Mag-log inGusto niya pa bang tumuloy sa abroad? That's a good question. Dahil sa mga oras na iyon ay umaapaw ang galit niya kay Chloe. Nai-imagine niya ang mukha nitong nakangisi sa kanya na tila naisahan siya. She wants to slap that face right now. Halos ito pala ang rason sa lahat ng sakit na dinanas niya sa loob ng maraming taon. That scheming b*tch. Nag-announce ng muli ng flight number nila at ilang minuto nalang ay kailangan na nilang umalis. "Si Zayden ba..." Nilingon ni Czarina si Kyle. "Alam na niya ito?" Bago pa makasagot si Kyle ay may nagsalita na sa likod nila. Sabay-sabay na napalingon ang tatlo. "I didn't know then," the man said in trembling voice. "Ngayon ko lang din nalaman, Czarina." Suot pa rin ang hospital gown ay basang-basa ngayon si Zayden sa harapan nila. Magulo ang buhok at halatang nanghihina. His face was pale, and his eyes are unusually dark and deep. The every mighty Zayden Hart is now nothing but a simple man drowning in sorrow in front of them. H
"Alam mo, bilib talaga ako sa'yo. Iniligtas mo si Zayden, inialay mo ang buhay mo para sa kanya pero hindi mo man lang iyon sinabi kahit minsan sa kanya. Why?" Alam niyang halos lahat ng nakakaalam sa nangyari ay tinatanong sa kanya iyon, kung bakit hindi niya sinabi. Maski siya ay hindi niya alam ang totoong rason. Siguro takot siya na hindi maniwala si Zayden? O takot siyang piliin siya ni Zayden dahil lang sa utang na loob? Hindi niya alam.Siguro nagtataka sila kung paano niya nagawa na hindi sabihin iyon sa loob ng maraming taon. Siguro dahil may parte sa kanya na umaasang alam iyon ni Zayden kahit hindi niya sabihin.Habang nakatingin si Kyle kay Czarina ay hindi niya maiwasang humanga sa babae. She's not a martyr, she's just in love. At iyon yung uri ng pagmamahal na hindi naninira, hindi nang-aangkin... yun yung uri ng pagmamahal na hindi mo basta-basta makukuha sa iba.He knew at that moment that Czarina's feelings for Zayden is genuine. Sinayang nga lang iyon ng kaibig
"Mom, kaya ko na ang sarili ko, okay? Huwag na kayo masyadong mag-alala." Ka-video call ngayon ni Czarina ang mga magulang. Gusto nilang ihatid siya pero pinilit niyang huwag na, mas mabuti pang magpahinga nalang ang mga ito sa bahay. Ngayon ay kausap niya ang mga ito dahil delayed ang flight niya. Umupo siya sandali at napabuntong-hininga. Kita niya ang lungkot at pag-aalala sa mga mata ng ina kahit sa screen lang iyon. Aalis na naman siya, iiwan na naman niya ang pamilya. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na dahil sa sobrang pagmamahal sa iba, sa pagkakataong ito ay para na sa kanyang sarili. Nakasuot siya ngayon ng plain white na shirt at pinatungan niya iyon ng kulay grey na trench coat. Simple and elegant. She really looks like an expensive girl who can make everyone hold their breath for a second. "Mom, tatawag-tawag ako, palagi, okay? At kapag may pagkakataon ay uuwi ako at bibisita." Wala na rin namang nagawa ang ina niya at tumango na lamang. Czarina smiled. "Si lol
("Sir, delayed ng isang oras ang flight ni Ma'am Czarina dahil sa lakas ng ulan, aabot pa tayo,") turan ni Kevin pagkasagot ni Zayden ng tawag. ("Sir, bakit hininto niyo ang sasakyan? May problema ba? Nakasunod ako sa'yo.") Ilang segundo pa ay may nag-park na sportscar sa tabi ni Zayden. Hindi na nagsalita ang lalaki at sa halip ay mabilis na binuksan ang pinyo ng kanyang sasakyan at lumabas. Lumabas din si Kevin ng sasakyan upang tignan ang sitwasyon. "Mamaya na iyan, pumunta na muna tayo sa airport," sabi ni Zayden sa assistant niya at nagmamadaling pumasok sa loob. Napag-isipan niya na kung ano ang dapat na gawin. He needs to go the airport, apologize and explain. Kung ano man ang sasabihin ni Czarina, kung ano man ang gagawin nito, ay tatanggapin niya. Kahit hindi siya nito patawarin. He needs to face her. Sinilip pa minsan ni Kevin ang sasakyan ni Zayden bago tuluyang pumasok. Napansin niya na may nangyari dahil may crack ang salamin nito sa harapan at nasira rin ang
