"Mrs. Smith," magalang na bati ni Czarina. Ilang segundo siyang tinitigan ng mommy ni Chloe, si Fatima Smith. "Napakabata mo pa para magustuhan ang mga ganitong pang matandang disenyo," may halong sarkasmo na sabi nito kay Czarina. "Tumitingin lang po," sagot ni Czarina na ayaw na sanang patulan ang pagmamaldita ng babae. "Tumitingin lang?" the woman scoffed. "Young people nowadays, sinasayang niyo lang ang oras niyo at oras ng mga taong nag-aasikaso sa inyo." Hindi umimik si Czarina. Gusto niya naman sanang bilhin iyon kung hindi lang dumating ang mommy ni Chloe. Talagang mainit ang ulo ng ginang ngayon sa kanya dahil katatapos lang sumubok mag-suicide ng anak niya. Hindi niya rin ito masisisi. Mukha namang mabait at madaling makakasundo ang mommy ni Chloe. Sa unang tingin ay iisipin mong napakahinhin nito. Pero hindi. Sa paraan palang ng pananalita nito ay halatang nanunubok na agad ng pasensya. O siguro dahil si Czarina siya, ang babaeng kaagaw ng anak niya sa iisan
Matanda naman na sila pareho. Ayaw na rin ni Adrian na magpaligoy-ligoy pa. Oo, aminado siya na kaya siya dikit ng dikit kay Czarina dahil may gusto siya rito. He never liked a girl this much. Ngayon lang. At hindi niya gusto na nasasaktan si Czarina dahil lang sa isang lalaki na hindi siya kayang pahalagahan. Nagulat si Czarina pero na-gets niya agad ang ipinupunto ni Adrian. Hindi na para magmanhid-manhidan pa siya at sabihing hindi niya nakuha ang gusto nitong iparating. "Adrian, kasal pa rin ako. Legally, hindi pa ako divorced," medyo kinakabahang sabi ni Czarina. "I know." Tuluyan ng hinarap ni Czarina si Adrian. "Adrian, gusto mo bang masabihan ng kabit? Na naninira ng pamilya?" sabi ni Czarina. Tiyak din na hindi siya tatantanan ni Zayden kapag nalaman niya ito. Baka baliktarin pa siya ng lalaki at sabihing siya ang nagloloko sa kanilang dalawa. At hindi rin gusto ni Czarina na madamay pa sa ganoong sitwasyon si Adrian. "He was the one who cheated," sabi ni Adrian. "Pe
Hindi umuwi diretso si Zayden. Sa halip ay nagtungo ito sa heart surgery department kung saan nagtatrabaho si Czarina. Pagdating niya roon ay agad niyang namataan ang babae na nakatingin sa labas ng glass wall. Malayo ang tingin nito at halata na malalim ang iniisip. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Czarina. Pinapakalma niya ang sarili. Ilang minuto pa siyang naglagi roon bago napagpasyahan na bumalik na sa station nila. Paglingon niya ay nagtama ang mga mata nila ni Zayden. Nakatayo lang doon si Zayden, nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang bulsa, at kitang-kita ang pagod sa kanyang mata. Hindi sila nagngitian o nag-usap man lang. Tumalikod na si Zayden at nagsimula ng maglakad paalis. Bumalik sa isipan ni Czarina ang nakitang posisyon nila Zayden at Chloe kanina, kung gaano kalapit ang dalawa, at kung paano i-comfort ni Zayden ang babae. Napangiti na lamang siya ng mapait. Tahimik lang niyang pinanood ang pag-alis ni Zayden at hindi na ito pinigilan.
Kinabukasan, wala ng ulan at maganda ng muli ang sikat ng araw. Sa kabila no'n ay malamig pa rin ang simoy ng hangin. Nagbabadya ng isang masayang araw para sa lahat. Pagkatapos mag-breakfast ay pumasok na sa trabaho si Czarina. "Nabalitaan niyo na ang nangyari kay Chloe? Talagang malala pala ang nangyari kagabi at binalak niyang magpakamatay!" "Uy, talaga? Totoo ba iyan?" "Oo nga, na-hospital siya. Nandito siya ngayon at kasama niya si Sir Zayden Hart buong magdamag." Unti-unting bumagal ang lakad ni Czarina sa narinig. Napatingin siya sa mga nurse na nag-uusap-usap. Nakatayo sa gilid si Sanya. Nang makita si Czarina ay agad itong kumaway at bumati "Hi, Czarina! Good morning." "Sumubok magpakamatay si Chloe?" tanong ni Czarina sa babae. "Ah, oo, kalat na nga sa buong hospital." Hindi makapaniwala si Czarina. Ano ang dahilan? Dahil ba sa mga sinabi ni grandma? Para roon ay magpapakamatay na si Chloe? Agad siyang umalis doon at pumunta sa inpatient department. Gus
Lumabas si Czarina ng store at malakas pa rin ang ulan. Hindi maganda ang pakiramdam niya at nanginginig pa rin sa inis sa kabila ng pilit niya ginawang kalmado na pagharap sa saleslady at sa isa pang babae kanina. Itinaas niya ang kamay para sana takpan ang ulo niya laban sa mga patak ng ulan. Humakbang siya at napansin na tila hindi dumapo ang malalakas na patak ng ulan sa kanyang balat. Nagtaas siya ng mukha at agad nakita ang kulay itim na payong na nakatapat sa kanya. Dahil doon ay natigilan siya sa paglakad at nilingon ang may-ari ng payong na nasa likuran niya. In front of her is a tall and extremely handsome man. He looks cold and a bit scary. Kalmado lang ang awra nito pero halatang hindi mo basta-basta mabibiro. Nakilala agad ni Czarina kung sino iyon. It's Brent Smith, ang panganay na kapatid ni Chloe. Ang kasalukuyang tagapagmana ng mga Smith. Apat na taon lang ang pagitan nito sa kanila no Chloe. Isa ito sa pinakamagaling na medyo bata pa na mag-manage ng negosy
Tumingin kay Czarina ang saleslady na para bang isa siyang baliw na nagsasabi ng kung ano-ano sa harapan nila. "Nanaginip ka ba?" anito na natawa pa. Ito yata ang unang beses na natrato ng ganoon si Czarina. At ito rin ang unang beses na magiging immature siya at papatol sa kanila. "Nanaginip ng gising. You want it all, huh? The question is, do you even have a money to buy at least one?" natatawang sabi rin ni Janina. Tumingin sa paligid si Czarina at bumuntong-hinunga. "Let's just compute everything. Nasa magkano lahat ng ito? A million, more or less?" Napangiti si Janina at matamang pinanood si Czarina na para bang isang katawa-tawang bagay ito. Sa isip niya ay maski paperbag lang ay hindi nito mabibili sa store na iyon. Ang lakas ng loob na sabihing bibilhin niya ang lahat. Umikot ang mga mata ni Janina at napahawak sa kanyang dibdib, yumuko ng kaunti at kinausap si Czarina. "Mukhang napasok na ng tubig ang utak mo. Gusto mo bang lumabas muna at i-drain iyan? Baka sakaling