Share

Chapter 244

Author: Raine
last update Last Updated: 2025-12-24 23:24:21

Kinagabihan, nang makauwi si Czarina sa bahay nila ay nahihiya siyang harapin ang mga magulang. Nahihiya siya sa buong pamilya.

Ang laking problema na nga na ipinagpilitan niya ang sarili kay Zayden, ang laking problema na nga na pagkatapos no'n ay makikipag-divorce siya sa lalaki, tapos ngayon ay ibinabalandra pa ni Zayden ang kabit niya.

It's a huge shame... hindi lang sa kanya kundi sa buong Laude Group.

Pagpasok niya ay nadatnan niya ang Tito Yvo niya at ang kanyang ama na nanonood ng soccer sa TV bagaman hindi niya sigurado kung nanonood nga ba ang mga ito o may seryosong pinag-uusapan.

"Tito Yvo!" masayang sabi niya nang makita ang kapatid ng ama. Pansamantalang nawala ang laman ng kanyang isipan kanina.

"Czarina," nakangising bati naman ng kanyang tito at napunta na sa kanya ang atensyon ng mga naroon, kasama ang ina niya na kabababa lang ng hagdan.

"Kumain na po kayo?" tanong ni Czarina.

"Hindi pa, hinihintay ka namin," anito. "Nagdala ako ng mga paborito mong ul
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
lizamarie mae
boba kasi yung babae hahabol pa sa lalaki sabi mghiwaly bat dipa nagawa abg damu pasikot sikot
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 244

    Kinagabihan, nang makauwi si Czarina sa bahay nila ay nahihiya siyang harapin ang mga magulang. Nahihiya siya sa buong pamilya. Ang laking problema na nga na ipinagpilitan niya ang sarili kay Zayden, ang laking problema na nga na pagkatapos no'n ay makikipag-divorce siya sa lalaki, tapos ngayon ay ibinabalandra pa ni Zayden ang kabit niya. It's a huge shame... hindi lang sa kanya kundi sa buong Laude Group. Pagpasok niya ay nadatnan niya ang Tito Yvo niya at ang kanyang ama na nanonood ng soccer sa TV bagaman hindi niya sigurado kung nanonood nga ba ang mga ito o may seryosong pinag-uusapan. "Tito Yvo!" masayang sabi niya nang makita ang kapatid ng ama. Pansamantalang nawala ang laman ng kanyang isipan kanina. "Czarina," nakangising bati naman ng kanyang tito at napunta na sa kanya ang atensyon ng mga naroon, kasama ang ina niya na kabababa lang ng hagdan. "Kumain na po kayo?" tanong ni Czarina. "Hindi pa, hinihintay ka namin," anito. "Nagdala ako ng mga paborito mong ul

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 243

    Nang nasa sasakyan na sila ay hinarap ni Zayden si Grandma."Grandma, kung ipagpapatuloy mo ang ganito ay alam mong makakasama rin ito sa Hart Group at madadamay pa ang mga Smith!" bagaman galit ang lalaki ay sinubukan niya pa ring kausapin ang matanda nang mas maayos at bahagyang kalmado."At sa tingin mo ay maganda ang ginawa mo? Hindi pa kayo divorced ni Czarina pero hinaharap mo na agad ang Chloe na iyon at binabalandra sa maraming tao? Nahihiya ka na madamay ang mga Smith pero hindi ka ba nahihiya para sa pamilya ng asawa mo? It's a great shame on their part, too!"Natahimik si Zayden.May punto naman ang matanda at hindi niya iyon ikakaila. Bakit nga ba nawala sa isip niya na makakaapekto rin ito sa mga Laude?"Ako na ang bahala sa issue tungkol sa nagpakalat ng balita na iyon. Pero ipangako mo sa akin na hindi mo na kakausapin pa o lalapitan pa ang Chloe na iyon!"Binuksan ng matanda ang pintuan ng sasakyan ni Zayden. Bago ito lumabas ay muli niyang tinignan ang apo."Huwag mon

