Carrine
Panay ang puri sa akin ng daddy ni Sir Helious nang matikman niya ang niluto ko ngayong gabi.
Hindi nga siya makapaniwala nung marinig niya ang kwento ko na inilahad ni Ma’am Sophia tungkol sa pagiging dishwasher ko sa isang restaurant.
“Well, mas mahahasa ang talent mo kung mag-aaral ka, iha! You obviously have the talent!” sabi pa ni Sir Hendrix sa akin
“ Sa ngayon po, hindi ko po iniisip yun! May mga dapat po kasi akong unahin!” sagot ko sa kanya
“Sayang naman kasi, iha! Pero of course, nasa sayo naman yan!” sabi pa ni Sir Hendrix
“How’s the food, Hunter? Did you like it?” tanong ni Ma’am Sophia sa apo niya
Katabi ko siya at inaasikaso ko siya sa pagkain niya at sa palagay ko, nagustuhan naman niya ang hinanda ko.
Hindi naman nagsalita si Hunter dahil may laman ang bibig niya but he gave his lola a thumbs up! Kaya natawa na lang ang lolo at lola niya habang ang tatay niya, as usual walang reaction sa mga nangyayari.
Wala naman siyang violent reaction sa pagkain. Pero wala din siyang sinabing maganda! Well, ang importante, kinain naman niya ito. Nakadalawang slice pa nga siya eh! Ni hindi man lang maappreciate?!
Pero ano ba ang aasahan ko sa kanya? Ganun naman siya eh! Singlamig ng yelo! Singtigas ng bato!
Hanggang matapos ang dinner ay tahimik lang si Sir Helious at kung magsasalita man siya, yung tungkol lang sa mga negosyo ng pamilya nila.
Nakikisali naman si Ma’am Sophia sa kwentuhan kaya tahimik lang ako habang inaasikaso ko si Hunter.
Wala kasi ngayon ang kapatid ni Sir Helious na si Hera kaya wala tuloy akong makausap. Mabait ito at malayo ang ugali sa kuya niya.
Kaya kapag wala siya, at wala si Ma’am Sophia, tanging si Hunter lang ang makakausap ko. Pero okay lang naman sa akin yun.
Hindi ko nga alam dahil may hatid talagang saya ang batang ito sa akin. At nung makita ko siyang umiiyak, parang ang sakit-sakit din ng nararamdaman ko.
Pagkatapos ng dinner ay dinala ko na si Hunter sa room niya para linisin at bihisan. Nakikita ko na masaya siya lalo pa at alam kong sabik na sabik siya sa kalinga ng isang ina.
“Mommy, anong movie ang panonoorin natin?” tanong niya sa akin habang palabas kami ng kwarto para magpunta sa entertainment room ng mansion
Grabe lang talaga ang mayayaman! Sa karaniwang tao, ang TV nasa sala pero sa kanila, hindi.
Namangha pa nga ako dahil tila maliit na sinehan ang nakita ko nuong makapasok na kami sa kwarto.
“Hintayin po natin si Daddy!” masayang sabi niya saka siya naupo sa upuan
Hindi naman nagtagal ay dumating na si Sir Helious na nakabihis na din at base sa amoy niya, mukhang bagong ligo na ito. At ayun na nga, nagwawala na naman ang tibok ng puso ko!
“So what are we watching, buddy!” tanong niya kay Hunter nang makaupo na siya sa right side ni Hunter habang ako naman ang nasa kaliwa
“Something about dinosaurs Daddy!” excited na sagot naman ni Hunter
Mukhang interesado talaga siya sa mga ganito dahil karamihan sa mga libro na nakita ko sa kwarto niya ay may kinalaman sa dinosaurs idagdag pa ang hilig niya sa mga planets and outerspace.
“Jurassic park?” tanong ni Sir Helious dito at tumango naman si Hunter
May pinindot si Sir Helious sa remote at bumukas ang ilaw ng napakalaking flat screen TV sa nakasabit sa dingding. He looked for the movie habang ako, tahimik lang na pinag aaralan ang ginagawa ni Sir Helious.
“There you go!” sabi nito at Hunter clapped his hands much to his delight
Medyo nag-dim pa ang ilaw kaya naman para ka talagang nasa sinehan.
Nagsimula ang palabas at tahimik lang kami lahat habang nanonood. Nakakatuwa pa nga dahil nire-recite ni Hunter ang pangalan ng mga dinosaurs na pinapakita sa palabas.
Sa kalagitnaan ng palabas ay tumayo si Sir Helious at nagpaalam sa amin na kukunin lang daw niya yung pizza.
“Okay po, Daddy!” sagot naman ni Hunter na sa TV parin nakatingin
Hindi naman nagtagal ay dumating na si Helious, dala ang isang box ng pizza at kasunod naman niya ang isang kasambahay dito na may dalang pitchel ng tubig at dalawang mug na sa tingin ko ay kape dahil sa amoy nito.
