I was watering the plants outside the mansion when suddenly one of the maids walked towards me. Mukhang problemado ang mukha nito. "Ma'am, may bisita po kayo" turan nito sa akin. Kumunot ang aking noo. Wala naman akong inaasahan na bisita ngayong araw. Isa pa, sino ba ang taong 'yon? "Sinabi niya ba sa'yo kung sino siya?" Tumango ito, "Kaibigan niyo daw po, ma'am, pero hindi ko po pinapasok kasi ngayon ko lang po siya nakita. Halos kilala na rin po naming lahat ang mga kaibigan niyo at siya lang po ang hindi." Pinatay ko ang faucet at tuluyang hinarap ang aming kasambahay. Tama lang ang ginawa niya. Mamaya ay baka may masamang balak ang taong nagpakilalang kaibigan ko. "Sinabi niya kung anong pangalan niya?" "Kisha daw po, ma'am." Umangat ang kilay ko nang marinig ko ang pangalan ni Kisha. She message me to meet her and wala akong sagot tapos ngayon bibisita siya dito nang walang pasabi? That's weird. "Sumisigaw nga po kanina, ma'am, kasi ayaw po naming papasukin. Ipinipilit
Kinagabihan ay sabay kaming lumabas ni Alex sa kwarto ni Theo at Gabriel. Sobrang himbing ng tulog ng dalawa, halatang pagod na pagod sa paglalaro kanina. Ang mga magulang naman ni Alex ay dito na sa mansyon natulog. Malalim na kasi ang gabi kaya pinilit na namin silang dito matulog sa mansyon. Ganoon din kila Kael at Tasha. Si Milo at Rence ay natulog sa kwarto kung saan sila natutulog noon. Habang naglalakad ako palapit sa kama ng kwarto namin ni Alex at tumunog ang cellphone ko. Kunot ang noong nilapitan ko ang bedside table at kinuha iyon. Lumalim ang pagkakunot ng aking noo nang makita at mabasa ko ang isang mensahe mula sa isang estrangherong tao. Unknown: 'Can we meet tomorrow?' I typed. Tatianna: 'Who is this?' Tumunog ulit ang cellphone ko. Unknown: 'It's me, Kisha.' Humiga ako sa kama. Saan naman kaya niya nakuha ang aking numero? I clearly remembered that I didn't gave it to her. Mula sa cellphone at umangat ang aking tingin sa bumukas na pinto ng banyo. Niluwa do
Dumating na rin kalaunan ang mga magulang ni Alex. Tumayo kaming apat at sabay na sinalubong sila. Tita entered the mansion together with Tito. Sa likuran nila ay ang dalawang tauhan ni Alex na may mga dalang paper bag. Mukhang pasalubong iyon para sa mga bata. Tita's eyes shined as she saw us walking closer to them. Huminto ako malapit sa kanila para bigyan sila ng minuto na batiin ang isa't-isa. "Hello, hija" bati nito kay Tasha. "How are you?" Tasha hugged her before answering, "I'm okay naman po, tita. Kayo po? Kumusta na kayo?" "I'm fine, hija. Thank you for asking" sagot niya saka tumingin sa aking gawi, "Tatianna, mas lalo kang gumaganda ha" ngiti nitong saad. Natatawa akong naglakad palapit sa kanila at niyakap si Tita. Nakita ko naman 'di kalayuan sa amin sila Alex at Kael kasama ang kanilang ama. Nag-uusap ang mga ito. "Kayo nga rin, tita. Masyado po kayong inaalagaan ni tito kaya mas lalo kang gumaganda" saad ko sa kanya. Malawak ang ngiting hinawakan ni tita ang
Nasa kalagitnaan ako ng pagbi-bake ng cake nang dumating na si Kael kasama si Tasha at ang mga pinsan nito. Ang kambal na bagong ligo at tahimik na nanonood sa sala ay napatigil sa panonood dahil sa pagdating nila. "Uncle Kael!" Theo shouted as he ran towards him. Kael crouched down, "Hello, buddy" he hugged him. "Morning, uncle Kael" nagtaas ito ng tingin kay Tasha, "Morning po, tita Tasha" saad nito sabay nagikhik. Kumunot ang noo ko habang tinitignan ang anak kong si Theo na ginagawa iyon. His eyes are twinkling while looking directly at his uncle's girlfriend. May paghanga ba si Theo kay Tasha? "Good morning too, Theo" ngiting bati ni Tasha saka ginulo ang buhok nito na siyang ikinalawak ng ngiti ni Theo. "M-mowning..." utal na bati naman ni Gabriel. "Morning too, Gabriel" Kael said sweetly. Habang busy si Kael kay Gabriel ay sumilip naman si Theo sa entrada ng mansyon. Mukhang hinahanap niya sila Milo at Rence. Nagtataka ako kung bakit wala pa sila dito sa loob.
"Grandpa and grandma are going to visit tomorrow, mommy?" Theo asked as I change his clothes after they took a bath. "Yes, baby. Even your uncle Kael and tita Tasha too" I added. Pagkatapos kong sabihin iyon ay umakyat si Theo sa kama niya at sumunod naman si Gabriel sa kanya. Gabi na kaya andito ako ngayon sa kwarto nila para patulugin na ang dalawa. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa saka sumunod sa kanila sa kama. I sat on the edge of the bed. "It means that Kuya Milo and Kuya Rence are gonna be here tomorrow too?" he excitedly asked, eyes are sparkling. "Yes, baby." Agad na tumingin si Theo kay Gabriel nang may ngiti sa labi. "Did you hear that, Gabriel? Kuya Rence and Kuya Milo will be here tomorrow" saad nito sa kakambal. Gabriel nodded his lips while smiling widely. "Y-Yes." Grabe naman itong anak ko, parang ang tagal nilang hindi nagkita kung maka-react siya ng ganito. Sabagay, nasanay na siya na laging nandito sila Rence at Milo sa mansyon noon. Nang na
"She said she's your friend?" Alex asked as he maneuvered the car. "Oo..." hinarap ko siya, "May naikwento ba ako tungkol sa kanya sa'yo noon?" Tumingin saglit sa akin si Alex, "Wala naman akong maalala na kinukwento mo tungkol sa babaeng 'yon." "Mommy, can we buy pizza and fries?" si Theo na nasa likurang upuan. "M-Me too" segunda naman ni Gabriel. Pauwi na kami galing sa bakery shop at nadaanan namin ang isang fast food restaurant. "Kaunti lang kainin niyo, ha? Kakain pa tayo para sa dinner" paalala ko. "Yes po, mommy." Dumaan muna kami sa drive-thru para bumili ng fries at pizza para sa mga bata. Kaunti lang ang binili ko para makakain pa sila ng pang-dinner. Mawawalan sila ng gana kung kumain sila ng maraming fast food. Pagkaabot ni Alex ng mga in-order namin ay binigay na niya ito sa mga batang makukulit na nasa likod. Sinunod naman nila ang sinabi ko na kaunti lang ang kainin nila. Pagkauwi nga namin sa mansyon ay marami pang natira sa in-order namin. "Mommy, I'm done"