Isang malakas na kulog ang siyang nagpagulat sa amin ni Theo habang nandito kami sa loob ng office ni Alex. Agad na yumakap sa binti ko si Theo dahil sa takot. "Come here, baby" binuhat ko siya. "When is daddy and Tito Kael going home?" he asked while gazing at the garden through the window. Kita kasi mula dito sa office ni Alex ang gate ng mansyon. Umalis si Alex kanina dahil may aasikasuhin lang sa isang branch ng kompanya niya. Kanina pa siya umalis kasama ang kapatid niya at sabi niya ay babalik daw siya agad, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi. Nagsisimula na akong mag-alala para sa kanya. "I'm sure they're on their way na, Theo" sagot ko kay Theo para hindi siya mag-alala. Sumapit na lang ang kadiliman at wala pa din siya. Nasa loob na ako ngayon ni Theo, sinasamahan siya sa kanyang pagtulog dahil takot pa rin siya sa kulog. Naalimpungatan ako nang naramdaman kong may humawi sa aking buhok. Minulat ko ang aking mata at bumungad sa aking harapan si Alex.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong kumawala sa bisig niya pero ayaw namang sumunod ng katawan. In fact, I love being this close to him. I tried to step back just to have a small space between us but sir Alex immediately stopped by his firm hold. He didn't want me fleeing from him. “Why are you avoiding me, Tatianna?” he asked again, almost pleading. “Sa mga nangyari nitong nakaraang, dapat lang na iwasan kita,” I murmured. “Hindi magandang tignan iyon, lalo na at katulong lang ako saka nanny ni Theo. Sandali akong natigilan nang maramdaman ko ang daliri ni sir Alex sa aking baba saka ito itinaas. Napalunok ako nang magtama ang aming mata. He frowned, “You know we have something deeper than that, Tatianna” he said. “Hindi ka lang basta maid para sa akin.” Dahan-dahan akong umiling. “Kahit na may nararamdaman ako ako...” my voice broke a little, “Ayokong maging rason iyo para lang masira ang relasyon mo sa anak ni Mr. Acosta. Ayokong ipagpilitan ang sarili ko sa'yo lalo
Kumunot ang noo ko nang makita kong naglakad pataas ng hagdan si Theo. Sinundan ko siya at baka pupunta lang siya ng kwarto niya para may kunin. "Did you forgot something?" I asked him as I walked slowly behind him. "I'm just going to get something in the library, mommy" he answered without looking at me. "Samahan na kita." Ngayon ay tumigil na siya sa paglalakad tsaka ako hinarap. Nagtaas ito ng tingin sa akin. "Okay lang po na ako lang mag-isa, mommy. Kaya ko naman po." "I know pero may mga pangyayaring hindi mo maiiwasan kaya sasamahan kita." Kumurap si Theo, "But I'm big na po, mommy." Napanguso ako, "And you're still my baby." Hinawakan ko ang kamay niya at sabay naming tinungo ang library. Wala nang nagawa ang bata kundi ang sumunod sa akin. Ewan ko ba, sa tuwing sinasabi kong pupunta ako dito ay hindi pumapayag ang mag-ama. Parang lagi silang takot sa tuwing nagpapaalam akong pupunta doon. Binuksan ko ang pinto at pumasok kami. Kung saan pupunta si Theo ay h
Umaga pa lang ay nandito na ako sa garden. Hinahanap ko kasi si Sheena. Nalibot ko na ang buong mansyon at hindi ko siya makita. Tong garden na lang ang hindi ko napupuntahan. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita ko na si Sheena na nasa fish pond at pinapakain ang mga isda doon. "Sheena!" tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa direksiyon ko bago tumigil sa pagpapakain ng isda. Naglakad ako palapit sa kanya. Pinag-krus nito ang kanyang braso saka tinaasan ako ng kilay. "Anong problema mo, Tatianna?" masungit niyang tanong. Kung hindi lang importante 'tong sasabihin ko ay hindi ko na siya sinadyang hanapin sa buong mansyon. "Gusto mo bang ikaw na lang ang maglinis ng kwarto ni sir Alex araw-araw?" offer ko sa kanya. Seryoso na ako sa pag-iwas sa kanya at ito ang una kong hakbang. Ang tumigil sa paglilinis ng kwarto niya araw-araw. Kada umaga kasi ay lagi ko siyang naaabutan sa kwarto niya kaya malaking hakbang ito para sa pag-iwas sa kanya. Sa totoo lang ay hindi
