author-banner
Ms. Rose
Ms. Rose
Author

Ms. Rose の小説

She Calls Him Dad, I Call Him Mine

She Calls Him Dad, I Call Him Mine

Umalis si Elizabeth sa marangyang buhay sa Maynila upang takasan ang isang sapilitang kasunduan—ang pag-date kay Greg, anak ng pinakamayamang negosyante sa lungsod. Sa pagtakbo palayo, hindi inaasahang masisira ang kanyang kotse sa gitna ng isang liblib na lugar. Isang misteryosong lalaki ang dumaan at tumulong sa kanya. Tall, dark, and handsome—isang "prince charming" sa tunay na buhay. Pero hindi niya nakuha ang pangalan nito. Pagdating sa probinsya, ibinahagi niya ang kwento sa kanyang kaibigang si Monique, na agad nilang tinawag ang lalaki bilang "Prince Charming." Ngunit gumuho ang mundo ni Elizabeth nang mapagtanto niyang ang lalaking ito… ay walang iba kundi si Benedict—ang ama ng kanyang kaibigan. Isang single dad na hindi rin inakalang ang babaeng tinulungan niya sa kalsada ay ang magiging dahilan ng muling pagtibok ng kanyang puso. Handa ba si Elizabeth na mahalin ang lalaking hindi niya dapat ibigin? At kaya ba niyang ipaglaban ang damdaming maaaring sirain ang pagkakaibigan nila ni Monique?
読む
Chapter: Chapter 25 Ang umpisa
Kumatok sya sa pinto ng bahay nina Julia. Isang matamis at malambing na boses ang sumagot.“Saglit lang”, paglapit sa pinto nagsalita si Julia, “PASSWORD”“Mahalkita_benedictlovejulia07forever” tugon ni Benedict.Dahil nakasigurado na si Julia na ang kasintahang si Benedict ang dumating, agad nyang binuksan ang pinto.Si Julia ay isang maliit na dalaga, may taas lamag syang 4”11 samantalang si Benedict naman ay may taas na 5”10. Maputi si Julia, bagamat medyo maliit si Julia, sya naman ay pinagpala sa pagkakroon ng malulusog na dibdib. Agad syang hinalikan ni Benedict. Halik na sobrang lalim, madiin, ipinaparamdam kung gaano nya ka miss ang kasintahan na parang hindi sila nagkita kahapon sa paaralan.“Bhie, miss na kita sobra, ang bango bango mo bhie.”wika ni Benedict.“Hmmmmp, halika na nga. Kumain muna tayo nagluto ako”.“Hmmmmyun din pala yung naamoy ko. Alam mo pakiramdam ko, isa akong asawa na galing sa trabaho tapos sasalubungin mo ako ako, aking asawa ipaghahanda ng pag kain aa
最終更新日: 2025-07-23
Chapter: Chapter 24 Panaginip
Hinatid ni Elizabeth si Benedict sa bahay nito sa Maynila.“Ohhh, ano, pano na ‘to? Text-text na lang tayo, hehehe,” biro ni Benedict sabay halik sa mga labi ni Elizabeth.Bumaba na siya ng sasakyan habang si Elizabeth ay nagmaneho na pabalik sa kanilang tahanan.Pagpasok ni Benedict sa kanyang kwarto, muling sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ng anak niyang si Monique—ang tungkol sa misteryosong tawag mula sa ibang bansa. Julia... iyon ang pangalan ng tumawag. Julia, ang una niyang pag-ibig. Ang ina ni Monique. Ang babaeng iniwan sila para sa magandang buhay sa ibang bansa, kasama ang bago nitong asawang Amerikano.Napahiga si Benedict, dala-dala ang bigat ng alaala. Sa gitna ng pag-iisip, nakatulog siya. Sa kanyang panaginip, isang pamilyar na pangyayari ang muling bumalik.Sa kanyang panaginip…“Inay, doon po muna ako matutulog sa bahay ng kaklase ko sa bayan. Magre-review po kasi kami—exam week na namin. Para na rin po hindi ako mapagod sa biyahe. Malapit lang naman iyon sa schoo