Sa pagkakaalam ni Zayden ay hindi naman ganoon kalayo ang pinanggalingan niya sa airport. Pero sa hindi maunawaang pangyayari ay parang napakalayo no'n ngayon. Pakiramdam noya ay mas lalo siyang lumalayo habang tumatagal. Ilang beses na niya nahampas ang manibela sa inis at nasisi ang sasakyan dahil pakiramdam niya'y bumabagal na ito. Alam niyang walang kasalanan ang mga kasabayan niya sa daan pero hindi rin nakaligtas ang mga ito sa sama ng tingin niya. Paubos na ang enerhiya niya pero hindi niya pa iyon ramdam dahil mas importante sa kanyang makarating sa airport. Muli niyang kinuha ang phone niya dahil hindi siya mapakali. He dialled her number once again. Pero hindi na niya ito tuluyang ma-contact. Mukhang hindi na nakasalpak ang sim na iyon sa phone ni Czarina o kaya ay nagpatay na ito ng cellphone. "Damn it," puno ng paghihinagpis na sabi niya. Paulit-ulit na umuulit sa isipan niya ang mga sinabi't ginawa niya kay Czarina. What can he do now? Nothing. "Please, Cza,
Malakas na ang ulan nang makasakay si Zayden sa kanyang sasakyan. Napatingin siya sa kalangitan nang biglang kumulog nang malakas at may ilang sigawan na naganap sa paligid dahil sa gulat. Pabigat nang pabigat ang bawat patak na dumadapo sa sasakyan. "Where is she?" his voice is tired and weak. Para bang inilaan niya ang natitira niyang enerhiya para tanungin iyon. Mabigat ang paghinga niya kasing bigat ng bawat patak ng ulan. Nilingon siya ni Kevin na nasa driver seat na at kasalukuyang pinaaandar ang sasakyan. "Kasalukuyang nasa airport na sa oras na ito si Ma'am Czarina, sir," mabigat ang damdaming sagot ni Kevin. Halos mawalan ng kulay ang mukha ni Zayden. "Airport? Ano'ng ibig mong sabihin?" Tumingin si Kevin sa kanyang relo. Alam niya ang oras ng flight ni Czarina dahil sinadya niyang alamin iyon para kung sakaling tanungin siya ng boss niya. Pero mukhang huli na sila. "Isang oras nalang bago ang take-off ng eroplano niya, sir, mukhang hindi na po tayo aabot."
Pakiramdam ni Czarina ay mas lalong nadurog ang puso niya sa nasasaksihan. Pero hindi tulad ng dati ay hindi niya na hahayaang makitaan siya ng kahit kaunting reaksyon tungkol doon. Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Inatras niya ang card na hawak niya at muling ibinalik sa bag. Si
"Buksan mo ang pinto!" nilingon ni Czarina si Zayden at tinapunan ito ng matalim na tingin. "Bilisan mo!" Hindi siya pinansin ni Zayden. Dahil doon ay mas lalong nainis si Czarina at pinagpilitan ang gusto niya na lumabas ng sasakyan, pero sa lalong pagpipilit nito ay lalong hindi binuksan ni Zayd
Nang marinig ang mga salitang iyon ay iisa lang ang pumasok sa isipan ni Czarina... na iba ang tingin sa kanya ni Zayden, na inaakala nito na isa siyang malanding babae na naghahanap lang ng kung sino-sinong lalaki. "Saan ako pupunta? Maghahanap ako ng matangkad na basketball player, masarap kasa
Nang maka-park na sila ng sasakyan sa harap ng bahay nila Zayden ay dahan-dahan nitong binuhat si Czarina. Naalimpungatan si Czarina at unti-unting dumilat. "Hmmm," aniya habang ina-adjust ang paningin sa ilaw. May mga anesthesia na tinusok sa kanya na marahil ay dahilan kaya inaantok pa rin siy







