Share

Chapter 4

Penulis: Ms. Rose
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-14 21:02:52

“ Ano iyon sabihin mo. Normal lang naman sa mga ikakasal ang may requirements”

Huminga nang malalim si Marcus. Nagulat si Beatrice. Hindi niya akalain na ang lalaking kinatatakutan ng lahat sa Ka Maynilaan ay napakadaling kausap?! Huminga nang malalim si Beatrice at ipinaliwanag: “Gusto ko ng isang maliit na bahay. Hindi kailangang malaki ang lugar, kahit maliit na apartment lang ay ayos na. Dapat nakasulat ang pangalan ko sa titulo ng ari-arian. Pagkatapos ng kasal, ayaw kong tumira sa lumang bahay; gusto ko lang tumira sa maliit na apartment. Kung maghihiwalay tayo sa hinaharap… ang bahay ay dapat mapasakin.”

Gusto niyang tiyakin na magkakaroon siya ng seguridad para sa hinaharap. Nang marinig ni Marcus ang salitang “hiwalay,” parang may tumusok sa puso niya at tinanong: “Ano naman ang pangalawang kundisyon?”

“Kapag nagpakasal tayo, gusto kong ilipat ang aking pangalan sa household registration.”

Talagang ayaw na niyang magkaroon ng masyadong maraming kaugnayan sa kanyang pamilya, kaya’t lalo niyang kailangan ng bahay upang mailipat ang kanyang pangalan sa rehistro. Ngunit hindi niya sinabi ang mga salitang ito. Matapos maghintay nang ilang sandali, narinig ni Beatrice ang malumanay na boses ni Marcus.

“Bea, huwag kang mag-alala. Bagamat may kapansanan ako, may pera pa rin ako para bilhan ka ng bahay.”

Habang sinasabi ito, tumingin siya kay Carlos. “Agad na ilipat ang pagmamay ari ng bahay sa Forbes Park sa Makati sa pangalan aking asawa.”

“Sige po.”

Tumugon si Carlos at tumawag sa telepono upang ayusin ito. Nang marinig iyon, napamulagat si Beatrice sa gulat. Ang Forbes Park , iyon ba ang ari-arian malapit sa kanyang paaralan? Iyon ay isang bahay sa pangunahing lokasyon, at mahirap makahanap ng ganoon. Kahit maliit na bahay ay nagkakahalaga ng sampu-sampung milyon, at basta na lang iyon ibinigay sa kanya?

Nasa ulirat pa siya nang dumating ang kotse sa Civil Registrar Office. Pagkababa ni Beatrice sa kotse, isang maliit na matabang lalaki ang tumakbo papalapit nang habol ang hininga, may hawak na briefcase, at iniabot iyon kay Carlos.

“Carlos, bilisan niyo… bilisan niyo ito.”

Tinignan iyon ni Carlos at iniabot nang may paggalang kay Beatrice gamit ang dalawang kamay: “Madam, ito ang titulo ng ari-arian na ibinigay sa inyo ng senyorito, pakiusap tanggapin ito. Dagdag pa, ang household registration booklet ay nakuha na rin mula sa inyong bahay, at ito’y aayusin mamaya.”

Nanghina si Beatrice sa gulat na hindi siya makapagsalita. Tulala niyang kinuha ang titulo ng ari-arian. Nitong mga nakaraang araw, puno siya ng kaba, parang nasa ere, ngunit sa sandaling ito, naramdaman niya ang kakaibang seguridad. Hindi niya akalaing ang bihirang pakiramdam ng seguridad na ito ay ibibigay ng tiyuhin ni Albert.

Nakaramdam si Beatrice ng kaunting hapdi at pait sa kanyang puso. Pinipigil ang emosyon, sinabi niya, “Pangako ko, aalagaan kita nang mabuti sa hinaharap.”

“Sige.”