最終更新日: 2025-07-23
Chapter: Chapter 23
Nagising si Elizabeth na nakaunan sa mga bisig ni Benedict. Kung pagmamasdan ang dalawa ay tila ba mag asawa na matagal ng kasal. Nakayakap si Benedict sa malabot na katawan ng dalaga. “Benedict” bahagyang tinapik ni Elizabeth ang mukha ng lalaki.“Hmmmmmm” nagdilat ng mga mga mata si Benedict at agad hinalikan ang dalaga sa mga labi nito.“Gising na anong oras na, mag 7 am na” ani ng dalaga.Umupo si Elizabeth sa gilid ng kama. Ganun din ang ginawa ni Benedict.“Magkape muna tayo bago tayo maligo.” Pag aaya ni Elizabeth sa lalaki.Nagkataon naman na may electric kettle sa loob ng kanilang kwarto at may kape at mug din kayat nagpainit na ng tubig si Elizabeth. Pinagmasdan naman sya ng lalaki.“Haixt, napakaswerte ko talaga sa babae na ito. Ako na ang nakauna at mukhang maasikaso pa.” bulong ni Benedict sa kanyang sarili.Nang makapagtimpla ng kape si Elizabeth ininom nila ito at ninamnam ang bawat higop dito.Matapos magkape naligo na si Elizabeth sumonod naman si Benedict. Nang luma
最終更新日: 2025-07-21
Chapter: Chapter 22
Napansin ni Elizabeth na tila balisa si Benedict, kaya lumapit siya rito at mahinahong nagtanong,“Benedict, bakit? May problema ba? Parang nag-iba ang mood mo.”“Ahm… wala naman,” sagot ni Benedict, halatang may pag-aalinlangan sa boses. “Tumawag kasi si Monique. May nabanggit siya sa akin.”“Ano raw ang sinabi ni best? Kung may bumabagabag sa'yo, puwede mo namang ikuwento sa akin,” malumanay na sabi ni Elizabeth.“May tumawag daw sa kanya kanina sa cellphone,” paliwanag ni Benedict. “At ang narinig nyang tinawag ito ng kanyang kasama… Julia.”“Julia? Hindi ba 'yon ang pangalan ng nanay ni Monique?” gulat na tanong ni Elizabeth.“Oo, siya nga,” sagot ni Benedict saka napabuntong-hininga.“Hindi ko alam kung siya talaga 'yon. Pero kung siya man, bakit? Bakit siya tatawag pagkatapos ng mahigit sampung taon? Matapos niya kaming iwan?”Napakunot-noo si Elizabeth, ramdam ang bigat ng emosyon sa tinig ni Benedict.“Mahal mo pa ba siya? O may nararamdaman ka pa ba sa kanya?” tanong ni Eliza
最終更新日: 2025-07-21
Chapter: Chapter 21
Samantala, mahimbing na natutulog si Monique sa kanyang kwarto. Nasa kalagitnaan siya ng isang magandang panaginip, marahil tungkol sa kanyang ina na matagal na niyang hindi nakikita, nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Malakas ang tunog ng ringtone, sapat upang gisingin siya mula sa kanyang pagkakaidlip.“Ano ba ’yan? Anong oras na? Nakakaistorbo naman,” inis niyang bulong habang inaabot ang cellphone na nasa kanyang side table. Medyo madilim pa ang paligid, senyales na dis-oras ng gabi. Pilit niyang iminulat ang kanyang mga mata habang pinipindot ang screen upang sagutin ang tawag mula sa isang hindi pamilyar na numero.“Hello?” mahina at antok pa niyang bati.Sa kabilang linya, isang malamig na tinig ng babae ang narinig. May halong kaba at pagmamadali ang boses nito.“Hello… si Monique Esguerra ba ito?” tanong ng babae, tila nangangapa rin kung tama ba ang kanyang tinawagan.Hindi pa man nakakabawi ng buo si Monique ay may isa pang tinig na sumingit sa linya. Lalaki ito, b