Ibinaba nila ito sa mesa na nasa harap namin at natakam ako sa amoy ng pizza na nasa harap ko. Siyempre, hindi naman araw-araw na nakakatikim ako ng ganito dahil aminin na natin, hindi ko afford lalo at kailangan kong mag-ipon para sa mga pangangailangan ng pamilya ko sa Lucena.
Kung yung mumurahing pizza nga na binebenta sa kanto, hindi ko magawang mabili eh, dahil para sa akin, luho na ito at hindi importante!
“Mommy…” naramdaman ko ang paghila ni Hunter sa kamay ko kaya naman napakurap pa ako
“Y-yes anak…ano yun?” tanong ko at nakita ko na nakatingin sa akin ang mag-ama
“Tinatanong po kayo ni Daddy kung gusto niyo na pong kumain ng pizza?” saad ni Hunter kaya nginitian ko naman ito
“Mamaya na, anak, busog pa kasi ako!” sagot ko naman at tumango lang si Hunter at nang mag-angat ako ng paningin ay nakita ko naman si Sir Helious na nakatitig sa akin
“Bakit?” tanong ko sa kanya pero agad siyang umiling at kumuha ng pizza saka niya ibinalik ang mata niya sa TV
“Ikaw, anak, gusto mo bang kumain?” tanong ko dito at tumango naman si Hunter kaya ikinuha ko siya ng isang slice
Inabot ko ito kay Hunter at nagpasalamat naman siya sa akin bago siya kumagat habang ang atensyon ay nasa pinapanuod niya. Nagsalin ako ng tubig sa baso para sa kanya saka ko kinuha ang kape na nasa harap ko.
Naubos na ni Hunter ang isang slice at uminom na din siya ng tubig pero hindi ko na hinayaan na kumain pa siya ng isang slice dahil baka masobrahan naman siya lalo at mamaya lang ay matutulog na siya.
Naintindihan naman ako ni Hunter ay ibinalik na lang niya ang atensyon sa pinapanuod niya.
Pagkatapos ng palabas ay tuwang-tuwa si Hunter at gaya sa sine, nagliwanag ulit ang paligid namin nung patayin na ni Sir. Helious ang TV.
“Ang ganda! Daddy, happy po ako kasi kasama ko na po kayo ni Mommy ngayon!”
Hinaplos ni Sir Helious ang buhok ni Hunter saka siya ngumiti dito.
“Of course anak! Gagawin namin ni Mommy ang lahat para maging masaya ka, right Mommy?” baling nito sa akin at siyempre pa, oo ang isinagot ko
“Daddy, selfie po tayo para po may picture po tayo! This is our first bonding as a family po!” masayang sabi ni Hunter kaya naman inilabas ni Sir Helious ang telepono niya at iniharap iyon sa amin
“Okay, buddy, mommy, smile!” sabi niya kaya wala naman akong magawa kung hindi ang ngumiti sa camera
Ipinakita ito ni Sir Helious sa anak niya at nagustuhan naman ito ni Hunter dahil na din sa lawak ng ngiti nito.
“Daddy, pwede po bang ipaframe natin ito? Ilalagay ko po sa room ko!” sabi pa ni Hunter sa Daddy niya kaya ginulo naman nito ang buhok niya
“Oo naman! Ako na ang bahala!” sabi pa ni Sir Helious
“Group hug po tayo!” sabi ni Hunter kaya nagkatinginan kami ni Sir Helious
And we did hug at muntik pa nga kaming magkauntugan ni Sir Helious dahil sa iisang direksyon lang napunta ang ulo namin.
“Sorry…” sabi ko saka ako lumipat sa kabilang side at tila ako kinuryente nung dumantay muli ang kamay ni Sir Helious sa balikat ko
‘Carinne, kumalma ka nga!’ bulong ko at nakahinga ako ng maluwag nung matapos na ang group hug na gusto ni Hunter
Hinatid kami ni Sir Helious sa kwarto ni Hunter at matapos niyang magsepilyo ay nahiga na siya sa kama para magdasal bago matulog.
“Daddy, Mommy, goodnight po!” he said matapos niyang magdasal at agad niyang hinalikan si Sir Helious at ganun din ang ginawa niya sa akin
“Goodnight, buddy!” sagot naman ni Sir Helious sa anak niya
Inayos ko an ang paghiga niya ay nagulat pa nga ako nung sabihin ni Hunter na pwede ko na siyang iwan.