Masayang ngumiti si Marcus. Itinulak ni Beatrice ang wheelchair ni Marcus papasok sa Civil Registrar Office. Sa ilalim ng gabay ni Carlos, mabilis nilang nakuha ang kanilang marriage certificate. Pakiramdam ni Beatrice ay parang nananaginip siya sa buong proseso, at hindi niya napansin na ang lalaking may malamig na mga itsura ay magpapakita ng bihirang ngiti habang kinukuhanan sila ng larawan para sa kasal.

Matapos makuha ang maliit na pulang libro, hindi pa niya ito natititigan nang maayos nang agawin ito ni Marcus. “Ipapasa natin ito kay Carlos para sa pag-aayos ng household registration. Dadalhin kita pabalik sa pamilya Aragon upang kunin ang mga kinakailangan mong kagamitan.”

Si Marcus ay nagpatuloy sa kanyang seryosong paliwanag, ngunit sa loob-loob niya ay iniisip niya: Nagbibiro ka ba? Itatago mo ang sertipiko para magamit mo sa pag-divorce? Hindi mangyayari ang divorce!

Tumango si Beatrice at sinabing, "Sige." Dumating agad ang sasakyan sa bahay ng pamilya Aragon. Pagdating nila sa harap ng pintuan ng bahay, hindi na inaya ni Beatrice si Marcus na sumama pa sa kanya sa loob ng bahay. “ Dito na muna kayo mabilis lang ako kukunin ko lang ang mga kailangan ko”

Pagpasok niya sa sala, nakita niya agad ang kanyang ama at ina na nakaupo sa sofa na parang matagal nang naghihintay.

"Ma, Pa, mag-iimpake lang ako ng ilang gamit."

Habang sinasabi niya iyon, tumalikod siya upang umakyat sa itaas.

"Tumigil ka diyan!"

Tumayo ang ama ni Beatrice na puno ng galit at hinarang siya. Bago pa man makagalaw si Beatrice, isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi mula sa palad ng kanyang ina. Ang tunog ng sampal ay umalingawngaw sa buong sala, kasabay ng malakas at galit na boses.

"Beatrice, anong klaseng kahihiyan ito! Nakipagrelasyon ka sa tiyuhin ni Albert? Wala ka bang kahihiyan? Kung gagawin mo ito, paano na makakapag-asawa  ng isang Villamor si Abby?"

Napangiti ng malamig si Beatrice. Ang totoo, si Abbu ang hindi pwedeng magpakasal sa pamilya Villamor. Iyon ang tunay na iniintindi nila. Matagal na niyang alam ang plano ng kanyang pamilya na sirain ang kanyang reputasyon upang maipasok si Abby bilang kapalit. Kahit na batid na niya ito, ramdam pa rin niya ang sakit sa puso. Habang iniisip niya ang lahat, lalo siyang nadudurog at napatigil na lamang. Hindi na niya napigilang sumagot nang may galit.

"Hindi ako nakipagrelasyon sa tiyuhin ni Albert! Biktima rin dito!"

"Biktima? Anong klaseng biktima?"

Tumaas pa lalo ang boses ng ina ni Bea, puno ng pang-aakusa.

"Kung wala kang ginawang masama, bakit ka napunta sa sitwasyon na iyon? Hindi ka irerespeto ng iba kung hindi mo rerespetuhin ang sarili mo!"

Ngunit hindi napigilan ni Beatrice ang kanyang galit. Tinitigan niya ang kanyang ina habang luhaang sinasabi, "At bakit ako napunta sa bahay ng iba? Hindi ba't alam mo ang dahilan?"

Mas matigas ang tono niya ngayon. Gusto niyang makita kung may bakas ng pagsisisi sa mukha ng kanyang ina, ngunit wala. Sa sandaling iyon, sumabog ang lahat ng galit at sakit na matagal niyang kinikimkim.

"Palagi nyo akong nilalagay sa kahibiyan! Hindi ko na kaya ang ganito!"

Ngunit mas lalong nagalit ang kanyang ina sa biglaan niyang pagtutol.

"Anong klaseng tingin 'yan? Sa tingin mo ba tama ka? Sinira mo ang kasunduan kay Mr. Zaragosa, kaya kami ang naglilinis ng gulo mo!"

