Share

Chapter 440

Author: Raine
last update publish date: 2026-09-27 20:34:14

Sa muling pagkakataon ay sila na namang dalawa ang laman ng mga balita at social media.

Iba-iba ang reaksyon ng mga tao, may mga namba-bash kay Zayden, may mga nagsasabing natauhan na raw ito. May ilang kumampi kay Chloe, at may mga nagsabi rin na ang tigas ng puso ni Czarina.

Pero ang ilan ay kinikilig na tila sinusubaybayan nila na parang teleserye ang buhay nina Czarina at Zayden.

Kapansin-pansin din na ginamit ng mga kalaban ni Zayden ang artikulo na iyon upang papangitin ang imahe niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Yanny Cahilig
tagal ng karugtong
goodnovel comment avatar
Mi Kay
thanks po sa update sana po may kasunod na,at least nalaman n yung isa sa reason ,sana susunod n ulit Yung iba pa,para ending na,thanks Po ulit
goodnovel comment avatar
Cristina Terre
thank you ms A sa tuñoy tuloy na update.. sana sa bago mong story ganon din
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 440

    Sa muling pagkakataon ay sila na namang dalawa ang laman ng mga balita at social media. Iba-iba ang reaksyon ng mga tao, may mga namba-bash kay Zayden, may mga nagsasabing natauhan na raw ito. May ilang kumampi kay Chloe, at may mga nagsabi rin na ang tigas ng puso ni Czarina.Pero ang ilan ay kinikilig na tila sinusubaybayan nila na parang teleserye ang buhay nina Czarina at Zayden.Kapansin-pansin din na ginamit ng mga kalaban ni Zayden ang artikulo na iyon upang papangitin ang imahe niya. Awtomatiko namang sinilip ni Czarina ang kasalukuyang lagay ng stocks ng mga Anderson pero stable pa naman iyon sa ngayon, hindi niya lang alam sa mga susunod na araw."Pero alam mo, boss, hindi ko talaga inaasahang luluhod sa'yo ang lalaking iyon," ani Ichan na sumulyap ng saglit kay Czarina bago ibinalik ang tingin sa daan.Czarina pursed her lips as she scrolled on the pictures.Blanko ang mga mata niya habang nakatingin kay Zayden. She looks ruthless in most angle. Mukha siyang walang pakiel

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 439

    "What's the point? He's just a man."Tumungo si Chloe at nanatiling tahimik.Oo nga, lalaki lang iyon... pero hindi niya makukuha ang lalaking iyon kung hindi niya ginawa ang mga ginawa niya. Ang totoo, kahit nga ginawa niya na ang lahat, sa huli ay hindi niya pa rin nakuha ang lalaking iyon."Chloe, sinira mo ang buhay nating tatlo. I really misjudged you. So much." Hinila ni Czarina ang buhok ni Chloe at napaaray ang huli.Chloe shed tears. Mukha itong kaawa-awa sa sitwasyon niya ngayon pero sa halip na maawa ay gusto na lamang matawa ni Czarina.She's really good at playing the victim."Czarina! Ano'ng ginagawa mo?" A furious roar suddenly came out of nowhere.Lumingon si Czarina pero bago niya pa makita kung sino iyon ay naitulak na siya ng malakas ng kung sino. Napaatras si Czarina at nakita ang nakatatandang kapatid ni Chloe na tinutulungan ang babae at inaalalayan.Tinignan ng masama ni Brent Smith si Czarina habang nakayakap sa kanya si Chloe at humahagulhol."Kuya..." pag-iy

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 438

    "Chloe, sabihin mo nga sa akin, ano bang kasalanan ko sa'yo para tratuhin mo ako ng ganito?" nagngingitngit ang mga ngipin ni Czarina sa galit.Nang malaman niya ang nangyari ay labis-labis na ang galit na naramdaman niya pero ngayong kaharap niya na si Chloe ay may parte sa kanya na nasasaktan. Bakit pakiramdam niya ay ang hirap magtiwala sa mga tao sa kanyang paligid?Nanginginig siya ngayon habang nakatingin kay Chloe. Gustong-gusto niya ng pilipitin ang leeg ng babae. May gana pa itong magmataas sa harap niya pagkatapos ng lahat?Umayos ng tayo si Chloe at mataray na tumingin kay Czarina. Kanina ay medyo kabado pa siya at gulat pero ngayon ay handa na siyang lumaban. Alam na rin naman ni Czarina ang lahat at alam na rin ni Zayden, she has nothing to lose now."Naiinggit ako sa'yo, okay na? Una palang naman ay hindi ko na gusto ang vibes mo, ikaw lang itong assume ng assume na gusto kitang kasama. You look down to me a lot--""That's not true...""It is the truth, Czarina. Med scho