“Sige na po, Mommy! Pwede niyo na po akong iwan para po makapagrest na din kayo. Napagod din po kasi kayo kanina!” dagdag pa ni Hunter pero tumanggi ako
“Okay lang yun anak! Isa pa, gusto ko, tabi tayong matulog ngayong gabi!” malambing na sabi ko sa kanya pero mapilit talaga itong batang ito
“Mommy, small lang po ang bed ko! Hindi po tayo kasya!” katwiran pa niya sa akin at eto naman si Sir Helious, sumangayon pa sa anak niya
“Let’s go, stellina! Big boy na si Hunter, kaya na niya yan, right, buddy?”
Baling niya pa sa anak niya at tumango naman ito sa kanya
Napahinga na lang ako ng malalim and I bent over para halikan ang pisngi ni Hunter.
“Matulog ka na ha! Goodnight, anak!” sabi ko sa kanya at niyakap akong muli ni Hunter
Sabay na kaming lumabas ni Sir Helious ng kwarto ni Hunter at nang makalabas na kami ay agad ko siyang tinanong kung saan ako matutulog.
“Nasa kwarto ko na ang mga gamit mo, stellina! Nasa kontrata yun hindi ba?” sagot niya sa akin kaya napakunot naman ang noo ko
“Teka muna! Ang sabi doon, kapag kailangan lang!” kontra ko sa kanya dahil hindi talaga ako komportable sa gusto niya
“Non discutere con me, stellina! I had a long day at gusto ko ng matulog!” inis na sagot niya sa akin as he opened the door kaya napasunod naman ako sa kanya
(Non discutere con me - Don’t argue with me)
Hayan na naman siya sa pagsasalita niya ng hindi ko naman naiintindihan!
“Mr. Saavedra….”
“Helious! Mahirap bang sabihin yun, Carinne!” putol niya sa sasabihin ko saka niya tinungo at pinto at isinara niya iyon
“Okay, Helious! Hindi pwede ito at hindi ako dapat nandito!” hindi ko na rin mapigilang magtaas ng boses at nakita ko kung paano nairita ang amo ko sa sinabi ko
“Look, si Hunter, para alam mo lang, kapag hindi makatulog at nagigising yan in the middle of the night, nagpupunta yan dito! Anong isasagot ko sa anak ko kapag nakita niya na hindi kita kasama dito?” malumanay naman ang boses niya but with a sense of impatience
“At sinabi ko na ito sa iyo, right? So anong problema?” hindi na ako nakasagot dahil wala naman akong magagawa dahil nabasa ko nga iyon at bilang amo ko siya, kailangan ko siyang sundin
“Good! Nasa walk-in cabinet ang gamit mo at may binili na din akong mga bago para sayo!” sabi niya at saka siya humiga sa kama
“Non ti toccherò a meno che tu non lo voglia, stellina!” narinig kong sabi niya kaya lalo na naman akong nainis dahil hindi ko iyon naintindihan
(Non ti tocherro’ a meno che tu non lo voglia - I won’t touch you unless you want it)
HeliousNapatingin ako sa abogado namin as soon as mabasa ko ang nakasulat sa report na binigay niya sa akin. Hindi ako makapaniwala lalo at ilang taon ng tahimik ang buhay namin ng pamilya ko.Fourteen years old na si Hunter at nasa highschool na din siya and I can say that he always makes us proud dahil palagi siyang nangunguna sa kanyang klase. Si Harold naman ay anim na taon na at nasa grade one na din siya at gaya ni Hunter, matalino din ang anak kong ito.Si Helene naman ay apat na taon na and since she was born, she was our bundle of joy! Malambing ang anak ko na ito at mahal na mahal niya kami ng Mommy niya pati na ang lahat ng tao sa mansion. Well, lahat naman ng mga anak ko ay ganito kaya naman mahal na mahal din sila ng mga tao sa mansion.Hindi ko inaasahan na mangyayari ang bagay na ito at aaminin ko, hindi ako handa.“Nasaan siya?” tanong ko sa abogado namin and he said na nasa ospital si Simonne at kasalukuyang nag-aagaw buhayAnd her only wish is to see Hunter na labi
CarrineAfter staying at the hospital for five days ay nakauwi na din ako sa mansion at excited na ako dahil makikita na ng mga tao doon ang prinsesa namin ni Helious. Nasa mansion din daw ang tatay at si Meynard kaya naman mas lalo kong gusto na makauwi na agad para makita sila.Si Daddy Fred at si Mommy Samantha ay dumalaw naman sa akin dito sa ospital at kasama din nila si Kuya Tyler pero umalis din ito agad dahil may pupuntahan siyang importante.Naintindihan ko naman ito dahil isa siyang public servant pero may sinabi sa akin si Mommy na napaisip talaga ako. “Mukhang may nakabihag na sa puso ng kuya Tyler mo at sa palagay ko, taga-Maynila siya dahil sobra siyang excited na magpunta dito.”Well, sana nga makahanap na si Kuya ng babaeng para sa kanya dahil kailangan naman di niya ng makakatuwang sa buhay. AT sana nga, kung sino man ang babaeng ito, mahalin din niya ang Kuya Tyler ko.Inalalayan ako ni Helious na makaupo sa wheelchair saka inabot sa akin ng nurse ang aming prinsesa
