Pagkarating namin dito sa New York ay agad kaming dumiretso sa Hotel kung saan kami mamamalagi. Wala akong time na mamangha sa lugar dahil sa pagod na aking nararamdaman. After making sure that Theo is sleeping peacefully, lumabas na ako sa kwarto niya. Kahit pagod ako ay may nararamdaman pa rin akong kaba dahil kasama kong matutulog si Alex sa iisang kwarto. Maingat kong sinara ang pinto pagkapasok ko sa kwarto namin ni Alex. Agad akong nag-iwas ng tingin nang pagkapasok ko ay siyang paglabas niya mula sa bathroom, tapos tuwalya lang ang tanging nakatakip sa katawan niya. Napapaypay ako sa aking sarili gamit ang aking palad nang maramdamam kong biglang uminit ang paligid. Tahimik akong dumiretso sa dala kong bag para kumuha ng damit kong pampalit. Ngayong tapos na si Alex sa pag-shower ay ako naman na ang susunod. Nabato naman ako sa aking pwesto nang maramdamam ko ang mainit na katawan ni Alex sa aking likuran. "Baby, can you hand me my bag?" he whispered near my ear. I al
Tahimik lang akong naglalakad papasok sa loob ng private plane ni Alex. Siya naman ay nakaalalay sa akin. Ang mga bagahe naman namin ay inasikaso na ng mga tauhan niya. Medyo mahaba ang naging byahe bago kami nakarating dito sa airport. Nangalay ang braso habang buhat ko ang natutulog na si Theo, nang mapansin iyon ni Alex ay kinuha niya sa akin ang kanyang anak. "Make sure our room is clean before our arrival." I heard him talking to someone over the phone while walking inside the plane. Kausap niya ang isang staff ng hotel sa New York. Nang makaupo ako ay nagtaas ako ng tingin kay Alex na nakatayo pa rin. "Akin na si Theo" saad ko kay Alex nang matapos ang tawag. He shook his head, "Ako muna. Nangangalay pa ang kamay mo" he said before sitting beside me. I was about to argue but someone enter the plane. Bigla akong nanliit nang makita ko ang hitsura ng babaeng pumasok. She's beautiful and I can tell that all the clothes she's wearing is expensive. Kahit ang kanyang tindig ay m
"Bili ka ng pasalubong pagbalik mo dito sa Pilipinas a." Natatawa kong isinara ang bag ko dahil sa sinabi ni Adrianna. Nandito ako sa kwarto namin ngayon, hinahanda ang mga damit na dadalhin mo papuntang New York. Alex told me yesterday that he and Theo wants me to go with them. Nagplano na ako na hindi sasama pero lagi akong inaaya ni Theo na sumama sa kanila ng ama niya. Wala na rin akong nagawa dahil inayos na ni Alex ang mga papeles ko. "Sige ba" sagot ko saka binuhat ang bag. Kumunot ang noo ko nang makita kong ngumisi nang nakakaloko si Adrianna. Anong problema ng babaeng 'to? "Para na kayong pamilya niyan" asar niya. Biro akong napa-irap. "Ikaw talaga, Adrianna. Kung ano-ano na lang ang sinasabi mo" suway ko sa kanya. "Totoo naman e. Kapag nakikita ko kayong tatlo, para kayo one small family" pilit pa niya. "Ewan ko sa'yo, Adrianna" lumabas na ako at iniwan siya doon sa loob ng kwarto. Pagkarating ko sa living room ay nandoon na ang mga gamit nila Alex at Theo pero hind
Umaga pa lang ay napakarami ng tao sa labas ng mansiyon. Si manang Rosing naman ay nasa labas din dahil siya ang nag-uutos kung saan ilalagay ng mga lalaking trabahador ang mga bulaklak. Pagkababa nga namin ni Theo sa unang palapag ng mansiyon ay nagkumpulan ang mga kasamahan ko sa garden. Nagtaka pa kami ni Theo kaya tinignan namin. Nasagot naman iyon nang makita ko ang dahilan nila kung bakit nagkumpulan sila sa labas. Hindi na rin ako nagtaka nang makita ko si Adrianna, Sheena at kanyang mga alipores sa unahan. Wala kasing suot na pang-itaas ang mga lalaki na nagdeliver kaya ganoon ang hitsura nila. Dahil doon ay napuno ng hagikhik ang garden. Pumasok kami ni Theo sa living room. I saw Alex talking to someone over the phone. Nakatalikod siya sa amin kaya hindi niya kami napansin na pumasok. "Send it to my email now" rinig kong utos ni Alex sa kanyang kausap. "Mommy, why are the maids laughing?" I looked at Theo. Nagtaka siguro siya sa mga inasal ng mga kasambahay.
