Share

Chapter 6

Penulis: Lianna
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-13 22:14:46

Carrine

Masaya naman ang unang araw ko sa mansion ng mga Saavedra at mabuti na lang, umalis si Mr. Saavedra para pumasok sa opisina dahil kung hindi, hindi ko siguro magagawa ng maayos ang trabaho ko.

Kung bakit naman kasi niya ako hinalikan kanina nang dahil lang sa hiling ni Hunter eh kung tutuusin pwede naman siyang gumawa ng dahilan. 

Unang halik ko yun eh! At inilalaan ko iyon sa lalaking mamahalin ko pero anong ginawa niya? Ninakaw niya yun sa akin at ang nakakainis pa, napakalakas ng tibok ng puso ko na para bang lilipad na ito palabas ng dibdib ko.

Mabuti na lang ay nalibang ako sa pag-aalaga kay Hunter at nakita ko sa kanya ang pangungulila kaya naman ginawa ko ang lahat ng paraan para maibigay ko ang pag-aalaga na kailangan niya.

Pagdating ng alas-dos ay pinatulog ko muna siya dahil isa yun sa mga kailangan kong gawin habang nandito ako. Binasa ko ulit ang mga do’s and don’ts when it comes to Hunter habang natutulog siya at kinabisado ko iyon para mas lalong mapabilis ang pag galing niya.

Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto at nakita ko ang mga picture frames na nasa study table ni Hunter. Nakita ko ang picture ni Simonne at kinuha ko iyon at pinagmasdan. Hindi ko talaga alam kung bakit kami magkamukha ng babaeng ito. Nag-iisa lang naman akong anak na babae dahil ang nag-iisa kong kapatid ay lalaki, si Christian.

Bagong graduate ako ng highschool nung magkasakit ang nanay ko ng cancer at yun ang dahilan kung bakit naisanla ng tatay ko ang kanyang bukid at ang aming bahay sa isang mayamang pamilya sa aming lugar, ang mga de Silva.

Dalawang taong nakipaglaban ang aking ina sa sakit niya hanggang sa tuluyan na siyang igupo ng kanyang karamdaman. Binigyan kami ng mga de Silva ng sapat na panahon para mabayaran ang pagkakautang namin sa kanila pero dahil hindi kami nakaipon ng pera, inilit iyon mula sa amin.

Masama ang loob ng tatay ko sa nangyari at inatake naman siya sa puso, tatlong taon buhat nung mamatay ang inay,  kaya napilitan na akong akuin ang responsibilidad bilang panganay na anak.

Bente-uno lang ako nung lumuwas ako ng Maynila para magtrabaho. Kung ano-anong trabaho ang pinasok ko at dahil highschool graduate lang ako, hindi naman pangmatagalan ang mga trabahong napapasukan ko.

Pero nagtiis ako lalo pa at may dahilan ako kung bakit mas ginusto kong lisanin ang aming lugar at makipagsapalaran sa Maynila. Apat na taon na ako dito at mabuti na lang, sa lugar nila Eloisa ako napadpad sa paghahanap ng matutuluyan. Nagkaroon ako ng kaibigan at siya rin ang tumulong sa akin sa paghahanap ng trabaho.

At dahil highschool graduate lang ako, hindi naging madali ang maghanap ng trabaho pero dahil sa determinasyon ko, hindi ako sumuko! Kung ano-anong trabaho ang pinasok ko pero lahat, contractual lang. Hanggang sa maipasok ako ni Eloisa sa mall na pinapasukan niya at swerte namang natanggap ako.

Napahinga ako ng malalim dahil nami-miss ko na ang pamilya ko! Tiniis kong hindi umuwi dahil kailangan kong makaipon sa araw-araw para may maipadala ako para sa gastusin ng pamilya ko.

At kung magtatagal ako dito, malaki ang maitutulong ng sweldo ko sa pamilya ko at maaring matubos ko na rin ang bahay namin.

“Sino ka ba talaga, Simonne? Bakit magkamukha tayo?” tanong ko habang nakatingin ako sa larawan niya

Ibinaba ko ng larawan ni Simonne, at sunod kong kinuha ang larawan ni Mr. Saavedra. Kahit saang anggulo mo tignan, napakagwapo niya talaga! Kaya lang, masungit, matapobre, arogante, mayabang!

Pero gwapo talaga siya at hindi ko pa nga napigilang haplusin ang larawan niya. 

Bandang hapon ay sinamahan ko si Hunter sa kusina dahil iginawa ko siya ng miryenda. Gusto daw kasi niya ng banana que at nakita ko naman na hindi siya bawal dito kaya tinupad ko ang request niya.