Habang nagsasalita, itinaas ng kanyang ina  ang kamay upang sampalin muli si Beatrice. Ngunit sa pagkakataong ito, mabilis na hinawakan ni Beatrice ang pulso ng kanyang ina.

"Ma, nasa labas si Marcus! Sigurado ka bang gusto mo akong saktan at ipahiya sa kanya?"

Natigilan si Lucy ang ina ni Beatrice. Narinig niya na ang pangalan ni Marcus, kaya mabilis niyang binawi ang kanyang kamay. Umakyat si Beatrice upang mag-empake nang hindi lumilingon. Kaunti lang ang kinuha niyang gamit—mga libro, mahalagang dokumento, at teaching materials lamang. Hindi niya kinuha ang mga bagay na hindi naman niya gusto, lalo na ang mga pinaglumaan ng kanyang mga kapatid.

Pagbaba niya, narinig niya ang galit na boses ng kanyang ama.

"Ang ibang pamilya, kapag nag-aasawa ang mga anak nila, may dote silang natatanggap. Bakit parang palugi ang pagpapakasal ng anak ko? Nasaan ang dote?"

Sa sandaling iyon, biglang pumasok si Marcus, tinutulak ni Carlos ang wheelchair niya. Nang makita niya ang bahagyang namumula at sugatang pisngi ni Beatrice, ang malamig niyang mga mata ay napuno ng galit.

Nanigas si Beatrice. Napansin ni Carlos  ang pagbabago sa ekspresyon ng kanyang amo, kaya agad siyang sumugod upang magpaliwanag.

"Senyorito, nag-alala po ako na baka masyadong maraming bibitbitin si Madam kaya baka nais niyang magpatulong."

Pulang-pula ang mga mata ni Beatrice. Napapaso ang pisngi niya, at pakiramdam niya ay napahiya siya. Hindi niya magawang tumingin kay Marcus. Dinala niya ang kanyang maliit na bag at mabilis na lumapit kay Marcus. Mahigpit niyang hinawakan ang wheelchair at sinabi, "Tapos na po ako. Tayo na."

Habang sinasabi ito, sinubukan na sanang itulak ni Beatrice si Marcus. "Sandali lamang."

Iniangat ni Marcus ang kanyang kamay upang pigilan siya, at itinulak ang kanyang salamin gamit ang kanyang mahahabang daliri, na iniisip na kailangan niyang panatilihin ang kanyang mahinahon at eleganteng personalidad sa oras na ito. Bahagyang ngumiti siya at tumingin sa mga magulang ni Beatrice. Ngunit ang tingin  niyang iyon ay nagbigay ng kilabot sa mga magulang ni Beatrice. Pinipigilan ni Marcus ang kanyang nararamdamang galit, at tinapik ang likod ng kamay ni Beatrice, at nagsalita, "May punto ang iyong ama. Tama lang na humingi ng dote o regalo ang iyong magulan  kapag ikinasal ang anak. Kasalanan ko na hindi ko ito naisip."

"Marcus."

Nag-aalala si Beatrice at ayaw niyang gawin ito ni Marcus upang maging dahilan para abusuhin ng kanyang magulang ang kabaitan nito. Patuloy pa rin niyang tinatapik ang likod ng kamay ni Beatrice at sinabi ng mahinahon, "Alam ko ang aking hangganan."

Habang sinasabi ito, tumingin si Marcus kay Oscar, ang ama ni Beatrice: "Ama, magkano ba ang dote na sa tingin mo ay angkop?"

Si Oscar ay mahilig magbitiw ng mga salita, ngunit hindi naman talaga niya nais makipag usap ng maayos kay Marcus na nooy kinatatakutan sa buong ka Maynilaan. Bagaman ang lalaki ay kasalukuyang may kapansanan at wala nang pagkakataong maging lider ng Villamor Group, may natitirang kapangyarihan pa rin siya. Hindi ito isang tao na kayang apak apakan ni Oscar. Mahirap na ngumiti siya at nagpaunlak, "Marcus, ibigay mo kung anong sa tingin mo ay naaangkop. Tingnan mo na lang ang presyo sa merkado at ibigay kung kaya."