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 242

    Nanigas sa kinatatayuan si Chloe. Kinakabahan siya sa matanda at the same time ay nahihiya siya dahil napakaraming tao roon at naka-live pa sila! Mas lalo siyang nagmumukhang kabit na hindi tanggap ng pamilya ng lalaki."Grandma," may diing sabi ni Zayden. Natatakot at may respeto din siya para sa matanda pero hindi naman yata katanggap-tanggap ang pagpapahiya nito kay Chloe. "Let's settle things in private. At ayos lang naman na nandito si Chloe since she's part of this issue."Sa kabila no'n ay hindi nagpatinag si Grandma. Seryoso pa rin ang mukha nito at talagang hindi na natutuwa sa nangyayari.Nagtungo ang assistant ng matanda sa tabi ng stage at pinakiusapang muli si Chloe na sumunod na lamang.Pero sa kabila no'n ay hindi iyon sinunod ni Chloe. Umatras pa ito at lalong nagtago sa likuran ni Zayden, at pagkatapos ay tumingin sa lalaki na tila humihingi ng tulong o 'di kaya ay senyales ng kung ano ang dapat niyang gawin.Kunot ang noo ng lalaki na tila nagpipigil ng inis. Pero si

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 241

    Ilang oras hindi nahawakan ni Czarina ang phone niya dahil abala siya sa mga natambak na trabaho na hindi niya nagawa noong nagpahinga siya. Tanghali na nang mabuksan niya ang kanyang cellphone. Bumungad ang message ng kaibigan niyang si Klarisse, nagtatanong kung ano ang nangyayari at bakit may live press conference si Zayden ngayon. Nagtataka at medyo kinabahan na agad binuksan ni Czarina ang kanyang social media. Hindi na siya nahirapan pang hanapin ang tinutukoy ni Klarisse dahil bumungad din iyon agad sa kanya. Nagsisimula pa lang ang presscon. Nakatayo sa harap ng podium si Zayden, suot ang kaparehong damit na suot niya kaninang umaga. Pero bukod doon ay may isa pang kapansin-pansin sa mga nangyayari ngayon. Katabi nito si Chloe sa mismong stage! Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Czarina. Talaga bang wala ng respeto si Zayden sa kanya? Siya ay laging napagsasabihan maidikit lang ng kaunti ang pangalan niya kay Adrian. Pero ito? Ganito ang gagawin? "Ano ba'ng nasa i

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 240

    "Czarina, walang may gusto ng nangyari. Hindi naman sinasadya ni Chloe na makapagdala ng pekeng snow lotus grass na iyan. Can we just stop at that? Wala namang dahilan para pag-awayan pa ang bagay na matagal ng tapos," sabi ni Zayden. Nalaglag ang panga ni Czarina. What did she expect? Malamang ay siya na naman ang masama sa tingin nito. "Can we just stop-- what?" Nagtaas ng isang kilay si Czarina. "Zayden, do you even know what you're saying? Unang-una ay wala akong ginawa diyan sa Chloe mo. Heck! I didn't even know about that issue not until I heard it here! At hindi ko rin siya inaway tungkol diyan, siya itong sumugod dito. Now, ako pa rin ang titigil? Utak, please!" napipikon na sabi ni Czarina. Hindi niya alam kung bakit paulit-ulit siyang naiipit sa dalawa gayong dumidistansya na nga siya. "Nasaktan si Chloe, at sasabihin mo na wala kang ginawa?" pagtatanong ni Zayden kay Czarina. Halata rin ang pagkadismaya sa mukha ng lalaki. "Czarina, hindi naman lingid sa kaalaman mo

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 239

    Humarang si Czarina sa pagitan ng dalawa at nakalmot siya ni Chloe dahil doon. Napangiwi ito sa sakit at hapdi pero hindi niya na iyon ininda pa. Humarap siya kay Chloe at hinarang ang buong katawan para hindi na masaktan pa si Sanya na sa tingin niya'y wala namang ginawang mali. "Chloe!" banta niya sa babae. Akala niya ay muling susugod si Chloe pero nagulat siya nang umupo ito sa sahig at nagsimulang umiyak. "Ano ba ang ginawa ko sa'yo para ganituhin mo ako, Czarina?" pagtangis nito. "Dahil ba kay Zayden? Bakit hindi na lang siya ang kausapin mo? Matapos mong ipagkalat ang tungkol sa birthday ni Grandma ay sasaktan mo naman ako ngayon." Humagulhol pa ito na tila kinakawawa. Napatingin ang ilang mga napapadaan sa kanila. At sa mga bagong dating lang ay mistulang si Czarina ang kontrabida sa mga oras na iyon. Samantalang si Czarina at si Sanya ay medyo natulala, nagtataka sa nangyayari. Bakit bigla na lang nag-iba ang lahat sa isang iglap? "The hell are you saying? Eh, ikaw i

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status