最終更新日: 2025-07-19
Chapter: Chapter 20
Habang abala sina Elizabeth at Benedict sa matamis at maalab nilang pagniniig, sa kabilang panig ng mundo, may isang babaeng hindi mapakali. Si Julia, nakaupo sa gilid ng kama, hawak-hawak ang kanyang cellphone. Pawis ang kanyang mga palad, at paulit-ulit niyang binubuksan at isinasara ang screen, tila ba inaasahan na may kusang sagot na lilitaw mula sa katahimikan.“Oh my gosh… should I call her? Should I dial her number?” tanong niya sa sarili, halatang naguguluhan. Ang kanyang mga daliri ay nanginginig sa sobrang kaba. Matagal na niyang pinag-iisipan ang tawag na ito—isang hakbang na maaaring magbago sa takbo ng kanyang buhay. Pero sa kabila ng lahat, nananatili siyang parang nakatali sa kanyang kinalalagyan.Biglang may tinig na gumambala sa kanyang pag-iisip.“Hey, Julia! Where are you? I’ve been looking for you everywhere!” tawag ng isang pamilyar ngunit nakairitang boses ng banyagang lalaki habang pababa ng hagdan, halatang wala sa mood.Napapikit si Julia, kinagat ang labi at
最終更新日: 2025-07-19
The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle

The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle

Si Beatrice ay niloko at ipinahamak ni Minda, ang dapat ay kanyang magiging biyenan. Dinala sya nito sa kwarto ni Marcus, ang tiyuhin ng kanyang fiance na noon ay nakawheelchair dahil sa aksidenteng kinasangkutan nito. Napilitan syang pakasalan si Marcus upang mabawi ang dangal na nawala sa kanya. Ang inaasahan nyong miserableng mangyayari sa buhay nya mataposa maipakasal kay Marcus, ay kabaliktaran pala ng tunay na mangyayari. May tangi lamang syang problema sa kanilang pagsasama, si Marcus ay may sakit at mahina na. Ngunit isang araw matutuklasan nya ang isang sekreto ng kanyang asawa na ito pala ay palihim na nagpapagamot. Ito na kaya ang magiging umpisa ng kanilang perpektong pamilya o ito kaya ang magiging dahilan upang mas gumulo pa ang kanilang buhay.
読む
Chapter: chapter 744
Sa bahay ng mga Salazar, biglang pumutok ang panubigan ni Beatrice. Napaupo siya sa sofa, nanlalaki ang mga mata. Si Marcus, na noon ay nagkakape pa, ay halos maibuga ang iniinom."Naku, Beatrice! Anong gagawin ko?!" sigaw niya habang paikot-ikot na parang nawawalang bata sa palengke. Sa sobrang gulat, ang una niyang nahawakan ay ang remote ng TV imbes na cellphone.Mabilis niyang tinawagan ang kanyang mga biyenan, sina Ginoo at Ginang Salazar, na nanonood lang ng telenovela sa sala."Ma! Pa! Si Beatrice! Pumutok na! Este... panubigan niya!" halos mapasigaw si Marcus.Napabalikwas si Ginang Salazar. "Ano?! Bakit hindi mo agad sinabi?!""Sinabi ko na nga po 'di ba?" sagot ni Marcus, habang pilit hinahanap ang susi ng sasakyan sa ilalim ng throw pillow.Samantala, ang mga kapatid ni Beatrice—sina Pablo, Stell, at Justin—ay parang mga contestant sa isang game show: nag-uunahan kung sino ang tatawag sa ospital, pero pare-parehong nahulog ang cellphone sa sahig."Ano ba 'to, emergency o fa
最終更新日: 2025-05-12
Chapter: Chapter 743
