"TECHNICALLY, kasal pa rin tayo. Hindi ba dapat lang na pumunta ka roon bilang asawa ko?" iritadong sabi ni Zayden. Ayos lang naman talaga kay Czarina na pumunta sa birthday party ni Grandma pero ang hindi niya gusto ay ang pagsisinungaling nila sa harap nito. "Hindi ko kayang magsinungaling sa kanya, Zayden." "Really? Ginawa mo na ng ilang beses tapos sasabihin mong hindi mo kaya?" Nalaglag ang panga ni Czarina. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig sa sinabi ni Zayden. Iniwas niya ang mga mata sa lalaki upang wala itong mabasa na ano mang reaksyon sa kanya. "Ano na naman ang gusto mong palabasin dito, Mr. Hart?" Humakbang palapit si Zayden sa kanya at napaatras si Czarina. Humakbang muli si Zayden at kinakabahang umatras ng dalawang beses ang babae. Hindi niya namalayang nasa kama na siya at napaupo siya doon nang muling umatras.Nakatayo na ngayon si Zayden sa kanyang harapan, nakatunghay sa kanya, umiigting ang panga at may bahid ng galit sa mga mata.Pigil na pigil ang hi
"GALING KA SA BAHAY NI ZAYDEN?"Pagod at hinang-hina si Czarina nang makarating sa bahay ng parents niya. Nang makita ang ina sa sala, nakapambahay ito at nanonood ng TV, ay wala sa sariling ibinaba niya ang bag sa sofa at ibinagsak ang sarili sa ina. She hugged her a bit tight. Agad nag-alala ang ginang dahil sa nakuhang reaksyon sa anak. At pagkatapos ng ilang segundo ay narinig na niya ang mahihinang paghikbi ni Czarina.Masakit para kay Mrs. Laude ang lahat, ang nakikitang nasasaktan si Czarina, ang naririnig na umiiyak ito, at ang paulit-ulit na nakikitang ipinipilit nito ang sarili kay Zayden. Pero hindi niya kayang pagbawalan dati ang dalaga dahil alam niya rin na si Zayden ang kasiyahan ni Czarina. Pero sa nakikita niyang sakit sa mga mata ng anak ngayon, gusto niyang pagsisihan na hinayaan niyang matuloy ang kasal ng dalawa."Ano'ng nangyari? May ginawa na naman ba si Zayden?" hindi nakatakas ang galit sa tono ni Mrs. Laude.Huminga nang malalim si Czarina bago kumalas sa ya
UMILING SI CZARINA. "Hindi ko alam ang sinasabi mo," sabi niya kay Chloe at humakbang na palayo nang higitin ni Chloe ang braso niya at muli siyang pinaharap rito."Aminin mo na, Czarina, dadalawa nalang tayo oh? Makikipagplastikan ka pa ba? Naghahanap ka lang ng atensyon, hindi mo naman kayang ituloy ang pananakot mo.""Aray, Chloe," daing ni Czarina at pilit inagaw ang braso sa babae pero sa halip ay hinigpitan pa iyon ni Chloe.Punong-puno ng galit ang puso ni Chloe lalo tuwing nakikita niya si Czarina. She used to be the best. Paboritong anak, paborito ng mga teacher. Pero mula nang maging kaibigan niya si Czarina noong high school ay nawala sa kanya ang lahat. Ang high school crush niya ay si Czarina ang gusto, ang mga teacher nila ay ito rin ang paborito.Si Czarina lagi ang may mas mataas na grade. At sa tabi nito, palagi lang siyang second best. Pagod na siya sa lahat ng iyon. Hanggang sa makilala nilang dalawa si Zayden. Unang nagkagusto si Chloe kay Zayden bago pa mahulog
NAMUMUO ANG MGA LUHA sa mga mata ni Chloe nang lingunin siya ni Zayden. Tinignan ni Zayden ang kamay ng babae at nakahinga ng maayos nang makita na wala naman itong galos. Hindi niya inaakala na magagawa iyon ni Czarina, na kaya nitong manakit ng tao. "May masakit ba sa'yo?" tanong ulit ni Zayden. "Magpahinga ka na muna. That's enough for the day."Hinawakan ni Chloe ang braso ni Zayden at hinaplos-haplos ito, tila pinapaamo ang lalaki."Huwag ka masyadong harsh kay Czarina. Alam mong mabait na tao iyon, siguro masyado lang siyang nasasaktan dahil ako lagi ang pinipili mo."Nagsalubong ang kilay ni Zayden. "Malamang ay ikaw ang pipiliin ko. After all, sa'yo naman talaga dapat ako ikakasal kung hindi lang sa pansariling interes niya."Sa loob ay nagsasaya na si Chloe. Gustong-gusto niya talagang naririnig iyon mula kay Zayden, na siya ang gusto nitong pakasalan at hindi si Czarina."Siguro hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na magdi-divorce na kayo kaya siya nagkakaganon.