Masaya ako kasi nagustuhan ni Hunter ang luto ko at pati nga ang lolo at lola ni Hunter ay nakisali na din sa apo nila sa pagmimiryenda. Masayang nakipagkwentuhan sa akin ang Ma’am Sophia at nakikita ko sa kanila na mababait naman sila. Hindi gaya ng anak nila na palaging mukhang biyernes santo ang mukha.

Pagdating ng hapon ay narinig ko si Ma’am Sophia na gusto daw niyang magluto para sa hapunan. 

“Pwede po ba akong tumulong?” sabi ko pa sa kanya dahil sa totoo lang, hilig ko rin ang pagluluto

“Why not, iha! Tara sa kitchen, let’s look kung ano ang available!” sabi pa niya sa akin

Iniwan ko muna si Hunter sa lolo niya dahil nagbabasa naman ito ng libro at sa palagay ko, ito ang isa sa gusto niyang gawin dahil marami akong nakita na libro sa kwarto niya.

Pagdating namin sa kusina ay binuksan ni Ma’am Sophia ang fridge para icheck kung ano ang mga nandoon.

“May beef, chicken and pork dito, iha, ano sa palagay mo?” tanong niya sa akin

“Ano po ba ang gusto ninyo?” tanong ko naman sa kanya at saka siya nag-isip

“Maybe beef will do! Steak sana kasi yun ang paborito ni Helious kaso hindi ako magaling sa ganun

“Pwede ko po bang i-check kung anong klase po yung beef na nandyan?” paalam ko naman sa ginang

“Go ahead iha!” she said at umusog pa siya para makita ko ito ng mabuti

“Actually po, pwede po ito since t-bone cut po siya.” sabi ko saka ko inilabas ang karne ng baka para maibabad ko ito 

“Wow, iha, hindi ko alam na marunong ka pala talagang magluto!” sabi sa akin ni Ma’am Sophia kaya napangiti na lang ako sa kanya

“Nagtrabaho po kasi ako sa isang restaurant Ma’am.” sagot ko naman

“As a chef?” tanong niya ulit kaya umiling naman ako

“Hindi po, Ma’am! Dishwasher po !” napayuko pa nga ako dahil nahiya akong bigla sa taong nasa harap ko

Magmagaling ba naman ako sa kusina eh hindi naman pala ako chef! Siyempre, hindi naman ipagkakatiwala ng mga ito ang pagkain nila sa akin lalo at hindi naman ako totoong chef.

“Sorry po, Ma’am! Tutulungan ko na lang po kayo kung ano ang gusto ninyong iluto!” sabi ko sa kanya

“Bakit ka nagso-sorry, iha! I mean, bilib nga ako sayo kasi sa ganung klase ng trabaho, nakuha mo pang maging interesado sa pagluluto.” nakangiting sabi niya sa akin

“Ang totoo po niyan, Ma’am, pinapanuod ko lng po yung chef namin kapag nagluluto siya. Tapos po tinatandaan ko lang. Pagdating po ng break namin, sinusulat ko po lahat at kung may pagkakataon po, sinusubukan ko pong gawin. Yun nga lang po, simplified version lang.” paliwanag ko sa kanya kaya napatango naman si Ma’am Sophia

“Kung ganun, bakit hindi mo gawin ngayon? May mga supplies tayo dito iha at kapag gusto mong magluto, you can do it here!” suhestyon ni Ma’am Sophia pero napailing na lang ako

“Naku Ma’am, hindi po pwede yun! Hindi naman po yun ang trabaho ko!” tanggi ko dahil sigurado namang hindi papayag si Mr. Saavedra dahil ang gusto niya, si Hunter ang tutukan ko

“Don’t mind my son! Isa pa, mas mabuti nga kung ikaw na ang maghahanda ng pagkain ng apo ko, tama ba?” sabi pa ni Ma’am Sophia sa akin 

“Sige po, kung okay lang po sa inyo yun!” sagot ko naman sa kanya

“Sige na, iha, simulan na natin yung pagluluto!” excited na sabi pa ni Ma’am Sophia sa akin

Sinimulan ko na ang pagtuyo sa beef matapos ko itong i-thaw at nung matuyo na ito ay nilagyan ko lang ito ng seasoning which is salt, pepper and garlic powder. Hinayaan ko muna itong mag-rest at hinanda ko na ang oven dahil mas gusto daw ni Sir Helious na sa oven niluluto ang steak niya.

And he prefers it to be well-done kaya naman kailangan ko ng ipre-heat ang oven.

“Wow, iha! Para ka naman palang chef talaga kung kumilos!” sabi pa ni Ma’am Sophia pero ang totoo kinakabahan din ako dahil kung hindi ko ito magagawa ng tama, nakakahiya naman at nagsayang pa talaga ako ng mga stocks nila

“Naku, Ma’am, sana nga po magawa ko ng tama!” sagot ko pa sa kanya

Nung okay na ang oven ay isinalang ko na ang seasoned beef saka ko inadjust ang temperature ng oven para maganda ang maging luto nito.