Damang-dama sa buong bahay ang kasiyahan—may tawanan, kwentuhan, at masaganang hapunan. Sa gitna ng kasayahan, hindi na rin napigilan ni Beatrice na ibahagi ang magandang balita sa kanyang matalik na kaibigan.Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad na tinawagan si Genna."Best, may ibabalita ako sa’yo!" bungad ni Beatrice nang sagutin ni Genna ang tawag."Best! Mukhang sobra kang masaya ah," natutuwang sagot ni Genna mula sa kabilang linya."Oo, Best! Promise, sobrang good news ito. Punta ka dito sa bahay ng mga Villamor. Ipinasundo na kita kay Carlos."Nagmadali si Beatrice at tinawag si Carlos. "Carlos, pakisundo si Genna. Sabihin mong dito siya sa bahay pupunta, importante."Muling bumalik si Beatrice sa tawag."Hintayin mo si Carlos, ha? Dito na lang kita kukuwentuhan. Hindi ko kayang itext lang 'to."Pagkadating ni Genna sa mansyon, hindi niya napigilang mamangha sa laki at ganda nito. Noon lang siya nakatuntong sa bahay ng mga Villamor, at para sa kanya, tila ito'y isang pal
最終更新日: 2025-05-11
Chapter: Chapter 742
“Okay, eto na ang resulta,” mahinahong sabi ni Robert habang hawak ang sobre ng DNA test. Ramdam ang tensyon sa buong sala—lahat ay pigil hininga, tila tumigil ang oras.Marahan niyang binuksan ang sobre at inilabas ang dokumento. Tumingin muna siya sa mga mata ni Beatrice at ng mag-asawang Salazar bago siya muling nagsalita.“Ayon dito, 99.99% match ang mga DNA samples. Ibig sabihin... si Beatrice ay anak ng mga Salazar.”Sandaling katahimikan ang namayani, saka sumabog ang emosyon. Napatakip sa bibig si Beatrice, mga luha’y kusang bumagsak sa kanyang pisngi.“Oh my God... sobrang saya ko po. Kayo po pala talaga ang tunay kong pamilya,” nanginginig na tinig niya habang niyakap si Mrs. Salazar ng mahigpit. “Matagal ko na pong pinangarap ang ganitong klaseng pamilya…”Hindi napigilang mapaluha rin si Mrs. Salazar habang yakap-yakap ang nawawalang anak. “Anak… anak ko…”Isa-isa namang lumapit ang buong pamilya Salazar. Si Justin, ang bunso, ay halos tumalon sa tuwa.“Ate! Sobrang saya k
最終更新日: 2025-05-10
Chapter: Chapter 741
Sa bahay ng mga Salazar, maagang dumating ang mag asawang Beatrice at Marcus. Agad silang sinalubong ng masayang si Mrs. Salazar. Excited din si Beatrice na makita ang matandang babae. Ang matandang babae na malaki ang posibilidad na kanyang tunay na ina.“Ninang, meron po akong sasabihin sa inyo.” Iginiya sya ng kanyang ninang sa may sofa at malumanay na nakinig sa kanya.“Ipinagtapat po sa akin ni Marcus na napag alaman nyang hindi po ako tunay na anak ng mga Aragon. Alam ko din pong alam na ninyo iyon. Ninang, malaki po ang posibilidad na kayo ang aking mga tunay na magulang”, excited nyang wika.“Beatrice, maari tayong mag patest. Malakas din ang aking pakiramdam na ikaw ay anak ko. Kung hindi man, ganoon pa din ang magiging treatment namin sa iyo”, wika ng ginang.Agad na inutusan ni Marcus si Carlos na dalhin ang mga sample ng buhok nina Mrs. Salazar at Beatrice sa laboratoryo ng kanyang kapatid. Dali daling pumunta si Carlos sa laboratoryo ni Robert at dinala Ang mga Samples
最終更新日: 2025-05-09
Chapter: Chapter 740