NAGULAT SI VIKTOR nang makita ang pinsan niyang si Czarina na dire-diretsong pumasok sa opisina niya. Naroon siya ngayon sa office branch niya sa Makati. Two-storey building iyon na may basement. Maluwang sa loob, puno ng computer at mga taong nakatutok ang mga mata at atensyon sa computer. Sa second floor ay ang opisina, kung saan nagme-meeting kung may kailangan pag-usapan. Doon din ginagawa ang client meeting at pirmahan ng kontrata. Sa basement ay ang private office ni Viktor, doon walang ibang pwedeng pumasok maliban sa kanya. Lahat ng computer back-ups nila ay nandoon din sa basement. "Hi," humalik sa pisngi ng pinsan si Viktor at agad napansin ang nag-aapoy sa galit na mga mata ni Czarina. "Ano'ng nangyari?"Huminga nang malalim si Czarina at muling pumikit. Pagkatapos ng ilang segundo ay dumilat ito at diretso ang tingin kay Viktor. That look gave Viktor goosebumps. Parang alam na niya kung ano ang gusto ni Czarina sa mga oras na iyon."Wala ka bang ipapatrabaho sa akin, kuy
PAULIT-ULIT NA PINANOOD ni Zayden ang kuha mula sa CCTV. Naroon siya ngayon sa kanyang opisina at pagkatapos na pagkatapos ng meeting nila ay pinanood niya ang CCTV. Kita mula roon ang paglabas ni Czarina at ang paghatak ni Chloe sa babae. Nagpupumiglas si Czarina pero hindi siya binitawan ni Chloe. Nakita rin doon kung paano biglang nagbago ang mga pangyayari nang dumaan siya. Hindi alam ni Zayden ang mararamdaman. Madami siyang masasakit na salitang naibato kay Czarina kanina. Ngayon na wala naman pala itong kasalanan ay gusto niyang mag-sorry sa babae. "I regret loving you, Zayden. I regret being married with someone like you."Tila naririnig niya sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Czarina kanina. The pain in her eyes, her trembling voice...Huminga nang malalim si Zayden at napalunok. Nitong mga nakaraan ay aminado siya na puro si Czarina ang laman ng kanyang isipan. The guilt crept over his system. Hindi dapat napupunta ang isipan niya sa ibang babae, pakiramdam niya ay na
NAGMAMADALING PUMASOK si Czarina sa loob ng hotel. Madami ng tao roon nang makarating siya. Halos lahat ng dadali ay nandoon na at nag-uusap-usap. Nakaupo na ang mga ito at sama-sama sa isang mahabang mesa. It's a business dinner but also a private one. Hindi ka basta-basta makakadalo kung hindi ka naman imbitado. At isang tao lang ang pwede sa isang imbitasyon. "Nandito na pala ang unica hija ng mga Laude." Sinalubong ni Czarina ng tingin ang nagsalita. Nakilala niya agad iyon dahil business partner iyon ng dad niya. May katandaan na ang lalaki at mga sampong taon din ang agwat nito sa kanyang ama. Lumapit siya roon dahil doon nalang may bakanteng upuan. "Good evening po," magalang niyang sabi sa lalaki at yumuko rin para bumati sa mga nandoon. "Czarina Laude?" sabi ng isang ginang sa bandang gitna ng mesa. Tumitig ito ng ilang segundo sa kanya. "Wow, dalagang-dalaga ka na pala, hija. Teenager ka palang noong huli kitang nakita. You look fab by the way. Nice dress." "Alam na ag