Tumango si Marcus pagkatapos mag-isip. "Pangako ko na kay Bea na bibigyan ko siya ng bahay sa Forbes ngayong umaga. Pag-iisipan ko kung ano pang maaari kong idagdag sa dote."

Sa puntong ito, pumasok si Abby sa sala, nag iinat pa ito at narinig ang lahat ng ito. Agad syang napadilat at napaawang ang bibig sa sobrang gulat. "Bahay sa Forbes? Isa ito sa mga luxury houses sa Makati!"

Excited nyang kinapitan ang braso ng ina at nagsabi, "Mommy, gusto ko pong tumira duon”

Sinabi ni Abby nang buong kasiyahan, "Mommy, alam mo ba, may kaibigan ako, binilhan siya ng bahay ng pamilya niya roon, sobrang garbo!"

"Okay, okay."

Sumang-ayon si Lucy nang hindi nag-iisip. Masayang hinalikan ni Abby ang pisngi ng kanyang ina, "Ang saya, salamat Mommy. Mommy ang pinakabait sa akin! Pag lumipat na tayo roon, mag-iimbita ako ng mga kaibigan ko at maghahanda kami ng party. Siguradong maiinggit sila sa akin!"

Sumimangot si Beatrice, hindi na nagulat, pero naramdaman pa rin niya ang sakit sa kanyang puso. Para sa lahat ng tao sa pamilya na ito, normal lang na ibigay sa kanyang kapatid ang mga bagay na ito. Kung tatanggi siya, ibig sabihin mali siya, hindi siya marunong magpasalamat, at hindi siya marunong maging isang mabuting ate! Napansin ni Marcus si Beatrice na nakayuko at naramdaman niyang para siyang tinusok ng makalawang na kutsilyo sa puso. Gusto niyang hilahin ang lahat ng tao sa harap niya at pagsasampalin sila. Pero hindi niya magawa, hindi pwedeng mabasag ang personalidad niya! Pinipigilan ang galit sa kanyang dibdib, kumuha si Marcus ng dokumento mula kay Carlos at iniabot ito kay Lucy. "Paano kung magbigay tayo ng ibang lupa bilang regalo? Tungkol naman sa halaga ng dote, hindi ko alam kung magkano ang nararapat. Paano kung 100,000,000.00?"

Pagkasabi ni Marcus, napatitig si Lucy sa kanya ng gulat.  Ang ina at kapatid ni Beatrice ay parehas  ang ekspresyon ng "yaman." Hindi nila inisip na makakakuha sila ng ganitong kalaking halaga ng regalo mula sa malas na ito! Napayuko si Beatrice tinapik ng kanyang mga  kamay sa balikat si Marcus sa gulat. Bago pa siya makapagsalita, inabot ni Marcus ang kanyang kamay at pinisil ito ng dalawang beses. "Huwag ka nang magsalita. Tama ang tatay mo. Paano ka mag-aasawa kung walang dote? Kung kumalat ito, mawawala ang reputasyon ko sa ka Maynilaan!"

Nang marinig ito, tinignan ni Oscar si Beatrice ng masama at sinabi, "Tama! Hindi ka pwedeng maging ganun kabastos! Sino ba si Marcus? Kung kumalat na hindi siya nagbigay ng betrothal gift, papaano iyon?"

Tumango si Marcus, "Kung ganun, ama, magkano naman ang ibibigay mong dowry? Sa akin naman, hindi ko pinagtitiwalaan ang pamilya ng asawa ko para magkamal ng yaman. Sa totoo lang, basta't may token of appreciation lang kayo, okay na."

"Tama!"

Sumang-ayon si Oscar at tiningnan ang buong living room, "O kaya, magbigay na lang kayo ng ilang antigong gamit bilang dowry. Ang senyorito ay nagbigay ng higit sa 100 milyon peso, kaya't hindi naman tama na wala akong ibabalik, 'di ba?"