Labis ang galit ni Arturo sa kanyang mga naririnig. Doon nya na realized na mali ang kanyang ginawa sa kanyang mag ina. Hindi nya akalain na ganun pala ang tingin sa kanya ng pamilya ng kanyang kuya Isang palabigasan. Kayat agad syang umalis at bumalik sa kanilang tahanan.Pagkabalik nya sa kanyang tahanan, pinagmasdan nya ang kanyang mag ina. Masaya ang mga itong nagkukwentuhan habang nanonood ng paborito nilang palabas. Nanghinayang sya bigla. Naisip nya na sana kasama rin sya ng dalawang iyon na nanonood at nagsasaya. Ang mga bagay na sinayang nya sa loob ng maraming taon dahil sa pag una nya sa walang utang na pamilya ng kanyang kapatid.Hindi sya nakatiis at nagsalita “Ang saya nyo namang pag masdan”, may halong lungkot at pait sa kanyang tinig.Tiningnan sya ng kanyang mag ina. Napansin ng mga ito Ang lungkot sa kanyang mukha.“Tay, bakit po? May problema po ba kayo?”, Ang nag aalalang tinig ng kanyang anak.Naupo sya sa katabing upuan at agad na ikinwento ang nangyari.“Yan na
最終更新日: 2025-05-08
Chapter: Chapter 739
“Asawa ko, malaki ang posibilidad na ang mga Salazar ang mga magulang mo”. Ang mga katagang iyon ay parang isang malaking tambol na umalingawngaw sa kanyang tenga. Kinabahan sya ngunit mas nangibabaw ang saya. Ang ideal parents na pinapangarap nya, may posibilidad na maging magulang nya.Naalala nya Nung kinwento sa kanya ni Mrs. Salazar, yung panahon na namatay raw ang anak nito, yun din ang panahon na ipinanganak sya. Medyo naguluhan sya kayat nagtanong sya sa kanyang asawa.“Asawa ko, may posibilidad ba? Eh kung hindi ako anak ng mga Aragon, asan ang tunay nilang anak?” Naguguluhan nyang tanong sa kanyang asawa.“Asawa ko, namatay ang tunay na anak ng mga Aragon, natakot ang doctor na nagpaanak kay Lucy, kayat naghanap ito ng sanggol na ipapalit sa namatay na sanggol. At sakto naman na ipinanganak ka. Noong mga pnahon na iyon, ang dating kasintahan ni MR. Salazar ay nagplano na Miata maghiganti sa mga asawang Salazar, kayat kinuha nito ang sanggol na may nkalagay na baby girl Salaz
最終更新日: 2025-05-08
Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Ang unang pagkikita nina Isabelle Reyes at Andres Vargas ay sa isang handaan, kung saan kapansin-pansin ang natatanging kagandahan ng dalaga. Halos lahat ng mga mata ng mga tao ay napako sa kanya. Tanging si Andres lamang na nakasuot ng tuwid na unipormeng militar, may mahigpit na tindig, at tahimik siyang tiningnan na may kalmadong pagkawalang-interes. Ngunit dahil sa kasunduan ng kanilang mga pamilya — ang pamilya Reyes at pamilya Vargas — pinilit ipakasal si Isabelle kay Andres, isang bagay na hindi naman tinutulan ng dalaga. Matapos ang kasal, habang sila ay magkasama sa kanilang higaan, tinanong ni Andres si Isabelle tungkol sa ugnayan nila ng kanyang kapatid na si Marco. Sa pagkakaalam ni Andres, may malalim na pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman, dahil sa pakiwari niya, inagaw niya ang nobya ng kanyang kapatid. Ngunit sa paglipas ng mga araw, unti-unting nahulog ang kanyang damdamin para kay Isabelle at ninais niyang mapasakanya ito ng buo. Ngunit may isang lihim si Isabelle — isang lihim na siya ay muling nabuhay upang iligtas ang buhay ng lalaki mula sa nalalapit nitong kamatayan dulot ng digmaan. Maililigtas kaya niya ito, o magkasama silang mapapahamak?