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 437

    Maagang ginising ng nurse si Czarina kinabukasan."Doc, kukuhanan lang namin ng dugo si Dra.," sabi ng nurse.Karamihan sa mga staff doon ay doc pa rin ang tawag sa kanya dahil iyon ang nakasanayan nila. At dahil dati siyang nagtatrabaho roon at kilala rin ang lola niya ay medyo extra ang pag-asikaso sa kanila at mas magaan iyon para sa kanya."Okay," sagot niya at medyo nag-inat nang kaunti.Nakatulog siya habang nakaupo sa at nakadukdok sa higaan ng lola niya. May sofa naman doon na pwede niyang paghigaan pero hindi siya makatulog ng maayos at gusto niya malapit sa matanda para kung sakaling magising ito ay mapapansin niya agad at hindi na mahihirapang tawagin siya.Tumayo muna si Czarina at nag-inat inat pa ng katawan. Dumiretso na rin siya sa CR at naghilamos at nag-toothbrush."Tapos na, doc," sabi nung nurse. "Paubos na ang IV niya, babalik nalang po ako para palitan.""Thank you. P'wede pakibilin na rin sa lahat na kung sakaling may pumunta rito at magtanong ay 'wag niyong sasa

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 436

    "Nandito ang mga Hart, nakita ko sila," pagbabalita ng ama ni Czarina nang pumasok sa VIP room ng kanyang ina. "Hart? Pamilya ni Zayden?" "Oo," sagot nito. "Tinatanong ni Chairwoman ang lagay ni Mommy pero hindi ko sinabi. Kung makakasalubong mo sila ay wag mo nalang din sabihin." "Bakit sila nandito?" nagtatakang tanong ng mommy ni Czarina dahil sa pagkakaalam niya'y nakalabas na ng hospital si Zayden. "Iyon ba?" bumuntong-hininga muna ito bago sumagot. "Mukhang isinugod dito si Zayden at wala ring malay." "Tss," tumingin sa malayo si Karina. "He deserves it." Bagaman medyo agree naman ang lalaki sa kanyang asawa ay pinagsabihan niya pa rin ito. "Sa susunod ay sabihin mo nalang iyan sa isipan mo. Be mindful of your words, people might hear us." Sumimangot lang si Karina Laude at hindi na umimik o nakipagtalo pa sa kanyang asawa. Ilang minuto pa ay nagsimulang umubo-ubo ang matandang lalaki. Mabilis na dumalo si Karina rito. "Dad, ayos ka lang?" Noong nakaraan pa hindi mag

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 435

    Binalikan ni Czarina ang mga news tungkol sa aksidente at base sa mga larawan ay ang side nga ng lola niya ang napuruhan. Madami ring nagkomento roon dahil kilala ang lola niya at biglang trending din ng kasalukuyang project nito. Comment A: Sana maayos lang siya pls. Ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa ginagawa nilang medicine. Comment B: Dinig ko ay pwede raw iyon sa mga brain dead? Ang galing nila sana matuloy at matapos ay sana ay magising na si Doktora. Sari-saring papuri rin ang mga ibabg nagkomento roon na naging pasyente niya noon. Her grandmother dedicated her life in medicine. Kaya habang nagbabasa roon, at bilang personal na kilala ang taong pinag-uusapan nila ay mas lalong nadudurog ang puso niya. Hanggang sa hindi niya namalayan ay basang-basa na ang cellphone niya sa dami ng luhang pumatak mula sa kanyang mga mata. Siguradong hindi rin iyon inaasahan ng lola niya, maayos itong umalis sa kanila, maayos na pumunta sa research institute, pero ganito ang nangyari..

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 289

    A few days off... O sa madaling salita ay suspended siya. Kapag pumayag siya, hindi ba't pag-amin na rin iyon na siya nga ang may kasalanan? Ibinaba ni President Yu ang letter sa may mesa. "Hindi ba talaga ikaw ang nagsulat nito, Czarina?" Kinagat ni Czarina ang ibabang labi. Ilang beses niya n

    last updateLast Updated : 2026-04-04
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 270

    "W-woah!" Napaatras si Jonas habang nakatingin sa kutsilyong hawak ni Czarina. "Chill, laro lang naman ito, bakit kailangang may ganyan pa na mangyari?" Kumurap-kurap si Czarina at muling nilaro ang kutsilyo sa kanyang palad. "Natalo ka lang, simpleng laro na lang ito bigla sa'yo?" Tinutok nito a

    last updateLast Updated : 2026-04-03
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 284

    Nagngitngit ang mga ngipin ni Chloe sa tanong na iyon ni Czarina dahil aminado siyang totoo iyon.Oo, natatakot siya.Natatakot siya dahil ibang-iba na si Zayden nitong mga nakaraan. Dati ay hindi naman ito nagagalit sa kanya kahit na anong gawin niya, dati naniniwala ito agad sa kanya kahit na wal

    last updateLast Updated : 2026-04-03
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 266

    Pagkababa nina Zayden at Calix sa kanilang sasakyan ay nakita agad nila ang dami ng tao. Sa mga ganitong pagkakataon ay naaagaw nila agad ang atensyon ng mga ito pero ngayon ay hindi. Abala ang lahat sa pagchi-cheer sa kung sino, ni wala halos lumilingon sa likod kahit naririnig ang mga sasakyan n

    last updateLast Updated : 2026-04-02
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status