"ANG TAGAL NG DALAWANG MATANDANG IYON," pabirong sabi ng nasa tapat niyang lalaki. Nagtinginan ang lahat sa pintuan at kuryoso rin ang mga matang sumunod doon ni Czarina. Hindi niya alam kung sino ang paparating. "Busy'ng busy ang mga Hart ngayon. Dire-diretso ang contract signing at business deals." Kumalabog ang dibdib ni Czarina nang marinig ang apelyidong iyon. Kung ganoon ay ama ni Zayden ang hinihintay nila? Hindi pa siya handa na makitang muli ang father in law niya matapos nilang magdesisyon ni Zayden na maghiwalay na. O alam naman kaya ng mga ito? O katulad ng gagawin nila kay grandma ay magsisinungaling din sila sa mga ito? Halos pagpawisan si Czarina sa kaba at agad nag-isip na ng pwedeng palusot para makapagpaalam agad mamaya. "Sorry po, we're late." Kung kanina ay malakas ang kabog sa dibdib niya ngayon ay halos magwala na iyon para makalabas. Nahigit niya ang hininga nang makita ang asawa. Simpleng puting long sleeves at dark pants lang ang suot ni Zayden
Tulala at namumula sa galit ang mukha ni Chloe habang nakatingin sa anunsyo sa kanyang cellphone. Ilang sikat na pahayagan at mga pages na madadaming likes ang nagsabi na nahanap at nabenta na raw ang snow lotus grass. Nanginginig ang mga kamay niya at hindi niya na namalayan ang pagtulo ng mga luha. Puno ng hinagpis ang puso niya. Pakiramdam ni Chloe ay iyon lang ang tanging paraan para mapaamo ang matanda na siyang tangi ding dahilan para makapasok ng maayos sa pamilya ni Zayden. "Wala na," sambit niya. "Tapos na, wala na, Zi... may nakakuha na ng snow lotus grass. Wala na akong pag-asa na tanggapin pa ng pamilya mo. Paano na 'to? Wala na..." Humihikbi siya habang nakatingin pa rin sa cellphone. "What's wrong?" mahinahong tanong ni Zayden, nag-aalala. "Bakit ka umiiyak? Ano'ng wala na?" Ipinakita ni Chloe ang isa sa mga post na nakita niya. 'Snow lotus grass, a rare herb, was sold for one billion' "Isang bilyon?" kunot-noong basa ni Zayden. Nanghihina pa rin siya p
"Seriously? Hatinggabi, Czarina? Ano'ng gagawin mo rito?" Sinundan ni Viktor papasok sa basement si Czarina. Kalmado lang ang mukha ng babae pero nagngingitngit ang kalooban nito. "Saan ka ba galing? Hindi ka ba hinahanap nila Tito?" pangungulit ni Viktor dahil kinakabahan na siya sa gagawin ni Czarina. Kapag seryoso ito sa isang bagay ay talagang gagawin niya ang lahat para magtagumpay. At iyon ang nakikita ni Viktor ngayon. She looks like she's about to destroy someone. Umupo si Czarina sa harap ng malalaking computer kung saan siya talagang nakapwesto. "May nakahanap na ba ng snow lotus grass?" tanong ni Czarina habang pumipindot ng kung ano sa key board. Nangunot ang noo ni Viktor. Snow lotus grass? Bakit kaya nabanggit iyon bigla ni Czarina? Interesado din ba ang pinsan niya roon? "What do you mean?" puno ng pagtatakang sabi ni Viktor at umupo sa katabing upuan habang nakatingin sa pinsan niya na wala ng emosyon ang mukha. "Akala ko wala kang interes na hanapin
"Hindi ako si Chloe, Zayden," pag-uulit ni Czarina nang ayaw pa rin siya pakawalan ni Zayden.Kinakabahan siya. Nasa proseso siya ng pagmo-move on at ang mga ganitong galawan ni Zayden ay hindi makabubuti sa puso niya."I..."Bago pa maituloy ni Zayden ang gustong sabihin ay malakas na bumukas ang pinto at sa gulat ay naitulak ni Czarina si Zayden ng buong lakas.Ang mas ikinagulat pa nito ay nang makita si Chloe sa may pintuan at masama ang tingin sa kanila.Bago pa makapagsalita si Chloe ay agad ng inalmahan ni Czarina ang iniisip nito."Don't get the wrong idea, Chloe," depensa ni Czarina. "Hinatid ko lang siya rito. Wala rin akong plano na mag-stay, naghihintay lang ako ng magbabantay. Aksidente lang kaming nagkita sa daan, lasing siya, at bigla nalang hinimatay."Pinanliitan ni Chloe ng mata si Czarina pagkatapos ay tinapunan ng matatalim na tingin si Zayden. Nanghihina pa rin ang lalaki pero sa halip na kay Chloe ang atensyon nito ay nakatitig lang ito kay Czarina na tila may na