読む
Chapter: Chapter 86: Put out the fire you caused yourself
Siya si Isabelle—at halos wala kang makikitang kapintasan sa kanyang katawan. Kahit pa simpleng gumalaw lamang siya o iangat ang kanyang buhok, nakakabighani pa rin ang kanyang ganda.Kung hindi lamang tensyonado ang sitwasyon sa katimugang hangganan at malapit na ang digmaan, malamang ay hindi na nakapagpigil si Andres. Gusto na niyang angkinin si Isabelle ngayon din.Sinadya ni Isabelle na magpalit ng damit sa harap niya—para tuksuhin siya, ngunit hindi niya puwedeng hawakan—bilang parusa sa ginawa nito. Kumuha siya ng isang gown na nakasabit sa tabi at tumalikod kay Andres. Isinuot niya ito habang nakatingin sa malaking salamin.Nakakagulat na ang gown, na mula pa noong 1900s, ay akmang-akma sa kanyang pangangatawan. Maliban lamang sa bahagi ng baywang at tiyan na medyo maluwag ng dalawa o tatlong sentimetro. Hindi rin talaga ito idinisenyong hapit, kundi para ipakita ang kariktan ng isang babae.Malaki ang dibdib ni Isabelle at maliit ang kanyang baywang. Ang kanyang bust ay katum
最終更新日: 2025-09-22
Chapter: Chapter 85 Out of Control
“Woo…” Hindi napigilang mapaungol ni Isabelle.Lumapit ng isang hakbang si Andres. Sa likod ni Isabelle ay may leather sofa, kaya’t nang lalapit na siya, napaatras ito ng dalawang hakbang. Tumama ang likod ng kanyang mga tuhod sa gilid ng sofa at muntik na siyang matumba.Bago pa man siya bumagsak, mabilis siyang inangat ni Andres na para bang magaan lamang siya. Pinaupo siya nito nang pahalang sa kanyang kandungan.Halos mawalan ng hininga si Isabelle sa tindi ng halik ng lalaki. Pilit niyang iniwas ang mukha, ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo, hinawakan ni Andres ang kanyang maliit na baba gamit ang hinlalaki at hintuturo—at muli siyang hinalikan.Maliit lamang ang cloakroom, ilang metro kuwadrado lang, pero para kay Isabelle ay tila uminit at lumiit ang espasyo. Namula ang kanyang pisngi at kumabog ang dibdib. Nang hindi na niya kaya ang bugso ng halik, muntik na niyang kagatin si Andres, at doon lamang siya binitiwan nito.Hingal na hingal siya habang ramdam pa rin ang ini
最終更新日: 2025-09-22
Chapter: Chapter 84: Harangin ang Kanyang mga Salita gamit ang Iyong Bibig
“Oo, oo, oo. Matatagalan pa ang hapunan. Pumunta ka na muna sa kwarto at magpahinga,” mabilis na sang-ayon ni Clara habang nakangiti.Napansin ni Isabelle ang tingin ni Andres—tila may nais itong sabihin sa kanya nang sila lang. Iniwan niya ang hawak na mangkok at tahimik na sumunod kay Andres papunta sa likod-bahay.Pagdating nila sa pinto, napansin niyang nakaawang ito.“May bisita ba?” tanong ni Isabelle, bahagyang nagulat. Tumingin siya kay Andres na tila may itinatago.“Pumasok ka. Tingnan mo,” sagot ni Andres habang binubuka ang mga braso, may ngiti sa labi.Nag-atubili si Isabelle saglit, pero inabot rin ang pinto at tinulungan si Andres na buksan ito.Pagkapasok, sinalubong siya ng malamig na hangin—at isang tanawin na halos ikabitaw ng kanyang hininga.Ang buong kwarto ay napuno ng magagarang tela ng sutla, maayos na nakaayos ayon sa mga banayad na pag-shade ng kulay. Sa ilalim ng ilaw, kumikislap at kumikinang ang mga ito na para bang mga alon ng liwanag.Sa gitna ng silid a
最終更新日: 2025-09-07
Chapter: Chapter 83 Negosyo Ngayong Gabi
Kahit bata pa lamang si Andres—limang taong gulang pa lang noon—naunawaan na niya ang kasamaan sa kalikasan ng tao. Ngunit noong siya'y labing-walo na, pakiramdam niya'y hindi pa rin niya lubos na nauunawaan ang mga paraan ng mundo. Lalo na kung ikukumpara kay Isabelle."Andres?"Tinawag siya ni Isabelle nang mapansing matagal na siyang tahimik at nakatitig lang.Bumalik si Andres sa ulirat, sandaling nag-isip, saka mahina at kalmadong nagsalita:"Walang problema. Ang may-ari nito ay may malaking utang na loob sa akin. Binabayaran lang nila ang utang na 'yon.""Oh." Bahagyang bumuntong-hininga si Isabelle.Muling tumingin si Andres kay Isabelle. Malinis at malinaw ang mga mata nito—parang nakasulat sa mukha ang lahat ng damdamin. Itinago niya ang tanong na kanina pa nasa dulo ng kanyang dila.Si Perlita, ang asawa ng kanyang Tiyo Carlito, ay kilalang masama ang ugali. Doon lumaki si Isabelle, kaya’t hindi na nakapagtatakang maaga itong naging matalino at maingat.Kanina... baka nga ma
最終更新日: 2025-09-07
Chapter: Chapter 82 Paano kung mahulaan ko ang hinaharap?