Sunod ay gumawa ako ng sauce from scratch at gumawa na din ako mashed potato at ng gravy nito. Sana talaga magustuhan ito ng pamilya Saavedra kaya naman panay ang dasal ko sa langit.

Nung maluto na ang steak ay sakto namang dumating na ang daddy ni Hunter at sumilip pa nga siya sa kusina para batiin ang Mommy niya.

“Hello, anak! Magbihis ka na kasi kakain na tayo ng dinner! Si Simonne ang nagluto! She prepared steak! Your favorite!” pagmamalaki pa ni Ma’am Sophia kaya naman napayuko na lang ako at taimtim na nagdasal na sana hindi ito palpak dahil baka mapagalitann ako ng masungit na amo ko

Nakasunod naman sa kanya si Hunter kaya naman nagulat na naman ako nung dampian ni Dylan ng halik ang labi ko. Ano ba namang ginagawa ng lalaking ito?

“Did you cook for me, stellina?” tanong niya pa sa akin  kaya napalunok na lang ako habang nakatingin ako sa kanyang mga mata

I heard Hunter’s giggle kaya napakurap naman ako at saka ako nagsalita.

“Oo, kaya magbihis ka na! Magpapahain na kami!” mahinang sabi ko sa kanya pero parang mauubusan na naman ako ng hangin nung lumapit si Sir Helious at bumulong sa akin 

“I can see you are trying to impress me, stellina! Non preoccuparti, sta iniziando a piacermi.” bulong niya sa akin kaya lalo akong naguluhan dahil hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya

Minura ba niya ako?!

(Stellina- little star)

(Non preoccuparti, sta iniziando a piacermi - don’t worry, I’m starting to like it)

“Magbibihis lang ako, then we will try your Mom’s cooking!” sabi pa nito kay Hunter at nung lumabas siya ng kusina ay parang doon lang ako nakahinga

Pero hindi ko pa in maalis sa isip ko yung sinabi niya.

Anong lenggwahe ba yun!?

Napatingin ako kay Ma’am Sophia at nakita ko ang kakaibang ngiti sa labi niya kaya naman tumalikod na lang ako para kunin sa oven ang niluto ko.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
nakkilig c helious
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE   Chapter 85

    HeliousNapatingin ako sa abogado namin as soon as mabasa ko ang nakasulat sa report na binigay niya sa akin. Hindi ako makapaniwala lalo at ilang taon ng tahimik ang buhay namin ng pamilya ko.Fourteen years old na si Hunter at nasa highschool na din siya and I can say that he always makes us proud dahil palagi siyang nangunguna sa kanyang klase. Si Harold naman ay anim na taon na at nasa grade one na din siya at gaya ni Hunter, matalino din ang anak kong ito.Si Helene naman ay apat na taon na and since she was born, she was our bundle of joy! Malambing ang anak ko na ito at mahal na mahal niya kami ng Mommy niya pati na ang lahat ng tao sa mansion. Well, lahat naman ng mga anak ko ay ganito kaya naman mahal na mahal din sila ng mga tao sa mansion.Hindi ko inaasahan na mangyayari ang bagay na ito at aaminin ko, hindi ako handa.“Nasaan siya?” tanong ko sa abogado namin and he said na nasa ospital si Simonne at kasalukuyang nag-aagaw buhayAnd her only wish is to see Hunter na labi

  • The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE   Chapter 84

    CarrineAfter staying at the hospital for five days ay nakauwi na din ako sa mansion at excited na ako dahil makikita na ng mga tao doon ang prinsesa namin ni Helious. Nasa mansion din daw ang tatay at si Meynard kaya naman mas lalo kong gusto na makauwi na agad para makita sila.Si Daddy Fred at si Mommy Samantha ay dumalaw naman sa akin dito sa ospital at kasama din nila si Kuya Tyler pero umalis din ito agad dahil may pupuntahan siyang importante.Naintindihan ko naman ito dahil isa siyang public servant pero may sinabi sa akin si Mommy na napaisip talaga ako. “Mukhang may nakabihag na sa puso ng kuya Tyler mo at sa palagay ko, taga-Maynila siya dahil sobra siyang excited na magpunta dito.”Well, sana nga makahanap na si Kuya ng babaeng para sa kanya dahil kailangan naman di niya ng makakatuwang sa buhay. AT sana nga, kung sino man ang babaeng ito, mahalin din niya ang Kuya Tyler ko.Inalalayan ako ni Helious na makaupo sa wheelchair saka inabot sa akin ng nurse ang aming prinsesa