Matapos i-check ng doctor ang lagay ni Zayden ay agad lumapit si Czarina rito. "Kumusta siya, doc?" nag-aalalang sabi ng babae habang pasulyap-sulyap kay Zayden. "Ayos lang siya. Magpapalagay lang ako ng IV para lumakas siya ng kaunti dahil medyo nanghihina siya. Mrs. Hart, kabisado mo na ang pasyente, alam mo na ang lagay niya. Maging maingat siya sa mga kinakain niya." Mahinang tumango si Czarina. Pamilyar ang doctor na iyon sa kanya dahil madalas na iyon ang attending physician sa tuwing tumatakbo sila rito sa hospital, iba pa ang personal na doctor ng pamilyang Hart. Pagkalabas ng doctor ay lumabas din si Kevin para bumili ng gamot na kailangang inumin ni Zayden. Walang nagawa si Czarina kung hindi manatili roon para magbantay. Umupo siya sa tabi ni Zayden. "Ayan, akala mo kasi isa kang makapangyarihang tao na hindi nagkakasakit," nakairap na sambit ni Czarina kahit tulog naman ang kausap niya. "Hanggang ngayon ba naman hindi mo pa rin maalagaan ng maayos ang kalusugan mo?"
Walang pagdadalawang-isip na tumakbo si Czarina patungo sa nakahandusay na katawan ni Zayden sa gilid ng kalsada.Kinakabahan siyang lumapit, umupo sa tabi nito, at akmang hahawakan na niya ang lalaki nang bigla siyang natigilan. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa isa pang tao na naroon.Si Kuya Kevin, ang long-time driver ni Zayden, na siyang naunang lumapit.Nanginginig ang mga labi at hindi malaman ni Czarina ang gagawin. Tumalikod na siya kanina at hindi na dapat siya lumingon. Bumalik ang tingin niya kay Zayden, namumutla ang mga labi nito ganoon din ang buong mukha niya. Kunot ang noo na parang may iniindang sakit at ang kamay ay nakahawak sa kanyang tiyan. Kinabahan si Czarina, alam niya na madalas sumasakit ang tiyan ni Zayden, kaya todo alaga rin siya rito lalo kapag umiinom ang lalaki."K-kaya mo naman na ito, Kuya Kevs, 'di ba?" tanong niya."Ma'am!" tarantang sabi ni Kevin. "Tulungan niyo nalang po ako maihatid si Sir sa hospital, wala ring magbabantay sa kanya roo
Tinakpan ni Zayden lahat ng ilaw na tumatama sa mukha ni Czarina. Hindi niya inaalis ang titig sa mukha ng babae. Ibinaba niya ng kaunti ang sarili upang mas mapalapit kay Czarina."Answer my question, Czarina," malamig na sabi nito.Amoy na amoy ni Czarina ang alak sa bawat pagbuga ng hininga ni Zayden lalo na ngayon na sobrang lapit nito sa kanya.Sigurado siyang napadami ng inom ang lalaki.At ano ba ang trip nito para puntahan siya ng ganitong oraa, lasing, at tanungin siya ng kung ano-ano?Czarina pursed her lips lightly. Pagkatapos ay inangat niya ang mukha at walang emosyon ang mga matang tumingin kay Zayden."Pribadong bagay na iyan, Mr. Hart. Hindi ko naman kailangang ipaalam pa sa'yo 'yan, hindi ba?"Itutulak na sana ni Czarina si Zayden pero lalo lang siyang idiniin ng lalaki sa pader at binigatan lalo ang sarili para hindi makatakas si Czarina."Isa pa, Zayden, tatawag na ako ng pulis," malakas na sabi ni Czarina, kunot ang noo, at kita na ang pagkairita.Tumalim ang tingi