Sa huli, ayaw nila talagang maglabas ng pera na naipon na nila, ngunit wala naman talagang may maipagmamalaki ang pamilya Aragon. Ang mga antigong gamit na binili niya sa mataas na presyo ang tanging ginagamit nilang pang-show off sa living room. Tumingin si Marcus kay Beatrice at tinanong, "Gusto mo ba ng mga antigong ito?"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle   chapter 744

    Sa bahay ng mga Salazar, biglang pumutok ang panubigan ni Beatrice. Napaupo siya sa sofa, nanlalaki ang mga mata. Si Marcus, na noon ay nagkakape pa, ay halos maibuga ang iniinom."Naku, Beatrice! Anong gagawin ko?!" sigaw niya habang paikot-ikot na parang nawawalang bata sa palengke. Sa sobrang gulat, ang una niyang nahawakan ay ang remote ng TV imbes na cellphone.Mabilis niyang tinawagan ang kanyang mga biyenan, sina Ginoo at Ginang Salazar, na nanonood lang ng telenovela sa sala."Ma! Pa! Si Beatrice! Pumutok na! Este... panubigan niya!" halos mapasigaw si Marcus.Napabalikwas si Ginang Salazar. "Ano?! Bakit hindi mo agad sinabi?!""Sinabi ko na nga po 'di ba?" sagot ni Marcus, habang pilit hinahanap ang susi ng sasakyan sa ilalim ng throw pillow.Samantala, ang mga kapatid ni Beatrice—sina Pablo, Stell, at Justin—ay parang mga contestant sa isang game show: nag-uunahan kung sino ang tatawag sa ospital, pero pare-parehong nahulog ang cellphone sa sahig."Ano ba 'to, emergency o fa

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle   Chapter 743

    Damang-dama sa buong bahay ang kasiyahan—may tawanan, kwentuhan, at masaganang hapunan. Sa gitna ng kasayahan, hindi na rin napigilan ni Beatrice na ibahagi ang magandang balita sa kanyang matalik na kaibigan.Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad na tinawagan si Genna."Best, may ibabalita ako sa’yo!" bungad ni Beatrice nang sagutin ni Genna ang tawag."Best! Mukhang sobra kang masaya ah," natutuwang sagot ni Genna mula sa kabilang linya."Oo, Best! Promise, sobrang good news ito. Punta ka dito sa bahay ng mga Villamor. Ipinasundo na kita kay Carlos."Nagmadali si Beatrice at tinawag si Carlos. "Carlos, pakisundo si Genna. Sabihin mong dito siya sa bahay pupunta, importante."Muling bumalik si Beatrice sa tawag."Hintayin mo si Carlos, ha? Dito na lang kita kukuwentuhan. Hindi ko kayang itext lang 'to."Pagkadating ni Genna sa mansyon, hindi niya napigilang mamangha sa laki at ganda nito. Noon lang siya nakatuntong sa bahay ng mga Villamor, at para sa kanya, tila ito'y isang pal

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle   Chapter 742

    “Okay, eto na ang resulta,” mahinahong sabi ni Robert habang hawak ang sobre ng DNA test. Ramdam ang tensyon sa buong sala—lahat ay pigil hininga, tila tumigil ang oras.Marahan niyang binuksan ang sobre at inilabas ang dokumento. Tumingin muna siya sa mga mata ni Beatrice at ng mag-asawang Salazar bago siya muling nagsalita.“Ayon dito, 99.99% match ang mga DNA samples. Ibig sabihin... si Beatrice ay anak ng mga Salazar.”Sandaling katahimikan ang namayani, saka sumabog ang emosyon. Napatakip sa bibig si Beatrice, mga luha’y kusang bumagsak sa kanyang pisngi.“Oh my God... sobrang saya ko po. Kayo po pala talaga ang tunay kong pamilya,” nanginginig na tinig niya habang niyakap si Mrs. Salazar ng mahigpit. “Matagal ko na pong pinangarap ang ganitong klaseng pamilya…”Hindi napigilang mapaluha rin si Mrs. Salazar habang yakap-yakap ang nawawalang anak. “Anak… anak ko…”Isa-isa namang lumapit ang buong pamilya Salazar. Si Justin, ang bunso, ay halos tumalon sa tuwa.“Ate! Sobrang saya k