HeliousNagmamadali akong umuwi ngayon dahil tumawag sa akin si Mommy at sinabi niya na may nararamdaman na daw na kakaiba ang asawa ko. She is on her ninth month of pregnancy at kung hindi lang kailangan ay hindi ako aalis sa tabi niya knowing that anytime, she will deliver our child.Kausap ko si Mommy sa phone ngayon habang pauwi kami ng driver ko dahil ayaw kong magmaneho. Baka kasi sa sobrang nerbiyos ko ay mabangga pa ako.But I am so excited dahil sa wakas, maisisilang na ang anak ko!I made it a point na kasama ako sa journey ng pregnancy ni Carrine. Sa bawat check-ups niya, kasama ako. Sa tuwing may gusto siyang kainin, ako ang humahanap dahil ayoko na hindi niya nakakain ang gusto niya.And when we learned na babae ang pangatlong anak namin, I cried lalo na at nakita ko ang baby habang nasa loob pa siya ng tiyan ni Carrine through 3D ulrasound.May prinsesa na ako! And I can’t wait to see her!Agad akong bumaba ng kotse nung makarating na kami sa mansion at sa sala ko na n
Carrine“Stellina, are you okay? You want to go to the hospital?” tanong sa akin ni Helious nung umaga na umandar ang morning sickness koTatlong buwan na ang tiyan ko and eversince, doon ko naramdaman ang pagsusuka at hilo.Naging sensitive din ang pang-amoy ko at ayokong nakakaamoy ng spices na gaya ng bawang at sibuyas.Hindi ako ganito kay Harold noon dahil nakakapagtrabaho pa ako sa restaurant ni Gregory at kahit naamoy ko ang mga ito ay okay lang sa akin.“Okay lang ako!” sabi ko kay Helious at kumapit ako sa kanya dahil nakaramdam na naman ako ng hilo matapos kong sumukaWala naman akong maisuka kundi laway lang at kahit na nahihirapan na ako ay okay lang dahil alam ko naman na bahagi ito ng pagbubuntis ko.Naalala ko nga si Harold at Hunter and I felt sorry dahil hindi ko na sila naaalagaan gaya ng dati “Mahiga ka muna ulit!” sabi ni Helious saka niya ako inalalayan para makahiga sa kama matapos kong magsepilyo at maghilamosKakatapos ko lang maligo kanina at nakapagpatuyo n
CarrineNagsimula na ang seremonya ng kasal at labis ang kaba ko sa simula palang. Inihatid ako ni tatay, Daddy Fred at Mommy Samantha sa altar at labis ang saya ko dahil maayos ang naging pagkikita nila sa unang pagkakataon.Nung abutin ni Helious ang kamay ko mula sa aking mga magulang ay kapwa kami lumuluha.He may look tough on the outside but inside, he is a sweet and loving person.Naglalakad palang ako and I felt emotional nung makita ko siyang nagpapahid ng kanyang mata. He even hugged her Mom at kahit malayo, kita ko ang pagyugyog ng kanyang mga balikat.We both stood up at bago kami magpalitan ng singsing ay pina recite na sa amin ang mga wedding vows namin.Pinauna na ako ng pari kaya kinuha ko sa pouch na dala ko ang inihanda kong wedding vows para kay Helious.“Mahal..una sa lahat, gusto kitang pasalamatan sa lahat ng pagmamahal at pag-aalaga na ginawa mo, hindi lang para sa akin, kung hindi para sa pamilya ko na din.”I paused dahil pinigilan ko ang luhang malapit ng p
Helious This is the big day for me and Carrine at sobrang excited na ako dahil dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Kasal na lang ang kulang sa amin ni Carrine para maging ganap ang pagsasama naming dalawa at ngayon na nga ang araw na ito! “Son?” Napalingon ako sa pinto at nakita ko si Daddy na nakasilip. Nakabihis na din ito and he looks really good even with his age. “Ready ka na?” tanong niya sa akin nung makapasok na siya sa kwarto Napahinga ako ng malalim at saka ako tumango sa kanya. “I am Dad! And I am so happy!” Dad held my shoulders at tinapik niya iyon. “You deserve to be happy, anak! I love you so much!” Dad hugged me at hindi ko napigilang mapaluha sa mga sinabi niya sa akin. He is really the best father that any child will wish for. Growing up, strict siya pagdating sa akin but a little lax on Hera lalo na at siya ang prinsesa namin. Kung nabuhay nga sana ang Kuya Angel ko, as we call him, sana tatlo kaming magkakapatid pero nawala siya kay Mommy ha