Isang malakas na kulog ang siyang nagpagulat sa amin ni Theo habang nandito kami sa loob ng office ni Alex. Agad na yumakap sa binti ko si Theo dahil sa takot. "Come here, baby" binuhat ko siya. "When is daddy and Tito Kael going home?" he asked while gazing at the garden through the window. Kita kasi mula dito sa office ni Alex ang gate ng mansyon. Umalis si Alex kanina dahil may aasikasuhin lang sa isang branch ng kompanya niya. Kanina pa siya umalis kasama ang kapatid niya at sabi niya ay babalik daw siya agad, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi. Nagsisimula na akong mag-alala para sa kanya. "I'm sure they're on their way na, Theo" sagot ko kay Theo para hindi siya mag-alala. Sumapit na lang ang kadiliman at wala pa din siya. Nasa loob na ako ngayon ni Theo, sinasamahan siya sa kanyang pagtulog dahil takot pa rin siya sa kulog. Naalimpungatan ako nang naramdaman kong may humawi sa aking buhok. Minulat ko ang aking mata at bumungad sa aking harapan si Alex.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong kumawala sa bisig niya pero ayaw namang sumunod ng katawan. In fact, I love being this close to him. I tried to step back just to have a small space between us but sir Alex immediately stopped by his firm hold. He didn't want me fleeing from him. “Why are you avoiding me, Tatianna?” he asked again, almost pleading. “Sa mga nangyari nitong nakaraang, dapat lang na iwasan kita,” I murmured. “Hindi magandang tignan iyon, lalo na at katulong lang ako saka nanny ni Theo. Sandali akong natigilan nang maramdaman ko ang daliri ni sir Alex sa aking baba saka ito itinaas. Napalunok ako nang magtama ang aming mata. He frowned, “You know we have something deeper than that, Tatianna” he said. “Hindi ka lang basta maid para sa akin.” Dahan-dahan akong umiling. “Kahit na may nararamdaman ako ako...” my voice broke a little, “Ayokong maging rason iyo para lang masira ang relasyon mo sa anak ni Mr. Acosta. Ayokong ipagpilitan ang sarili ko sa'yo lalo
Kumunot ang noo ko nang makita kong naglakad pataas ng hagdan si Theo. Sinundan ko siya at baka pupunta lang siya ng kwarto niya para may kunin. "Did you forgot something?" I asked him as I walked slowly behind him. "I'm just going to get something in the library, mommy" he answered without looking at me. "Samahan na kita." Ngayon ay tumigil na siya sa paglalakad tsaka ako hinarap. Nagtaas ito ng tingin sa akin. "Okay lang po na ako lang mag-isa, mommy. Kaya ko naman po." "I know pero may mga pangyayaring hindi mo maiiwasan kaya sasamahan kita." Kumurap si Theo, "But I'm big na po, mommy." Napanguso ako, "And you're still my baby." Hinawakan ko ang kamay niya at sabay naming tinungo ang library. Wala nang nagawa ang bata kundi ang sumunod sa akin. Ewan ko ba, sa tuwing sinasabi kong pupunta ako dito ay hindi pumapayag ang mag-ama. Parang lagi silang takot sa tuwing nagpapaalam akong pupunta doon. Binuksan ko ang pinto at pumasok kami. Kung saan pupunta si Theo ay h
Umaga pa lang ay nandito na ako sa garden. Hinahanap ko kasi si Sheena. Nalibot ko na ang buong mansyon at hindi ko siya makita. Tong garden na lang ang hindi ko napupuntahan. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita ko na si Sheena na nasa fish pond at pinapakain ang mga isda doon. "Sheena!" tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa direksiyon ko bago tumigil sa pagpapakain ng isda. Naglakad ako palapit sa kanya. Pinag-krus nito ang kanyang braso saka tinaasan ako ng kilay. "Anong problema mo, Tatianna?" masungit niyang tanong. Kung hindi lang importante 'tong sasabihin ko ay hindi ko na siya sinadyang hanapin sa buong mansyon. "Gusto mo bang ikaw na lang ang maglinis ng kwarto ni sir Alex araw-araw?" offer ko sa kanya. Seryoso na ako sa pag-iwas sa kanya at ito ang una kong hakbang. Ang tumigil sa paglilinis ng kwarto niya araw-araw. Kada umaga kasi ay lagi ko siyang naaabutan sa kwarto niya kaya malaking hakbang ito para sa pag-iwas sa kanya. Sa totoo lang ay hindi
Namula ang aking mukha nang dahil sa sinabi ni sir Kael. Buti na lang at dumating ang tauhan ni sir Alex kaya nagpaalam itong aalis. Sinamaan ko naman ng tingin si sir Kael nang kaming tatlo na lang dito sa garden. Si Theo naman ay kumakain ng cookie habang hawak ang pangkulay sa kabila niyang kamay. "Grabe ang pamumula ng pisngi mo, Tatianna" asar pa nito bago sumubo. Inirapan ko na lang siya saka itinuon ang pansin kay Theo. Bahala siya diyan. Kahit kapatid niya ang amo namin ay 'di ko uurungan ang pang-aasar niya. Kinuha ko ang baso na may lamang juice at saka ko iyon binigay kay Theo na kanina pa niya gustong abutin. Inalalayan ko siya sa pag-inom, baka mabitawan niya kasi ang baso. Baka masugatan pa ang bata. "Do you have a girlfriend, uncle Kael?" tanong ni Theo nang matapos siyang uminom. Napatingin si sir Kael kay Theo, "I don't have a plan on having a girlfriend, buddy" sagot nito. Kumunot ang noo ni Theo, "Why?" Binitawan ni sir Kael ang hawak niyang kutsara at