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle   Chapter 741

    Sa bahay ng mga Salazar, maagang dumating ang mag asawang Beatrice at Marcus. Agad silang sinalubong ng masayang si Mrs. Salazar. Excited din si Beatrice na makita ang matandang babae. Ang matandang babae na malaki ang posibilidad na kanyang tunay na ina.“Ninang, meron po akong sasabihin sa inyo.” Iginiya sya ng kanyang ninang sa may sofa at malumanay na nakinig sa kanya.“Ipinagtapat po sa akin ni Marcus na napag alaman nyang hindi po ako tunay na anak ng mga Aragon. Alam ko din pong alam na ninyo iyon. Ninang, malaki po ang posibilidad na kayo ang aking mga tunay na magulang”, excited nyang wika.“Beatrice, maari tayong mag patest. Malakas din ang aking pakiramdam na ikaw ay anak ko. Kung hindi man, ganoon pa din ang magiging treatment namin sa iyo”, wika ng ginang.Agad na inutusan ni Marcus si Carlos na dalhin ang mga sample ng buhok nina Mrs. Salazar at Beatrice sa laboratoryo ng kanyang kapatid. Dali daling pumunta si Carlos sa laboratoryo ni Robert at dinala Ang mga Samples

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle   Chapter 740

    Labis ang galit ni Arturo sa kanyang mga naririnig. Doon nya na realized na mali ang kanyang ginawa sa kanyang mag ina. Hindi nya akalain na ganun pala ang tingin sa kanya ng pamilya ng kanyang kuya Isang palabigasan. Kayat agad syang umalis at bumalik sa kanilang tahanan.Pagkabalik nya sa kanyang tahanan, pinagmasdan nya ang kanyang mag ina. Masaya ang mga itong nagkukwentuhan habang nanonood ng paborito nilang palabas. Nanghinayang sya bigla. Naisip nya na sana kasama rin sya ng dalawang iyon na nanonood at nagsasaya. Ang mga bagay na sinayang nya sa loob ng maraming taon dahil sa pag una nya sa walang utang na pamilya ng kanyang kapatid.Hindi sya nakatiis at nagsalita “Ang saya nyo namang pag masdan”, may halong lungkot at pait sa kanyang tinig.Tiningnan sya ng kanyang mag ina. Napansin ng mga ito Ang lungkot sa kanyang mukha.“Tay, bakit po? May problema po ba kayo?”, Ang nag aalalang tinig ng kanyang anak.Naupo sya sa katabing upuan at agad na ikinwento ang nangyari.“Yan na

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle   Chapter 739

    “Asawa ko, malaki ang posibilidad na ang mga Salazar ang mga magulang mo”. Ang mga katagang iyon ay parang isang malaking tambol na umalingawngaw sa kanyang tenga. Kinabahan sya ngunit mas nangibabaw ang saya. Ang ideal parents na pinapangarap nya, may posibilidad na maging magulang nya.Naalala nya Nung kinwento sa kanya ni Mrs. Salazar, yung panahon na namatay raw ang anak nito, yun din ang panahon na ipinanganak sya. Medyo naguluhan sya kayat nagtanong sya sa kanyang asawa.“Asawa ko, may posibilidad ba? Eh kung hindi ako anak ng mga Aragon, asan ang tunay nilang anak?” Naguguluhan nyang tanong sa kanyang asawa.“Asawa ko, namatay ang tunay na anak ng mga Aragon, natakot ang doctor na nagpaanak kay Lucy, kayat naghanap ito ng sanggol na ipapalit sa namatay na sanggol. At sakto naman na ipinanganak ka. Noong mga pnahon na iyon, ang dating kasintahan ni MR. Salazar ay nagplano na Miata maghiganti sa mga asawang Salazar, kayat kinuha nito ang sanggol na may nkalagay na baby girl Salaz

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status