloe. May mga ilan na na napapatingin sa pwesto

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status