"Adrian, sorry talaga. Sa halip na masaya lang ang araw na 'to, naiipit ka pa sa sitwasyon namin nila Zayden."Nasa labas ng bahay nila Czarina sina Czarina at Adrian. Nakasandal sa sasakyan niya ang lalaki habang nakaharap kay Czarina.Ngumiti si Adrian at tumango. "Wala iyon, Czarina, ano ka ba?"Ngumuso si Czarina. "And thank you..." Kinagat niya ang ibabang labi at yumuko, nakatingin sa mga daliri niya na kanina niya pa nilalaro. "Ang totoo ay hindi ko alam ang gagawin doon kanina kung wala ka." She faked a laugh. "Baka mag-walk out nalang ako at umiyak sa gilid."Bumuntong-hininga si Adrian. Ramdam niya ang babae lalo na't nasaksihan niya na ng ilang beses ang ginagawa nila Chloe sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay gusto niyang yakapin si Czarina at pagaanin ang loob nito ngunit pinigilan niya ang sarili.Wala pa siya sa sitwasyon para i-comfort ng ganoon ang babae at ayaw niya naman na bigla nalang itong mailang sa kanya gayong nagiging close palang sila."You're welcome," may lun
Mainit ang mga mata ni Zayden habang binabasa ang mga komento sa article tungkol kay Czarina at Adrian. 'In fairness, bagay naman talaga sila.' 'Buti hiniwalayan ni Czarina Laude si Mr. Hart, halata namang red flag yung guy. Lagi nga'ng kasama yung anak ng mga Smith.' 'We stand with women who knows their worth.' 'Pakasal na sana sila talaga' Pabagsak na hinagis ni Zayden ang cellphone sa may mesa at kinuha ang baso na may lamang alak. "Daming hate comments, tsk," sabi ng kaibigan niya. "Pero may point naman yung iba dito. Bagay naman talaga si Czarina at Adrian, grabe rin ang chemistry ng dalawang iyon." Dahan-dahang umangat ang mga mata ni Zayden kay Calix. Ang mga mata nito ay parang mangangain. "Bakit?" inosenteng tanong ni Calix. "May masama ba sa sinabi ko?" "Really, man?" malamig na sabi ni Zayden. "Ayaw mo na bang sikatan ng araw?" Ngumuso si Calix at iniwas ang tingin kay Zayden habang bumubulong pa rin. "Wala namang mali sa sinabi ko, ah? Hindi ko naman
Abala si Calix sa pakikipaghalikan sa nakakandong sa kanyang babae nang dumating si Zayden. Tinapunan siya ng masamang tingin ni Zayden. Pinagapang niyang muli ang dalawang kamay sa halos wala ng saplot na katawan ng babae bago binalingan ang kaibigan."Chicks, bro?" offer niya rito at sa halip na matuwa ay lalong tumalim ang tingin ni Zayden kay Calix."Fvck. 'Wag mo akong simulan," iritado at nakairap na sabi ni Zayden bago pasalampak na umupo sa sofa ng exclusive club kung nasaan sila ngayon.Tinapik ng mahina ni Calix ang babae na parang inuutusan ito na umalis muna at iwan sila. Nakasimangot man pero sumunod pa rin ang babae at nagnakaw pa ng huling halik bago nawala."Base sa reaksyon mo ngayon, I assume nabasa mo na ang mga balita?" sabi ni Calix habang nagsasalin ng alak sa malinis na baso sa mesa. "Ano'ng balita?" salubong ang kilay na tanong ni Zayden."Huh?" takang saad ni Calix. "Hindi mo pa nababasa? Eh, bakit ganyan ang mukha mo? Nag-away na naman kayo nung kabit mo?"N