"Ayaw kong mag-risk sa posibilidad na makasama ka." Akala ni Andres ay nagbibiro lang siya at pinutol siya bago pa siya makapagsalita ng buo."Tungkol sa pagsali sa hukbo, sa ngayon, wala nang puwang para makipag-negotiate."Maaari niyang igalang ang mga ideya ni Isabelle tungkol sa iba pang bagay, pero hindi ito!Nakikinig si Isabelle sa kanyang pagsasalita at hindi napigilang magbuntong-hininga ng mahina.Syempre, naiintindihan niya ang mga alalahanin ni Andres, at nauunawaan niya ang sinabi nito kahit hindi direktang sinabi.Ngunit ang mga salita ni Andres ay walang puwang para sa kompromiso, kaya sa ngayon, hindi na niya ito babanggitin pa."Okay." Tumango siya.Kung hindi siya papayagan sumali sa hukbo, hindi siya pupunta.Pero hindi siya naniniwala rito. Isang buong buwan nang walang dumating na mga kamag-anak sa isla para bumisita.Hindi magiging ganito ka-matigas ang bansa na paghiwalayin ang mga sundalo mula sa kanilang mga asawa at anak sa loob ng ganitong katagal na panahon
最終更新日: 2025-08-13
Chapter: Chapter 81: Malapit na Temperatura
Si Isabelle ay matiyagang nakaupo sa upuan malapit sa bintana.Nakatayo si Andres sa likod niya, mahinahong itinaas ang isang dakot ng buhok niya at pinunasan ito nang maingat.Ang maligamgam niyang mga daliri ay dahan-dahang dumampi sa balat sa likod ng tainga ni Isabelle. Bahagyang kumilos si Isabelle at ibinaba ang ulo nang may hiya.Maliban kay Marita, wala nang ibang nagpunas ng buhok ni Isabelle.Sa mga sandaling iyon, may hindi maipaliwanag na pakiramdam siya sa kanyang puso. Palagi niyang nararamdaman na ang pagpapunas ng buhok ay ang pinakamatinding akto ng pagiging malapit ng mag-asawa, at tatanggapin lamang ito kung malalim na ang relasyon.Ngunit sila ni Andres ay hindi pa opisyal na magkasintahan, at wala siyang naramdamang pagtutol nang hawakan ni Andres ang kanyang buhok.Sa kabaligtaran, noong nakaraan niyang buhay, tuwing hahawakan siya ni Marco sa kanyang buhok, kusa syang umiiwas.Ngayon na iniisip ito, baka hindi naman ganoon kalalim ang nararamdaman niya para kay
最終更新日: 2025-08-13
あなたも気に入るかもしれません
MY ONLY PROBINSYANA
MY ONLY PROBINSYANA
Romance · Ambisyosa22
6.7K ビュー
The Revenge Girl
The Revenge Girl
Romance · Thep13
6.7K ビュー
A Cruel Twist of Fate
A Cruel Twist of Fate
Romance · Nuebetres
6.7K ビュー
My Childish Husband is a Mafia Boss
My Childish Husband is a Mafia Boss
Romance · Laykachannn
6.7K ビュー
His Heart Series 2:His Stone Heart
His Heart Series 2:His Stone Heart
Romance · Yvette Stephanie
6.7K ビュー
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status