  • The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE   Chapter 83

    HeliousNagmamadali akong umuwi ngayon dahil tumawag sa akin si Mommy at sinabi niya na may nararamdaman na daw na kakaiba ang asawa ko. She is on her ninth month of pregnancy at kung hindi lang kailangan ay hindi ako aalis sa tabi niya knowing that anytime, she will deliver our child.Kausap ko si Mommy sa phone ngayon habang pauwi kami ng driver ko dahil ayaw kong magmaneho. Baka kasi sa sobrang nerbiyos ko ay mabangga pa ako.But I am so excited dahil sa wakas, maisisilang na ang anak ko!I made it a point na kasama ako sa journey ng pregnancy ni Carrine. Sa bawat check-ups niya, kasama ako. Sa tuwing may gusto siyang kainin, ako ang humahanap dahil ayoko na hindi niya nakakain ang gusto niya.And when we learned na babae ang pangatlong anak namin, I cried lalo na at nakita ko ang baby habang nasa loob pa siya ng tiyan ni Carrine through 3D ulrasound.May prinsesa na ako! And I can’t wait to see her!Agad akong bumaba ng kotse nung makarating na kami sa mansion at sa sala ko na n

  • The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE   Chapter 82

    Carrine“Stellina, are you okay? You want to go to the hospital?” tanong sa akin ni Helious nung umaga na umandar ang morning sickness koTatlong buwan na ang tiyan ko and eversince, doon ko naramdaman ang pagsusuka at hilo.Naging sensitive din ang pang-amoy ko at ayokong nakakaamoy ng spices na gaya ng bawang at sibuyas.Hindi ako ganito kay Harold noon dahil nakakapagtrabaho pa ako sa restaurant ni Gregory at kahit naamoy ko ang mga ito ay okay lang sa akin.“Okay lang ako!” sabi ko kay Helious at kumapit ako sa kanya dahil nakaramdam na naman ako ng hilo matapos kong sumukaWala naman akong maisuka kundi laway lang at kahit na nahihirapan na ako ay okay lang dahil alam ko naman na bahagi ito ng pagbubuntis ko.Naalala ko nga si Harold at Hunter and I felt sorry dahil hindi ko na sila naaalagaan gaya ng dati “Mahiga ka muna ulit!” sabi ni Helious saka niya ako inalalayan para makahiga sa kama matapos kong magsepilyo at maghilamosKakatapos ko lang maligo kanina at nakapagpatuyo n

  • The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE   Chapter 81

    CarrineNagsimula na ang seremonya ng kasal at labis ang kaba ko sa simula palang. Inihatid ako ni tatay, Daddy Fred at Mommy Samantha sa altar at labis ang saya ko dahil maayos ang naging pagkikita nila sa unang pagkakataon.Nung abutin ni Helious ang kamay ko mula sa aking mga magulang ay kapwa kami lumuluha.He may look tough on the outside but inside, he is a sweet and loving person.Naglalakad palang ako and I felt emotional nung makita ko siyang nagpapahid ng kanyang mata. He even hugged her Mom at kahit malayo, kita ko ang pagyugyog ng kanyang mga balikat.We both stood up at bago kami magpalitan ng singsing ay pina recite na sa amin ang mga wedding vows namin.Pinauna na ako ng pari kaya kinuha ko sa pouch na dala ko ang inihanda kong wedding vows para kay Helious.“Mahal..una sa lahat, gusto kitang pasalamatan sa lahat ng pagmamahal at pag-aalaga na ginawa mo, hindi lang para sa akin, kung hindi para sa pamilya ko na din.”I paused dahil pinigilan ko ang luhang malapit ng p

  • The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE   Chapter 80

    Helious This is the big day for me and Carrine at sobrang excited na ako dahil dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Kasal na lang ang kulang sa amin ni Carrine para maging ganap ang pagsasama naming dalawa at ngayon na nga ang araw na ito! “Son?” Napalingon ako sa pinto at nakita ko si Daddy na nakasilip. Nakabihis na din ito and he looks really good even with his age. “Ready ka na?” tanong niya sa akin nung makapasok na siya sa kwarto Napahinga ako ng malalim at saka ako tumango sa kanya. “I am Dad! And I am so happy!” Dad held my shoulders at tinapik niya iyon. “You deserve to be happy, anak! I love you so much!” Dad hugged me at hindi ko napigilang mapaluha sa mga sinabi niya sa akin. He is really the best father that any child will wish for. Growing up, strict siya pagdating sa akin but a little lax on Hera lalo na at siya ang prinsesa namin. Kung nabuhay nga sana ang Kuya Angel ko, as we call him, sana tatlo kaming magkakapatid pero nawala siya kay Mommy ha

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status