MasukNang magising si Czarina sa hospital ay naririnig niya ang nakasinding TV na naglalaman ng balita tungkol sa nangyari sa cruise party. Ipinagdidiinan doon na nagdadalawang-isip si Zayden kung sino ang ililigtas niya at sa huli ay si Chloe pa rin ang pinili nito. She slowly opens up her eyes. Kasabay no'n ay ang pag-off sa TV ng kung sino. Nag-angat ng tingin si Czarina at nakita ang ina niya na nakatayo sa tabi ng kanyang higaan. Malamig ang mga mata nito, seryosong-seryoso na siyang medyo nakakagulat para kay Czarina. "Mom," mahinang wika niya. "Pinadala kita sa party na iyon para may makilala kang mga ibang tao, mga bagong kaibigan at mga koneksyon. Pero ano itong nangyari na naman? Muntik ka ng mawala sa amin, Czarina!" Iniwas ni Czarina ang mga mata sa mommy niya. Hiyang-hiya siya dahil alam niyang pinag-alala niya ito ng sobra. Dahan-dahan namang niyakap ng emosyonal na ginang ang kanyang anak. Galit siya pero dahil iyon sa pagmamahal niya kay Czarina. The woman si
"Bilisan niyo! Mamamatay na si Miss Laude doon!" Halos lumaki ang tainga ni Kyle Ford nang marinig iyon. Mabilis siyang tumakbo palapit sa nagkakagulong mga tao at hinanap ng mga mata niya ang pwesto ni Czarina kanina pero wala na ito roon. Lumapit siya sa may railings kahit makipagsiksikan na siya sa mga naroon at mabilis niyang nakita ang isang babaeng nahihirapan ng iahon ang kanyang sarili sa malalim na karagatan. "Sh*t, Czarina!" sigaw nito bago ibinaba ang cellphone niya at mabilis na tumalon sa tubig. "Czarina!" Naririnig ni Czarina ang mga sigaw na iyon pero hindi na niya magawang maimulat ang kanyang mata. Nakainom na rin siya ng tubig at hindi na niya alam kung alin ang luha sa tubig dagat na nasa kanyang pisngi. Mabigat na ang dibdib niya at hindi na siya makahinga. Sa mismong mga minuto na iyon ay may medyo malaking bangka ang dumating. May humawak sa bewang ni Czarina at ang sumunod ay naramdaman niyang may nag-angat sa kanya. Bagaman hindi na niya alam an
Magulo ang utak ni Zayden habang nakatingin kay Chloe. Mas malaki ang parte ng kanyang utak na nagsasabing pekeng scenario ang lahat ng ito. Pakiramdam niya ay sinadya ito ni Chloe upang pagbintangan si Czarina.Hindi ito maitutulak.Napansin ni Chloe ang mga mata ni Zayden na tila hindi naniniwala sa kanya. At kung may pagkakataon man para kunin ang tiwala ni Zayden muli ng buo ay ito na iyon. Muling tumingin si Chloe sa malalakas na alon sa dagat. Kapag nalaglag siya rito ay posibleng madaming naglalakihang mga isda o mga lamang-dagat ang nakaabang sa kanya. Posible rin siyang mamatay sa pagkalunod.Ano ang dapat niyang gawin?Pero kailangan niyang mamili. Kapag itinigil niya ito ay malalaman ni Zayden na sinadya niya ang lahat, she will lose him for real. Pero kung magpapalaglag naman siya sa dagat ay hindi niya rin alam kung mabubuhay pa ba siya.Ano ang pipiliin niya?"So, it's all fake," mariing sabi ni Zayden habang nakatingin kay Chloe.Alam ni Chloe na sa pagkakataong iyon
Pumikit nang mariin si Zayden habang nag-iisip kung paano niya gagawan ng paraan ang sitwasyon ngayon sa kanyang harapan.Chloe is being held hostage and the hostage taker claims that the mastermind behind this is none other than Czarina."Alright," anito. "Ano ba ang gusto niyang gawin mo kay Chloe?""Sinabi niya na pinakatakot si Chloe Smith sa tubig kaya ang pinakamagandang paraan para tapusin ang buhay nito ay ang ilaglag siya sa dagat," sabi ng babae at itinulak pa lalo si Chloe sa may railings.Napasigaw si Chloe at maging ang mga sumasaksi sa pangyayari ay hindi napigilan ang reaksyon.Muling kumunot ang noo ni Zayden at humakbang palapit.Matapos ng lahat ng alam at nalaman niya kay Chloe, ang mga ginagawa nitong kalokohan upang ibato ang sisi kay Czarina, ay aminado si Zayden na sa pagkakataon na iyon ay hirap siyang paniwalaan kung ano ang totoo.Chloe might be the mastermind with all these acts.Matagal ng tila walang pakielam sa kanya si Czarina, sa mga pagkakataong siya a