Namula ang aking mukha nang dahil sa sinabi ni sir Kael. Buti na lang at dumating ang tauhan ni sir Alex kaya nagpaalam itong aalis. Sinamaan ko naman ng tingin si sir Kael nang kaming tatlo na lang dito sa garden. Si Theo naman ay kumakain ng cookie habang hawak ang pangkulay sa kabila niyang kamay. "Grabe ang pamumula ng pisngi mo, Tatianna" asar pa nito bago sumubo. Inirapan ko na lang siya saka itinuon ang pansin kay Theo. Bahala siya diyan. Kahit kapatid niya ang amo namin ay 'di ko uurungan ang pang-aasar niya. Kinuha ko ang baso na may lamang juice at saka ko iyon binigay kay Theo na kanina pa niya gustong abutin. Inalalayan ko siya sa pag-inom, baka mabitawan niya kasi ang baso. Baka masugatan pa ang bata. "Do you have a girlfriend, uncle Kael?" tanong ni Theo nang matapos siyang uminom. Napatingin si sir Kael kay Theo, "I don't have a plan on having a girlfriend, buddy" sagot nito. Kumunot ang noo ni Theo, "Why?" Binitawan ni sir Kael ang hawak niyang kutsara at
"Mommy, bakit ang tagal mong nagising?" Iyan ang tanong sa akin ni Theo nang makarating ako sa garden. Mag-isa lang siya dito nang papalapit ako sa dito. Umupo ako sa tabi niya at binuhat siya para paupuin sa akin kandungan. "I miss my baby.." I kissed his cheeks, making him laugh. Magkasama naman kami kahapon pero na-miss ko pa rin ang batang ito. Parang higit pa sa pagiging nanny ang trabaho ko dito. "I miss you too, mommy" ani niya saka dinampi ang kanyang labi sa aking pisngi. Ngumiti ako saka tinignan ang table kung saan nagkalat ang mga pang-kulay at mga coloring books niya. Hilig na talaga niyang gawin ito. "You're coloring robots now?" Kinuha nito ang asul na kulay, "Yes, mommy. Uncle Kael showed me a video of this robots and they're so cool!" "Really?" Tumango si Theo at kinulayan na ang isang pahina ng coloring book. "Yes and they're saving the people from danger, mommy." "Do you want mommy to help?" I asked him about coloring the other pages of the colorin
Isang pamilyar na silid ang bumungad sa akin pagkagising ko. Napahawak naman ako sa akin ulo nang makaramdam ako ng sakit doon. Iginala ko ang tingin sa buong kwarto. Lahat ng gamit ay pamilyar. Nanlaki agad ang mata ko nang mapansin kong ang mga gamit na iyon ay pagmamay-ari ni sir Alex. Tinignan ko ang kama, wala naman akong katabi. Halata rin kasi na ako lang ang natulog dito sa kama. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon pero nakakahiya naman na si sir Alex pa ang nag-adjust. Tumitig ako sa kisame para alalahanin kung anong nangyari kahapon sa bar pero ang naaalala ko lang ay noong pumunta na kami ni Adrianna sa dance floor. Pagkatapos no'n ay wala na akong maalala. Nagsimula na tuloy akong kabahan. Baka naman may nagawa ako kagabi na hindi maganda! Agad akong umalis sa ibabaw ng kama para sana puntahan si Adrianna at tanungin siya pero naudlot iyon ng tumama sa noo ko ang pintuan ng kwarto ni sir Alex nang bumukas iyon. Napamura agad ako sa akin isipan nang nagsi
While drinking alcohol, my head snapped toward my phone when it suddenly rung. Naglakad ako palapit sa table saka iyon kinuha. My grip tightened around the phone when I saw what my brother, Kael, sent. It was a video of Tatianna dancing and I notice how the males around her looked at her direction. Agad akong pumasok sa sasakyan ko para puntahan ang bar kung saan dinala ni Kael si Tatianna. While I'm on my way there, I'm planning on killing those men who are ogling at her. I already told her not to wear that red satin dress, but of course, she wouldn't listen. Kita ko naman ang pagkataranta ng mga tauhan ko nang makita nila akong papasok sa bar ko. Hindi ko sila pinansin at dumiretso lang ako sa pagpasok. I scan the whole dance floor to find Tatianna, my eyes stopped at the familiar built of woman who's dancing with Adrianna. My eyes softened when I saw how happy she is. Hindi niya pansin ang mga taong nasa paligid niya na nasa kanya ang atensyon, lalo na ang mga lalaki. Som
Nasa labas pa lang kami ng bar ay rinig na rinig na namin ang napakalakas na musika. Nang nasa entrance na kami ay may bouncer na nagche-check ng ID at isa yun sa problema namin dahil wala kaming ID saka hindi ko nadala ang ID ko kasi nga sapilitan akong kinuha sa bahay ng auntie ko. “Sir Kael, paano po yan? Wala po kaming ID” saad ni Adrianna kay sir Kael na nasa unahan lang namin. Sumang-ayon naman ang mga kasama namin. Humarap ito sa amin, “Don’t worry, pagmamay-ari naman ni kuya Alex ang bar na ito kaya chill lang kayo” sagot nito saka lumakad patungo sa bouncer at kinausap ito. Mukhang sinabihan niya ang bouncer na papasukin kami dahil tumingin ang bouncer sa amin saka tumango. Nang maayos na ay pumasok na kami sa loob ng bar. Napapaypay ako sa hangin nang maamoy ko ang sigarilyo. Sinundan lang namin si sir Kael na pumunta naman sa VIP table. “Dito kayo mag-stay at kung gusto niyo naman uminom ay pwede kayong um-order sa counter. Kung tungkol sa pambayad ay 'wag na kayong m