Kumalma nang bahagya si Czarina matapos magbuga ng malalim na hininga.She's tired of all this drama. Hindi niya na gusto ang ganitong pakiramdam na paikot-ikot nalang sila. She's out of his life and vice versa. Things like this? It shouldn't happen."Zayden, let's just let each other go," mahinang sambit ng babae, sapat lang para marinig ng kaharap.She wants to start anew, she better do it right.Nag-angat ng tingin si Czarina kay Zayden at inayos ang medyo nagusto nitong damit."Hindi mo ako mahal, naaapakan lang ang pride mo o hindi kaya ay 'di ka sanay na hindi ako nakadepende sa'yo," aniya.Nanatiling nakatitig si Zayden sa babae habang ang puso niya'y hindi na halos mapakali sa pwesto nito. This moment... it reminds him of the days when they were newly married. Madalas na inaayos ni Czarina ang damit niya lalo na kapag naka-suit na ito.It was like this then... Only her eyes doesn't look the same anymore. Emotions are gone, the twinkling beautiful eyes are no longer there. An
Matamang tinignan ni Czarina si Zayden. Ramdam niya ang emosyon nito, bagay na hindi niya madalas nakikita sa isang Zayden Hart. But things are different now. Whether he cares or not, it doesn't matter now. "Nag-e-enjoy ka ba talagang mangielam sa buhay ko? Eh, kung sa'yo ko kaya sabihin iyan, ano ang mararamdaman mo? Zayden, hindi kayo ni Chloe ang para sa isa't isa dahil hindi naman kayo bagay." Ayaw na sana ni Czarina na makipagtalo pa, ayaw na niya ng gulo, pero itong si Zayden ang lapit ng lapit. At kahit sabihin niyang wala na siyang nararamdaman, aminado siyang may kaunti pa ring galit at sari-saring emosyon sa puso niya kapag nakakaharap niya ang lalaki. She loved this man for years after all. Napalunok si Zayden sa mga narinig muka kay Czarina. Aminado siya na tama naman si Czarina. Chloe and him? They weren't a good much. Chloe Smith is a spoiled lady, someone who tends to be selfishly emotional. Kung iisa-isahin ay maraming hindi gusto si Zayden kay Chloe. May
"Let me greet our special guests for the day!" Napatingin silang lahat sa babaeng kararating. Nakasuot ito ng magandang bestida at sa isang tingin pa lang ay alam na nilang mayaman at may class ang babae. Lumapit siya at tumabi sa lalaking may-ari ng restaurant. "Oh, ipapakilala ko nga pala sa i
Pagkababa nina Zayden at Calix sa kanilang sasakyan ay nakita agad nila ang dami ng tao. Sa mga ganitong pagkakataon ay naaagaw nila agad ang atensyon ng mga ito pero ngayon ay hindi. Abala ang lahat sa pagchi-cheer sa kung sino, ni wala halos lumilingon sa likod kahit naririnig ang mga sasakyan n
"Kasama niya si Klarisse, yung artista? Magkaibigan yata sila. May insidente kanina, hindi ako sigurado pero parang nabastos yata yung Klarisse kaya nakipagtalo si Czarina. At ngayon, ito na nga ang resulta," kwento pa ni Trevor. Hindi na halos pansinin ni Zayden si Trevor. Nakatutok na ang mga ma
Maaga pa ay marami ng tao sa may race track, iyon amg pinakamalawak na race track sa lugar. Madaming tao talaga madalas doon pero doble ang dami no'n ngayon dahil sa naka-schedule na racer. Habang nakatingin sa daan kung saan magra-race ang mga kasali ay bumalik ang maraming alaala sa isipan ni C







